Share

Chapter 2

Room

Pagod akong umupo sa desk ko ng makabalik kami dito sa kompanya. Nakakapagod ang magbyahe at magpabalik-balik lalo na pag-naiipit pa sa traffic. Kinuha ko kaagad ang baso na binigay sakin ni Chase at itinapat sa water dispenser. Guminhawa ang pakiramdam ko at nabawasan din ang init sa katawan ko ng makainom ako ng malamig na tubig. Matapos uminom ay nagpahinga ako saglit.

Mabuti na lang at malamig dito sa labas ng office ni Mr. Dela Fuente, mayroon kaseng aircon na talagang pinasadya para sa mga secretary para hindi mainit. Nagpalipas ako ng isang minuto bago ko napag-pasyahang ipagpatuloy ang mga tatapusin ko sa araw na ito. Kinuha ko ang tumpok ng mga papel na kailangang pirmahan ni Boss. Kumatok ako sa opisina n'ya ng tatlong beses bago pumasok.

"Sir you need to sign these papers." Agad kong inilapag sa mesa n'ya ang mga papeles na kailangang pirmahan.

Hindi naman marami iyon at kayang kayang tapusin bago matapos ang working hour. Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya at sinimulang basahin ang mga papers na nasa desk n'ya. Ini-excuse ko ang sarili ko at lumabas ng office n'ya. Tatawag naman iyon pag tapos na nito ang mga papeles na pinapirmahan ko. Hindi na rin naman ako umasa na tatawag pa ito sa intercom dahil siguradong binabasa pa nito ang mga dokumento.

Iyon ang maganda kay Mr. Dela Fuente dahil hindi ito bumabase sa kung ano ang maipaliwanag ko dito regarding sa mga dokumento, gusto nitong mayroon din s'yang insight sa mga ito. Itinutok ko uli sa monitor ang paningin ko. Binuksan ko ang email ko at tinignan kung mayroong bang mag papa-sched ng meeting or wala. Unfortunately merong isa.

Sunod ko namang binuksan ay ang mensahe galing sa isang nagngangalang Judith. Tinignan ko ang email at nalamang organizer pala iyon ng isang sikat na kompanya. Tinignan ko ang details at isinulat sa notebook ko. Nagreply na lamang ako na ipadala ang invitation dito sa kumpanya para maibigay mismo kay mr. Dela Fuente. Bukas ay sasabihin ko ito sa kanya, sa sabado na ang party at exclusive iyon para sa mga bachelor's na kagaya ni Mr. Dela Fuente.

Matapos mabasa ang mga notification and messages na natanggap ko sa email ko ay muli kong tinuon ang atensyon sa mga papeles na nakakalat ngayon sa desk ko. Ilang oras din ang naigugol ko sa pagtapos sa mga papeles na nasa desk ko, sumasakit na ang likod ko at medyo nananakit na ang mga mata ko. Busy ako sa pagtytype ng message sa PC ko ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Agad ko na lamang iyon sinagot at hindi na tinignan ang tumatawag. Mabuti na lamang at naiwan ko pala ito sa tabi mismo ng PC ko.

"Hello?" bungad ko sa nasa kabilang linya. Sinend ko na ang reply ko sa G***l ng organizer bago ko naituon sa cellphone ko ang pansin.

"I'm here." Baritonong boses agad ni Chace ang narinig ko. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumingin sa orasan. 8:45 na pala at kanina pa tapos ang trabaho ko.

"Magliligpit lang ako." Sabi ko sa kan'ya.

"Ok." Iyon lang ang sinabi n'ya bago patayin ang tawag.

Mabilis akong nagligpit ng gamit ko. Maingat ang naging pagsinop ko sa mga papeles at naglagay na rin ako ng label para hindi ako mahirapang maghanap bukas. Nang maayos na ang mga papeles ay siniguro kong malinis at maayos ang desk ko para bukas, sakto namang habang naglilinis ako ay kalalabas lang din ni sir sa office n'ya.

Binati ko lamang s'ya at as usual ay wala nanaman itong kibo sa akin. Hindi n'ya ako tinignan kahit pa na nakatingin ako sa kan'ya. Abala s'ya sa pagtingin ng cellphone n'ya kaya inabala ko rin ang sarili ko sa paglilinis ng desk ko. Narinig ko ang pagtunog ng elevator ng sumara iyon. Sakto namang tapos na ako sa paglilinis. Kinuha ko ang bag ko at dumiretso na sa elevator. Naghintay lamang ako saglit dahil kabababa lamang niyon sa first floor. Mabuti na lang at tumuon ang pansin ko ng marinig na tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa bag.

