Share

K3

Penulis: LonelyPen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-31 20:20:11

NATASHA

ILANG ARAW PA ANG LUMIPAS, sumunod-sunod ang araw na maraming bumibili sa panindang gulay nina Natasha. Kung kaya naman ganadong-ganado siyang magbenta sa palengke.

"Isang kilong talong nga ganda," sabi ng isang babae sabay pili ng paninda niyang talong.

Matamis na ngumiti si Natasha sa mamimili. "Sige po, ate pili ka lang ng mga talong ko. Bukod sa mahahaba at malalaki ang mga paninda kong talong, masarap 'yan at masustansya! Siguradong magiging maligaya ang iyong buhay sa talong ko!" sabi niya sabay kuha ng pinakamahaba at matabang talong.

Inabot niya ito sa mamimili. Bagong pitas sa bakuran ang talong na iyon. Pinitas niya kaninang umaga lang. Kaya s

iguradong manamis-namis iyon kapag naluto.

Nang matapos mamili ng babae, inabot na niya ito kay Natasha.

"Ayos na ito. Pakilo na lang ako," sabi ng babae.

"Lagpas isang kilo, ate. Seventy one po lahat, seventy na lang para sa inyo," magiliw na sambit ni Natasha.

Kinuha ni Natasha ang isang daan na bayad ng babae. Mabilis siyang kumuha ng barya panukli.

"Salamat, ate. Sa uulitin. Talong ka ulit!"

Tumawa ito. "Sige lang. Gusto ko naman talaga ng talong lalo na kung mahahaba at matataba."

Natawa si Natasha sabay palakpak. Kumaway pa ang babae bago tuluyang umalis. Napailing na lang si Natasha sa tuwa. Sa isip niya, iba talaga ang paninda niyang talong. Mabentang-mabenta.

Ilang sandali pa, may namili na namang matanda ng kanyang talong. Marami itong binili. Tuwang-tuwa si Natasha sa mga oras na iyon. Hindi niya napansing lumapit na sa kanya ang kaibigan niyang si Rhian bading.

"Paubos na ang talong mo! Palibhasa'y mahahaba at malalaki!" bulalas ni Rhian.

Kinindatan ni Natasha ang maharot na bading. "Naman! Talong ng bayan 'yan! Solid sa laki at haba!"

Natatawang umiling si Rhian. "Baka mamaya pinapasok mo 'yan sa kuweba mo. Ikaw rin, bahala ka baka biglang maputol 'yan."

Hinampas ni Natasha sa braso ang kanyang kaibigan. "Hoy! Napakadum mo namang mag-isip! Napakabastos mo! Bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi pa naman ako nababaliw at hindi ako malibóg, gaya mo naman ako sa iyo. At saka pagkain 'yan. Baka bigla akong mawalan ng grasya kapag ginawa ko 'yon. Mali iyon. Maling bastusin ang pagkain!"

Ngumuso si Rhian bago umirap. "Sus! Akala mo naman talaga! Okay fine. Maiwan na muna kita diyan, girl!" saad ni Rhian bago nagmartsa paalis.

MABILIS NA LUMIPAS ang maghapon. Laking pasalamat ni Natasha dahil marami siyang naibentang gulay. Lalong-lalo na ang pambato niyang talong. Binilang na niya ang perang hawak niya at saka ito inilagay sa bulsa.

Gabi na rin kaya magliligpit na siya. Inayos ko muna ang mga gulay ng maigi bago niya isinara ang kanilang puwesto. Pinagpagan ni Natasha ang kanyang sarili at nagsimula ng maglakad.

"Ay púday!" malakas niyang sabi nang may biglang humawak sa kanyang braso.

Humagalpak ng tawa si Rhian. "Gulat na gulat ka girl?"

Inirapan niya ang baklang kaibigan. "Punyemas ka talaga! Kung may sakit lang ako sa puso baka kanina pa ako natigok. Abnormal ka talaga kahit kailan."

Lumabi si Rhian. "Ito namang kaibigan kong ubod nang ganda, galit na galit! Huwag ka na magalit diyan dahil nababawasan ang iyong kagandahan," sabi ni Rhian sabay yakap kay Natasha.

