Bago pa 'ko makagawa ng eksena rito ay kaagad na 'kong nagdesisyon na lisanin ang silid na ito. Kahit ang daming tao rito sa loob at sobrang siksikan ay nagawa kong makatakbo at makalabas.Nang makalabas ako sa conference room, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Sobrang ramdam ko ang panginginig ng buong katawan at pagsikip ng dibdib ko. Hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko.Kaya ko pala nararamdaman 'to kasi nand'yan siya, kasi malapit lang siya sa'kin. Hindi ko inaasahan na siya ang tinutukoy ni Mrs. Montero kasi buong akala ko 'yong lalaki na nakasabay namin sa elevator kanina ang magiging bagong CEO ng kompanya at bagong boss namin. Pero nagkamali pala ako, hindi siya 'yon kundi 'yong lalaki na ayoko nang makita pa habambuhay.Ano ang gagawin ko?Magre-resign na ba 'ko sa trabaho?Babalik na ba ulit kami ng Bukidnon?Diyos ko, ano'ng gagawin ko? Ayoko namang mag-resign sa trabaho dahil lang sa kan'ya.Pero paano kung matatandaan niya 'ko? Paano kung kausapin niya
Kanina ko pa pinag-iisipan ang sinabing pabor ni Mrs. Montero. Pero kahit humindi ako hindi naman na mababago kasi pumayag na 'ko kanina. Parang nagsisi tuloy ako sa naging desisyon ko. Ipagdarasal ko na lang na sana walang mangyaring problema sa opisina niya para hindi ko siya makita."Mommy."Napalingon kaagad ako sa pinto nang marinig ko ang boses ng anak ko. At nakita ko siyang may dalang bondpaper. Parang alam ko na kung ba't siya nandito."Yes, anak? Lapit ka kay mommy," sagot ko at agad naman siyang lumapit sa akin. "Ano bang kailangan ng baby boy ko?" Malambing na sambit ko na ikinatawa niya."Mommy, hindi na po ako baby," nakangusong tugon niya. "Big boy na po ako," dugtong pa niya at dahilan para halikan ko siya sa pisnge."Alam ko pero ikaw pa rin ang baby boy ni mommy, hmm? Hindi na magbabago 'yon. So, ano ang kailangan mo kay mommy?""Pinapabigay po 'to ni teacher tapos sabi po niya kailangan niyo po raw permahan." Aniya sabay abot sa'kin ng bondpaper.Binasa ko naman aga
Nandito pa rin ako sa clinic, nagpapahinga. Mga isang oras at kalahati na yata akong nandito pero hindi pa 'ko makaalis kasi sabi ng nurse manatili raw muna ako.Pagkarating ko rito kanina kasama ang secretary ng boss ko, tiningnan kaagad ang blood pressure ko tapos ang daming tanong nong nurse pero puro oo at hindi lang naman ang sagot ko kan'ya. Wala naman kasi akong nararamdamang masakit sa katawan ko. Sad'yang puyat lang talaga ako at pagod. Kaso ang lalaking 'yon, mas'yadong OA at dito talaga ako dinala.Pero nagpapasalamat pa rin naman ako kasi kung hindi ako dinala rito hindi ko malalaman na biglang bumaba ang blood pressure ko dahil lang sa matinding puyat at pagod. Kaya pinagpahinga muna ako rito ng nurse at pinainom rin ako ng gamot."Miss Athena, aalis po muna ako. May gagawin lang po ako saglit," paalam nito."O sige, Nurse Anne, aalis na rin naman ako maya-maya. Salamat sa tulong mo," sagot ko."Walang anuman, miss Athena. Kapag nahilo po kayo tumawag lang po kayo kaagad
Nandito na 'ko sa harap ng office ni boss. Pero wala akong lakas ng loob para kumatok. Kinakabahan ako baka kasi sigawan niya rin ako. Ayaw ko kasi ng gano'n, ayoko na sinisigawan ako.Bago ako pumunta rito, kinausap muna ako ng supervisor ko. Sabi niya, gawin ko raw ang lahat para ma-retrieve 'yong file na nabura ni Paula. Bigla akong na pressure nang sabihin niya 'yon. Paano kasi kung hindi ko magawa? Baka bigla rin akong tanggalin sa trabaho."Kaya mo 'to, Athena," sabi ko sa sarili at kumatok ng tatlong beses sa pinto bago pumasok.Nadatnan ko siyang nakatayo habang may kausap sa cellphone. Nakatalikod siya mula sa'kin kaya hindi ko makita kung ano ang reaksiyon nito. Pero paniguradong galit pa rin ito dahil sa nagawa ng ka trabaho ko.Napabuntong hininga ako ng malalim bago lumapit sa table niya. Ayoko na muna siyang tawagin baka makaistorbo lang ako at magalit pa ito. Pero ngayon, nakaramdam na naman ako ng galit dahil sa kan'ya."Athena, 'wag ngayon," sabi ko sa sarili at mulin