Faith Calling...

Agad ko iyong sinagot ng makitang si Faith ang tumatawag.

"Hello?"

"Liyan! Kamusta kana?" Agad n'yang bungad sakin ng sagutin ko ang tawag n'ya.

"I'm fine Faith, medyo pagod lang sa work." ani ko habang pinipindot ang 1st floor button. Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya sa kabilang linya na kaagad kong ikinakunot ng noo.

"Asan kaba? pinuntahan kita sa condo mo wala ka." Curious kong tanong sa kan'ya. Hindi kase ito nagpaalam at ni isang message ay wala akong natanggap kung nasan man ito nagpunta.

"I'm here in Singapore." Gulat akong napanganga sa narinig. Bakit nasa Singapore ang babaeng ito?

"Anung ginagawa mo jan?" Halos sigaw ko na sa kan'ya.

"Aray--- Chill! Wag ka namang sumigaw pwede? Nandito ako kase may pinapa asikaso si daddy." Mahinahon na ani n'ya sa kabilang linya.

"Bakit? anu bang nangyare?"

"Nagkaproblema kase yung kompanya ni daddy dito. Hindi naman s'ya makaalis kase mayroon pa s'yang inaayos sa tagaytay. Kasama n'ya si mommy kaya no choice ako." aniya na kinatango-tango ko.

"So kelan ka umalis?" tanong ko uli sa kan'ya habang nakatingin sa number sa itaas ng elevator.

"Nung isang araw lang. Hindi ko kaagad nasabi sayo kase nabusy ako." aniya na ikinatangi-tango ko kahit hindi ko naman s'ya kaharap.

"Anyway change topic tayo." naiirap ko kaagad ang mga mata ko. Alam ko na kung anu nanaman ang gusto n'yang pag usapan.

"KYAHHHH!!!" mabilis kong nailayo ang cellphone ko sa tenga ko ng basta basta nalang s'yang sumigaw.

"Faith!!" inis kong tawag sa pangalan n'ya. Naiirap ko uli ang mga mata ko ng tumawa lang s'ya.

"May nameet akong gwapo, gosh!!! Hiningi pa yung number ko." aniya na kinikilig pa.

"Oh, Edi jowain mo na." mabilis kong sagot sa kan'ya. Bumukas ang elevator at agad akong lumabas. Dumiretso kaagad ako sa guard at naglog-out lang ako saglit.

"Ingat po sa pag uwi ma'am." Ani ng guard. Tumango lamang ako sa kan'ya at pinagtuunan uli ng pansin ang kausap ko.

"Anu kaba. Hindi pa nga nanliligaw ea, jowain na agad?"

"Oh, ea hiningi yung number mo ea. Malamang magtetext yon sayo." Ani ko habang hinahanap ang sasakyan ni Chase.

"For sure yan. Isa kase s'ya sa mga stock holders ni daddy at---" Agad kong pinutol ang dapat sanay sasabihin n'ya.

"Binabawi ko na. Wag mo na palang jowain. For sure may asawa't anak na yan. Masasaktan ka lang." Mabilis na alintana ko sa kan'ya.

"Ikaw talaga kahit kelan panira ka. Ayaw mo ba akong magka jowa?" nahihimigan ko ang pagtatampo sa boses n'ya.

"Ikaw naman. Concern lang ako sayo ano." Nakita kong kumaway si Chase sa akin. Nakasandal s'ya sa kotse n'ya habang inaantay akong makalapit. Nakita ko kaagad ang pagkunot ng noo n'ya ng makitang nasa tenga ko ang cellphone ko.

"Oo na, pero sana wag mo naman pangunahan. Advance ka rin ea no?" aniya na ikinatawa ko.

Agad kinuha ni Chase ang bag ko ng makapalit ako. Pinagbuksan n'ya ako ng pinto at agad naman akong pumasok. Sinundan ko ang pag ikot n'ya papunta sa driver's seat. Sinuot ko kaagad ang seatbelt ko at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Faith.

"Hindi naman over yon noh. Malay mo kase totoo pala yong sinasabi ko."

"Hindi yon totoo. Single pa yon at dalawang taon lang ang agwat n'ya sa akin. Alam ko rin kung saan s'ya nakatira at---"

"So ini-stalk mo s'ya?" pagpuputol ko uli sa sasabihin n'ya.

"Hindi noh!..." aniya na parang galit.

"Slight lang." natawa ako sa huli n'yang sinabi.

"Ewan ko sayo. Kung ano ano na lang ang ginagawa mo, mamaya makulong kapa sa kaka-stalk mo." Ani ko sa kan'ya.

