Share

5

Author: Totoy
last update Petsa ng paglalathala: 2026-02-20 04:35:46

NAPABUNTONG HININGA na lang si Kiana nang makalabas siya ng L.A building bitbit ang pira-pirasong papel na pinunit ni Leander at hindi tinanggap, nangangahulugang hindi siya nito pinapayagang mag-resign. Laglag ang balikat niya at parang walang lakas sa paglakad.

"Desisyon yarn?" inis na sabi ng isip niya. Naiinis siya sa binata dahil ayaw siya nitong hayaang mag-resign. Umay na siya sa trabaho at sa ugali nito.

"You want proof? I have your red panty, Kiana."

"Whaa!" sigaw niya at ginulo ang buhok. Paano na siya nito gayong kilala na siya ni Leander? Ano na lang ang iisipin nito gayong alam nitong nobyo niya ang Internal Manager ng kompanya. "Why, Kiana? Bakit ang lalaking 'yon pa ang nakakuha ng virginity mo? Ok lang sana kahit sinong lalaki, huwag lang ang antipatiko, mayabang at babaerong lalaking 'yon. Matatanggap ko pa kung si Jax, ang driver niya o kaya si Sir Kalbo, huwag lang ang—"

"Are you mocking me?"

"Ay kalbo!" gulat na sabi niya nang marinig niya ang boses ng boss niya na nasa tabi na pala niya. Agad siyang ngumiti pero peke iyon at may pagkaalangan. Kasama nito si Jax. Sana ay hindi nito narinig ang sinabi niya pero base sa mukha nito, mukhang mali siya. Natatawa kasi si Jax. "K-kayo po pala, Sir," aniya. Umiwas siya sabay irap.

Kung pwede lang, ayaw na niyang makita si Leander dahil sa nangyari. Nahihiya siya. Naiinis at hindi niya gusto iyon dahil babae siya at lalaki ito. Pero parang wala lang naman dito ang nangyari.

"May sinasabi ka ba tungkol sa akin?"

"May narinig po ba kayo?" baling niya. "Kung mayroon man, eh, 'di sana tamaan ka dahil totoo naman," bulong niya na hindi na narinig ni Leander dahil mahina ang boses niya.

"And now you're talking to me like that? Baka nakakalimutan mo kung sino ako," maawtoridad pa nitong sabi.

Tumikwas muna ang nguso ni Kiana bago ito hinarap. "Hindi ko naman po nakakalimutan kung sino kayo, Sir pero sa pagkakaalam ko hindi na ako ang secretary mo and I can talk to you the way I wanted to," mataray na balik niya.

Gumalaw ang kanang kilay nito habang seryosong nakatingin sa kaniya. Nakaka-intimidate, nakakatunaw pero hindi na iyon uubra sa kaniya.

"Did I accept your resignation, Miss Dimatibag? I'm not allowing you to resign, ok? Hindi ako papayag."

Pinipigilan niya ang sarili na magalit at mainis na kanina pa niyang ginagawa. Naikuyom niya ang kamao. "For your information, Sir Leander Aguirre, I'm just your secretary—no I was just your secretary and I'm not your property, I'm not yours katulad ng marami mong babae," balik niya na medyo nabakasan na ng inis.

Bahagya itong kumiling at natawa sa sinabi niya. "Are you jealous of them, Kiana? Dahil sila nagkaroon ng pagkakataong makasama ako sa kama? Opps—hindi mo na pala kailangan mainggit sa kanila dahil naika—"

"Shut up!" Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito gamit ang palad niya. "Damn, Sir not here," madiing sabi niya. Pakiramdam niya'y namumula siya sa hiya. Tiningnan niya si Jax, nangingiti lang ito na halatang may alam na sa nangyari.

Inalis ni Leander ang kamay niya sa bibig nito. "What the—f*ck ang alat," nakangiwing reklamo nito.

"Arte mo naman, pawis lang 'yon. Pawisin kasi kamay ko," aniya at pinunasan ang palad sa suot na damit.

"Tomorrow, I'll have a meeting, so prepare my presentation, ok? Don't be late, it's an important meeting" utos nito bago tiningnan si Jax. "Let's go, Jax," aya nito.

