Share

K2

Penulis: LonelyPen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-31 00:07:34

NATASHA

Inasikaso muna ni Natasha ang kanyang mga kapatid bago tuluyang nagtungo sa palengke. Ganoon naman ang palagi niyang ginagawa. Hindi niya hinahayaang aalis siya ng madumi ang bahay.

Kahit na maliit at hindi ganoon kaganda ang kanilang bahay, malinis naman ang loob nito. Kung may pera nga lamang si Natasha, ipinagawa na niya ang kanilang bahay.

Iyon ang isa sa pangarap niya. Ang maipagawa ang kanilang bahay. Mabuti na lang talaga bago mawala ang kanyang ama, may naiwang lupa sa kanila. Kapag nagkapera siya, ipagagawa niya ang bahay nila. Pagagandahin niya ito. Bibili siya ng mga gamit. Bibili siya ng bagong kama, upuan, T.V. at kung anu-ano pa.

Pagkadating niya sa palengke, inayos na niya ang kanyang paninda.

"Mga suki! Bili na kayo ng gulay! Pampahaba ng buhay! Kung gusto mong mabuhay ng matagal, kumain ka ng gulay! Bili na kayo!" sigaw niya sa mga taong dumadaan.

Habang lumilipas ang oras, nakakabenta naman siya kahit paano. Masaya na siya sa ganoon kaysa naman wala siyang maibenta buong maghapon.

Napahawak si Natasha sa kanyang sikmura dahil kumakalam na ito. Hindi pa pala siya kumakain tanghalian. Tiningnan siya ng kaibigan niyang si Rhian at saka sumenyas.

"Bumili ka na ng pagkain mo dahil baka mamaya maubusan ka pa ng lutong ulam. Bilisan mo na at huwag ka ng mag-inarte pa diyan dahil baka makurot ko lang ang singit mo. Ako na muna ang magbabantay dito, tapos na rin naman akong kumain. Sige na, umalis ka na," nakangiting sabi ng kanyang kaibigan.

"Okay sige, salamat day," saad ni Natasha.

Tumayo siya at saka kumuha ng pera sa kanyang bulsa. Tigpipiso ang baryang nakalagay sa kanyang bulsa. Senyales na talagang kakarampot lang ang pera niya. Bibili siya ng ulam kay aling Bebang. Ang karinderyang palagi niyang bininilhan ng ulam.

Mabilis siyang humakbang patungo sa karinderya ni aling Bebang. Nang makarating siya doon ay kaagad siyang namili ng ulam. Adobong manok na lamang siguro ang uulamin niya dahil iyon ang medyo mura.

Karne ng manok o baboy ang inuulam niya dahil nasasawa na rin siya sa gulay. Pero ang pinakamurang ulam ng karne ang binibili niya.

"Aling Bebang, isang order nga po ng adobong manok," saad niya bago itinuro ang ulam na nais niyang bilhin.

"Sige ganda," sabi ni aling Bebang bago nagsandok na ng ulam.

Napalunok ng laway si Natasha nang mapatingin sa iba pang ulam doon. Sa isip niya, ang sarap sana ng kalderetang baka ngunit wala siyang pambili. Hindi aabot ang perang mayroon siya. Inabot ni Natasha ang bayad kay aling Bebang bago kinuha ang ulam na binili niya.

Nakangiti si aling Bebang. "Dinagdagan ko na 'yan ng isang laman para masarap ang kain mo. Napakasipag mo talaga at walang kaarte-arte. Magiging mayaman ka talaga pagdating ng araw."

Sumilay ang ngiti sa labi ni Natasha. Palaging sinasabi iyon sa kanya ni aling Bebang. At pinanghahawakan niya iyon. Na balang araw, yayaman nga talaga siya.

"Salamat po, aling Bebang. Ang bait niyo po talaga! The best po kayo! Mabait na, ang galing pang magluto! Sige po alis na ako dahil kanina pa talaga ako nagugutom!" magiliw niyang sabi sabay kindat.

umango si aling Bebang habang nakangiti. Masayang naglalakad pabalik sa puwesto si Natasha. Mabuti na lang talaga mabait si aling Bebang at naiintindihan siya. Lagi niyang dinadagdagan ang ulam na binibili ni Natasha kaya minsan ay hindi na kinukuha pa ni Natasha ang baryang sukli sa kaniya bilang pasalamat na rin sa ginagawang kabutihan sa kanya nu aling Bebang.

