LOGINDahan-dahang nagbaba ng tingin si Brandon. "Hindi po." "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na hiwalay na kayo ng babaeng 'yon at hindi na siya parte ng pamilya natin! Masakit mang isipin, pero ngayon, magkaribal na kayo pagdating sa negosyo! Tuso ang Avrielle Madrigal na 'yon, at hindi porke dati ka niya
Pagsapit ni Brandon sa conference room ay agad siyang pinagbuksan ng pintuan ng sekretarya ni Senyor Emilio. Ganoon na lamang ang gulat niya nang imbes na ang ama lamang ang naroon, ay nasa likuran nito si Shaina. Agad tuloy siyang kinutuban na baka mayroong hindi magandang mangyayari. "Hi, Kuya
Pinilit umupo ni Gab ngunit napangiwi ito sa sakit. "Kita mong hirap na hirap na ngang gumalaw ang tao..." "Eh bakit ka ba kasi kumikilos d'yan? Mahiga ka nga lang." Blangko ang mukha ni Brandon habang naglalakad palapit sa kaibigan upang tulungan ito sa paghiga. "Kung sakali bang mapaparalisa ak
"So, may dala na ba kayong kontrata?" Sa sobrang excitement ay bumilis ang tibok ng puso ni Avrielle. Si Ella naman ay nag-uumapaw rin ang kagalakan. Abot-tainga ang ngiti nito habang binubuksan ang dalang briefcase. "Mabuti na lang po at palagi namin dala-dala ito, Ms. Wey." tukoy nito sa makapal
"Talaga ba, Zoe? Eh 'di kung malalagpasan mo ang bonggang bonggang alahas na binigay ni Avrielle kay Ava Wey, tiyak na mababawi natin siya." Mabilis na puri ni Shaina sa kaharap kahit na sa isip-isip niya'y malabong magkaroon ng ganoong collection ng alahas ito. "Kapag nagkataon, hindi lang ako maka
Sa kritikal na sandaling iyon ay nagngalit ang mga ngipin ni Gab at patakbong nagtungo sa kinatatayuan ni Chuchay. Mabilis niyang hinagip ang katawan ng dalagita patungo sa tabi ng kalsada. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa katawan nito na tulad ng pagkakayakap ni Chuchay sa kanyang teddy bear. A
Nang gabi ring iyon, tahimik na nakahimpil ang isang dark green na Rolls Royce sa tapat ng abandonadong warehouse na pagmamay-ari ng Madrigal Corporation. Kasalukuyang naroon si Avrielle kasama ang kapatid na si Anton. Hindi kasi siya pinayagan nito na magtungo roon nang nag-iisa. "Magandang gabi p
Habang papalabas ng study room si Brandon ay tila gustong sumabog ng dibdib niya. Sa loob ng puso niya, ay naroon ang alaala ni Avrielle na kailanman ay hindi niya pinagtangkaang bigyan ng pansin. Batid kasi niya, na sa oras na salingin niya ang pitak nito sa puso niya, ay guguho ang mundo niya at m
Dahil sa nangyari kay Samantha, nagbanta ito na ipagkakalat ang pagtatangkang pagkakamatay noon ni Brandon. Dahil doon, agad na naalarma si Senyor Emilio at nag-utos agad ito sa mga tauhan na sa oras na kumalat ang balita ay agad iyong i-block sa lahat ng media. Hindi na niya kakayanin pang tuluyang
Malakas ang kabog ng dibdib ni Avrielle nang lumabas siya ng villa. Sa di-kalayuan, naroon si Anton na nakatayo sa tabi ng sasakyan nito na mukhang may malalim na iniisip. Ganunpaman, napaka elegante pa rin nitong tignan sa suot nitong kulay gray na suit. Para kay Avrielle, napakagwapo at simpati







