LOGINNang magising si Kayla ay palubog na ang araw. Dumiretso na siya sa bathroom para maligo. Nakatulala siya habang patuloy na dumadaloy sa katawan niya ang warm water. Bumabalik sa ala-ala niya ang mga magagandang memories nila ni Joshua. Naging mabuting boyfriend naman ito sa kaniya, sa tagal na nilang dalawa hindi naman siya pinilit ni Joshua na may mangyari sa kanila. Hindi lang maiwasan ni Joshua na maging demanding minsan.
Nang makapaggayak si Kayla ay umalis na rin siya ng condo niya at tinahak na ang daan pauwi sa kanila. Sinalubong siya ng mga katulong nila at sinabing nasa sala lang ang mga magulang niya na naghihintay sa kaniya.
“Hi mom, hi dad,” masaya niyang bati. Nakita niya rin ang kuya niya kaya nginitian niya ito pero seryoso ang mukha nito na hindi na lang pinansin ni Kayla. Nakipagbeso si Kayla sa kaniyang ina. Nang lapitan niya ang kaniyang ama ay nagulat na lang siya ng isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Pakiramdam niya ay nagising ang buong sistema niya. Masakit pa ang pisngi niya dahil sa sampal ng lalaki kagabi tapos dinagdagan pa ng kaniyang ama.
Napahawak na lang si Kayla sa pisngi niya, nagtataka kung anong nagawa niya para maging deserve niya ang sampal ng kaniyang ama. Hindi niya makapaniwalang tiningnan ang kaniyang ama.
“Daddy,” usal niya pero galit ang nakikita niya sa mga mata nito.
“Hindi kita pinalaki para maging malandi, Kayla. Nakakahiya ka, isa ka pa namang doctor! Ikaw pa ang may ganang i-cancel ang kasal niyo ni Joshua?” galit na saad sa kaniya ng kaniyang ama. Hilaw na natawa si Kayla. Masakit ang sampal na natamo niya pero mas masakit ang mga sinasabi sa kaniya. Hindi pa nila nalalaman ang totoong nangyari pero bakit may kinampihan na sila kaagad?
“Yeah it’s true, the wedding is off. Wala na akong balak na pakasalan si Joshua and that is my final decision.” Matapang niyang sagot. Nanlaki ang mga mata ng kaniyang ama dahil sa galit.
“Ikaw itong lumabas kagabi para lumandi. Nahuli ka lang ni Joshua sa ginagawa mo ikaw pa ang magcacancel ng kasal niyo? Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo?!”
“Carlo please calm down, your heart.” Pagpapakalma ng ina ni Kayla sa asawa nito. Hinarap ni Ailyn si Kayla at nakikiusap ang mga mata nito.
“Anak pag-isipan mo namang mabuti ang desisyon mo. Sinabi na sa amin ni Joshua na wala siyang balak na umatras sa kasal, hindi niya na palalakihin ang ginawa mong pagtakas sa kaniya kagabi at sumama sa isang lalaki. Nalaman niyang umalis ka ng bar kasama ang isang lalaki. Anak, alam mo kung gaano kalaki ang utang na loob natin sa mga Santos. Hindi naman galit si Joshua sayo, ang gusto niya lang humingi ka ng sorry sa kaniya.” Malumanay na saad ng kaniyang ina. Tumawa naman si Kayla na para bang nababaliw. Kapag naiisip niya ang kasinungalingan ni Joshua ay lalong lumalakas ang pagtawa niya na para bang nawala na siya sa sarili niya.
“Nagpunta na siya dito at kinausap kayo, right? Yun ba ang sinumbong niya sa inyo? He is manipulating all of you! Hindi yun ang totoong dahilan kung bakit gusto kong umatras sa kasal! Joshua cheated on me, mom! He cheated on me with my college classmate, si Ellaine. I caught them having sex sa condo ni Joshua. Bakit ko siya pakakasalan kung matagal niya na akong niloloko?” aniya na ikinagulat ng kaniyang ina pero ang kaniyang ama nanatiling galit ang mukha nito.
“Huwag pride ang pairalin mo, Kayla. Maraming naitulong sa atin si Joshua. Ikaw naman ang pakakasalan niya. It’s just a sex.”
“Dad! Naririnig mo ba yung sarili mo?!” hindi na napigilan ni Kayla na sigawan ang kaniyang ama. Ito ang kauna-unahan na sinigawan niya ito. Bakit hindi man lang siya nirerespeto ng pamilya niya?“Sex lang yun Kayla, ano bang ikinakagalit mo? He’s a man malamang maghahanap siya ng parausan. Matuwa ka na lang dahil nirerespeto ka niya. Nag-invest na sa business ko ang fiance mo at hindi na pwedeng mabawi yun.” singit na rin ng kuya niya. Natatawa na lang si Kayla. Hindi makapaniwala sa sinasabi ng pamilya niya.