Pagkarating niya sa puwesto, naabutan niyang nagbabalot ng gulay si Rhian. Nakabenta siya ng isang kilong talong. Mabenta talaga ang talong nila Natasha dahil wala itong butas-butas. Ibig sabihin ay walang uod ang talong na ibinebenta nila. At higit sa lahat ay mahahaba ito at matataba.

"Taray naman nakabenta ang diyosang si Rhian! Kakaiba talaga ang kaniyang alindog!" masayang sabi niya sa kaibigan.

Kinuha ko ang bag ko at saka inilabas ang kanin na baon . niya. Nagbabaon kasi talaga ng kanin si Natasha upang makatipid na rin. Maaga siyang nagigising para magsaing at ulam na lang ang iintindihin ng kanyang ina pagkagising nito.

"Syempre naman, Natasha! Iba ang alindog ko sa mga customer! Nakakaakit ng mamimili!" proud na sabi ni Rhian sabay kindat.

Mabilis lang ang ginawang pagkain ni Natasha dahil nahihiya siyang magpabantay sa kanyang kaibigan dahil may puwesto rin ito.

"Ako na ang bahala rito. Salamat sa pagbabantay Ryan," mapang-asar na sabi ni Natasha sa kaibigan.

Nagsalubong ang kilay ni Rhian.. "Anong sinabi mo?"

Tumawa ng malakas si Natasha bago mahinang pinalo sa balikat ang kanyang kaibigan.

"Sabi ko, maraming salamat sa pagbabantay Rhian," aniya bago muling natawa.

"Good. Ayus-ayusin mo lang. Rhian anh pangalan ko hindi Ryan!" Tumayo na si Rhian bago hinawi ang mahaba niyang buhok.

"Sige na, balik na muna ako sa puwesto ko. Baka naiinip na ang kapatid ko roon. Maiwan na muna kita." Lumakad na ang kaibigan niya palayo.

Hindi naman ganoon kalayo ang puwesto ni Rhian mula sa puwesto niya.. Karne naman ng manok ang itinitinda ng kanyang kaibigan. Malakas ang paninda nila. Sabagay, mura lang kasi ito ngunit sariwa. Bagong katay.. Kinuha ni Natasha ang cellphone niya upang tingnan kung anong oras na. Ala una y media na rin pala. Mamaya ay magkakatao ng muli.

Nakatunganga lang siya habang naghihintay ng bibili. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo dahil bigla na lamang itong nangati. Pagkaangat niya ng tingin ay halos lumuwa ang mata ni Natasha dahil sa kanyang nakita.

Isang guwapong lalaki ang nasa harapan niya ngayon. Kulay kayumanggi ang balat nito, matipuno ang kaniyang katawan, malalaki ang kaniyang braso na tila ba kaysarap nitong pisilin, makapal at itim na itim ang kaniyang kilay, mahaba ang kaniyang pilik-mata, matangos ang kaniyang ilong at mapula ang manipis niyang labi.

Tinaasan siya ng kilay ng lalaki at saka bumaling sa sasakyan na nasa likuran niya. May isang lalaking nakadungaw roon. Guwapo rin ito. Pero mas guwapo ang lalaking nasa harapan niya. Maputi ang lalaking nasa sasakyan, ngunit mas guwapo para sa kanya ang kulay kayumangging balat dahil para kay Natasha ay lalaking-lalaki iyon tingnan.

"Zeke! Bumili ka ng isang kilong talong. Gusto ko 'yong matataba at mahaba. Bilisan mo na!" sigaw ng lalaki na nasa sasakyan.

"Bullsh*t! Bakit ka pa kasi napilayan! Sa katangahan mong 'yan, ako tuloy ang napupurwisyo! Ang kapal ng pagmumukha mong utusan ako," inis na sabi ng lalaking nasa harapan niya sabay iling.

Tumawa ang lalaki na nasa sa sasakyan. "Sige na! Piliin mo 'yong walang butas para matuwa si mommy. Ayusin mo ang pagpili."

"F*ck," mahinang mura ng lalaki.

Nakatitig lamang si Natasha sa lalaki. Hindi inaalis ang tingin niya sa lalaki. Ngayon lang kasi siya nakakita ng ganoon kaguwapong lalaki. Hindi niya maiwasang mapatitig ng husto.

