Share

Chapter 11: The Decision

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Vanessa nang papasok na kami sa entrance ng school.

Tumango ako bilang sagot at maliit na ngumiti sa kan'ya. "Tama na rin 'yon para maka-focus ako sa pag-aalaga sa magiging anak ko," sabi ko.

Balak kong tumigil sa pag-aaral. Pagkatapos ng mga nangyari sa'kin mas pinili ko ang magpahinga muna at umiwas sa mga taong balak lamang na husgahan at insultuhin ako. Lalo na ngayon na buntis ako, kailangan kong mag-ingat at alagaan ng husto ang sarili ko.

"Pero p'wede ka pa namang mag-aral habang buntis ka tutal maliit pa naman ang tiyan mo," aniya.

"Alam ko pero alam mo naman na maselan ang pagbubuntis ko, 'di ba? Kaunting stress lang maaaring mawala sa'kin ang baby ko at ayokong mangyari 'yon. Ayoko mang tumigil sa pag-aaral pero kailangan kong gawin para sa baby ko," mahinahon na sambit ko.

Alam ko naman kung ano ang gustong iparating sa'kin ni Vanessa. Gusto niya na sabay kaming magtapos.

Nangako kami noon sa isa't isa na sabay kaming magtatapos
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status