Are they tolerating his cheating? Pamilya niya ba talaga ang nasa harapan niya? Kung sabagay, simula nang makatulong si Joshua sa pamilya niya, si Joshua na ang tila naging anak nila.
“Hindi ako magpapakasal. Niloko niya na ako at magagawa niya ulit yun.” desididong wika ni Kayla.
“Hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo Kayla? Mabait ang fiance mo, he respect you, matyaga siyang naghihintay sayo. Noong sinabi mong hindi ka pa handang magpakasal inintindi ka niya tapos isang pagkakamali lang, hindi mo na kayang patawarin?! Marami pa tayong utang sa kanila!” saad pa ng kuya niya.
“Kayo lang ang may utang sa kaniya! Kahit kailan hindi ako nagkaroon ng utang kay Joshua. Kayo ang humingi ng tulong sa kaniya tapos ako ang gusto niyong gawing kabayaran? Okay lang sa inyo kahit niloko niya na ako basta huwag niya lang kayong singilin?! Naririnig niyo ba ang mga sarili niyo? Dahilan bang lalaki lang siya at may pangangailangan? If he really loves me maghihintay siya sa akin ng hindi ako niloloko. Dalawang taon niya na akong niloloko behind my back tapos gusto niyong pakasalan ko pa rin siya? Hindi niyo ba iniisip kung anong magiging buhay ko sa kaniya? Kung hinayaan niyong lokohin niya lang ako, siguradong magkakaroon siya ng lakad ng loob na lokohin ulit ako kahit kasal na kaming dalawa. Ayaw kong magpakasal. Kung pababayaran niya sa atin ang utang niyo tutulungan ko kayong bayaran yun.” aniya pero nanlambot ang mga tuhod niya sa sinabi ng kaniyang ama.
“Magpapakasal ka sa kaniya. Isang pagkakamali lang naman yun, pwede pa siyang magbago. Kakausapin ko siya para hindi na mangyari ulit ito. Are you happy now?” bagsak ang balikat ni Kayla. Wala man lang siyang magawa. Tiningnan niya ang kaniyang ina para sana kampihan siya pero iniwas nito ang paningin sa kaniya.
“Papapuntahin ko si Joshua dito ngayon para makapag-usap kayong dalawa.” Nang sinabi iyun ng kaniyang ama ay mabilis siyang umalis.
“Kayla!” rinig niyang tawag ng kaniyang ama.
“Kayla come back here, you bitch!” sigaw din kuya niya. Mabilis na tumakbo si Kayla palabas ng bahay nila.
“Guard isarado mo ang gate!” sigaw ng kuya niya pero nakikiusap ang mga mata ni Kayla sa guard habang papalabas siya ng gate. Binuksan ng guard ang pintuan kaya malayang nakalabas si Kayla.
“Bakit mo binuksan? Sabi ko isarado mo yung gate!” nanggagalaiting sigaw ni Kian, ang kuya ni Kayla.
“Ay pasensya na po sir, akala ko po pagbuksan si Ma’am Kayla.”
“Tanga!” binatukan pa ni Kian ang guard nila dahil sa galit nito.
Hello everyone. I just want to thank you, guys for reading my stories. Thank you for supporting Kayla and Owen's story. Every time nababasa ko ang mga comments niyo natutuwa talaga ako, thank you so much. Please follow my account para ma-notif kayo if every may new stories ako. Kung hindi niyo pa nababasa ang iba kong stories just stalk my account here in GN. May ongoing akong story title, Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle, sana suportahan at basahin niyo rin. Again thank you so much, everyone lalo na sa mga readers ko from the day one. Sana ay nag-enjoy kayo.