"How much is this?" tanong ng lalaki habang hawak ang mahaba at matabang talong na tinda ni Natasha.

Matamis na ngumiti si Natasha. "Singkuwenta po ang isang kilo."

Kumunot ang noo niya. "What is singkuwenta?"

Muntik ng matawa si Natasha ngunit pinigilan niya lang. "Fifty per kilo Sir."

"Okay, isang kilo."

Kumuha na siya ng mga mahahaba at matatabang talong. Inisa-isa niya itong tiningnan. Sinuri niyang maigi ito. Matapos niyang makapamili ay inabot na niya ito kay Natasha. Kinuha agad iyon ng dalaga.

"Sir sobra po siya sa isang kilo, bale magiging sixty na po siya."

Tumango siya. "Okay then," tipid niyang sabi at saka kumuha ng pera sa kaniyang wallet.

Nailagay.ni Natasha sa plastic bag ang mga talong at pagkatapos ay inabot ito sa binata.. Binigay ng lalaki kay Natasha ang isang libo. Napangiwi siya. Wala pa kasi siyang panukli dahil hindi pa umaabot sa isang libo ang benta niya.

"Sir puwede po ba riyan lang po muna kayo saglit? Magpapabarya lang po ako."

Tumango lamang siya. Sa kakamadali niya ay muntik nang lumagapak ang mukha niya sa semento. Mabuti na lamang at naitukod ni Natasha ang kamay niya.

Kaagad siyang tumayo bago tinignan ang kamay niya. May kaunting gasgas ito. Napangiwi si Natasha dahil mahapdi ito.

"Miss, huwag mo na akong suklian. Keep the change."

Nanlaki ang mata ni Natasha. "Talaga po, sir? Naku maraming salamat po sa inyo!"

"Yes. By the way, ayusin mo 'yang suot mong short."

"Ha?" takang sabi ni Natasha.

Nakita niya ang paggalaw ng Adam's apple ng lalaki. "Ibaba mo ng kaunti ang suot mong short. Kita na kasi ang panty mo. Your pink panty," sabi niya sabay talikod.

Kaagad na siyang sumakay sa sasakyan habang si Natasha ay naiwang nakaawang ang bibig.

'Punyetá! Nakita niya ang panty ko?' sigaw ni Natasha sa isipan.

Sinilip niya ang kanyang panty. Kulay pink nga.

"Punyemas,, nakita niya kaya na butas ang panty ko?" mahinang sambit niya sabay kagat-labi.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K5

    NATASHA Mariing napapikit si Natasha sabay kagat ng kanyang pang-ibabang labi. Parang ayaw niya pang tingnan ang binata. Ayaw niya itong kausapin. 'Kainis naman!' sabi niya sa isipan. . Tumikhim ang binata. Nanatili pa rin si Natasha sa kanyang puwesto at hindi gumagalaw. "Ano? Ganiyan ka na lang diyan? Get up or else I will kick your áss," maawtoridad na sambit ng binata. Napalunok ng laway si Natasha. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Alanganin siyang ngumiti sabay tayo. Nagtama ang tingin nilang dalawa. Seryoso lamang ang guwapong mukha ng binata. Hindi niya makapa ang emosyon nito pero napakaguwapo nito. Binalot si Natasha ng matinding kaba sa hindi malamang dahilan. Makailang beses siyang lumunok ng kanyang laway. 'Sisigawan niya ba ako? Sasaktan niya ba ako? Huwag naman sana. Pero kung sasaktan man niya ako, gagantihan ko talaga siya. Magsapakan na lang kaming dalawa!' sabi niya sa isipan. "Sorry," tanging nasabi ni Natasha sabay yuko. Nakapamulsa

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K4

    NATASHA Matapos kumain ni Natasha, iniligpit niya ang kanyang pinagkainan at saka naglinis sa kusina bago siya tuluyang pumasok sa kanyang kuwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone para makita kung may message ba si Rhian. Mayroon nga kaya kaagad niya itong binasa. Sinabihan siya nitong bilisan maligo para dumiretso na siya kanila dahil aayusan pa siya nito. Napangiti si Natasha. Magaling kasing magmake-up si Rhian. Talagang kahit na panget ka, mapagaganda ka niya. Hangang-hangga siya sa galing ng kanyang kaibigan. Iyon ang nagiging sideline ni Rhian kapag may mga okasyon. Inaayusan niya ang mga debutante, mga bride at iba pa. Malaki rin ang kinikita niya sa pagme-make-up. "Aalis na muna ako, okay? Kapag nagising si mama at hinanap ako, sabihin mo may pinuntahan lang kaming handaan ni Rhian. Huwag na kayong lalabas ng bahay," sabi niya sa dalawa niyang kapatid. "Okay po, ate," sagot ng bunsong kapatid niyang si Arman. Mabilis lang ang bawat galaw niya. Sinara ko na ang pinto