Tinulak ni Natasha ng mahina ang kaibigan. "Ewan ko sa iyo! Nang-uto ka pa eh alam ko naman talagang maganda na ako since birth," proud niyang sabi.

Natawang bigla si Rhian. "Ang taray mo naman talaga sa part na iyan! Tara sumama ka sa akin. May handaan akong pupuntahan ngayong gabi. Magsuot ka ng dress. Pahihiramin kita ng mga sexy kong dress at pagkatapos ay aayusan na rin kita."

Kumunot ang noo ni Natasha.. "Saan naman tayo pupunta?"

Tumikhim si Rhian. "Si Bernadette, 'yong kaibigan ni mama na nagtatrabaho bilang kasambahay sa pamilyang Ford ay inaya si mama na magpunta sa isang birthday-an. Kaso nga lang may lagnat si mama ngayon kaya hindi siya makapupunta. Sabi ko, kung puwede ako na lang pero may kasama ako at ikaw 'yon. Sabi niya naman oo puwede."

Napalunok ng laway si Natasha. "Pasaway ka nakakahiya naman iyon! Isasama mo pa ako parang nagdala ka pa ng back up sa lalamon ng pagkain doon! Baka mamaya bawal pala at hindi tayo papasukin. Sino ba ang mga 'yon? Sino ba ang may birthday?"

"'Yong anak ni Mr. Robert Ford. Si Ezekiel Ford! Ang sabi nila ay makalaglag panty daw ang itsura nito. Wala pa itong nobya kaya naman maraming babae ang nagkakandarapa na mapansin sila ni Ezekiel!" Kumisay-kisay pa si Rhian habang nagkukuwento.

Humalukipkip si Natasha. "Guwapo naman pala ang may birthday kaya talagang gusto mong magpunta. Maharot ka talagang bakla ka," naiiling niyang sabi.

Humagikhik si Rhian. "Ayon sa chismis, naghahanap na raw ng mapapangasawa si Ezekiel pero walang babae ang pumasa sa standard niya. At ito pa ang sabi, malaki at mahaba raw ang talong ng lalaking iyonl! Talagang mababaliw ka kapag nakita mo ito! Paano pa kaya kung nahawakan mo 'di ba? Baka mamaya ito pala ang chance mong mahawakan ang malaki niyang oten!"

'Kahit kailan talaga ang baklang ito, walang ibang nais kun'di ang mahahaba at matatabang oten. Kaya siguro nauubos ang pera niya dahil sa mga lalaking tinitikman niya. Minsan ang sarap niyang batukan,' sabi ni Natasha sa kanyang isipan habang nakatitig sa kaibigan.

"Mayaman yata ang pamilyang iyan eh. Baka lait-laitin lang tayo doon at mapahiya. Ayoko ng ganoon. Alam mo naman sa panahon ngayon, ang sasama ng ugali ng mayayaman. Mapanglait. Mapanghusga. Ayaw nilang madidikitan sila ng mahihirap na katulad natin," nakangiwing sabi ni Natasha.

Inirapan si Natasha ni Rhian. "Ito naman, napaka-negative mo kung mag-isip. Huwag gano'n. Wala tayong pakialam sa kanila. Ang importante ay makakain tayo ng masarap na pagkain. At higit sa lahat, ang makita si Ezekiel Ford! Makakakita tayo ng guwapo!" saad ng bading niyang kaibigan bago pumalakpak.

Napangiwi siya. "Parang ayoko talaga kasi kung pagkain lang naman ang habol natin doon, tapos kapalit naman sobra-sobrang panlalait, huwag na lang."

Pinatunog ni Rhian ang kanyang dila. "Sabing hindi nga! Mabait nga ang pamilya nila kahit ubod sila ng yaman! Umuwi ka na at maligo ka. Ako na ang bahala sa susuotin mo. Pagkatapos mong maligo, diretso ka kaagad sa bahay. Okay? Huwag ka na sanang tumanggi dahil tatapyasin ko 'yang matambok mong petchay!"

"Pero kasi Rhian---" Tinakpan ni Rhian ang bibig ni Natasha gamit ang palad niya.

"Huwag ka nang magmatigas pa. Bilis na hintayin kita sa bahay. Bye na!"