"P-pero, Sir resigned na nga ako! Don't you understand?" sigaw niya pero hindi siya nito nilingon, diresto lang ito sa paglakad. Si Jax naman kumaway pa bago pilyong ngumiti. Mana din kasi sa amo si Jax, babaero ang pinagkaiba lang, mabait si Jax.

"Bwesit! Bwesit ka talaga, Leander!" inis na sabi niya at napapadyak pa. Matagal na siyang hindi natutuwa sa amo. Paano ito umaaktong ganoon kahit alam nitong siya ang babaeng nakasiping nito nang gabing iyon? Samantalang siya, hindi makatingin ng diresto at pakiramdam niya'y nilalamon siya ng kahihiyan. Dahil ba sanay na ito at hindi na bago para rito ang ganoong mga pangyayari?

Kung sabagay, kilalang babaero si Leander. Hindi na nga niya matandaan at mabilang ang mga babaeng pumupunta sa opisina nito.

"WHAT THE—bakit nandito ang mga gamit ko?" gulat na sabi ni Kiana ng makarating siya sa bahay niya. Nagkalat sa labas ang bag at ilang mga gamit niya. Napakunot ang noo niya pero agad ding napalitan iyon ng galit at inis. Alam na niya kung sinong may gawa niyon, ang mag-ina. "Ang kapal ng mukha ninyong paalisin ako sa sarili kong bahay!" madiin at puno ng galit niyang sabi. Matagal na siyang nagtitimpi sa dalawa.

Ang simple at maamo niyang mukha, napalitan ng galit at parang susugod sa laban, nakakuyom ang kamao. Mabilis siyang naglakad papasok ng bahay at nadatnan niyang nakahiga sa sofa si Marigold habang nasa kusina naman si Isadora.

"Mom, she's here! My outsider sa bahay natin," maarteng sigaw ni Marigold. Umupo ito. Lumabas naman ng kusina ang ina nito.

Ngumisi siya at napasinghap. "Outsider sa sarili kong pamamahay? Wow! Where did you get the nerve to say that to me, huh, Marigold? Pagkatapos mong angkinin ang walang kwenta kong ex-boyfriend, ang bahay ko naman?" Mas lalo lang siyang nagagalit sa mag-ina dahil nagsabwatan ang mga ito para lokuhin at agawin sa kaniya si Lorcan.

"Simula ngayon, wala ka ng karapatan sa pamamahay na ito, Kiana. Since matagal naman ng wala ang ama mo at hindi na bumalik, isa lang ibig sabihin niyon, this house is mine now," sabi ni Isadora.

Bahagya siyang kumiling at napamaywang. "Ang kapal ng mukha mo para angkinin ang bahay ng pamilya ko, tita Isadora. Sa Mama ko ang bahay na ito at hindi sa inyo kaya kung sino man ang dapat umalis kayo 'yon," gigil na balik niya.

Hindi siya papayag na aalis siya sa bahay ng kaniyang ama at ina. Iyon na lang ang mayroon siya at panghahawakan niya iyon.

Ngumisi siya bago mabilis na naglakad papunta sa silid ni Isadora. Nakatinginan ang mag-ina bago sumunod sa kaniya.

Pagpasok niya, hinanap agad niya ang mga damit ni Isadora. Kinuha niya ang bag at mabilis na nilagay ang mga damit doon.

"Anong ginagawa mo?" gulat na ani Isadora.

Matapang ang mga matang tiningnan niya ang mag-ina. "Akala ninyo makukuha ninyo ang bahay ng pamilya ko?" umiling siya, "nagkakamali kayo. Amin ang bahay na ito. Akin ito!" Pinagpatuloy niya ang ginagawa.

Mabilis na nilapitan siya ni Isadora at pilit siyang pinipigilan pero hindi siya nagpatinag.

"Wala ka ng magagawa, Kiana dahil iniwanan ka ng nga nanay at tatay mo. Wala na sila at dahil ako ang pangalawang asawa ni Tonyo kaya sa akin mapupunta ang bahay."

Dahil sa nagpintig ang tainga niya, malakas na nahawi niya si Isadora kaya napaupo ito sa sahig. Agad itong dinaluhan ni Marigold.

"How dare you, Kiana! Kahit anong sabihin mo, sa amin pa rin ang bahay at naiwang ari-arian ng daddy mo." Ngumisi ito. "Walang wala ka na ngayon, Kiana. Lahat sila iniwanan ka na dahil deserve mo 'yon. Deserve mong iwan ng mga taong akala mo mag-stay sa tabi mo. You deserve to live alone."