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K3

    NATASHA ILANG ARAW PA ANG LUMIPAS, sumunod-sunod ang araw na maraming bumibili sa panindang gulay nina Natasha. Kung kaya naman ganadong-ganado siyang magbenta sa palengke. "Isang kilong talong nga ganda," sabi ng isang babae sabay pili ng paninda niyang talong. Matamis na ngumiti si Natasha sa mamimili. "Sige po, ate pili ka lang ng mga talong ko. Bukod sa mahahaba at malalaki ang mga paninda kong talong, masarap 'yan at masustansya! Siguradong magiging maligaya ang iyong buhay sa talong ko!" sabi niya sabay kuha ng pinakamahaba at matabang talong. Inabot niya ito sa mamimili. Bagong pitas sa bakuran ang talong na iyon. Pinitas niya kaninang umaga lang. Kaya s iguradong manamis-namis iyon kapag naluto. Nang matapos mamili ng babae, inabot na niya ito kay Natasha. "Ayos na ito. Pakilo na lang ako," sabi ng babae. "Lagpas isang kilo, ate. Seventy one po lahat, seventy na lang para sa inyo," magiliw na sambit ni Natasha. Kinuha ni Natasha ang isang daan na bayad ng b

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K2

    NATASHAInasikaso muna ni Natasha ang kanyang mga kapatid bago tuluyang nagtungo sa palengke. Ganoon naman ang palagi niyang ginagawa. Hindi niya hinahayaang aalis siya ng madumi ang bahay.Kahit na maliit at hindi ganoon kaganda ang kanilang bahay, malinis naman ang loob nito. Kung may pera nga lamang si Natasha, ipinagawa na niya ang kanilang bahay. Iyon ang isa sa pangarap niya. Ang maipagawa ang kanilang bahay. Mabuti na lang talaga bago mawala ang kanyang ama, may naiwang lupa sa kanila. Kapag nagkapera siya, ipagagawa niya ang bahay nila. Pagagandahin niya ito. Bibili siya ng mga gamit. Bibili siya ng bagong kama, upuan, T.V. at kung anu-ano pa.Pagkadating niya sa palengke, inayos na niya ang kanyang paninda."Mga suki! Bili na kayo ng gulay! Pampahaba ng buhay! Kung gusto mong mabuhay ng matagal, kumain ka ng gulay! Bili na kayo!" sigaw niya sa mga taong dumadaan.Habang lumilipas ang oras, nakakabenta naman siya kahit paano. Masaya na siya sa ganoon kaysa naman wala siyang m

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K1

    NATASHA Maalinsangan ang paligid. Kinuha ni Natasha ang binili niyang isang bottled water at saka uminom. Kanina ay nagye-yelo pa ito ngunit ngayon ay malamig na tubig na lamang ito. Wala ng yelo dahil sa init. Binilisan niya ang pagpaypay sa kanyang sarili lalo pa't napakainit. Umiihip man ang hangin ngunit mainit pa rin. Hindi maiwasang pagpawisan ni Natasha. Kinuha niya ang panyo mula sa kanyang bulsa atsaka pinunasan ang pawis sa kanyang mukha. Matagal nang pangarap ni Natasha na makaahon sa hirap ng buhay. Matagal na siyang nangangarap na maging mayaman at palaging iniisip na nakahiga siya sa kama na maraming pera.Minsan, naiisip niya ring gumawa ng ilegal para yumaman. Ngunit sa tingin niya, hindi kakayanin ng kanyang konsensya. Kaya naman patuloy na lamang siyang nakikipaglaban ng patas sa buhay. "Gulay kayo riyan mga mahal kong suki! Mga magaganda at guwapo, bumili na kayo sa amin ng gulay! Masarap ito at masustansya. Sariwang-sariwa! Mas sariwa pa sa inyo! Gulay pamp

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status