LOGIN"WHY ARE we here?" nagtatakang tanong ni Kiana nang bumaba sila sa isang magarbong hotel, imbis na sa lugar kung saan ang meeting ni Leander. "We have three hours left before the meeting kaya makakapagpahinga pa tayo and we're staying here tonight," sagot nito habang naglalakad papunta sa reception ng hotel."One room, first class," sabi nito sa receptionist. Kita pa niya kung paano lumiwanag ang mukha ng babaeng nasa front desk ng makita si Leander. Bakas ang paghanga roon."What? One room? Dalawa tayo, so saan ako matutulog?" gulat na reaction niya ng marinig ang sinabi nito.Nilingon siya ni Leander at napakamot sa noo, saka pumamulsa. "We're staying in one room, Kiana," sabi nito na parang ganoon lang iyon, na walang problema.Napaawang ang bibig niya. "What? We're staying in one room?" umiling siya, bakas ang matinding pagtutol. "I can sleep in the car," aniya.Napabuntong hininga si Leander. "Come on, Kiana don't act like I'm gonna do something to you," sabi nito. "I'm not drun
"WHAT? YOU want us to stay in L.U for one night?" gulat na sabi ni Kiana nang sabibin ni Leander na one nights at two days sila roon.Saglit lang siyang tiningnan ni Leander at tumango ito. "Medyo malayo ang L.U, Kiana at dalawang meetings ang kailangan kong puntahan for the possible partnership," paliwanag nito.Umiwas siya ng tingin at kapagkuway nagpakawala ng hininga. "Why didn't you tell it to me right away? Nakapaghanda sana ako. Iyan tuloy hindi ako nakapagdala ng extra-ng mga damit pati na rin....u-undies ko because I thought uuwi rin agad tayo tonight after the meetings," balik naman niya.Ngumiti si Leander. "Iyon ba ang pinu-problema mo? We can go shopping, Kiana and buy some clothes and undies for you."Humalukipkip siya at umirap. Hindi na lang siya umimik. Naiinis siya kay Leander dahil palagi na lang itong may pa-surprise. Hindi agad nito sinasabi sa kaniya ang mag mangyayari kaya nagugulat na lang siya. At palaging pera ang solusyon nito."You can sleep for a while, Ki
NATATAKANG pinagmasdan ni Ambrose si Kiana dahil sa gulat at kabang nakikita sa mukha niya dahil sa pagdating ng kaibigan. Bakit kasi hindi niya nai-lock ang pinto? Feeling may-ari pa naman ng bahay si Ambrose na pwedeng pumasok kahit kailan nito gusto. Well, she gave that permission to him."Why do you look so tense, Kiana?" Napalunok siya at umiwas ng tingin. Pakiramdam niya'y namumuo na ang pawis sa kaniyang noo. Hindi pwedeng malaman ni Ambrose na baka buntis siya dahil siguradong mapapagalitan siya nito. Hindi pa rin naman siya handang sabihin iyon sa kaibigan.Alangan siyang ngumiti at inayos ang buhok. "W-wala, k-kasi akala ko si Lorcan ang dumating," pagsisinungalin niya.Lumapit sa kaniya si Ambrose, nakakunot ang noo. "Huh? At anong gagawin ni Lorcan dito?"Tiningnan niya saglit ang kaharap. "K-kasi...ka-kagabi, pumunta siya rito sa bahay. Lasing at gustong makipag-usap sa akin. He keeps on saying sorry for what he did to me, Ambo." 'Tama, Kiana may dahilan ka na para hind
"ANONG GINAGAWA mo rito, Cita?" nagtatakang tanong ni Kiana nang pagbukas niya ng pinto, nandoon si Cita."May pinuntahan kasi ako diyan sa may malapit kaya naisipan ko na ring dumaan dito," anito at hindi pa man niya sinasabihan na pumasok pero nagkusa na itong pumasok. "Mainit kasi sa labas, Kiana kaya pumasok na ako," nakangiti pa nitong sabi. Sanay na rin naman siya rito."Welcome," aniya at napangiti na lang. "Kung gusto mo ng tubig, kumuha ka na lang sa kusina since feel at home ka naman lagi," aniya.Ngumiti ito. "Wala bang juice? Soft drinks?"Kumunot ang noo niya. "Wow! Dito ka pa talaga naghanap ng maiinom 'no? Tingin mo sa bahay ko tindahan?" pagbibiro niya. "Tubig lang ang available, hindi pa ako nakakapag-grocery." Naglakad siya papuntang kitchen.Inilapag ni Cita ang dala nitong bag sa sofa bago sumunod sa kaniya at kumuha ng tubig."By the way bakit parang wala rito ang stepmom at stepsister mo?" nagtatakang sabi nito habang tumitingin sa paligid, hawak ang basong may t
