UMATRAS SI Hasumi at agad niyang tinulak ang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng pagsisisi. If she could turn back time, hindi niya na niyaya pa na makipag-usap sa kaniya si Ludwig. Sana umiwas na lang siya dahil may hint naman siya na mangyayari ito."Why?" tanong ng lalaki.Tumitig lang siya sa lalaki nang saglit bago siya tumalikod at nagmadaling tumungo sa kaniyang silid. She cried because of a heavy feeling she had inside her heart. She was shattered again and it feels like hell. Tumungo siya sa ibabaw ng kaniyang kama at umupo siya na niyakap ang kaniyang mga tuhod. Walang humpay ang pagluha niya.Fuck her heart. Hindi nito kayang magpapasok ng ibang lalaki kahit na pinipilit niya ang sarili. Fuck her eyes. Kahit na gaano kaguwapo si Ludwig ay iisang mukha lang ang gusto niyang makita at si Brael iyon."Putang anghel," mura niya sa sarili. "Bakit hindi mo na lang kalimutan ang gagong iyon, Yumi? He is an asshole that fucked
TULALA SIYANG nakatitig sa labas ng bintana. Heto na siya. Babalikan na niya ang bansa kung saan siya umibig at kung saan din siya nasaktan. Bumuga siya ng hangin upang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Sumikip kasi ang dibdib niya mula kahapon. Tumakbo sa isipan niya ang isang istorya na inakala niya ay magpapatuloy hanggang ngayon at sa hindi mabilang na mga bukas. Istorya niya at ni Brael. Istorya na hindi niya alam kung natapos na ba o hindi naman talaga nagsimula. Baka naman, siya lang ang nagpapantasya tungkol sa istorya na iyon.May tanong sa isip niya. Minahal ba siya ng lalaki kahit na kaunti lang? O ginamit lang talaga siya nito para magbalik si Sathania. Mahal niya ang lalaki at kahit na masakit ang ginawa ng lalaki ay hindi maalis sa puso niya ang katotohanan na mahal niya ito.Bumagsak ang mga talukap ng mga mata niya. Napahawak siya sa kaniyang pisngi at hindi niya namalayan na basa na pala ang kaniyang mga magkabilang pisngi. Lumapag ang eroplano at marahang huminga nan
"PAPA, HINDI niyo puwedeng gawin iyon! How could you?" Nanginginig ang kaniyang laman dahil sa inis na napukaw ng impormasyon na nabatid niya. Nalaman niya na nagsagawa ng pekeng lamay at paglibing ang kaniyang Papa. Pinaalam ng ama niya sa lahat na siya ay namatay dahil hindi siya nakaligtas kuno mula sa mga balang nabaon sa kaniyang laman. She pulled her own hair out of frustration. Inisip ba ito ng ama niya bago niya isinagawa ang bagay na iyon? How could a father treat his daughter's life as a joke?"Hear me out, Yumi," anang Papa niya. Akma siyang hahawakan ng kaniyang ama subalit lumayo siya rito. Naiinis talaga siya sa ama niya at hindi niya matanggap ang ginawa nito.Hindi siya makapaniwala. Pinilit niya ang isip niya na intindihin ang ginawa ng kaniyang Papa. "Sarili mo akong anak, Papa. Paano mo nagawang ilibing ako kahit buhay na buhay pa ako? Nahihibang ka na ba?" Patawarin na lang siya ng ama niya kung ano man ang mga salitang nasabi niya. She was upset that's why she
"I'M BRAEL. What's your name?"Dumahan-dahan ang pagtibok ng kaniyang puso. She was certain about the loud music inside the bar and the noise that people were making but the man's words deafened her ears. Ang naririnig na lamang niya ay ang winika ng lalaki. What's happening here? Hindi siya nakikilala ni Brael. The man must be crazy. Ang alam niya ay matalas ang memorya ng lalaki pero sa tingin niya ay hindi totoo ang bagay na iyon. Hindi pa ganoon ka-tagal noong huli silang nagkita. And she was imposible to be forgotten.The man smiled at her and she was caught off guard. Napahawak siya sa bisig ng lalaki nang natumba siya. "Miss, are you alright?" tanong ng lalaki matapos siyang tinulungan nito na tumayo nang maayos.Hindi siya makapagsalita. Pakiramdam niya ay naubos ang mga salitang nasa bokabularyo niya. Natameme siya nang tuluyan. Mabuti na lang at hindi niya natapon ang cocktail na hawak niya. She remembered about the cocktail. Tiningnan niya ito saglit at walang anu-ano'
