Share

Chased By My Zillionaire Ex-Husband
Chased By My Zillionaire Ex-Husband
Penulis: inKca

Kabanata 1

Penulis: inKca
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-02 11:49:50

Pakiramdam ni Amery ay biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo habang tinititigan ang divorce papers na pirmado na ng kanyang asawa.

Tigmak man sa luha ang kanyang mga mata, nagawa niyang itaas ang kanyang paningin sa may bintana kung saan naroon si Brandon. Ang matangkad at makapangyarihang pigura nito ay halos magmistulang diyos sa ilalim ng sinag ng hapon. Nanlalabo man ang kanyang paningin ay hindi niya maitatangging napakalakas ng presensya nito. Nakatalikod man ang lalaki, ramdam ni Amery na wala itong pakialam sa kung ano man ang nararamdaman niya.

“Pumirma na ako. Huwag mo na rin sanang patagalin pa iyan. Gusto ko, bago bumalik si Samantha rito sa Pilipinas ay natapos na natin ang lahat ng legal procedures,” matigas at seryosong wika ni Brandon. Nanatili itong nakatalikod habang ang mga kamay ay naka-krus sa likuran nito.

“Since we signed a prenuptial agreement, wala tayong magiging problema sa hatian ng properties. Pero para hindi ka naman magmukhang kaawa-awa at walang-wala, I’ll give you a compensation. Bibigyan kita ng dalawampung milyon at iyo na rin ang villa na nasa Palawan. Ako na lang ang magpapaliwanag kay Lolo Simeon ng tungkol sa paghihiwalay nating ito.”

Pakiramdam ni Amery ay sinaksak siya sa dibdib nang marinig ang mga sinabi ni Brandon.

“A-Alam ba ni Lolo Simeon na hihiwalayan mo na ako?” ani ni Amery sa nanghihinang tinig.

“Alam man niya o hindi, wala namang magbabago. Makikipaghiwalay pa rin ako sa’yo.”

Nangatal ang katawan ni Amery. Halos hindi siya makatayo sa kinauupuan kaya napakapit siya sa gilid ng lamesa upang suportahan ang sarili.

“Brandon… p-pwede bang… huwag na tayong maghiwalay?” sa nanginginig na boses ay pakiusap ni Amery.

Sa narinig ay tuluyang napalingon si Brandon. Tuluyan siyang hinarap nito at binigyan ng nagtatakang tingin.

Sa kabila ng nangyayari, nagawa pa ring titigan ni Amery ang mukha ng asawa. Ang manipis na labi, malalim na mga mata at matalim na kilay ay lalong nagpapatingkad sa kagandahang lalaki nito. Hindi niya maikakaila na sa kabila ng lahat, kayang-kaya pa ring pabilisin ni Brandon ang tibok ng puso niya.

“Why?” matigas na tanong ni Brandon.

“D-Dahil… mahal kita.” Muling tumulo ang mga luha sa mata ni Amery. “Mahal na mahal kita, Brandon. Gusto ko pa ring maging asawa mo kahit wala kang nararamdaman para sa’kin~”

“I’ve had enough, Amery!” putol ni Brandon sa kanya. “Hindi mo ba alam na parusa para sa akin ang makasama ka? Hindi kita mahal.”

Magsasalita sana si Amery ngunit kinumpas ni Brandon ang kamay nito upang pigilin siya.

“Una sa lahat, maling-mali na nagpakasal tayo. Alam mong hindi kami okay ni Lolo Simeon at alam mo ring may mahal akong iba. Hindi lang kami pwedeng magsama noong panahon na ‘yon dahil sa ilang kadahilanan. And now that the three-year period is over and Samantha is back from abroad, kailangan mo nang bakantehin ang posisyon bilang Mrs. Ricafort.”

Napayuko si Amery. Walang tigil ang pagbagsak ng kanyang mga luha at tumulo na ito sa kaharap niyang lamesa. Agad niya iyong pinunasan ngunit huli na dahil nahagip na iyon ng paningin ni Brandon at naging dahilan ng pagdidilim ng mga mata nito.

Sa puntong iyon ay tumunog ang cellphone ni Brandon. At nang makita kung sino ang tumatawag ay nagmamadali nitong sinagot ang nag-iingay na aparato.

---

Sa kabilang banda, mula sa malayo ay tinatanaw ni Brandon ang malungkot na anyo ni Amery. Umarko ang gilid ng kanyang labi at pumorma roon ang isang nanunuyang ngiti.

Naisip niyang kahit pala sa ganitong punto, patuloy pa rin ang babae sa pagiging sunud-sunuran sa pamilya nila.

Akala ba niya mapapabago niya ang desisyon kong i-divorce siya?

“That’s ridiculous!” iiling-iling na anas ni Brandon. Pagkuwa’y tumalikod na at naglakad palayo.

Hindi pa man nag-iinit sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair si Brandon ay nakarinig na siya ng malalakas na katok mula sa labas ng study room.

“Senyorito! Senyorito!” nagpa-panic na tawag sa kanya ng butler nang iluwa ito ng pintuan.