Natigilan siya sa sinabi nito and it hits her. Tumagos iyon sa loob niya dahil alam niyang totoo. Talunan siya. Kaiwan-iwan.

Kumiling siya at pilit tinago ang sakit at ang nangigilid na luha sa mga mata. Isinilid niya ang lahat ng gamit ni Isadora at lumabas ng silid. Hinabaol siya ng mag-ina. Lumabas siya at inihagis sa labas ng gate ang bag at ilang gamit nito.

"Hayop ka, Kiana!" Natigilan siya ng tumama ang palad ni Isadora sa pisngi niya. "Wala kang utang ng loob, pagkatapos kitang tanggapin at kupkupin ito ang igaganti mo?" naiiyak na sabi nito na hindi niya alam kung totoo o hindi.

Sapo niya ang pisngi. Ngumisi at mapaklang tumawa. "Utang na loob? Wala akong utang na loob sa inyo dahil ang pagmamahal, pag-aruga at pagtanggap na sinasabi mo, lahat iyon peke at pakitang tao mo lang sa harap ng daddy. Look at you now, nagpalit balat ka na at isa ka ng totoong masama," diretsong sabi niya.

Matalim niya itong tinitigan bago pumasok ulit sa bahay at dumeretso naman sa silid ni Marigold.

"Don't touch my stuff, Kiana!" habol nito pero nakapasok na siya sa bahay.

"Don't touch your stuff while you're touching mine, Marigold. Lahat ng gamit na mayroon ka, may ambag ako diyan tandaan mo yan." Natawa siya. "Oww! Flowers? Bigay ba to ng ex-boyfriend ko? Sweet?" Ngumiti siya pero napawi din. Kinuha niya ang bulaklak at inihampas iyon sa kama. "Masaya ka na ba dahil nagtagumpay ka ng makuha ang bagay na sa akin?"

"Hayop ka, Kiana! Akin na 'yan!"

Nang akmang kukunin nito iyon, iniiwas niya. Natawa siya. "I'm sorry pero hindi ito bagay sa iyo. Alam mo ang mas bagay sa katulad mo? Yong plastik na bulaklak, yong peke at hindi totoo." Inihampas ulit niya iyon sa kama kaya nalagas ang ilang petals ng rose sa sahig.

"How dare you!" Nang lalapit na si Marigold binato niya rito ang bulaklak. Sinalo naman iyon ng gaga.

Kapagkuway binalingan niya ang nga gamit nito at iyon naman ang inilagay niya sa bag. Pinigilan siya ng magnanay pero nagpatuloy siya sa ginagawa.

Halos bumitin na sa braso at damit niya ang mag-ina para lang pigilan siya. Nang makalabas siya hinagis niya ang mga gamit nito sa labas.

"Now, layas! Umalis kayo sa pamamahay ko! Alis!" malakas at matapang na sigaw niya habang tinuturo ang daan palabas.

"Anong nangyayari dito?"

Napalingon siya at nakita niya si Lorcan na papasok ng gate. Bakas ang pagtataka at pag-aalala hindi para sa kaniya kung 'di kay Marigold. Agad nga nitong nilapitan ang mag-ina.

"Babe, pinapalayas kami ni Kiana sa bahay," maarte at paawa nitong sumbong.

Napahalukipkip siya at ngumisi habang nakatingin sa mga ahas at taksil. Nasasaktan siya pero hindi na siya maghahabol pa.

"What are you doing, Kiana? Bakit mo ito ginagawa?"

"Dahil hindi niya matanggap na pinili mo ang anak ko," sabi naman ni Isadora.

Natawa siya. "No, I accepted it already. Tanggap ko na at masaya nga ako para sa kanila, eh," sarkastikong sabi niya.