Tinalikuran na siya ng kanyang kaibigan at saka mabilis na naglakad palayo. Bumuntong-hininga si Natasha at saka nagsimula na akong maglakad pauwi. May kung anong kaba ang bumalot sa kanya sa mga sandaling iyon. Hindi kasi siya sanay na pumunta sa mga handaan. Nahihiya siya dahil minsan na siyang nilait at pinahiya noong nagpunta siya sa isang handaan noon.

.

Sinalubong siya ng dalawa niyang kapatid na lalaki. Ang sumunod sa kanya ay sampung taong gulang at ang bunso ay walong taon. Matagal kasi siyang nasundan kaya mga bata pa ang kapatid niya.

Huminto si Natasha ng pag-aaral para sa kanila. Para makapag-aral silang dalawa dahil kapos na sila noon. Hindi na makapagtrabaho ang mga magulang nila. Ang importante sa kanya ngayon ay kumita ng pera para sa mga kapatid ko at sa kanyang ina.

"Kumain ka na po, ate dahil nagluto si mama ng adobong manok. Tapos po kaming kumain lahat. Ikaw na lang ang hindi," sabi ng bunso niyang kapatid na si Arman.

"Saan kumuha si mama ng pambiling ulam?" takang tanong niya.

"May naitabi pa raw siya kaya bumili na siya ng ulam at nagluto para raw pagkauwi mo ay kakain ka na lang kasi alam niyang pagod ka sa palengke. Tulog na si mama. Maaga siyang natulog dahil sumasakit ang ulo niya," sabi ni Aenold habang nagpupunas ng lamesa.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Natasha. "Ganoon ba? Sige kakain na ako."

"Sige ate, kain ka na! Ang sarap ng luto ni mama. Napadami ang kain namin dahil sa wakas, karne ng manok ang ulam natin ngayong gabi!" sabi ng kapatid niyang si Arnold.

Napatingin siya sa kanyang mga kapatid. Bigla niyang naisip na sumama na lang kay Rhian para makapagbalot siya ng masarap na ulam.

Sigurado siyang matutuwa ang kanyang dalawang kapatid sa maiuuwi niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K5

    NATASHA Mariing napapikit si Natasha sabay kagat ng kanyang pang-ibabang labi. Parang ayaw niya pang tingnan ang binata. Ayaw niya itong kausapin. 'Kainis naman!' sabi niya sa isipan. . Tumikhim ang binata. Nanatili pa rin si Natasha sa kanyang puwesto at hindi gumagalaw. "Ano? Ganiyan ka na lang diyan? Get up or else I will kick your áss," maawtoridad na sambit ng binata. Napalunok ng laway si Natasha. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Alanganin siyang ngumiti sabay tayo. Nagtama ang tingin nilang dalawa. Seryoso lamang ang guwapong mukha ng binata. Hindi niya makapa ang emosyon nito pero napakaguwapo nito. Binalot si Natasha ng matinding kaba sa hindi malamang dahilan. Makailang beses siyang lumunok ng kanyang laway. 'Sisigawan niya ba ako? Sasaktan niya ba ako? Huwag naman sana. Pero kung sasaktan man niya ako, gagantihan ko talaga siya. Magsapakan na lang kaming dalawa!' sabi niya sa isipan. "Sorry," tanging nasabi ni Natasha sabay yuko. Nakapamulsa

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K4

    NATASHA Matapos kumain ni Natasha, iniligpit niya ang kanyang pinagkainan at saka naglinis sa kusina bago siya tuluyang pumasok sa kanyang kuwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone para makita kung may message ba si Rhian. Mayroon nga kaya kaagad niya itong binasa. Sinabihan siya nitong bilisan maligo para dumiretso na siya kanila dahil aayusan pa siya nito. Napangiti si Natasha. Magaling kasing magmake-up si Rhian. Talagang kahit na panget ka, mapagaganda ka niya. Hangang-hangga siya sa galing ng kanyang kaibigan. Iyon ang nagiging sideline ni Rhian kapag may mga okasyon. Inaayusan niya ang mga debutante, mga bride at iba pa. Malaki rin ang kinikita niya sa pagme-make-up. "Aalis na muna ako, okay? Kapag nagising si mama at hinanap ako, sabihin mo may pinuntahan lang kaming handaan ni Rhian. Huwag na kayong lalabas ng bahay," sabi niya sa dalawa niyang kapatid. "Okay po, ate," sagot ng bunsong kapatid niyang si Arman. Mabilis lang ang bawat galaw niya. Sinara ko na ang pinto

