Nang magising si Kayla ay ramdam niya ang sakit ng ulo niya. Kinapa-kapa niya ang side table niya para kunin ang ponytail niya para itali ang buhok niya. Nang makuha niya ito ay bumangon na siya saka niya tiningnan ang sarili niya sa salamin. Naalala niya ang ginawa niya kagabi kaya inalala niya kung paano siya nakauwi. Nang maalala niyang iniwan niya si Owen sa park ay napasapo na lang siya sa noo niya.
“Magkasama kaming nagpunta sa park. Paano yun makakauwi ng walang sasakyan?” aniya dahil sa kahihiyan na nararamdaman niya ay nagmamadali siyang umalis.
“May mga taxi at grab car naman. Hindi ko siya pinilit na sumakay sa sasakyan ko kaya paanong naging kasalanan ko na naiwan siya dun?” usal niya sa sarili niya. Mabuti na lamang at day off niya ngayong araw. Sana lang ay hindi niya na makita kahit kailan si Owen dahil hindi niya na alam kung ano pang mukha ang ihaharap niya rito.
Dumiretso na siya sa kusina para magluto ng kakainin niya. Nagtimpla na rin siya ng kape niya para may iniinom siya habang nagluluto. Napabuntong hininga na naman siya nang maalala niya ang pagtataksil ng fiance niya. Akala niya ay genuine in love sa kaniya ang lalaking nagpropose sa kaniya pero kinakaliwa na pala siya nito.
Napahilamos si Kayla sa mukha niya saka siya tumingala. Pagod na siyang umiyak, ang katulad ng fiance niyang manloloko ay hindi dapat iniiyak.
Natigil sa pagmumuni si Kayla nang may kumatok sa pintuan niya. Nagtungo siya dito para tingnan kung sino ang nasa labas ng pintuan. Kabubukas pa lang niya ng door knob nang biglang pumasok ang fiance niya na ikinagulat niya.
“What are you doing here? Get out.” Seryosong saad ni Kayla at akma sanang itutulak ang fiance niya pero mas malakas ito kesa sa kaniya.
“Joshua get out!” sigaw niya at itinuro ang pintuan. Kunot noo naman siyang tiningnan ni Joshua.
“Uminom ka? Sa lakas ng amoy mo ngayon mukhang nagpakalunod ka sa alak kagabi. Where have you been last night?” galit pa nitong saad kaya hilaw na natawa si Kayla. Masama niyang tiningnan ang fiance niya.
“Ano pa bang pakialam mo? Umalis ka na kung ayaw mong tumawag ako ng guard.”
“Do it, sa tingin mo susundin ka nila? Kilala na ako ng mga guard ng condominium building na ‘to. Bakit ba nagmamatigas ka pa rin? Ayusin na lang natin ang relasyon natin kesa nagrerebelde ka at nilulunod ang sarili sa alak!” natawa si Kayla. Kung makapagsalita ang fiance niya para bang napakaliit ng kasalanan nito.
“Wala ng aayusin, Joshua. I’m done, I’m done with you!”
“Damn it! It’s just one mistake. Bakit ba hindi na lang natin yun kalimutan at magfocus na lang tayo sa kasal nating dalawa?”
“Tang*na, para sayo isang pagkakamali lang yun pero yung pagkakamaling ginawa mo sa akin halos gumuho ang mundo ko! Muntik mo ng sirain ang buhay ko tapos sasabihin mong isang pagkakamali lang yun? Tang ina mo Joshua, tang ina ka talaga sagad. Anong akala mo sa akin? Iiyak lang pagkatapos tatanggapin na kita ulit? Pagkakamali lang ba talaga ang tingin mo sa ginawa mo sa akin? Alam ko ng matagal na kayong may relasyon ni Ellaine! Sa tuwing nakatalikod ako ginagago niyo na akong dalawa!” galit na sigaw ni Kayla. Akma sana siyang hahawakan ni Joshua pero umatras si Kayla. Matatalim ang tingin niya kay Joshua.
“Hindi na mauulit, tinapos ko na ang relasyon ko sa kaniya. Palagi ka kasing busy at sa tuwing wala ka siya ang nasa tabi ko pero ikaw ang mahal ko.”
“Putang inang pagmamahal yan. Kung ngayon pa lang nagagawa mo ng maghanap ng iba dahil busy ako, paano pa kapag ikinasal na tayo? Hindi ako magpapakasal sa manlolokong katulad mo. The wedding is off.” May diin niyang saad pero tinawanan lang siya ni Joshua.
“At sa tingin mo ganun lang kadali? Malaki na ang naibigay ko sa kuya mo, malaki na ang ininvest ko sa pamilya mo. Kung malaman man nila na nagloko ako, I’m sure pipilitin ka pa rin nila na magpakasal ka sa akin. Wala kang magagawa Kayla, habang buhay ka ng nakatali sa akin.” Naikuyom ni Kayla ang kamao niya. Nakagat niya ang mga ngipin niya. Nanginginig siya sa galit.
Buong lakas niyang tinulak-tulak si Joshua palabas ng condo niya.
