Share

Chapter 17: Worries

Bago pa 'ko makagawa ng eksena rito ay kaagad na 'kong nagdesisyon na lisanin ang silid na ito. Kahit ang daming tao rito sa loob at sobrang siksikan ay nagawa kong makatakbo at makalabas.

Nang makalabas ako sa conference room, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Sobrang ramdam ko ang panginginig ng buong katawan at pagsikip ng dibdib ko. Hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko.

Kaya ko pala nararamdaman 'to kasi nand'yan siya, kasi malapit lang siya sa'kin. Hindi ko inaasahan na siya ang tinutukoy ni Mrs. Montero kasi buong akala ko 'yong lalaki na nakasabay namin sa elevator kanina ang magiging bagong CEO ng kompanya at bagong boss namin. Pero nagkamali pala ako, hindi siya 'yon kundi 'yong lalaki na ayoko nang makita pa habambuhay.

Ano ang gagawin ko?

Magre-resign na ba 'ko sa trabaho?

Babalik na ba ulit kami ng Bukidnon?

Diyos ko, ano'ng gagawin ko? Ayoko namang mag-resign sa trabaho dahil lang sa kan'ya.

Pero paano kung matatandaan niya 'ko? Paano kung kausapin niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status