"You can't do this to them, Kiana dahil may karapatan na sila sa bahay na ito. I can show you the proof. Hindi na ikaw ang may-ari ng bahay."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    51

    "WHY ARE we here?" nagtatakang tanong ni Kiana nang bumaba sila sa isang magarbong hotel, imbis na sa lugar kung saan ang meeting ni Leander. "We have three hours left before the meeting kaya makakapagpahinga pa tayo and we're staying here tonight," sagot nito habang naglalakad papunta sa reception ng hotel."One room, first class," sabi nito sa receptionist. Kita pa niya kung paano lumiwanag ang mukha ng babaeng nasa front desk ng makita si Leander. Bakas ang paghanga roon."What? One room? Dalawa tayo, so saan ako matutulog?" gulat na reaction niya ng marinig ang sinabi nito.Nilingon siya ni Leander at napakamot sa noo, saka pumamulsa. "We're staying in one room, Kiana," sabi nito na parang ganoon lang iyon, na walang problema.Napaawang ang bibig niya. "What? We're staying in one room?" umiling siya, bakas ang matinding pagtutol. "I can sleep in the car," aniya.Napabuntong hininga si Leander. "Come on, Kiana don't act like I'm gonna do something to you," sabi nito. "I'm not drun

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    50

    "WHAT? YOU want us to stay in L.U for one night?" gulat na sabi ni Kiana nang sabibin ni Leander na one nights at two days sila roon.Saglit lang siyang tiningnan ni Leander at tumango ito. "Medyo malayo ang L.U, Kiana at dalawang meetings ang kailangan kong puntahan for the possible partnership," paliwanag nito.Umiwas siya ng tingin at kapagkuway nagpakawala ng hininga. "Why didn't you tell it to me right away? Nakapaghanda sana ako. Iyan tuloy hindi ako nakapagdala ng extra-ng mga damit pati na rin....u-undies ko because I thought uuwi rin agad tayo tonight after the meetings," balik naman niya.Ngumiti si Leander. "Iyon ba ang pinu-problema mo? We can go shopping, Kiana and buy some clothes and undies for you."Humalukipkip siya at umirap. Hindi na lang siya umimik. Naiinis siya kay Leander dahil palagi na lang itong may pa-surprise. Hindi agad nito sinasabi sa kaniya ang mag mangyayari kaya nagugulat na lang siya. At palaging pera ang solusyon nito."You can sleep for a while, Ki

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    49

    NATATAKANG pinagmasdan ni Ambrose si Kiana dahil sa gulat at kabang nakikita sa mukha niya dahil sa pagdating ng kaibigan. Bakit kasi hindi niya nai-lock ang pinto? Feeling may-ari pa naman ng bahay si Ambrose na pwedeng pumasok kahit kailan nito gusto. Well, she gave that permission to him."Why do you look so tense, Kiana?" Napalunok siya at umiwas ng tingin. Pakiramdam niya'y namumuo na ang pawis sa kaniyang noo. Hindi pwedeng malaman ni Ambrose na baka buntis siya dahil siguradong mapapagalitan siya nito. Hindi pa rin naman siya handang sabihin iyon sa kaibigan.Alangan siyang ngumiti at inayos ang buhok. "W-wala, k-kasi akala ko si Lorcan ang dumating," pagsisinungalin niya.Lumapit sa kaniya si Ambrose, nakakunot ang noo. "Huh? At anong gagawin ni Lorcan dito?"Tiningnan niya saglit ang kaharap. "K-kasi...ka-kagabi, pumunta siya rito sa bahay. Lasing at gustong makipag-usap sa akin. He keeps on saying sorry for what he did to me, Ambo." 'Tama, Kiana may dahilan ka na para hind

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    48

    "ANONG GINAGAWA mo rito, Cita?" nagtatakang tanong ni Kiana nang pagbukas niya ng pinto, nandoon si Cita."May pinuntahan kasi ako diyan sa may malapit kaya naisipan ko na ring dumaan dito," anito at hindi pa man niya sinasabihan na pumasok pero nagkusa na itong pumasok. "Mainit kasi sa labas, Kiana kaya pumasok na ako," nakangiti pa nitong sabi. Sanay na rin naman siya rito."Welcome," aniya at napangiti na lang. "Kung gusto mo ng tubig, kumuha ka na lang sa kusina since feel at home ka naman lagi," aniya.Ngumiti ito. "Wala bang juice? Soft drinks?"Kumunot ang noo niya. "Wow! Dito ka pa talaga naghanap ng maiinom 'no? Tingin mo sa bahay ko tindahan?" pagbibiro niya. "Tubig lang ang available, hindi pa ako nakakapag-grocery." Naglakad siya papuntang kitchen.Inilapag ni Cita ang dala nitong bag sa sofa bago sumunod sa kaniya at kumuha ng tubig."By the way bakit parang wala rito ang stepmom at stepsister mo?" nagtatakang sabi nito habang tumitingin sa paligid, hawak ang basong may t

