Mabuti na lang nakaalis na 'ko ro'n. Nakakawalan ng hininga doon sa VIP room dahil sa mga kaibigan ni boss Yael lalo na kay Mr. VIP. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Thomas. Ano naman kaya ang ibig sabihin niyon?
'Yong titig ni Mr. VIP sa'kin kanina parang may something, hindi naman sa nag-a-assume ako pero gano'n talaga ang nararamdaman ko. Ang mga titig niya na parang abot hanggang kaluluwa ko. 'Yong parang bawat galaw ng ibang parte ng katawan ko inoobserbahan niya. Hindi nakakabastos tingnan pero nakapagtataka. Ewan ko ba sa lalaking 'yon, bakit gano'n na lang siya kung makatingin sa'kin?Hays, napainom tuloy ako ng tatlong baso ng tequila dahil sa kakaisip sa lalaking 'yon."Athena."Limang minuto pa lang ako na nakaupo sa bar counter pero narinig ko na naman ang boses ni boss Yael. Ano kaya ang kailangan niya sa'kin? Ayoko nang bumalik doon sa VIP room, baka gisahin ako ulit ng mga kaibigan niya."Po? Boss Yael, ano po ang kailangan niyo?" Tanong ko at napilitang ngitian siya."I need your help," aniya na ikinagulat ko."Boss Yael, sigurado po ba kayo na ako ang maghahatid sa kan'ya?" Tanong ko nang makarating na kami sa labas ng bar.Kinailangan niya ang tulong ko para ihatid si Mr. VIP. Oo siya nga, siya ang ihahatid ko. Ewan ko ba ba't ako pa ang napili niyang utusan 'e hindi ko naman kaano-ano 'to. Boss ko nga siya at kailangan ko siyang sundin pero hindi na parte ng trabaho ko na maghatid ng kaibigan niyang lasing."Yes, you already know the address, right? Don't worry, after mo siyang ihatid p'wede ka nang umuwi," sagot niya."Ha? Pero boss hindi pa tapos ang trabaho ko rito," gulat na sambit ko."Don't worry about that, okay? Just take him home to his condo then you can go home. May security guard naman doon sa condo niya, just ask for his help then siya na ang bahala sa kan'ya," aniya bago tumingin sa kaibigan niya na nasa loob na ng taxi at nakatulog na dahil sa sobrang kalasingan."Pero boss-""Ikaw na ang bahala sa kan'ya, okay? Thank you, Athena, I'll give you a higher salary in the end of the month," sambit nito habang naglalakad papasok ng bar. Parang wala siyang pakialam sa'kin kung tratuhin niya 'kong ganito. Boss at professor ko ba talaga siya?Oo, hindi ko lang siya boss, professor ko rin siya sa subject na history kaya super mabait ako sa kan'ya kasi kapag hindi baka bumagsak pa 'ko sa klase niya.Nagpupumadyak ako dahil sa inis at parang gusto ko na ring umiyak. Kung hindi ko lang talaga siya boss baka nasuntok ko na siya. Ako ba naman kasi ang utusan. Bwesit din kasi ang mga kaibigan nito 'e, iniwan na lang siya ro'n at hindi man lang hinatid pauwi."Thank you po, kuya." Pasalamat ko kay kuyang taxi driver nang tulungan niya 'kong ibaba 'tong kasama ko nang makarating na kami sa condo nitong lalaking 'to."Tsk! Ang bigat mo, umayos ka!" Naiinis na sambit ko nang magsimula na 'kong humakbang habang inaalalayan maglakad itong si Mr. VIP na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang totoong pangalan.Nakaakbay siya sa'kin pero pagiwang-giwang ang bawat hakbang naming dalawa kasi ang tangkad niya at tapos ang bigat pa niya. Ang liit ko lang at itong kasama ko six footer ang height. O anong laban ko sa lalaking 'to?Med'yo nakaramdam na ako ng pagkahilo dahil sa ininom ko. Tatlong baso lang 'yon pero ang lakas ng tama sa'kin."Wala pa si manong guard, ano'ng gagawin ko?" Naiinis na parang naiiyak na sambit ko nang makarating na kami sa wakas sa entrance ng condo.Hanggang dito lang dapat ako 'e tapos uuwi na 'ko pero paano ako makakauwi? Wala 'yong guard na tinutukoy ni boss Yael dito."Oy, anong floor ang condo unit mo?" Tanong ko at mahinang tinapik ang mukha nito. Mukhang nagising naman siya dahil lumingon ito sa'kin pero nakapikit ang mga mata niya.Lord, ang gwapo niya talaga pero amoy alak."R-room 6... 6-.. 614." Ha? Ano raw? 614?"Room 614?" Tanong ko at tumango siya bilang sagot. Muli ko na siyang inalalayan papuntang elevator. Sumakay na rin kaming dalawa pagkarating namin at pinindot ang number 6 dahil doon matatagpuan ang condo niya.Hays, parang dahil sa kan'ya kaya ako napagod. Kainis kasi si boss 'e, p'wede namang siya na lang ang maghatid kasi sila naman ang magkasamang uminom at hindi naman siya lasing tapos siya pa ang kaibigan neto pero ako pa ang naghatid. Eh, hindi ko naman kaibigan 'to at mas lalong hindi ko pa siya lubos na kilala. Bakit ipagkakatiwala ni boss Yael ang kaibigan niya sa'kin?Nang bumukas na ang elevator, muli ko siyang inalalayan palabas. Ang bagal lang ng bawat hakbang