BUMAGSAK ANG mga balikat niya habang nakatitig sa papalayong sasakyan. That woman was mysterious. He introduced himself to her but she didn't give him her name. Ano ba ang problema ng babaeng iyon? Ang damot niya. Pangalan lang naman ang hinihingi niya mula rito pero hindi niya ito binigay. Ano iyong pangalan niya? Gold? Napakamot na lang sa batok niya si Brael."Damn," mura na lamang niya sa ere bago niya binalikan ang kaniyang motor na nanatiling umaandar.Hindi maalis sa isipan niya ang babaeng nakainuman niya kanina. Palagi niyang naaalala ang mga ngiti nito at ang mukha ng babae na para bang may kung ano rito na hindi niya kayang alisin ang mga tingin niya rito. He sighed. Parang isang remedyo ang babae. Matapos pasamain ng kasintahan niya ang kaniyang loob ay nakita niya ang babaeng iyon at dahil doon qy gumaan ang kaniyang pakiramdam. Pinarada niya sa silong ng apartment ang kaniyang motor nang nakarating na siya. Kumatok siya at agad naman siyang pinagbuksan ni Ania."Where
BUMALIK NA naman siya sa bar kung saan sila nag-inuman ni Brael. Nandito siya ngayon dahil naiinis siya sa Papa niya. Gusto na talaga ni Hasumi ang maglibang ngayon sa bar kapag may hindi sila pagkakaintindihan ng Papa niya. Hindi na kasi tulad ng dati na may malalapitan siyang mga kaibigan kapag may dinadala siyang mabigat na bagay sa puso niya. Ngayon kasi ay sarili na lamang niya ang sinasandalan niya. Namimiss na niya ang dalawang kaibigan niya pero hindi niya sila puwedeng makita. Delikado na kasi ang lagay niya kasi ay alam na ng ibang assassin kung sino talaga siya. Lahat ng nakakakilala sa kaniya ay gusto siyang patayin. Literal na nakabaon na sa hukay ang kaniyang kalahating katawan. One wrong move would be a cause of her end.Tumungo siya sa isang table na bakante. Pinili niya ang table na walang masyadong taong nasa paligid. Umupo siya saglit bago siya tumawag ng waiter. "Ma'am," anang lalaki na naka-tayo sa tapat niya. Inangat niya ang sulyap niya sa lalaki. She made a
TINULUNGAN SIYA ni Joro upang malaman kung nasaan ang mga kaibigan niya. Sinabi ni Joro sa kaniya na nasa sementeryo ang dalawa kaya ay agad siyang nagpasama papunta rito.Habang nasa biyahe kanina ay kaniya ring nalaman na palaging nasa sementeryo ang dalawa tuwing dapit-hapon. Malalim na rin ang gabi kung umuwi ang dalawa.Grabe ang Papa niya kung makapag-effort sa libingan niya. Bumuga siya ng hangin upang gumaan ang pakiramdam niya. Kumulo ang dugo niya nang paulit-ulit niyang naaalala ang ginawa ng Papa niya. Ikinubli niya sa likod ng kahoy ang kaniyang sarili. Ilang metro na lang ang layo niya sa mga kaibigan niyang nagluluksa ang mga mukha. "Grabe, Yura, 'no? S-Sana nawala na lang siya sa atin noong mga bata pa tayo. B-Bakit ngayon pa kung kailan marami na tayong mga ala-alang nabuo na magkakasama? This is unfair and I don't know how to accept the fact that she is not with us anymore," anang Hanare.Gumulong ang mga butil ng luha mula sa kaniyang mga mata, pababa sa kaniyang
KANINA PA ginugood time ni Hakura ang kaibigan nila. Bigla na lang kasi itong nawala sa inuman kagabi at sumunod naman si Joro. "Yura, tumahimik ka naman, oh! Please," anang Hanare.Sa buong buhay niya ay ngayon niya lang napansin na naiinis si Hanare kapag binibiro siya tungkol sa malalaswang bagay. Bigla na lang itong namumula kapag binibiro siya ni Hakura. "Hanare, ayusin mo kaya ang paglakad mo? Para kang hinampas ng dos por dos dahil sa paglalakad mo! Ganoon ba ka-haba at ka-laki?" anang Hakura."Yura, naman. Please stop it. Wala akong tulog at masakit pa ang ulo ko," anang Hanare. "Ay, really? Paano ba hindi sasakit ang ulo mo e ang usaoan inuman lang. Bakit may kantutan? Ano iyon? Dahil sa alak natuloy ang balak?" "Yura, e. Nakakainis na ha. Alam mo naman na kasama natin si Joro. Nakakahiya kapag narinig niya tayo na pinag-uusapan kung ano man ang nangyari sa amin kagabi," sabi ni Hanare.Wala na. Tinamaan na nga ang kaibigan niya. Parang pareho rin ito ng naramdaman niya