“Hindi ako magpapakasal, kahit anong mangyari hindi ako magpapakasal! Hindi ako ang may utang sayo kaya huwag ako ang singilin mo!” sigaw niya saka niya sinipa sa tiyan ang fiance niya dahilan para bumagsak ito. Mabilis niyang isinarado ang pintuan niya at inilock na yun.
Dahan-dahan siyang napaupo habang umiiyak. Nakatakip na sa mukha niya ang dalawang palad niya. Kailan ba siya magkakaroon ng kalayaan? Kailan ba siya makakatakas sa pamilya at fiance niya?
Sunod-sunod pa ang pagkatok ni Joshua sa pintuan niya pero hindi niya na ito pinagbuksan. Gusto niya sanang tumawag ng pulis at guard pero alam niyang balewala rin yun kapag nagpakilala si Joshua sa kanila.
Niyakap niya na lang ang mga tuhod niya habang nakasalampak sa malamig na sahig. Minahal niya si Joshua akala niya ay okay lang ang lahat sa kanila pero hindi niya akalain na matagal na pala siyang niloloko ng long time boyfriend niya. Ellaine is her college classmates pero hindi sila close. Alam niyang matagal ng alam ni Ellaine ang tungkol sa kanila ni Joshua pero pinili pa rin nitong maging sidechick.
Nang kumalma na si Kayla ay tumayo na siya. Nagluto na siya at kumain. Tulala lang siya habang kumakain. Iniisip kung paano siya makakatakas at makakalayo sa pamilya niya. Alam niyang kapag sinabi niya sa mga ito na ayaw niya ng magpakasal kay Joshua baka magalit lang sila.
“They are my family after all. Kapag sinabi ko naman siguro sa kanila ang dahilan kung bakit ayaw ko ng magpakasal kay Joshua baka ako rin ang kampihan at kaawaan nila.” wika niya sa sarili niya. Napabuntong hininga na lang si Kayla. Masyado lang ba talagang mataas ang pride niya? Oo, isang beses pa lang siyang niloko ni Joshua pero napakasakit nun sa kaniya.
Nang magring ang cellphone niya ay sinagot niya yun kaagad dahil ang mommy niya ang tumatawag.
“Mom,” mahina niyang sagot.
“Day off mo ba ngayon? Kung wala ka namang gagawin mamaya dito ka na sa bahay magdinner. Magluluto ako ng paborito mo. Hihintayin ka namin ha?” malambing na wika ng kaniyang ina. Tipid siyang ngumiti. Matutulog na lang muna siguro siya sa bahay nila para hindi siya balikan ni Joshua.
“Okay mom, I’ll be there.” Sagot niya. Nang matapos siyang kumain ay naligo na rin saka niya pinatuyo ang buhok niya at muling natulog. Ramdam pa niya ang epekto ng alak sa katawan niya. Nag-iwan din ng maliit na pasa ang sampal sa kaniya ng lalaki kagabi. Paano kung hindi siya nakita ni Owen? Ano na lang ang mangyayari sa kaniya? Siguradong tatawanan siya ng fiance niya dahil sa katangahang ginawa niya. Paano kung ipahiya pa siya nito? Alam ni Joshua na virg*n pa siya.
Nang makaramdam ng gutom si Kayla ay bumaba na muna siya para bumili ng pagkain. Naalala niyang hindi pa siya kumakain dahil nagrounds na siya kaagad. Bumili na lang siya ng drinks at bread saka siya bumalik sa office niya at mabilis iyung kinain dahil kailangan pa niyang pumunta ng PICU para naman tingnan ang mga pasyente niya dun.Nagtungo na siya sa PICU pero napatigil siya sa paglalakad nang makita niya kung sino ang nasa labas ng PICU. Napalunok siya, ayaw niya na sanang makita si Owen dahil nahihiya siya rito pero kailangan niya namang pumunta ng PICU. Humugot na lang siya ng malalim na buntong hininga.Nasa oras siya ng trabaho kaya kailangan niyang maging professional lalo na sa lahat ng mga kamag-anak ng mga pasyente niya. Lakas loob na lang siya naglakad papalapit sa PICU pero hindi niya alam kung bakit palakas din nang palakas ang kabog ng dibdib niya. Nang lingunin siya ni Owen ay diretso lang ang paningin niya. Kunwaring hindi napansin si Owen. Papasok na sana siya nang m
Pumasok si Kayla sa hospital, marami siyang iniisip at gumugulo sa isip niya pero kailangan maging aktibo pa rin siya lalo na at puro mga bata ang pasyente niya. Kailangan niyang ngumiti at makipag-usap ng masigla sa mga ito ganun na rin sa mga magulang. Nang makapasok siya sa office niya ay ibinaba niya kaagad ang bag niya at tiningnan ang mga papeles na sa table niya. Kailangan niya na ring magrounds sa mga pasyente niya. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Iniisip niya kung paano niya ba mababayaran si Joshua para tigilan na siya nito.Alam niya namang ginagamit na lang siya ng pamilya niya dahil si Joshua ang nakakatulong sa kanila. Noong una ay hindi niya binibigyang pansin dahil akala niya ay mabait lang talaga si Joshua pero hindi niya akalain na siya ang ipangbabayad ng pamilya niya sa mga hiningi nila sa ex-fiance niya.Pinilit niyang ngumiti pero ang mga mata niya hindi niya mapilit. Nagtungo na siya sa ward at binisita ang mga pasyente niya.“Good morning mommy, hi
