Napaupo na lang si Kayla sa sahig habang humahagulgol pa rin. Parang anak at pamangkin na para sa kaniya si baby Kate kaya masakit para sa kaniya ang nangyari.“Umayos ka, doc Kayla. Pinasok mo ang propesyon na ‘to kaya kung ano man ang nangyayari sa trabaho natin, kayanin mo. Huwag na sanang maulit kung ano man ang lumabas sa bibig mo ngayon. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Alam kong mas malapit ka kay baby Kate, umiyak ka hanggang gusto mo at pagkatapos bumalik ka ulit sa trabaho mo.” Dagdag pa ni Jane. Patuloy pa ring umiiyak si Kayla pero hindi na ito nagsalita.“Iiwan na kita dito. Bumalik ka sa office kapag tapos ka na.” ani pa ni Jane saka ito tumalikod pero hindi pa man siya nakakalabas ng marinig niya na ang pagbagsak ng mga gamit na nasa rooftop. Ikinalat na ni Kayla ang mga sirang upuan na nasa rooftop pa. Hindi naman na siya pinigilan ni Jane at tuluyan na siyang bumaba.Bumalik si Jane sa office nila. Nang makita niya ang cellphone ni Kayla ay kinuha niya ito at binuksan.
Dumiretso si Kayla sa rooftop kung saan walang pwedeg makarinig sa kaniya. Walang humpay pa rin ang pag-iyak niya. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya. Inilalabas lahat ng sakit na nararamdaman niya.“Bakit?! Bakit kung sino pa ang mga walang muwang ang kinukuha mo? Bakit?!” malakas niyang sigaw habang nakatingin sa itaas. Halos sumakit na ang lalamunan niya sa kakasigaw pero wala siyang pakialam dahil mas masakit ang nararamdaman ng puso niya ngayon. Hindi man niya anak o pamangkin si baby Kate pero isang taon din niya itong nakasama.“Kung totoong nandiyan ka, kung totoo ka bakit hinahayaan mong maghirap ang mga batang wala pang alam! Bakit mo sinasaktan ang mga batang wala pa namang nagagawang kasalanan?! BAKIIIIIT?!” pakiramdam ni Kayla ay sinasak/sak ang puso niya at pinapaikot pa ang kutsilyo para maramdaman niya ang sakit.“Hindi ba at nagpapagaling ka ng mga may sakit pero bakit hindi mo magawang pagalingin ang mga batang walang kasalanan sayo?! Bakit sila pa?! Ang dam
Masaya pa silang nagbibiruan at inaasar si Kayla habang naghahain ng pagkain nila.“Nanliligaw pa ba talaga o kayo na?” tanong ni Jane.“Nanliligaw pa lang siya. Masyado lang siyang generous. Nakakahiya na nga minsan dahil madalas siyang gumastos dahil sa akin eh pero wala naman akong magawa dahil yun daw ang love language niya. Kapag hindi raw siya naglalabas ng pera para sa nagugustuhan niya pakiramdam niya wala raw siyang kwenta, tsss.” Pagkwekwento ni Kayla. Natutuwa naman si Jane at Mylene. Alam nilang seryoso na talaga si Owen kay Kayla at hindi nila maiwasang hindi mainggit.“Ano bang swerte ang nakadikit sayo, ha? Habulin ka ng mga pogi at mayayamang lalaki eh.” Pagbibiro ni Jane. Bahagya namang tumawa si Kayla.“Kahit hindi mayaman basta sincere at seryoso sa akin, okay na yun. Aanhin ko naman ang kayamanan kung miserable naman ang buhay ko tapos hawak ako sa leeg kahit huwag na akong bigyan ng mayamang lalaki. Ang gusto ko matino.”“Maswerte na nga yun eh. Mayaman, gwapo, ma
Sa mga araw na wala si Owen ay itinuon naman ni Kayla ang oras niya sa trabaho niya. Palitan lang sila ng message at tawag sa gabi kapag nakakauwi na siya. Napapangiti na lang si Kayla habang binabasa niya ang mga message ni Owen sa kaniya. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti. Napapahawak na lang siya sa dibdib niya saka siya humuhugot ng malalim na buntong hininga.[I miss you, I want to see you as soon as possible but I need to finish my work. Malapit na ang biggest conference namin kaya kailangan kong magready for that. Okay lang ba talaga sayong umuuwi ka ng mag-isa? Gusto mo ba ipasundo kita sa driver ko para makampante akong makakauwi ka?] Napapangiti na lang si Kayla sa messages niya.“Ganito ba talaga siya? Bakit parang ang bilis bilis niyang makuha ang loob ko?” mahinang usal ni Kayla sa sarili niya habang nasa dibdib niya ang cellphone niya. Muli niyang itinaas ang cellphone niya para replyan si Owen.“Hindi na, okay lang ako. May sarili naman akong sasakyan na magagamit k
Idinala niya na si Kayla sa chocolate store kung saan siya bumili ng mga chocolate. Bumaba naman na si Kayla. Naunang naglalakad si Owen saka ito pumasok sa loob ng chocolate store.“Sa dulong bahagi yung mga chocolate na ibinigay ko sayo.” Saad ni Owen saka niya sinamahan si Kayla. Napapatingin siya sa iba pang mga chocolate pero hindi siya pamilyar sa iba dahil hindi naman siya madalas bumili ng mga chocolate. Nang makita niya ang kaparehong chocolate na ibinigay ni Owen sa kaniya ay bumili na siya. Binilhan niya na rin si Jane para pareho niyang mabigyan ang mga ito.“Iyan lang ba ang bibilhin mo?” tanong ni Owen dahil isang klase ng chocolate lang ang binili ni Kayla.“Marami naman na ‘to saka hindi naman nila nauubos sa isang upuan lang ang mga chocolate. Okay na ‘to.” Saad niya.“Dagdagan mo na lang at ako na ang magbabayad.” Wika ni Owen pero tumanggi si Kayla.“Hindi na pero thank you.” Saad niya saka siya nagtungo sa cashier para magbayad. Nanguha naman si Owen ng basket saka
May ngiti sa mga labi ni Kayla habang naglalakad siya patungong office nila. Para bang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Napapahumming pa siya nang buksan niya ang pintuan. Nagulat naman siya nang biglang sumulpot sa harap niya si Jane na palabas sana ng office nila. Napapataas ng kilay si Jane saka siya napapangisi sa kaibigan niya. Iniwas naman ni Kayla ang paningin niya saka niya nilampasan si Jane. Lalabas sana si Jane nang sundan niya si Kayla sa upuan nito.“Anong meron sa umaga natin ngayon? Bakit parang ang aga-aga ng kasiyahan mo, doc Kayla? Kitang kita ko yung kislap sa mga mata mo ngayon at talagang napapahumming ka pa habang naglalakad ha?” nang-aasar na namang wika ni Jane. Napapailing na lang si Kayla. Sa halip na maganda ang mood niya, napapalitan ng inis dahil sa pag-uusisa ni Jane sa kaniya.“Wala lang, hindi ba pwedeng maging masaya? Bawal na?” nginisian naman siya ni Jane saka taas baba ang kilay nito. Natatawa na lang sa kaniya si Kayla.“Ang gusto ko lang malaman