May kaya rin naman sila pero hindi mahilig sa travel ang mga magulang niya. Palagi rin siyang nakafocus sa pag-aaral niya hanggang sa makapagtrabaho siya. Hindi niya akalain na hindi na pala siya nag-eenjoy. Nag-aalala na lang siya sa mga pasyente niya at ikinulong na lang ang sarili sa hospital.“Alam mo love, ang dami kong pangarap sa anak natin at para rin sa atin. Ganito pala kapag magulang ka na ‘no? Wala ka ng ibang iisipin kundi ang kinabukasan ng anak mo. Gusto ko sanang gumawa rin ng sarili kong kompanya. Ayaw kong umasa na lang sa mana gaya ng ginawa ni Tyrone. Alam mo, noong binata pa lang ako. Wala akong ginawa at inisip kundi kung paano ko tatalunin si Tyrone para makuha ang mataas na posisyon sa kompanya. Habang nakikipagkompetensya ako sa kaniya, siya naman pala gumagawa na ng sarili niyang business. Ang sama ng ugali ko ‘no?” natatawang saad ni Owen na ikinatawa naman ni Kayla.Wala naman na siyang pakialam sa nakaraan ng asawa niya. Ang mahalaga ay naging mabuti itong
Natawa naman si Owen sa kaniya. Kaya kampante lang siya kahit saan pumunta ang asawa niya at kahit sino pa ang makasama nito dahil napakaloyal ni Kayla.“Hayaan mo na love, ang importante nalaman mong pinagsisisihan niyang pinakawalan ka pa niya. Dapat pala pasalamatan ko siya dahil pinakawalan ka dahil kung hindi baka hanggang ngayon lonely pa rin ang buhay ko. Huwag ng magalit. At least alam niyang hindi mo yun gagawin sa akin.” Hinapit ni Owen ang bewang ng asawa niya para lumapit ito sa kaniya.Hinalikan ni Owen sa labi si Kayla na tila walang pakialam kahit na may makakita sa kanila.“I love you,” malambing na wika ni Owen. Napangiti naman si Kayla, tila ba biglang nawala yung inis niya.“Mahal din kita, mahal ko kayong dalawa ni Kenneth.” Sagot niya.----Bago ang araw ng 3rd month ni Kenneth ay lumipad na sila patungong Switzerland.“Are you excited baby ko?” nakangiting saad ni Kayla sa anak niya. Tumawa naman ito kaya natawa na lang si Kayla. “Nakakagigil naman na ang baby ko
Nang pwede nang ilabas labas ang anak nila ay namasyal na sila sa mga parke bago pa sumikat ang araw para mapaarawan ang anak nila. Nakasakay ito sa stroller habang si Owen ang nagtutulak.“Love, sa 3rd month ni baby sa Switzerland naman tayo.” Suggestion ni Owen.“Pwede naman love pero wala pang passport si Kenneth eh.”“Ako na ang bahala dun. Mabilis lang naman yun mapagawa.” Napatango-tango na lang si Kayla. Nang makahanap sila ng bench ay naupo na muna sila. Mahimbing namang natutulog sa loob ng stroller ang anak nila.“Ano kaya kung every month ni baby ay magbakasyon tayo sa iba’t ibang bansa para may naiipon tayong memories niya.” ani pa ni Owen. Napapangiti na lang si Kayla dahil hindi talaga nawawalan ng plano ang asawa niya para sa bonding nila bilang pamilya.“Mas maganda nga yun love.” Sagot ni Kayla. Hindi siya nahihirapan pagdating sa mga plans for their family dahil mas marami pang plano si Owen para sa kanila. Hindi niya kailangang hilingin na magdate sila dahil kusa si
Nakangiting pinagmasdan ni Kayla ang asawa niya. Madaling araw na nang magising siya. Nakita niya naman ang asawa niya na nagpapalit ng diaper sa anak nila. Tahimik lang naman ang anak nila habang nililinisan ang pwet nito. Hindi alam ni Owen na gising na si Kayla pero hindi naman nagpahalata si Kayla na gising siya.“Wait lang anak ha? Sshhh, ipapawarm lang ni daddy yung gatas mo. Huwag kang iiyak, okay? Para hindi natin magising ang mommy mo.” Mahinang saad nito sa anak nila na para bang maiintindihan yun ng bata. Napapangiti na lang si Kayla.Nanguha na si Owen ng breastmilk sa mini fridge nila sa kwarto saka ito inilagay sa feeding bottle at pinawarm na. Tahimik lang na nakamasid si Kayla sa asawa niya. Nang maging maayos na ang gatas ng bata ay kinuha na ni Owen ang baby saka siya naupo sa single sofa na binili nila para maging komportable si Kayla sa pagpapagatas sa anak nila.Hindi alam ni Kayla kung paano niya pasasalamatan ang asawa niya. Gabi-gabi itong napupuyat pero wala s
Nang madischarge si Kayla sa hospital ay dumiretso na sila sa bagong bahay nila. Si Ailyn ang may karga karga sa anak nila habang si Owen naman ang nakaalalay sa asawa niya.“Dahan-dahan lang love ha?” ani ni Owen. Mabagal ang bawat hakbang ni Kayla dahil masakit pa rin ang katawan niya lalo na ang pribado niya. Masyadong malaki ang baby niya kaya kinailangan siyang tahiin.“Gusto mo bang buhatin na kita?”“Hindi na, kaya ko naman saka baka maibagsak mo pa ako. Wala ka pang maayos na tulog.” Sagot ni Kayla. Pagpasok naman nila sa sala ay nagulat na lang si Kayla sa nagputukan na mga confetti.“Welcome home, baby Kenneth Drei!” sabay-sabay nilang sambit. Napangiti naman si Kayla ng makita niyang kompleto na naman ang pamilya ni Owen.“Hi,” mahinang usal ni Jane nang mapatingin sa kanila si Kayla. Hindi na alam ni Kayla kung saan niya pa ilalagay ang kasiyahan na nararamdaman niya. Sa tuwing may mga celebration, kompleto ang mga taong malalapit sa kaniya lalo na ang pamilya ni Owen.“Can