"Hindi no. Mahuhumaling na yon sakin bago n'ya pa ako mapakulong." Napailing iling na lang ako sa mga sinasabi n'ya.

"Anyway, bye na muna. Nagtext sakin si Papa, mag vi-video call muna kami." Ani n'ya. Agad akong nagpaalam sa kan'ya bago ko patayin ang tawag. Isinilid ko kaagad ang cellphone ko sa bag at tumingin sa daan.

"Who's that?" tanong agad sa akin ni Chase.

"Si Faith. Tanda mo pa s'ya?" tanong ko sa kan'ya. Agad kumunot ang noo n'ya na tila inaalala kung sino iyong Faith na tinutukoy ko.

"Faith Cuevas. Daddy n'ya si Francis Cuevas." Tumango s'ya na tila naalala na kung sino si Faith.

"Mike's ex right?" tumango ako sa kan'ya ng tanungin n'ya iyon.

"Mike's actually looking for her these past few days." Kaagad na nalukot ang noo ko ng marinig iyon.

Anu pa bang kailangan ng lalaking iyon kay Faith? Halos mag iisang taon na rin ang nakalipas ng maghiwalay sila. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin s'ya mapatawad sa ginawa n'ya sa kaibigan ko. I hate him! at ang kapal naman ng mukha nitong hanapin pa si Faith. For what? ano pa bang gusto ng gagong 'yon sa kaibigan ko? Hindi paba sapat 'yong mga ginawa nitong katarantaduhan sa kaibigan ko?

"Bakit daw?" curious kong tanong.

"Apparently, Mike wants to be with Faith this time." Hindi ko mapigilang sarkastikong tumawa.

Sinong ginagago n'ya? Ano yon? naka-sched ang pagkagusto n'yang makasama ang kaibigan ko? Faith has been asking for his attention noong sila pa. She's just too inlove with that jerk to the point na nagbulag-bulagan na s'ya sa lahat ng ginagawa nito. For goodness sake! wala pa nga silang one year ay nakuha na agad nitong magloko? At ngayon ay gusto nitong maging sila ulit ni Faith?! How dare him!

"Tell him to fuck off. Sabihin mo rin na wag na wag n'yang guguluhin pa si Faith." inis kong sinabi sa kan'ya.

"You really hate him that much, huh?" amuse n'yang tanong sa akin. Kinunutan ko s'ya ng noo.

Sino bang hindi magagalit sa lalaking iyon? Faith has been loyal to Mike for almost 6 months of their relationship. But si Mike? Baka masampal ko pa sya kapag nakita ko ulit s'ya. He's been an asshole. Ni hindi n'ya man lang iniisip ang nararamdaman ng kaibigan ko bago s'ya magloko ng dalawang beses.

"Sino bang hindi mamumuhi sa lalaking iyon? Sa tuwing naririnig ko pa nga lang ang pangalan n'ya ay gusto ko na s'yang pagsasampalin." Hindi ko itinatago ang galit ko kay Chase, alam kasi nito ang nangyare sa kaibigan ko.

"Yeah. Hindi ko pinagsisihan na sinuntok ko s'ya sa harapan ng maraming tao." Napatingin ako kay Chase ng sabihin n'ya iyon.

Tandang-tanda ko pa kung bakit n'ya iyon nagawa. Well he deserves it. Muntikan ko na nga s'yang sampalin noon dahil sinusubukan n'yang makipag flirt sa akin sa harapan mismo ng kaibigan ko. Anong akala n'ya sa akin? Easy to get? I still have my dignity, at hindi ako kailan man papatol sa boyfriend or ex-boyfriend ng mga friends ko.

"Let's change our topic. Ayokong pag-usapan ang lalaking iyon." Ani ko na kaagad naman n'yang sinangayunan.

"What do you want me to cook for you?" Tanong n'ya sa akin.

Agad naman akong nag-isip kung anung gusto kong ulamin. Bigla ay nagcrave ako sa sisig. Hindi na ako nakakakain niyon at namimiss ko na rin. Iniisip ko pa lamang ang sisig ay natatakam na ako, mabuti nalang at masarap magluto si Chase. I don't know kung bakit n'ya inaral na lutein iyon pero mas mabuti na rin na inaral n'yang magluto. S'ya rin kase ang inuutusan kong magluto pag tinatamad ako o hindi kaya ay pagod ako.

"Nag crave ako sa sisig." Ani ko sa kan'ya.

"Pwede naman nating ipaorder na lang iyon para hindi kana mapagod sa pagluluto." suggest ko sa kan'ya.

