Share

Kabanata 16

MASAYANG NAGISING si Hasumi dahil hanggang ngayon ay nakahiga pa rin siya sa matikas na dibdib ng lalaki. Tinitigan niya ang mukha ng lalaki at maigi niya itong inaral. Ang guwapo ng kaniyang kasintahan lalo na kapag sa malapitan ito titigan.

Gumalaw ang lalaki kaya ay agad na pumikit si Hasumi at nagkunwaring tulog pa rin. Hindi niya napigilan ang sarili niya na ngumiti buhat nang maramdaman niya ang labi ng lalaki sa kaniyang noo. She felt loved and respected because of the smooth kiss.

"Good morning, Baby," bati ng lalaki sa kaniya. Simple lamang ito subalit napakasaya ni Hasumi nang marinig niya ang boses ng lalaki. Ang guwapo pa lalo pakinggan ng boses ni Brael kapag umaga.

Niyakap siya nang mahigpit ni Brael. Humarap na sa kaniya ang lalaki at mas humigpit pa ang pagyakap nito sa kaniya. Ang saya ng puso ni Hasumi. Ngayon niya lang naranasan ito. Alam niya na sa mata ng Papa niya ay mali ito pero sapat na ang pag-ibig niya kay Brael upang matawag niyang tama itong ginagawa nila
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status