Share

Kabanata 2

Author: inKca
last update Last Updated: 2024-10-02 12:00:09

Kasalukuyang nagsasalo sa hapunan ang pamilya ng Ricafort. Kasama nila si Samantha na mukhang enjoy na enjoy sa mga pagkaing nakahain sa mesa.

Masayang nag-uusap ang lahat maliban kay Brandon na seryosong seryoso ang hitsura at mukhang walang gana sa pagkain.

Hindi mawala sa isipan niya si Amery. Iniisip niya ang pagsama nito kay Anton Madrigal at ang hindi nito pagdadala ng mga personal na gamit kasama ng dalawampung milyon at villa na ibinibigay niya.

“Nasaan nga pala si Amery? Hindi ba siya bababa para samahan tayong maghapunan ngayong gabi?” tanong ng ama ni Brandon na may himig pagtataka.

“We’re divorced,” sagot naman ni Brandon habang nakababa ang tingin. “We’ll handle the formalities and get the divorce certificate soon.”

“Divorced? Why?!” nabibiglang tanong ni Don Emilio.

“Honey, sinabi ko naman sa’yo… hindi nababagay si Amery sa anak natin. Ang Papa lang naman ang nagpumilit na ikasal sila.” Napabuntong-hininga pa si Senyora Carmela habang nagpapaliwanag. “Tama na ang pagtitiis ng batang ‘yon. Ngayong willing na si Amery na makipaghiwalay, gagaan na ang buhay nilang dalawa ni Brandon. After all, alam naman nating lahat na si Samantha naman talaga ang nilalaman ng puso ng anak natin.” Napangiti pa ang ginang sa huling sinabi sabay tingin kay Samantha na kasalukuyang malaki ang pagkakangiti.

Hindi naman iyon pinansin ni Senyor Emilio, bagkus ay hinarap pa rin nito si Brandon.

“Hindi laro ang kasal, hijo… lalong lalo na kung ang pag-uusapan ay si Amery.”

Napakamot si Brandon sa kanyang kilay. "Pirmado na namin ang divorce papers, Dad. Isa pa, umalis na rin si Amery na walang dala kahit isang kusing.

"Oh, at least may gulugod naman pala ang probinsyanang 'yon." singit na naman ni Senyora Carmela. "Hindi kaya nagpapaawa lang siya? Hay naku! Sana lang hindi niya tayo i-tsismis na hindi natin siya pinakitunguhan nang maayos."

Nagdilim ang mukha ni Brandon dahil sa sinabi ng kanyang ina.

"Hindi kaya nagmamadali kang masyado, Brandon? May sakit pa ang lolo mo… paano mo ito ipapaliwanag sa kanya?" Bakas ang pag-aalala sa tinig ni Don Emilio. Natatakot kasi siyang ikagalit ng matanda ang desisyon ni Brandon.

"Sasabihin ko sa kanya ang totoo. Besides, next month na ang engagement namin ni Samantha at magpapakasal kami sa lalong madaling panahon."

Nang dahil sa narinig ay rumehistro ang malaking ngiti sa mukha ni Samantha at tinitigan ang gwapong mukha ni Brandon.

"You're being ridiculous! Itatapon mo na lang ba ang tatlong taong pinagsamahan n'yo? Masisira ang reputasyon mo!"

"The hell I care. Hindi si Amery ang gusto kong maging asawa." matigas at deretsong sagot ni Brandon. Walang pagsisising mababakas sa kanyang tinig.

"Tito Emilio, huwag n'yo na pong sisihin si Brandon. Kung mayroon man po kayong dapat sisihin, ako po 'yon." malumanay na sabi ni Samantha.

---

Kung mayroon mang mga bagay na inaayawan si Brandon kay Amery, iyon ay ang pagiging plain looking at walang kadating-dating na hitsura nito. Masyado siyang conservative sa pananamit at pananalita at de-numero ang mga kilos.

Sa tatlong taong pagsasama nila, isa lang ang napansin niyang quality nito… iyon ay ang pagkamasunurin. Hindi siya marunong humindi. Parang kahit ano yata ang ipagawa ng pamilya ni Brandon sa kanya, sinusunod niya. Hindi man lang marunong magreklamo si Amery.

Pero naisip ni Brandon, para saan ba ang mga iyon? Kahit ano naman kasing gawin ni Amery, hindi pa rin ito ang gusto niyang maging asawa.

Isang gabi ay nagpasyang maglakad-lakad sa gilid ng dagat sina Brandon at Samantha. Tahimik silang lumalanghap ng sariwang hangin sa ilalim ng liwanag ng buwan nang may pumukaw sa kanilang atensyon.

Nakarinig sila ng ingay ng sunud-sunod na putok ng fireworks. At nang tumingala sila sa langit, nakita nilang pumorma ang mga pailaw niyon ng salitang "Happy Birthday!"

"Wow, it turns out someone's celebrating a birthday! Sino kaya siya? Ang swerte naman niya para alayan ng ganoong ka-special na pagbati," bulalas ni Samantha habang manghang-mangha na pinapanood ang firework display. Napabuntong-hininga pa ito na wari'y naiinggit.