KATAHIMIKAN ANG nabuo sa pagitan ni Kiana at Leander habang pauwi sila para ihatid siya nito sa bahay niya. Gusto man niyang magtanong pero hindi rin niya alam kung paano sisimulan o kung dapat pa ba siyang magtanong. Pero paano niya patatahimikin ang mga tanong sa isip niya? Pagkatapos nilang mamili sa shop, kumain sila sa restaurant na malapit sa shop at hindi na nila kasama si Lysandra. Siya ulit ang naging bida, nakita ulit siya ni Leander at lola Florencia, naging bahagi ulit siya ng mga eksena.Ramdam niyang mas matimbang si Lysandra at naiintindihan niya iyon.Humingi naman ng pasensiya si Lola Florencia dahil nabalewala siya. Paliwanag nito, ngayon lang daw kasi ulit nagkita ang dalawa at naiintindihan niya iyon."Why are you quiet, Kiana?" basag ni Leander sa katahimikan, saglit pa siya nitong nilingon. "I'm sorry," mahina pa nitong sabi.Tiningnan niya ito, seryoso ang mukha. "For what?""I know how you felt earlier in the shop," simpleng sagot nito."Bakit sa tingin mo ba
"KAILAN KA PA bumalik? Why didn't you tell me?" masayang sabi ni lola Florencia pagkatapos nitong humiwalay sa yakap kay Lysandra. Hawak nito ang kamay ng dalaga."I'm sorry, lola hindi ko agad nasabi sa inyo na bumalik na ako," nakangiti pero bakas ang lungkot sa mukha ni Lysandra. "Balak ko sanang i-surprise kayo kaso nagkataon na nandito rin kayo.""It's been six years, Lysandra and I'm happy you're back. I miss you so much. Natutuwa ako na nagkita tayong muli sa paborito nating lugar na pinupuntahan. Ilang taon na ang lumipas pero hindi ka pa rin nagbabago. You still love old stuff like me. Well bukod doon, mas gumanda ka pa ngayon," puri pa ni lola Florencia."I miss you too, lola." Ramdam ang sincerity sa binitawan nitong salita. "Of course, I wouldn't change lola. Maraming nagbago pero ako bilang apo ninyo, hindi po iyon magbabago. I still love collecting old stuff like you at na-miss kong gawin iyon kasama ka," balik ni Lysandra.Habang si Kiana, nakatingin lang at nagmamasid.
"OMG! Is she the woman in the viral video?" hindi makapaniwalang tanong ni Kat nang sabay-sabay na sumugod ang mga ito sa harap ng opisina ni Leander nang makita ang babaeng dumating. "Have you met here? Kilala mo ba siya, Kiana?" sunod-sunod pa nitong tanong sa kaniya "I don't know her," simpleng
"WALA PA RIN bang latest news about doon sa secret girl ni Sir Leander?" curious na tanong ni Kat habang pabalik sila ng kompanya pagkatapos ng kanilang lunch."Wala pang nasasagap ang signal ko tungkol sa babaeng tinatago ni Sir Leander pero sigurado akong malalaman din natin kung sino siya. Ilang
"WHAT A boring life," mahinang sabi ni Kiana matapos niyang basahin ang lahat ng nakasulat sa binigay ni Leander na biography nito. "Wala ba siyang ibang alam gawin bukod sa paglalaro ng online games at pagtatrabaho?" Ngumuso siya at napailing.Lahat kasi ng nakalagay sa papel tungkol dito ay halos
"AALIS KA NA?" hindi makapaniwalang tanong ni Ambrose nang sabibin ni Kiana na aalis na siya sa bahay nito dahil nakuha na niya ang bahay niya sa tulong ni Leander.Naka-boxer lang ito, habang may headphone sa ulo dahil nadatnan niyang abala ito sa paglalaro sa PC nito ng online games na gawa ng ko