ko kasi ayoko naman na matumba kaming dalawa. Kapag nagkapasa 'to, ako pa ang sisihin at ayoko namang mangyari 'yon. Baka mawalan pa 'ko ng trabaho dahil sa kan'ya."Oy, password," sabi ko at muli siyang tinapik sa pisnge.Kaagad naman siyang nagising pero nanatiling nakapikit habang nilalapit ang kan'yang kamay sa pinto. Bakit kasi 'di na lang sabihin ang password at ako na ang magpipindot? Pero wala eh, wala siyang tiwala sa'kin. Makikita ko pa rin naman ang password niya kahit hindi niya sabihin."C-close your .. e-eyes," aniya nang mapansin nito na nakatingin ako sa kamay niya.Damot naman, hindi na 'ko umangal, pinikit ko na ang mga mata ko para matapos na at makaalis na 'ko rito.Biglang tumunog at bumukas ang pinto. Hays, buti naman na kahit lasing siya nakakakita pa rin ng numero.Tinulungan ko siyang makapasok sa condo niya. Kahit madilim, nahanap nito kung nasaan ang switch ng ilaw. Ibang klase talaga ang lalaking 'to.Nagkaroon na ng liwanag ang paligid kaya nakita ko na ang itsura ng condo niya. Sobrang ganda kahit black and white ang design at kokonti lang ang mga gamit na naka-display. Sala agad ang bubungad sa'yo rito sa loob tapos sa kanang bahagi ang kusina at sa kaliwang bahagi naman 'yon na 'ata ang kwarto niya."Kaya mo naman na 'ata, aalis na 'ko," sabi ko at binitawan na siya pero pinigilan niya 'ko sa braso na ikinagulat ko.A-anong gagawin niya? Wala naman siguro siyang binabalak na masama sa'kin?"Please stay .. j-just for a few minutes, please," aniya sa nagmamakaawang tinig.Diyos ko, ang puso ko.Akala ko noon wala ng lalaking magkakagusto sa akin, sa kadahilanang hindi naman ako kapansin-pansin, walang appeal sa mata ng mga lalaki, at hindi gaanong kagandahan pero hindi ko akalain na may isang lalaking palihim na nagmamahal sa akin. Ang lalaking kailanman hindi ko hiniling sa panginoon ngunit kusa niyang ibinigay sa akin. At ang lalaking sobra-sobrang nagmamahal sa akin.Marami mang mga pagsubok ang dumating sa mga buhay namin pero sa huli kami pa rin palang dalawa ang magkakataluyan, at magsasama habambuhay. At wala na 'kong ibang mahihiling pa kundi ang maging masaya kasama siya at maging mas matatag pa ang pagmamahalan namin sa isa't isa na walang sinuman ang makakasira."Mrs. Montero, pinapatawag na po kayo ni Mr. Montero sa baba," rinig kong sabi ng isang babaeng concierges sa likuran. Hindi ako sumagot sa halip napabuntong hininga ako ng malalim sabay inat ng dalawang braso ko sa ere."Sige, salamat, pakisabi na lang na pababa na 'ko," sagot ko bago lumingon at ngumiti
"So, kailan ang kasal niyo?" Tanong ni Vanessa matapos uminom ng kape.Nandito kami ngayong dalawa sa malapit na coffee shop mula sa kompanya. Oras ng lunch break at nakipagkita 'tong kaibigan ko kasi may itsi-tsismis daw siya sa'kin pero parang sa tingin ko makikitsismis lang siya sa kung ano na ang ganap sa relasyon namin ni Zach."Anong kasal? Hindi pa naman siya nag-propose," tugon ko habang humihigop ng kape."Eh, ano ang ibig sabihin niyan?" Aniya habang nakatingin sa suot kong singsing. Agad ko naman itong tinago sa ilalim ng mesa at nag-iwas ng tingin mula sa kaniya."Hindi ba, ang sabi mo sa'kin kahapon nilagay niya 'yan sa daliri mo? Tapos tinanong ka niya kung gusto mo siyang makasama habambuhay at sinagot mo naman ng oo. Oh, hindi pa ba 'yan nag-propose?" Nakahalukipkip na sambit niya at nakataas pa ang isang kilay nito."S-Sa tingin ko kasi hindi .. hindi naman kasi siya nagtanong kung gusto kong magpakasal sa kaniya," naiinis na sabi ko dahilan para mapabuntong hininga s
Napabuntong hininga ako ng malalim nang makapasok ako sa kompanya. Kagagaling ko lang mula sa school ni Aaron para samahan siyang kumain ng lunch. Hindi niya kasi kasama si tiya Rosa kaya kahit na hassle na sa akin ang pagpunta ro'n ay ginawa ko pa rin dahil ayoko rin naman na kakain ng mag-isa ang anak ko."Athena, mabuti na lang nandito ka na. Kanina ka pa hinahanap ni sir Zach," salubong sa akin ni Trixie nang makarating ako sa floor ng department namin.Nagulat ako sa kaniya at med'yo kinabahan dahil sa sinabi niya. Hindi kasi ako nakapagpaalam kay Zach na aalis ako pero alam naman nito na pupuntahan ko ang anak niya bago mag-lunch break."Galit ba siya?" Tanong ako at mahina siyang tumango bilang sagot.Diyos ko, lagot ako neto."Kanina ka pa raw kasi niya tinatawagan pero 'di mo sinasagot. Puntahan mo na lang siya sa opisina niya." At agad naman akong umalis matapos kong magpasalamat sa kaniya.Patakbo akong pumunta sa office ng CEO kahit na med'yo pagod ako mula sa pagmamaneho.