Nang magising si Kayla ay palubog na ang araw. Dumiretso na siya sa bathroom para maligo. Nakatulala siya habang patuloy na dumadaloy sa katawan niya ang warm water. Bumabalik sa ala-ala niya ang mga magagandang memories nila ni Joshua. Naging mabuting boyfriend naman ito sa kaniya, sa tagal na nilang dalawa hindi naman siya pinilit ni Joshua na may mangyari sa kanila. Hindi lang maiwasan ni Joshua na maging demanding minsan.Nang makapaggayak si Kayla ay umalis na rin siya ng condo niya at tinahak na ang daan pauwi sa kanila. Sinalubong siya ng mga katulong nila at sinabing nasa sala lang ang mga magulang niya na naghihintay sa kaniya.“Hi mom, hi dad,” masaya niyang bati. Nakita niya rin ang kuya niya kaya nginitian niya ito pero seryoso ang mukha nito na hindi na lang pinansin ni Kayla. Nakipagbeso si Kayla sa kaniyang ina. Nang lapitan niya ang kaniyang ama ay nagulat na lang siya ng isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Pakiramdam niya ay nagising ang buong sistema n
Nang magising si Kayla ay ramdam niya ang sakit ng ulo niya. Kinapa-kapa niya ang side table niya para kunin ang ponytail niya para itali ang buhok niya. Nang makuha niya ito ay bumangon na siya saka niya tiningnan ang sarili niya sa salamin. Naalala niya ang ginawa niya kagabi kaya inalala niya kung paano siya nakauwi. Nang maalala niyang iniwan niya si Owen sa park ay napasapo na lang siya sa noo niya.“Magkasama kaming nagpunta sa park. Paano yun makakauwi ng walang sasakyan?” aniya dahil sa kahihiyan na nararamdaman niya ay nagmamadali siyang umalis.“May mga taxi at grab car naman. Hindi ko siya pinilit na sumakay sa sasakyan ko kaya paanong naging kasalanan ko na naiwan siya dun?” usal niya sa sarili niya. Mabuti na lamang at day off niya ngayong araw. Sana lang ay hindi niya na makita kahit kailan si Owen dahil hindi niya na alam kung ano pang mukha ang ihaharap niya rito.Dumiretso na siya sa kusina para magluto ng kakainin niya. Nagtimpla na rin siya ng kape niya para may ini
Nang makakita si Owen ay bumaba siya at iniwan si Doc Kayla sa loob ng sasakyan. Nahihilong sinundan ni Doc Kayla ng tingin si Owen. Hindi niya alam kung bakit hinintay pa niya ito gayong hindi niya naman nakikilala ang lalaki. Paano kung sa hotel din siya idiretso?“No, I can’t lose my virginity.” Aniya. Naiinis sa sarili dahil napili pa niyang magpakalasing sa bar gayong maraming mga lalaking hayok sa mga babae. Ipinilig ni Doc Kayla ang ulo niya at akma na sanang lalabas ng sasakyan nang biglang dumating si Owen.“Where are you going?” kunot noo niyang tanong.“Uuwi na ako, I don’t trust you.” Prangkang sagot ni Doc Kayla. Hinila naman siya ni Owen pabalik sa upuan nito.“Huwag kang mag-alala wala akong gagawin sayo. Kung iniisip mong may binabalak ako sayo na hindi maganda, hindi ako ganung klaseng tao.” Nang mailock ni Owen ang pintuan ay pinaandar niya na ang sasakyan. Nagpunta sila sa pinakamalapit na park. Ipinark niya ang sasakyan saka siya bumaba. Pinagbuksan niya na rin ng
Nagtungo si Owen sa bar para uminom ng kaunti. Gusto niyang makalimutan panandalian ang problemang kinakaharap ng pamilya niya. Hindi naman siya masyadong close kay Tyrone simula nang magkaroon ng lamat ang samahan nilang dalawa pero nasasaktan siya sa nangyayari sa pamangkin niya.“One more please,” wika niya sa bartender. Nilagyan naman ng bartender ng alak ang baso niya. Muling ininom yun ni Owen saka siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Nang makaramdam siya ng hilo ay aalis na sana siya nang maagaw ang atensyon niya sa sigaw ng isang babaeng hindi kalayuan sa kaniya.“Give me more!” sigaw nito sa bartender, halatang marami ng nainom. “Bakit ba kayong mga lalaki ang hihilig niyong manloko ng mga babae ha? Ano bang nakikita niyo sa ibang babae na wala sa mga fiancee o girlfriend niyo? Is it because of pride? Hindi maibigay ang lahat ng bagay? Goddamn it! I really don’t understand. Why do you want to settle down if you're not happy with your girlfriend? Do you really think