NATASHA
Matapos kumain ni Natasha, iniligpit niya ang kanyang pinagkainan at saka naglinis sa kusina bago siya tuluyang pumasok sa kanyang kuwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone para makita kung may message ba si Rhian. Mayroon nga kaya kaagad niya itong binasa. Sinabihan siya nitong bilisan maligo para dumiretso na siya kanila dahil aayusan pa siya nito. Napangiti si Natasha. Magaling kasing magmake-up si Rhian. Talagang kahit na panget ka, mapagaganda ka niya. Hangang-hangga siya sa galing ng kanyang kaibigan. Iyon ang nagiging sideline ni Rhian kapag may mga okasyon. Inaayusan niya ang mga debutante, mga bride at iba pa. Malaki rin ang kinikita niya sa pagme-make-up. "Aalis na muna ako, okay? Kapag nagising si mama at hinanap ako, sabihin mo may pinuntahan lang kaming handaan ni Rhian. Huwag na kayong lalabas ng bahay," sabi niya sa dalawa niyang kapatid. "Okay po, ate," sagot ng bunsong kapatid niyang si Arman. Mabilis lang ang bawat galaw niya. Sinara ko na ang pinto. Kumaway pa siya sa mga kapatid niya bago tuluyang naglakad palayo. Kinakabahan siya habang naglalakad at napadasal na sana hindi sila mapahiya. Sana, hindi masama ang ugali ng pupuntahan nila. Naabutan niya si Rhian na nag-aayos sa kaniyang sarili. Ang ganda ni Rhian kung naging babae siya. Sa totoo lang kasi ay guwapo si Rhian kung naging lalaki lang siya. At maganda rin ang katawan ni Rhian bilang lalaki. Maskulado. Tumaas ang kilay ni Rhian nang mapansing kanina pa nakatingin sa kanya si Nastaha. "At ano ang tinitingin-tingin mo riyan? Ano? Inggit ka na naman sa beauty ko? Ang ganda ko 'no? Sobrang ganda ko ba kaya natutulala ka?" Ngumiti si Rhian ng matamis sabay rampa sa harapan niya. Kumembot-kembot pa ang kanyang kaibigan kaya natawa ako ng malakas dahil sa pinaggagawa nito. Rumampa si Rhian na para bang modelo. Nakangiti lang si Natasha abang pinapanuod ang kaibigan. Lumapit si Rhian kay Natasha at saka pinaupo siya sa isang monoblock. "Umayos ka ng upo dahil pagagandahin na kita. Gandang hindi mo aakalain! Gandang mahuhumaling ang mga lalaki sa birthday-han na iyon!" sabi ni Rhian sabay kindat. "Sige gusto ko 'yan!" tugon naman ni Natasha. Nagsimula na si Rhian ayusan si Natasha. Pinikit niya ang kanyang mata. Biglang nakaramdam ng antok si Natasha. Inaantok kasi talaga siya kapag inaayusan siya sa mukha. Magaan pa ang kamay ni Rhian kaya mas lalo siyang inaantok. "Hoy, Natasha baka makatulog ka riyan katulad ng dati. Sasampalin talaga kita nang magising ka," sabi ni Rhian habang inaayos ang kilay ni Natasha. Sumilay ang ngiti sa labi ni Natasha nang makita ang kanyang sarili sa salamin. Ang ganda niya. Napakaganda niya. Ang galing ni Rhian magmake-up. Hindi ganoon kakapal ang make-up niya pero lumitaw ang kagandahan niya. "Ang ganda mo, Natasha! Nakaiinggit ka! Pero syempre mas maganda pa rin ako! Tandaan mo iyan!" saad ng kaibigan niya sabay tawa. Tinawanan na mamang ni Natasha ang kanyang kaibigan. Tumayo na siya at saka siya hinila ni Rhian patungo sa kaniyang kuwarto. Pagkatapos ay pinakita nito sa kanya ang dress na susuotin niya. Napangiwi si Natasha. "Sobrang sexy naman 'yan! Kita ang dibdib ko diyan. Parang pang malandi naman yata ang damit na iyan," nakangiwing sabi ni Natasha. Tumawa si Rhian bago hinaplos ang buhok niya. "Mainam nga para makapang-akit ka ng mayamang lalaki roon! Bilisan mo na! Suotin mo na ito. Huwag ka ng mag-inarte pa diyan. Bilisan mo na ang kilos dahil baka maubusan pa tayo ng pagkain doon." Napailing na lamang si Natasha at kinuha ang dress na binigay ni Rhian para suotin. Mabilis silang lumakad patungo sa sakayan ng jeep. Pagkatapos, sumakay pa sila ng traysikel patungo sa subdivision kung sana nakatira ang pamilyang Ford. Napanganga si Natasha nang makita kung gaano kalaki ang bahay na pinuntahan