Share

Chapter 6

Let's Talk.

Humihikab pa akong lumabas ng kotse ni Hanna matapos ako nitong ipahatid sa driver n’ya. Gustuhin ko man sanang magpaalam kay Athan bago ako umalis kanina ay minabuti kong wag na. He’s still sleeping at alam kong mamaya pa ang gising.

Nakakatuwa dahil kahapon ko lamang nakilala ang bata pero parang ang tagal na naming magkakilala. Ngayon palang ay namimiss ko na agad si Athan. I should buy him toys, at tatawag na rin ako kay Hanna to check up on them. Miss na miss ko ang babaeng iyon at sino nga namang mag-aakalang uuwi itong may-anak na.

Napailing nalang ako sa naiisip ko, tinignan ko ang oras sa suot kong relo. I’m ten minutes late, but it’s okay. Siguro kung hindi ko lang nalaman ang naranasan ni Hanna sa pamilya ni Mr. Dela Fuente, siguro ngayon ay lakad-takbo na ang nagawa ko makaakyat lang sa office ni Mr. Dela Fuente.

“Good morning Ma’am, late po ata kayo?” Iyon agad ang bungad sa akin ni manong guard habang nag log-in ako sa log book nito.

“Malayo pa po kase ang binyahe ko, may kinita pong kaibigan.” Sagot ko rito, tanging tango lamang ang sinagot n’ya sa akin. Dumiretso kaagad ako sa elevator at pinindot ang floor namin ni Mr. Dela Fuente.

Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil nakarating agad ako sa floor namin. Ang notebook ko kaagad ang una kong hinagilap sa desk ko bago ilapag ang bag ko at dumiretso sa office ni Mr. Dela Fuente. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.

As usual ay wala nanaman itong reaksyon nang makita ako. Kalmado akong lumapit sa desk n’ya at hinanda na kaagad ang ngiti ko.

“Good morning Mr. Dela Fuente. I’m sorry for being late. Anyway, you have two meetings for today regarding sa patapos na nating branch sa Tarlac at three o’clock in the afternoon, then at 5:50 pm, you have a meeting with Mr. Jackson. Regarding sa suit na isusuot nyo po para sa party sa sabado, I already called your favorite boutique and made an appointment.” Mahabang alintana ko habang sinusuyod ng mga mata ko ang notebook na naglalaman ng mga schedules ni Mr. Dela Fuente.

“Is that all?” Mabilis ang naging pagtingin ko kay Mr. Dela Fuente dahil sa tanong n’ya.

“No, sir. Actually may mga paper’s na dumating kanina galing sa tatlong department. They wanted you to pick a design, maybe three to five designs. The other two was a document that needs your signature.” I reply again and close my notebook.

“Okay.” Mailing tug nito sa akin.

“I’ll bring them here.” Paalam ko sa kan’ya at tumalikod na. Akmang maglalakad na sana ako nang muli akong mapatigil dahil sa sinabi n’ya.

“Chase was looking for you yesterday. Asking me if nandidito ka paba sa taas.” He said. Kaagad akong tumingin kay Mr. Dela Fuente at nakitang abala na ito sa harap ng laptop nito.

“Thank you for reminding me Mr. Dela Fuente. I’ll reply to his text later.” Iyon lang ang sinabi ko at lumabas na. Nakasimangot akong lumabas sa office ni Mr. Dela Fuente at hindi na masyadong inisip ang sinabi n’ya. I forgot, mayroon nga palang Chase na panay ang text sakin kagabi.

I rolled my eyes dahil naalala ko nanaman ang ginawa nito sa akin. Mabuti nalang at naayos ko na ang mga documents kahapon bago ako umalis. Kaagad kong binitbit ang mga documento papunta sa loob ng office ni Mr. Dela Fuente.

Hindi kagaya kanina ay hindi na ito nagbigay pa sa akin ng pansin. Diretsong nakatutok ang mga mata nito sa screen ng laptop n’ya. Hindi na rin naman ako nagtagal na doon dahil nilapag ko lang saglit ang mga dokumento at lumabas na. Diretsong lakad ang ginawa ko hanggang sa makaupo ako sa chair ko.

Malalim ang naging buntong hininga ko at inuna na lamang muna ang pagtatrabaho. Nag-focus ako sa pagtatrabaho dahil ayokong masira kaagad ang araw ko, aaminin kong naiinis pa rin ako kay Chase. I know he has his reasons. I know I should understand him dahil katulad din s’ya ni Mr. Dela Fuente, pero siguro dahil sa pagod at stress pati na rin sa gutom ay talagang sumabog ako. All day, I waited for his answer, I waited for him to call me and explain his side of why he did that, but in the end, I didn’t get any calls or texts from him. 