Sa pagkakataong ito, pakiramdam ni Brandon ay nanlabo ang kanyang paningin. Hindi rin niya maipaliwanag ang bahagyang pagsikip ng dibdib niya.

Biglang sumagi sa isipan niya si Amery… birthday kasi nito ngayon.

Hindi kaya para sa kanya talaga ang firework display na 'yon?

Hindi kaya iyon ay regalo sa kanya ni Anton Madrigal?

Hindi pa man siya nakaka-recover sa iniisip ay isang tinig na napaka pamilyar ang kanyang narinig.

Nahagip din ng kanyang mga mata ang isang cruise ship na umaandar sa di-kalayuan ng dagat. Pilit niyang inaaninag ang sakay nito na kasalukuyang nasa deck. Magaganda ang mga porma ng lalaki at babae at ganoon na lamang ang gulat niya nang mapagtantong sina Anton at Amery ang mga iyon!

"Oh my! Si Amery 'yon, 'di ba? Sino 'yong lalaking kasama niya? Mukhang malapit sila sa isa't-isa…" tanong ni Samantha na gulat na gulat.

Agad nagsalubong ang kilay ni Brandom at dumilim ang kanyang mukha. Naglabasan ang mga ugat sa kanyang kamay at braso dahil sa mahigpit na pagkaka kuyom ng kanyang palad.

Sinasabi na nga ba niya!

Hindi pa man sila opisyal na hiwalay ni Amery, heto't ang magaling na babaeng iyon ay kating-kati nang palitan siya!

Halos manginig sa galit si Brandon nang makitang nagyakapan sina Anton at Amery.

Naguluhan tuloy siya kung paraan saan pa ang pag-iyak ng babae sa kanya noong nakikipaghiwalay siya rito kung mayroon naman na itong bagong lalaking kinakalantari.

Nakadalawang ikot ang cruise ship sa dagat bago bumaba ang mga turistang naroon. Kitang-kita pa ni Brandon kung paanong pumulupot ang braso ni Anton sa beywang ni Amery habang pababa sila roon.

"Amery!" Biglang tawag ni Samantha sa babae nang tuluyang makababa ang mga ito at naglalakad malapit sa kanila.

Pagkarinig sa kanyang pangalan ay natigilan si Amery at kapansin-pansin ang paninigas ng katawan nito. Mukha itong naging tensyonado. Dahan-dahan lumingon ang babae sa kinaroroonan nila ni Samantha.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
inKca
Hi! Kung iche-check nyo po ang chapters, you'll see na malayo na po ang tinatakbo ng story ko. Makikita n'yo po kung sino po ang nauna sa kwento. :-)
goodnovel comment avatar
Joanna Caleon
silver name at avieri name ng bida
goodnovel comment avatar
Joanna Caleon
ganyan na ganyan din pormat nya iba lng Ang pangalan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 236

    At dahil sa puspusang pagaayos ni Don Alejandro ng pakikipag blind date ng anak, sa wakas ay matutuloy na rin iyon. Kasalukuyang nagpapahid ng make-up sa kanyang mukha si Avrielle sa loob ng kanyang dressing room. Si Ella naman ay nasa labas niyon at abala sa pagrereport ng mga procedures para sa

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 235

    Nang mga sumunod na araw, naging abala si Avrielle sa pagpapatakbo ng hotel. Panay ang meetings nila para kumpletuhin ang wedding planning project upang ito'y maging perpekto. Kasalukuyang kausap ni Avrielle ang kanyang project team nang tawagan siya ni Don Alejandro. "Dad, I'm busy. May problema

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 234

    Biglang nataranta si Senyora Carmela. Ang sinabing iyon ni Senyor Emilio ay tila sumabog sa kanyang pandinig. "Ang personnel appointments ay ibinaba na. Mula ngayon, bukod sa pagiging presidente ng Ricafort Group of Companies, si Brabdin na rin ang deputy chairman ng board of directors." "A-Anong

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 233

    Matapos ang halos isang linggong pagkakakulong, sa wakas ay nakalaya na si Senyora Carmela. Kung hindi nga lang sa mga mamahaling make-up na nilagay niya sa mukha niya, malamang ay kitang-kita ang pamumutla at paninilaw ng kanyang balat. Ang mukha niya na noon ay well-maintained ng kung anu-anong s

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 232

    Pagsapit sa villa, malayo pa lang ay tanaw na ni Avrielle si Ella na nag-iisang nakaupo sa garden. Malayo ang tingin nito na tila may malalim na iniisip. "Bakit nariyan ka, Ella?" agad na tanong niya nang makalapit sa babae. Nasa boses niya ang pag-aalala. Napatingin naman sa kanya si Ella. "I'm s

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 231

    "Base sa may kasamaang ugali ni Sam, hindi raw pwedeng mabuhay ang bata. Pero dahil mahina raw ang katawan niya, at kung sakaling ipapalaglag niya ito, baka raw imposibleng mabuntis pa siya ulit sa susunod. Ang kinakatakot lang niya, sino raw bang marangyang pamilya ang tatanggap sa mamanuganging hi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status