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    47

    KATAHIMIKAN ANG nabuo sa pagitan ni Kiana at Leander habang pauwi sila para ihatid siya nito sa bahay niya. Gusto man niyang magtanong pero hindi rin niya alam kung paano sisimulan o kung dapat pa ba siyang magtanong. Pero paano niya patatahimikin ang mga tanong sa isip niya? Pagkatapos nilang mamili sa shop, kumain sila sa restaurant na malapit sa shop at hindi na nila kasama si Lysandra. Siya ulit ang naging bida, nakita ulit siya ni Leander at lola Florencia, naging bahagi ulit siya ng mga eksena.Ramdam niyang mas matimbang si Lysandra at naiintindihan niya iyon.Humingi naman ng pasensiya si Lola Florencia dahil nabalewala siya. Paliwanag nito, ngayon lang daw kasi ulit nagkita ang dalawa at naiintindihan niya iyon."Why are you quiet, Kiana?" basag ni Leander sa katahimikan, saglit pa siya nitong nilingon. "I'm sorry," mahina pa nitong sabi.Tiningnan niya ito, seryoso ang mukha. "For what?""I know how you felt earlier in the shop," simpleng sagot nito."Bakit sa tingin mo ba

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    46

    "KAILAN KA PA bumalik? Why didn't you tell me?" masayang sabi ni lola Florencia pagkatapos nitong humiwalay sa yakap kay Lysandra. Hawak nito ang kamay ng dalaga."I'm sorry, lola hindi ko agad nasabi sa inyo na bumalik na ako," nakangiti pero bakas ang lungkot sa mukha ni Lysandra. "Balak ko sanang i-surprise kayo kaso nagkataon na nandito rin kayo.""It's been six years, Lysandra and I'm happy you're back. I miss you so much. Natutuwa ako na nagkita tayong muli sa paborito nating lugar na pinupuntahan. Ilang taon na ang lumipas pero hindi ka pa rin nagbabago. You still love old stuff like me. Well bukod doon, mas gumanda ka pa ngayon," puri pa ni lola Florencia."I miss you too, lola." Ramdam ang sincerity sa binitawan nitong salita. "Of course, I wouldn't change lola. Maraming nagbago pero ako bilang apo ninyo, hindi po iyon magbabago. I still love collecting old stuff like you at na-miss kong gawin iyon kasama ka," balik ni Lysandra.Habang si Kiana, nakatingin lang at nagmamasid.

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    17

    NAIKUYOM NI Kiana ang kamao niya habang nasa kotse siya ni Leander at nakatingin sa labas kung saan kita niyang nag-uusap si Mr. Razon, abogado ni Leander at si Lorcan, kasama si Marigold at Isadora. Kita niya ang bahay niya na nasa likod ng mga ito. Hindi na siya makapaghintay na muling makuha iyo

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    14

    "BAKIT NAPATAWAG po kayo?" magalang na tanong ni Leander sa nasa kabilang linya habang nakatingin ito kay Kiana na para bang gusto nito ang nakikitang kaba sa kaniyang mukha.Umiling siya para ipakita ang pagtutol sa pwede nitong sabihin. Pero ang loko, ni-loud speak pa ang cellphone nito para mari

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    11

    HINDI ALAM NI Kiana kung tama ba ang naging desisyon niya na patulan ang alok ni Leander. Ni hindi nga niya alam ang dahilan nito kung bakit gusto nitong maging girlfriend siya. Naisip lang kasi niya ang bahay ng pamilya niya at wala siyang maisip na ibang paraan para mabawi iyon."Bahala na, Kiana

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    19

    "AALIS KA NA?" hindi makapaniwalang tanong ni Ambrose nang sabibin ni Kiana na aalis na siya sa bahay nito dahil nakuha na niya ang bahay niya sa tulong ni Leander.Naka-boxer lang ito, habang may headphone sa ulo dahil nadatnan niyang abala ito sa paglalaro sa PC nito ng online games na gawa ng ko

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status