Wait! Naguguluhan ako. Hindi ko inaasahan na gano'n ang sasabihin niya.So ibig sabihin niyan, 'yong file na pinapahanap niya sa'kin kanina ay hindi 'yong na delete ni Paula?Eh, pa'no 'yong file na nahanap ko kanina? Wala lang? Walang sense gano'n?Pinagtitripan niya ba 'ko? O gusto niya lang talagang sukatin ang patience ko at kung hanggang saan ang kaya kong gawin dito sa kompanya niya?"Marriage Proposal?! Ibig sabihin ba niyan ikakasal na si Sir Zach?" Gulat na sambit ni Maurice.Bigla namang tinakpan ni Paula ang bibig niya. Napalakas kasi ang pagkakasabi nito pero buti na lang walang nakarinig kasi unti-unti na ring nagsilabasan ang mga kasama namin dito sa office para mag-lunch."Shh! Hinaan mo lang ang boses mo, baka marinig pa tayo ng kabilang department. Pero hindi naman ako sigurado kung para sa kan'ya 'yon, eh," saad ni Paula.Hindi na 'ko nakinig sa pinag-uusapan nila. Kasi iniisip ko pa rin 'yong file na pinapahanap niya sa'kin kanina.Hindi ko pa rin talaga maintindiha
Akala ko umuwi na siya pero hindi pa pala. Siguro may ginagawa pa siya sa office niya. Pero pakialam ko ba?Ngayon nagkaroon na 'ko ng dahilan para umuwi na.Ayoko na siyang makausap o makasama. Buong araw ko na siyang nakikita at nakakausap. At sobrang na iimbyerna na 'ko."Uuwi pa lang po, Sir," sagot ko at kaagad ng tumayo para ayusin ang mga gamit ko sa mesa.Akala ko aalis na siya pero hindi. Nasa labas pa rin siya ng office at nakasandal sa pinto habang nakatingin sa akin.Ano balak niya 'kong panuorin? Wala siyang balak umalis?"S-Sir, may kailangan po kayo sa'kin?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kan'ya.Hindi kasi ako maka-concentrate sa pag-aayos ng mga gamit ko dahil sa presensiya niya. Lalo pa ngayon na pinapanuod niya ang bawat galaw ko.Ewan ko ba sa lalaking 'to. Ang weird niya ngayong araw at nagtataka na 'ko sa mga kinikilos niya mula pa kaninang umaga."Nothing, uhm.. take care," tugon nito nang mag-angat ako ng tingin. At agad na rin siyang umalis.Take care?Hay
Napahiga ako sa table matapos kong gawin ang pinapautos sa'kin ng supervisor ko. Saktong-sakto na before lunch saka ko natapos. Ayoko kasing magmadali sa pagkain lalo na kapag may iniisip na gawain na kailangang tapusin before the deadline. Mabuti ngayon natapos ko, wala na 'kong iisipin mamaya habang kumakain.Dalawang araw na ang lumipas at gano'n pa rin naman ang ginagawa ko sa trabaho. Paggawa ng report, pag-aayos ng computer network, pagre-retrieve ng mga naburang files, at kung anu-ano pa. Nakakapagod pero kakayanin para sa pinanghahawakan kong trabaho at para sa pamilya ko.Dalawang araw ko na ring hindi nakikita si Sir Zach simula no'ng ma-stuck kaming dalawa sa elevator. Siguro na busy lang din siya sa pagtatrabaho. Sabi sa'kin ni Maurice kanina, marami raw nagsidatingan na mga investors, media, at business associates kahapon. At ilang beses din siyang nagpatawag ng meeting sa finance at marketing department mula kaninang umaga.Mabuti na nga lang na naging busy siya para hin
Hindi lang naman ako ang IT sa kompanya niya pero ako ang inuutusan. Hays, oo nga pala, humingi sa'kin ng pabor si Mrs. Montero na ako ang tutulong sa anak niya kapag nagkaproblema ito sa opisina niya. Wala pa rin pala akong kawala at hindi ko siya matatakasan.Akala ko pa naman tuloy-tuloy na hindi ko siya makikita pero mangyayari pa rin pala at ngayon kasama ko siya na naglalakad patungo sa opisina niya. Nasa likuran niya 'ko at tahimik na nakasunod sa kan'ya."What Alexander do in your department?" Tanong nito na ikinagulat ko.Ba't niya tinatanong? Pati 'yon kailangan pa niyang malaman?"Nothing, sir .. nag-stay lang siya ro'n at nakipag-usap sa amin," sagot ko habang pinagmamasdan ang katawan niya.Ewan ko bigla lang akong napatingin. Ang laki na kasi ng pinagbago niya ngayon. Mas lalo siyang tumangkad at nagbago na rin ang pangangatawan niya. Kagaya ng sinabi ni Maurice na, "hot and daddy figure" gano'n siya ngayon.Well-defined physique, broad shoulders that give him a strong a