"Okay, anak, susunduin na lang kita mamaya," sabi ko habang nakatutok sa ginagawa kong report sa laptop.Kausap ko ngayon ang anak ko sa kabilang linya. Tumawag ito para magtanong kung susunduin ba namin siya mamaya nang daddy niya pagkatapos ng klase niya. Pero ako na lang ang susundo sa kaniya kasi balak mag-overtime ni Zach dahil may kailangan daw siyang tapusin. Hindi rin kasi siya masusundo ni tiya Rosa kasi umuwi ito sa dati naming tinutuluyan para kunin ang ibang mga gamit na naiwan namin doon."Makinig sa teacher, okay? At itago mo na ang phone sa loob ng bag mo. I love you."Pagkatapos kong magpaalam ay binaba ko na rin ang tawag at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa ko. Pero bigla akong napangiti nang maalala ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Zach. Buong akala ko mananatili kaming walang label pero hindi naman pala. Ayaw rin nito na manatili kami sa ganoong sitwasyon."Athena, may lalaki raw na naghahanap sa'yo sa lobby," rinig kong sabi ni Trixie nang makaupo ito s
Ano'ng ginagawa niya rito? Bakit sila magkasama?Hindi naman sa nag-o-overthink ako, pero hindi ko napigilan ang magtaka at masaktan nang makita silang magkasama."Uh, h-hindi ko alam na may .. na may bisita ka pala," sabi ko habang nakatingin sa direksyon ni Lauren.Nakatingin din siya sa akin, pero nakapagtataka kasi malungkot siyang nakatingin sa akin at mugto rin ang mga mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Hindi 'yong masungit at kontrabidang Lauren ang nakikita ko ngayon, kundi ang malungkot at mahinang Lauren.Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit siya nandito?"It's okay, she will leave soon anyway," sagot ni Zach bago lumapit sa akin. Kaagad niya 'kong niyakap nang makarating siya sa direksyon ko at hinalikan ako sa noo na ipinagtaka ko.Ang weird niya, hindi dahil sa ka-sweet-an niya kundi dahil sa sinabi niya."Bakit siya nandito? Bakit kayo magkasama?" Mahinang tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya 'ko sinagot sa halip ngin
"Kararating ko lang sa kompanya," sagot ko sa kaniya nang makapasok ako sa main entrance.Kausap ko sa kabilang linya si Vanessa. Ang aga niya 'kong binulabog para lang humingi ng update. Ang feeling na gusto ko pang matulog pero 'di ko na nagawa kasi kinukulit niya 'ko."Kasama mo ba siya? Sabay kayong pumasok?" Usisa nito dahilan para mapabuga ako ng hangin."Hindi ko siya kasama. Maaga siyang umalis ng bahay kasi may private meeting siya kaninang 7 am kaya hindi kami sabay pumasok," tugon ko habang naglalakad patungo sa elevator.Napapahikab pa 'ko habang naglalakad kasi inaantok pa talaga ako. Wala pang 7 am no'ng tumawag siya sa'kin kanina. Ewan ko ba sa kaniya. Ang aga tumawag para lang maki-tsismis sa akin.Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong kausap ko baka binabaan ko na siya ng tawag."Ang sipag naman ng future asawa mo. So, ano ng improvement sa relationship niyo? Nasa anong stage na kayo?" Aniya ngunit halatang kinikilig. Pero hindi ako nakasagot kasi hindi ko alam kun