nila. Napakalawak at laki nito. Sa isip niya, siguro kasing laki lang ng banyo ang bahay nila kung ikukumpara sa lawak ng bahay ng nasa harapan niya ngayon. Malamansyon sa laki. Siniko siya ni Rhian. "Iyong bibig mo, Natasha! Papasukan na ng langaw iyan. Kulang na lang tumulo ang laway mo. Halika na. Puntahan na natin si aling Bernadette." Sumunod siya kay Rhian. May kinausap itong kasambahay na sa tingin niya, iyon na nga si aling Bernadette. Pumasok sila sa loob. Napakaganda ng bahay na iyon. Ang ganda ng chandelier. Mayroong mahabang mesa doon na puno ng pagkain. Mayroong limang malalaking letson. May mini bar sa tabi. Napatingin siya sa mga bisita doon. Kumikinang ang mga alahas ng bawat isa sa mga ito at mamahalin ang mga damit. Napalunok siya ng laway. Sa isip niya, sila lang ni Rhian ang hampaslupa doon. "Dito lang tayo banda, hindi tayo puwede roon kasi mga VIP ang nandoon. Mga bisita ni sir Ezekiel," sabi ni aling Bernadette. Tumango silang dalawa ni Rhian. "Puwede bang maglibot-libot dito?" bulong niya kay Rhian. "Puwede naman siguro," sagot ng kaibigan niya. Lumabas muna si Natasha ng malaking bahay na iyon. Magpapahangin muna siya saglit. Bumuga siya ng hangin at hindi maiwasang makaramdam ng panliliit. Sila lang ang naiiba ni Rhian. Sa isip niya, iba talaga kapag mayaman. Bongga ang handaan. Maraming pagkain. Habang dinadama niya ang sariwang hangin, nadako ang paningin niya sa isang lalaki na may kausap sa kaniyang cellphone. Tinitigan niya ang mukha ng lalaki 'di ganoon kalayo mula sa kinaroonan niya. 'Bakit parang nakita ko na siya?' sabi ni Natasha sa isip Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa lalaki upang masilip ang kaniyang mukha. Nanlaki ang mga mata ni Natasha. 'Siya 'yong lalaking bumili sa akin ng talong! Siya 'yong nakakita ng kulay pink kong panty!' sigaw niya sa isipan. Nang maramdaman ni Natasha na lilingon na ang lalaki, nagmamadali siyang nagtago. Wala na siyang maisipang mapagtaguan kun'di sa gilid basurahan. Mabuti na lang at hindi mabaho rito. "Aray ko!" daing niya nang may kung anong tumama sa braso ko. May nakausli pa lang bote. 'Ano kaya ang ginagawa ng lalaking iyon dito? Bakit siya nandito? Bisita rin kaya siya?' tanong niya sa isipan. Mayamaya pa, nagulat na lamang siya nang makita niyang may pares ng sapatos na nasa harapan niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kasabay nito ang paghuhumirintado ng kanyang puso. Nasa harapan na niya ngayon ang guwapong binatang pinagtataguan niya. Nakita niya ang pag-igting ng panga nito habang nakatingin sa kanya. "What do you think you're doing, woman?" malakulog ang boses na sabi ng guwapong binata.NATASHA Mariing napapikit si Natasha sabay kagat ng kanyang pang-ibabang labi. Parang ayaw niya pang tingnan ang binata. Ayaw niya itong kausapin. 'Kainis naman!' sabi niya sa isipan. . Tumikhim ang binata. Nanatili pa rin si Natasha sa kanyang puwesto at hindi gumagalaw. "Ano? Ganiyan ka na lang diyan? Get up or else I will kick your áss," maawtoridad na sambit ng binata. Napalunok ng laway si Natasha. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Alanganin siyang ngumiti sabay tayo. Nagtama ang tingin nilang dalawa. Seryoso lamang ang guwapong mukha ng binata. Hindi niya makapa ang emosyon nito pero napakaguwapo nito. Binalot si Natasha ng matinding kaba sa hindi malamang dahilan. Makailang beses siyang lumunok ng kanyang laway. 'Sisigawan niya ba ako? Sasaktan niya ba ako? Huwag naman sana. Pero kung sasaktan man niya ako, gagantihan ko talaga siya. Magsapakan na lang kaming dalawa!' sabi niya sa isipan. "Sorry," tanging nasabi ni Natasha sabay yuko. Nakapamulsa