"We don't need to order it. Ako na ang magluluto." Final n'yang sabi sa akin.

Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita. Malapit lang naman ang condo ko sa trabaho ko kaya hindi naman naging matagal ang byahe namin. Kaagad namang nakahanap ng parking space si Chase dahil konti palang ang naroroon, mabilis kong inalis ang seatbealt ko.

"Naitapon mo na ba iyon bulaklak?" Tanong sa akin bigla ni Chase ng makasakay kami sa elevator. Tumingin ako sa kan'ya at naalalang nakalimutan ko nga palang kunin ang bulaklak sa desk ko sa kakamadali kong makababa.

"Hindi. Bakit ko naman iyon itatapon?" Takang tanong ko sa kan'ya.

"So, you're going to entertain that anonymous guy, huh?" Halata ang iritasyon sa mukha n'ya ng magsalita sya.

"Hindi. Sino bang nagsabing ieentertain ko s'ya?" Tanong ko uli sa kan'ya.

"Then throw it. Kung gusto mong makatanggap ng bouquet, ako na mismo ang magpapadeliver non sayo araw-araw." Aniya na nagpakunot noo sa akin.

"Anu bang problema mo?" Tanong ko sa kan'ya. Hindi n'ya ako sinagot at umiling-iling lamang habang iritado pa rin ang mukha.

Hindi ko s'ya maintindihan. Anu bang ikinaiirita n'ya? Dahil ba sa hindi ko itinapon iyong bulaklak? ea bakit ba big deal para sa kan'ya ang hindi ko pagtapon niyon? Bumuntong hininga ako at hindi na lamang umimik. Bumukas ang elevator at nauna pang lumabas sa akin si Chase. Nang makapasok sa condo ko, alam na nya kase ang password ng lock sa door ko. Tahimik n'yang hinubad ang sapatos n'ya at ipinatong sa sofa ang coat n'ya. Dumiretso kaagad s'ya sa kusina habang ako naman ay dumiretso na sa kwarto ko.

Nagpalit lamang ako ng pajama at maluwang na t-shirt. Paglabas ko'y dumiretso ako sa sofa at napag-isipang manood na lamang muna habang inaantay na matapos s'yang magluto. Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa ko dahil sa pinapanood na comedy movie ng lumabas si Chase sa kusina.

"Let's eat." Aya n'ya.

"Mamaya na, tatapusin ko na lang ito." Sabi ko at pinagtuunan uli ng pansin ang tv ng bigla na lamang iyong namatay. Kunot ang noong babalingan ko sana s'ya ng tingin ng bigla na lamang akong umangat sa ere. Sa sobrang gulat ko'y napahiyaw ako at napakapit sa batok n'ya.

"Bakit kaba nanggugulat?" Inis na tanong ko sa kan'ya.

Ngumisi lamang s'ya sa akin habang naglalakad papunta sa kusina. Inilapag n'ya ako sa upuan at nakita kong handa na ang pagkain. Maging ang mga plato at kutsara ay nakahanda na. Mayroon na ring tubig doon. Nahiya ako dahil wala akong naitulong. Umupo sya sa harapan ko.

"Let's pray." Aniya at nagpray na. After non ay akma na sanang kukuha ako ng kanin ng naunahan n'ya ako. Tuloy ay s'ya na ang nagsandok ng kanin at ulam sa plato ko.

"Thank you." Ani ko bago ko simulan ang pagkain.

Hindi ko mapigilang maparami ng pagkain. Ang sarap ng luto ni Chase sa sisig. Ganado akong kumain at maging sya rin naman. Walang umimik sa aming dalawa hanggang sa matapos kaming kumain. Ako na ang nagpresintang maghugas dahil s'ya na ang nagluto. Pagkatapos kong maghugas ay dumiretso ako sa sala. Naabutan ko s'yang nanonood doon. Umupo ako sa tabi n'ya.

"Uuwi kana? Hatid na kita sa labas." Sabi ko habang nakikinood na rin.

"I'm going to sleep here. Tinatamad na akong magdrive pauwi." Aniya na nakapag-patanga sa akin.

Tumayo s'ya sa kan'yang pagkakaupo sa sofa ko at naglakad papunta sa kwarto ko. Bago n'ya pa mapihit ang seradura ng pintuan ko ay tumigil s'ya at humarap sa akin.

"If your not going to throw that bouquet, then I'll do it for you." Aniya at binuksan ang pintuan ng kwarto ko at pumasok. Habang ako naman ay naiwang nakanganga dahil iisa lamang ang kwarto at kama ko dito sa condo.

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status