One of the reason kung bakit ayoko muna s’yang kausapin ay dahil baka ano lamang ang masabi ko sa kan’ya. Kapag ganoong mainit talaga ang ulo ko ay kung ano nalang ang nasasabi ko. That's why I didn’t reply to his texts and calls. I wanted to give my self time to calm down. Ayokong pagsisihan lahat ng sinabi ko sa kan’ya dahil lang sa inis ko.

Buong umaga ay tanging mga papeles ang inatupag ko. Hindi ko namalayang lunch na pala kung hindi pa kumalam ang sikmura ko. Kaagad kong tinignan ang oras sa relo ko. Kanina pa pala lunch, hindi ko lang namalayan. Mabilis kong dinial ang number sa telecom na nakakonekta sa telecom ni Mr. Dela Fuente.

“Sir? The usual?” Iyon lang ang tanging sinabi ko.

“Yes.” Tipid nitong sagot at kaagad na pinatay ang tawag.

Kaagad kong inorder ang lunch ni Mr. Dela Fuente at naghintay lang saglit na maideliver sa office n’ya. Mabuti nalang at hindi naman ako gaanong naghintay ng matagal. Ito ang isa sa mga gusto ko sa Cuciña Deliziosa, ang mabilis na serbisyo nila. Dahil doon ay nagkakaroon pa ako ng oras para makakain at makapag-pahinga bago muling sumabak sa trabaho.

Matapos kong mahatid ang lunch ni Mr. Dela Fuente ay kinuha ko na ang wallet ko para makababa na. Gustuhin ko mang dito na sa canteen maglunch pero dahil sa nasa itaas pa ang floor ko ay palagi kong pinipiling doon nalang sa desk ko kumain.

“Manang one rice, dalawang shanghai at isang order ng kilawin. Samahan mo na rin ng coke at tubig please.” Kaagad na tumalima si manang Helen sa order ko.

Nagbayad lang ako saglit sa kan’ya bago kunin ang lahat ng naorder ko. Humihikab pa akong dumiretso sa elevator para magpahatid sa taas. Mabuti na lang rin at halos karamihan sa mga empleyado ng kumpanyang ito ay sa canteen na kumakain. Kaonti lang ang pinipiling kumain sa mga desk or office nila.

“Liyan!” Kaagad akong napalingon sa babaeng tumawag sa akin.

Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita si Jaime kasama ang mga kaibigan nito. Iisang department lang ang grupo ni Jaime na palaging nakakasabay ko sa elevator. She’s one of my college friends dati sa university. She was also close to Hanna and Faith dahil mas nauna nila itong naging kaibigan kesa sa akin.

“Uy, Jaime. Kamusta?” Magiliw ang naging tanong ko sa kan’ya.

“Heto, haggard at stress. Anyway, kamusta kana? Hindi ko nakita si Chase kahapon ah?” Kaagad na nawala ang ngiti ko ngunit hindi ko ito pinahalata, ngumiwi ako bilang kapalit.

“Busy.” Maikling tugon ko sa kan’ya.

“Ganon ba? Hahaha, eto kasing si Klea ea, pinipilit akong kunin yong number ni Chase. May number kaba n’ya?” Sabi n’ya.

Kaagad na umangal ang sa tingin kong si Klea na tinutukoy ni Jaime. Halata ang pamumula ng pisngi nito habang pilit na tinatago ang sarili sa akin. Tinukso ito ng iba pa nitong mga kaibigan dahil sa narinig. Tumitig ako kay Klea. She’s cute at mas maliit sa akin ng kaunti. Bumagay dito ang bangs nito at bagsak ang hanggang balikat nitong buhok. She tried to look at me pero nang makita ako nitong nakatingin ay umiwas kaagad ito sa akin.

“Yes, I have his number. Though hindi ko dala yong phone ko. Naiwan ko sa desk ko sa taas.” I reply to Jaime. Muli nanamang tinukso ng mga kaibigan nila si Klea. Bakas ang malawak na ngiti nito sa narinig.

“No worries, I can just text or message me you sa messenger.” Si Jaime na pursigido talagang makuha ang number ni Chase.

“Yeah, do that. Baka makalimutan kong masend mamaya. You know, busy sa work.” I tried to sound funny. Mabuti nalang at tumawa naman ang mga ito.

“Sige, I’ll text you later, see you, bye!” Si Jaime at sabay sabay silang lumabas ng elevator dahil nasa floor na nila kami. I just wave my hand and smile at them. Nang sumara ang elevator ay kusang nawala ang ngiti ko. Sumama kaagad ang mood ko dahil narinig ko nanaman ang pangalan ni Chase.