NATASHA Matapos kumain ni Natasha, iniligpit niya ang kanyang pinagkainan at saka naglinis sa kusina bago siya tuluyang pumasok sa kanyang kuwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone para makita kung may message ba si Rhian. Mayroon nga kaya kaagad niya itong binasa. Sinabihan siya nitong bilisan maligo para dumiretso na siya kanila dahil aayusan pa siya nito. Napangiti si Natasha. Magaling kasing magmake-up si Rhian. Talagang kahit na panget ka, mapagaganda ka niya. Hangang-hangga siya sa galing ng kanyang kaibigan. Iyon ang nagiging sideline ni Rhian kapag may mga okasyon. Inaayusan niya ang mga debutante, mga bride at iba pa. Malaki rin ang kinikita niya sa pagme-make-up. "Aalis na muna ako, okay? Kapag nagising si mama at hinanap ako, sabihin mo may pinuntahan lang kaming handaan ni Rhian. Huwag na kayong lalabas ng bahay," sabi niya sa dalawa niyang kapatid. "Okay po, ate," sagot ng bunsong kapatid niyang si Arman. Mabilis lang ang bawat galaw niya. Sinara ko na ang pinto
NATASHA ILANG ARAW PA ANG LUMIPAS, sumunod-sunod ang araw na maraming bumibili sa panindang gulay nina Natasha. Kung kaya naman ganadong-ganado siyang magbenta sa palengke. "Isang kilong talong nga ganda," sabi ng isang babae sabay pili ng paninda niyang talong. Matamis na ngumiti si Natasha sa mamimili. "Sige po, ate pili ka lang ng mga talong ko. Bukod sa mahahaba at malalaki ang mga paninda kong talong, masarap 'yan at masustansya! Siguradong magiging maligaya ang iyong buhay sa talong ko!" sabi niya sabay kuha ng pinakamahaba at matabang talong. Inabot niya ito sa mamimili. Bagong pitas sa bakuran ang talong na iyon. Pinitas niya kaninang umaga lang. Kaya s iguradong manamis-namis iyon kapag naluto. Nang matapos mamili ng babae, inabot na niya ito kay Natasha. "Ayos na ito. Pakilo na lang ako," sabi ng babae. "Lagpas isang kilo, ate. Seventy one po lahat, seventy na lang para sa inyo," magiliw na sambit ni Natasha. Kinuha ni Natasha ang isang daan na bayad ng b
NATASHAInasikaso muna ni Natasha ang kanyang mga kapatid bago tuluyang nagtungo sa palengke. Ganoon naman ang palagi niyang ginagawa. Hindi niya hinahayaang aalis siya ng madumi ang bahay.Kahit na maliit at hindi ganoon kaganda ang kanilang bahay, malinis naman ang loob nito. Kung may pera nga lamang si Natasha, ipinagawa na niya ang kanilang bahay. Iyon ang isa sa pangarap niya. Ang maipagawa ang kanilang bahay. Mabuti na lang talaga bago mawala ang kanyang ama, may naiwang lupa sa kanila. Kapag nagkapera siya, ipagagawa niya ang bahay nila. Pagagandahin niya ito. Bibili siya ng mga gamit. Bibili siya ng bagong kama, upuan, T.V. at kung anu-ano pa.Pagkadating niya sa palengke, inayos na niya ang kanyang paninda."Mga suki! Bili na kayo ng gulay! Pampahaba ng buhay! Kung gusto mong mabuhay ng matagal, kumain ka ng gulay! Bili na kayo!" sigaw niya sa mga taong dumadaan.Habang lumilipas ang oras, nakakabenta naman siya kahit paano. Masaya na siya sa ganoon kaysa naman wala siyang m
NATASHA Maalinsangan ang paligid. Kinuha ni Natasha ang binili niyang isang bottled water at saka uminom. Kanina ay nagye-yelo pa ito ngunit ngayon ay malamig na tubig na lamang ito. Wala ng yelo dahil sa init. Binilisan niya ang pagpaypay sa kanyang sarili lalo pa't napakainit. Umiihip man ang hangin ngunit mainit pa rin. Hindi maiwasang pagpawisan ni Natasha. Kinuha niya ang panyo mula sa kanyang bulsa atsaka pinunasan ang pawis sa kanyang mukha. Matagal nang pangarap ni Natasha na makaahon sa hirap ng buhay. Matagal na siyang nangangarap na maging mayaman at palaging iniisip na nakahiga siya sa kama na maraming pera.Minsan, naiisip niya ring gumawa ng ilegal para yumaman. Ngunit sa tingin niya, hindi kakayanin ng kanyang konsensya. Kaya naman patuloy na lamang siyang nakikipaglaban ng patas sa buhay. "Gulay kayo riyan mga mahal kong suki! Mga magaganda at guwapo, bumili na kayo sa amin ng gulay! Masarap ito at masustansya. Sariwang-sariwa! Mas sariwa pa sa inyo! Gulay pamp