เข้าสู่ระบบ
BABALA: Ang kwentong ito ay rated SPG. Naglalaman ito ng mga eksena, lengguwahe, at temang hindi angkop para sa mga bata at sensitibong mambabasa. Hinihingi ang malawak na pang-unawa at hindi dapat basahin ng mga edad labing walo pababa.
Kim’s POV “Sigurado ka ba na gagana ito?” Napapalunok ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Ramdam ko na ang hininga niya na dumadampi sa pisngi ko. “Do you want to upgrade your relationship with him or not?” masungit niyang tanong. “Aaah!~” Napasinghap ako nang ilapat niya ang isang kamay niya sa baywang ko at lalo akong hilahin palapit, “S-syempre naman, oo! Since high school pa kaya ako naghihintay, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako umuusad sa pagiging best friend niya.” Pasimple akong sumulyap sa gawi ni Jixxer na naglalakad palapit sa amin. “Then do what I say.” Sinabi niya iyon nang nakatingin sa mga mata ko, na para bang wala akong ibang dapat na gawin kundi sundin siya. Ang lakas ng tibok ng puso ko! “A-anong gagawin ko?” kabado kong tanong. “Just close your eyes and enjoy.” Walang ano-ano’y hinila niya ako sa batok at hinalikan. “D-Dyla–” Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa nakapikit niyang mga mata. Tuluyan akong naestatwa. Nanlambot ang mga tuhod ko nang igalaw niya ang mga labi niya. “Hmm~” Napapikit ako nang marinig ko ang paos niyang ung*l. Pakiramdam ko ay nalulusaw ako. Hinayaan kong angkinin ni Dylan ang mga labi ko. Nakikita kaya kami ni Jixxer? Nakita kong papunta na siya sa gawi namin kanina. Pipigilan niya kaya kami at sasabihin niyang nagseselos siya? Sigurado akong ganoon ang gagawin niya. Overprotective iyon sa akin, eh. Nagmulat ako ng mata at tumingin sa gawi niya. Bakit hindi siya gumagalaw? Nakatayo lang siya doon at nakatingin sa amin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Nagdidilim ang aura niya at nakakuyom ang mga kamao. Nang tumalikod siya at naglakad palayo, malakas kong itinulak si Dylan. “Jixx—” “Don’t call him, I’m begging you. Don’t.” Nagmamakaawa ang boses niya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit. Hahabulin ko sana si Jixxer, pero mabilis na nahawakan ni Dylan ang kamay ko at hinigit ako palapit. Niyakap niya ako nang mahigpit at isinubsob sa dibdib niya. “Dylan, pupuntahan ko si Jixxer. Baka magalit siya sa akin.” Nagsisimula na akong mag-panic. Hindi ko kayang magalit siya sa akin. Ang gusto ko lang naman ay mapansin niya ako. Lalong humigpit ang pagkakayapos niya sa akin, “We have a deal. Let’s stick to the plan.” Iyon lang ang sinabi niya, pero may kakaibang bigat ang mga salitang binitiwan ni Dylan. Na parang may iba siyang ibig sabihin pero hindi niya kayang iparating. Kung ano man iyon, sa ngayon ay hindi na importante sa akin. Titiisin ko ito, para mapansin na ako ni Jixxer. “Pasok na tayo.” Pagkasabi ko noon ay saka pa lang siya humiwalay sa akin. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at pinatuloy sa bahay. Medyo awkward ang atmosphere sa aming dalawa. Hindi ko malaman kung kukuha ba ako ng juice, ng kape, or ng al*k na lang kaya? Tutal nakakaloka naman lahat ng nangyayari ngayon? “Are you alone here?” tanong niya habang nililigid ang paningin sa bahay namin. “A-ahh, hindi, ano… si Mama ang kasama ko. Oo tama, si Mama. Hehe.” Bakit ba nagkakanda-utal-utal ako?! Kimberly Ann Dimagiba, umayos ka! Huwag mong titigan ang labi niya!Kim’s POVBuong hapon akong parang uod na inasinan sa desk ko, kahit na malayo ako sa kanila. Paano ba naman, yung boses ni Genevieve ay abot hanggang dito sa tindi ng kaartehan! Sarap sungalngalin ng oxcalic, nakakainis!“Oh my gosh, Dylan! Ang lamig naman ng aircon dito, baka pwedeng paki-adjust? My skin is getting so dry na,” narinig kong reklamo niya habang paypay nang paypay gamit ang kamay niya.“Dry ang skin mo? Bakit hindi mo lagyan ng floor wax hanggang mukha mo para kuminang?” bulong ko.Ilang sandali pa ay narinig ko ang pag-usog ng upuan. Aba? Talaga inadjust niya ang temp ng aircon?!“Kim, kawawa yung keyboard mo baka masira,” paalala sa akin ng katabi ko pero hindi ko siya alintana, “Dahan dahan sa pagtatype huy!”“Okay na sa ‘yo yan?” tanong niya.Napangiti ako ng mapait.“Yes, thank you si much Daddy D!” Daddy D… Daddy D… Daddy D…Sinubukan kong alisin sa utak ko ang mga narinig ko pero hindi ko talaga kaya. Pabalagbag kong itinulak ang upuan ko at saka lumapit sa a