Why would good girls always falls for bad boys?

Chase was once a playboy. He used to treat girls as trophies, all he wanted was just their body and beautiful face. Klea was decent and she looks so innocent. Napapailing nalang ako sa mga tipo nila.

I can’t deny it. Chase has a foreign feature. Tito Charles is Half British and Half American, while Tita Janice is a pure Filipina. Chase is just like a carbon copy of his Dad. His looks came from his father, and Tito Charles is proud. 

Malalim akong napabuntong hininga at pumikit saglit. Narinig kong tumigil ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na ako. Habang hinihintay kong bumukas ang elevator ay naramdaman ko bigla ang pananakit ng aking batok, minasahe ko ito habang palabas ako ng elevator. Akmang didiretso ako sa desk ko ng mapansin ko ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki.

Hindi ko na kailangang kumpirmahin pa kung s’ya nga iyon dahil humarap na ito sa akin. I can see him holding two large paper bags, alam ko na agad ang laman niyon. I just rolled my eyes and continued to walk. Nilagpasan ko ito at dumiretso sa desk ko. Kaagad kong nilapag ang binili kong lunch ko sa mesa.

“I’ve been trying to reach you since yesterday. Why are you not answering?” Tumaas ang kilay ko sa naging tono ni Chase.

He’s mad. Wow! May gana pa itong magalit sa akin samantalang ito naman ang may kasalanan kung bakit hindi ko s’ya pinapansin.

Gusto ko s’yang sumbatan, but I didn’t do that. Instead ay nagbingi-bingihan ako. I pretended na wala akong naririnig, na hindi ko s’ya naririnig na nagsasalita sa tabi ko. I ignore his questions and proceed to organize my food dahil gutom na ako.

I hear his sight, hindi ko pa rin s’ya pinansin. I started eating nang hindi pa rin s’ya sinasagot. Akala ko ay magsasalita pa ito ulit ngunit bigla nalang itong umalis sa harapan ng desk ko. I didn’t bother looking at him, kung san man s’ya pupunta, wala akong pakeelam.

Akala ko ay tuluyan na itong aalis sa floor namin, ngunit kumunot na lang ang noo ko ng marinig ang monoblock sa tabi ko. Kaagad n’yang inilapag ang dala n’yang paper bags sa desk ko at sinubukang kuhanin ang pagkain ko. Masama kaagad ang tingin kong pinukol sa kan’ya habang inilalayo ang lunch ko.

“Huwag yan ang kainin mo, I brought you some food.” He said as if nothing happened between us. I just rolled my eyes at nagpatuloy sa pagkain. Muli ko nanamang narinig ang pag-buntong hininga n’ya.

"Fine, let's talk. I know you are mad, but please? Hear me out. I had my reason, but I know my reasons will not satisfy your anger." He said habang nakatingin pa rin sa akin. Tumigil ako sa pagsubo. Hindi ko na alam kung anong lasa ang nakakain ko dahil ang tanging nasa isip ko na lamang ngayon ay marinig ang explanation nito sa nangyare kahapon.

I placed my plastic spoon and fork sa gilid ng paper plate ko, I still refuse to look at him pero alam kong alam na rin n’ya na handa na akong makinig sa kung ano mang sasabihin n’ya.

Umupo s’ya sa monoblock na kinuha n’ya, akala ko ay magsasalita na ito ngunit inilabas na nito ang mga pagkaing dala n’ya sa paper bag. Hindi ko man gustong maakit pero traydor ang mga mata ko pagdating sa mga pagkain. Kaagad na sumunod ang mga mata ko sa bawat pagkaing inilalabas ni Chase sa paper bag. Nang matapos nitong mailabas ang mga pagkain ay kinuha nito kaagad ang binili kong lunch para sa akin at akmang ipapalit nito ang mga pinamili nitong pagkain ng pigilan ko s’ya.

Pinaningkitan ko s’ya ng mga mata dahil gusto ko nang marinig ang rason kung bakit wala itong paramdam kahapon. Muli itong bumuga ng hininga tanda na sumusuko na ito. Hinayaan n’ya na lang ang binili kong lunch sa harapan ko at ibinigay na sa akin ang buong atensyon. 

“Remember Mikaela?” Panimula n’ya. I didn’t respond nor gave him a nod. Basta ay nakatingin lang ako sa kan’ya.

“She was my new secretary, I hired her out of pity, but she’s the one to blame for why I didn’t show up yesterday.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status