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K3

    NATASHA ILANG ARAW PA ANG LUMIPAS, sumunod-sunod ang araw na maraming bumibili sa panindang gulay nina Natasha. Kung kaya naman ganadong-ganado siyang magbenta sa palengke. "Isang kilong talong nga ganda," sabi ng isang babae sabay pili ng paninda niyang talong. Matamis na ngumiti si Natasha sa mamimili. "Sige po, ate pili ka lang ng mga talong ko. Bukod sa mahahaba at malalaki ang mga paninda kong talong, masarap 'yan at masustansya! Siguradong magiging maligaya ang iyong buhay sa talong ko!" sabi niya sabay kuha ng pinakamahaba at matabang talong. Inabot niya ito sa mamimili. Bagong pitas sa bakuran ang talong na iyon. Pinitas niya kaninang umaga lang. Kaya s iguradong manamis-namis iyon kapag naluto. Nang matapos mamili ng babae, inabot na niya ito kay Natasha. "Ayos na ito. Pakilo na lang ako," sabi ng babae. "Lagpas isang kilo, ate. Seventy one po lahat, seventy na lang para sa inyo," magiliw na sambit ni Natasha. Kinuha ni Natasha ang isang daan na bayad ng b

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K2

    NATASHAInasikaso muna ni Natasha ang kanyang mga kapatid bago tuluyang nagtungo sa palengke. Ganoon naman ang palagi niyang ginagawa. Hindi niya hinahayaang aalis siya ng madumi ang bahay.Kahit na maliit at hindi ganoon kaganda ang kanilang bahay, malinis naman ang loob nito. Kung may pera nga lamang si Natasha, ipinagawa na niya ang kanilang bahay. Iyon ang isa sa pangarap niya. Ang maipagawa ang kanilang bahay. Mabuti na lang talaga bago mawala ang kanyang ama, may naiwang lupa sa kanila. Kapag nagkapera siya, ipagagawa niya ang bahay nila. Pagagandahin niya ito. Bibili siya ng mga gamit. Bibili siya ng bagong kama, upuan, T.V. at kung anu-ano pa.Pagkadating niya sa palengke, inayos na niya ang kanyang paninda."Mga suki! Bili na kayo ng gulay! Pampahaba ng buhay! Kung gusto mong mabuhay ng matagal, kumain ka ng gulay! Bili na kayo!" sigaw niya sa mga taong dumadaan.Habang lumilipas ang oras, nakakabenta naman siya kahit paano. Masaya na siya sa ganoon kaysa naman wala siyang m

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K1

    NATASHA Maalinsangan ang paligid. Kinuha ni Natasha ang binili niyang isang bottled water at saka uminom. Kanina ay nagye-yelo pa ito ngunit ngayon ay malamig na tubig na lamang ito. Wala ng yelo dahil sa init. Binilisan niya ang pagpaypay sa kanyang sarili lalo pa't napakainit. Umiihip man ang hangin ngunit mainit pa rin. Hindi maiwasang pagpawisan ni Natasha. Kinuha niya ang panyo mula sa kanyang bulsa atsaka pinunasan ang pawis sa kanyang mukha. Matagal nang pangarap ni Natasha na makaahon sa hirap ng buhay. Matagal na siyang nangangarap na maging mayaman at palaging iniisip na nakahiga siya sa kama na maraming pera.Minsan, naiisip niya ring gumawa ng ilegal para yumaman. Ngunit sa tingin niya, hindi kakayanin ng kanyang konsensya. Kaya naman patuloy na lamang siyang nakikipaglaban ng patas sa buhay. "Gulay kayo riyan mga mahal kong suki! Mga magaganda at guwapo, bumili na kayo sa amin ng gulay! Masarap ito at masustansya. Sariwang-sariwa! Mas sariwa pa sa inyo! Gulay pamp

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status