Magandang araw sa inyo! May dalawang bagay akong kailangang sabihin sa inyo. Una, tungkol sa health ko at pangalawa tungkol sa regalo ko para sa inyo. Unahin na natin ang palaro natin para naman hindi masyadong mabigat. Mamimigay po tayo ng 1 winner ng 200 pesos gcash at 3 winners ng 100 pesos gcash. Ang kailangan niyo lang gawin ay sagutin ang tanong at iwan ang sagot sa REVIEW SECTION! Ito ang tanong: Question: Ano ang favorite scene mo sa librong ito? At bakit? Sa tuwing madadagdagan ng 5k views ang story natin, pipili ako ng may pinakamagandang sagot at siya ang mananalo. Don't worry dahil mabilis po ang usad ng views natin. Ipopost ko po ang winners sa Author's note, sa last part ng chapters. Kaya lagi biyo pong babasahin at i-like. Ang pangalawa ko naman pong announcement ay medyo malungkot. Sa tingin ko it is my duty to tell you guys about my health condition right now. Last week galing ako sa Doctor at doon ko lang nalaman na life threatening at posible akong ma-comatos
Kim’s POV“Mayroon tayong bagong makakasama sa office ngayon. She will be joining the Sales Department starting today bilang bagong account executive natin. Please welcome, Genevieve.”Napansin ko ang biglang pagtigas ng katawan ni Dylan sa tabi ko. Para siyang natuod. Kung kanina ay puno siya ng kakulitan, ngayon ay bigla siyang naging seryoso. Ang mga mata niya ay nakatitig nang diretso sa babaeng nasa harap.Si Genevieve ang babaeng niligtas niya sa bar nung gabing birthday ni Lander. Ang babaeng ubod ng yaman na maarte. Ang nag-iisang babaeng dating niligawan ni Dylan noon binasted siya base sa kwento ng tsismosong si Kris.Naka-designer dress ito na kulang na lang ay lumabas na ang buong kaluluwa niya, may bitbit na mamahaling bag, at kung gumalaw akala mo naghahanap ng alikabok sa bawat sulok ng opisina namin. Ang arte ng tayo niya, akala mo ang dumi dumi namin.Teka lang naman, anong ginagawa ng isang alta-sociedad na katulad nito sa Sales Department? Bakit kailangan niya pa ma
“Wow, Kim! Iba ang ngiti natin ngayon, ah? Abot tainga, balak mo ba mag-apply sa colgate?” asar agad sa akin ni Sarah pagkapasok ko pa lang sa p***o ng opisina.“Grabe ka naman sa akin! Hindi ba pwedeng masaya lang talaga ako dahil maganda ang gising ko?” sagot ko sabay kindat sa kanya. “Huwag ka ngang basag-trip diyan. Hayaan mo akong mag-enjoy dahil maganda ang simula ng araw ko ngayon.”O baka mas tamang sabihin na maganda ang tulog ko dahil kay Dylan kagabi, hihi!“Naku, baka naman inspired ka lang? Huwag mo sabihing diniligan ka na ni Dylan?” bulong niya nang may kasamang malanding pagsiko sa braso ko.“Hala, siya oh! Trabaho muna, Sarah! Kung ano anong pinagsasasabi mo, kaganda ganda mong babae eh, m*nyak ka!” pag-iwas ko sa paksa, kahit ang totoo ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko ang mukha ng mokong na si Dylan.Pero, paano kung… erase, erase, erase! Ano ka ba naman Kim? Nahawa ka na sa kamany*kan ni Sarah eh!Naglakad na ako papunta sa sarili kong cubicle
Kim’s POVSabay-sabay na sumindi ang mga ilaw sa sala. Sa sobrang gulat ko, muntik ko nang maibato ang helmet ko sa ceiling fan!Napatitig ako sa gitna ng sala. At doon, nanlamig ang buong katawan ko.Nakatayo si Mama sa tapat ng switch ng ilaw, nakapamewang at ang talim ng tingin sa akin na parangready na siyang bigwasan ako anytime. At sa may sofa namin, nakaupo si Dylan habang nakadekuwatro at humihigop ng kape. Wow, grand reveal naman yata sila masyado!Anak ng pating na may pakpak!“M-Ma... Gising pa pala kayo? D-Dylan… anong ginagawa mo dito?” pilit akong ngumiti ng matamis kahit na ang totoo ay gusto ko nang magpakain sa lupa sa sobrang kaba. “Hehehe, ang late pala oh? Bakit hindi pa kayo natutulog? Uwi ka na Dylan, baka mapano ka pa sa daan kapag ginabi ka pa.”“Kimberly.” Mababa at nakakatakot ang boses ni Mama. “Saan ka galing?”Patay na…“Ah, ano po... sa opisina po! Sobrang daming backlog sa Sales, Ma! Alam mo naman, ang hirap maghabol ng quota ngayon—”“Overtime?” sumingit
Kim’s POVKung may isang bagay man na sobrang namiss ng katawan ko bukod sa matulog nang walang iniisip, ito ’yung amoy ng sunog na gulong at ang ingay ng mga makina ng motor. Idagdag mo pa iyong mga sigawan ng mga taong nanonood at yung thrill ng rides, lalo na kapag life and d*ath na ang labanan.“Hala, g*go! Seryoso ba ’to? Buhay pa pala ang reyna ng kalsada!”Napalingon ako sa sumigaw. Eksaktong nandoon sa tapat ng isang tent ang tatlong mukha na akala ko hindi ko na ulit makikita. Si Ken at Marco na mga dati kong kalaban sa karera, at si Mitch, ang nag-iisang tibo sa tropa na mas gwapo pa doon sa naunang dalawa kung pormahan ang pag-uusapan.“Mitch! Ken! Marco!” patakbo akong lumapit sa kanila at nakipag-high five. “Mga dugyot pa rin kayo, ah! Walang nagbago!”“Aba, sumulpot ang nag-iisang Kim! Akala namin habambuhay ka na lang talagang magiging sunod sunuran sa Jixxer na iyon eh, mabuti naman at natauhan ka!!” tawang-tawang sabi ni Ken sabay akbay sa akin.“Grabe ka naman sa tao,