Hindi siya nagsalita bagkus ay pinukol niya ito ng nagtatakang tingin.

“Senyorito, umalis si Senyorita Amery!”

Sa pagkabila ay napatayo siya. “Umalis? Kailan?”

“Eh ngayon lang po, Senyorito. Wala nga pong kahit anong dala maliban sa damit niyang suot. Doon po siya sa back door dumaan kung saan may sumundo sa kanyang itim na sasakyan.”

Hindi na nagtanong pa si Brandon at nagmamadaling tinungo ang kwarto ni Amery. Napansin niyang maayos at malinis sa loob. Ganoon pa rin ang ayos maliban sa divorce paper na nasa ibabaw ng bedside table na may mga marka pa ng luha ng babae.

Mabilis niyang tinungo ang bintana upang sumilip sa labas. Gayon na lamang ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay nang makita ang isang Rolls-Royce na mabilis na umaandar palayo. Agad itong naglaho sa kanyang paningin na ultimo ang mga ilaw nito sa likuran ay hindi na makita.

Para kanina lang ay hindi niya kayang iwan ako… tapos ngayon umalis siya na daig pa ang kuneho sa sobrang bilis!

Pakiramdam tuloy ni Brandon ay pinaglaruan siya ni Amery. Sa kanyang pagkainis ay dinukot niya sa kanyang bulsa ang cellphone at tinawagan ang kanyang sekretarya.

“License plate AAM 916. Alamin mo kung sino ang may-ari ng sasakyan na ‘yan!” agad na utos niya.

“Yes, Mr. Ricafort.”

Makaraan ang ilang minuto ay tumawag na ang sekretarya upang ibigay ang impormasyon kay Brandon.

“Sir, ang nagmamay-ari po ng sasakyan ay si Anton Madrigal, ang presidente ng Madrigal Corporation.”

Agad napatanong si Brandon sa kanyang sarili. Ibig sabihin ba ay may koneksyon si Amery sa presidente ng kalaban nilang kumpanya?

Imposible!

Paanong mangyayari na ang isang katulad ni Amery na mula sa liblib na baryo, mahirap, walang masyadong pagkakakilanlan at wala man lang naging kaibigan, ay magiging malapit sa panganay na anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa?
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (8)
goodnovel comment avatar
dyshen Shippers
familiar itong kwento parang yung spoiled wife billionaire ata yun yung kina Silvestre and Cuesta basta mayaman yung babae rin
goodnovel comment avatar
Miley
Hahaha, marami pala naka pansin.. Nabasa ko na din yong other story nito actually hinde pa sya tapos.. Same plot ng story but different names of character... Ang tanong, sino ang tunay nag mamay ari ng story?
goodnovel comment avatar
mim
try entere
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 300

    "Kayong dalawa, ayoko nang makikita pa ang mga pagmumukha n'yo. Magtago na kayo sa saya ng mga nanay n'yo at huwag na huwag kayong magkakamaling magpakita pa rito. Dahil sa susunod, hindi ko na alam kung anong pang magagawa ko sa inyo." "S-Sige po, Sir! Sige po!" sabay na sambit ng dalawang securit

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 299

    Saktong bumuhos ang malakas na ulan nang palihim na tumakas palabas ng mansyon si Chuchay. Bitbit niya ang kanyang teddy bear habang naglalakad siya patungo sa highway upang mag-abang ng taxi. Nang sapitin niya ang Ricafort Hotel, ang suot niyang manipis na puting palda ay basang-basa na. Ngunit

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 298

    Sa sinabing iyon ni Xander ay lalong kumunot ang noo ni Brandon. Naisip niyang kung na-hack man ang network nila, may posibilidad kayang si Avrielle ang may pakana no'n? O baka naman ang mga kapatid na lalaki na naman nito ang gumawa? "Kuya Brandon!" Nasa ganoon siyang pag-iisip nang istorbohin si

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 297

    Nagkalat pa rin sa labas ng Ricafort Hotel ang mga reporters na mula sa iba't-ibang news channels. Matyaga silang naghihintay doon dahil alam nilang doon naka-check in si Ava wey, at anumang oras ay pwede itong lumabas mula roon. Ngunit ang pinagtataka ng lahat, ay kung bakit mas dumoble pa ang bila

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 296

    Sa sobrang pagkabigla ay hindi makapagsalita si Ava Wey. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat, matagal na niyang pinapahanap sa halos lahat ng jewelry stores ang broooch na 'yon, ngunit wala sa mga iyon ang nakapagbigay sa kanya ng impormasyon kung saan ito pwedeng bilhin. At ngayong ibinibigay ito sa

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 295

    "Yes, Ms. Ava Wey. This brooch is from the Twilight of Gods' collection." ngiting-ngiting sagot ni Avrielle. At dahil angat sa lahat ang presensya ni Avrielle, ang lahat ng mga mata ay nakatutok sa magandang mukha niya. Dahil doon ay hindi napansin ng mga ito ang brooch niyang gawa sa mga yellow di

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status