LOGINNAGPAKAWALA muna ng malalim na hininga si Kiana nang makarating siya sa tapat ng opisina ng boss niyang si Lenadre Aguirre. Hawak niya ang isang envelope na naglalaman ng kaniyang resignation letter. Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa trabaho dahil sa nangyari sa party at sa kanila ni Lorcan.
Hindi na niya kayang tumagal sa kompanyang iyon habang alam niyang araw-araw niyang makakasama ang kaniyang boss na nakasiping niya. Paano kapag nalaman nitong siya ang babae ng gabing iyon? Ayaw na niyang dumating sa puntong iyon. Isa pa, pakiramdam niya hindi pa niya kayang magtrabaho. She wants to find herself again after what happened to her and to Lorcan. Masyado pang masakit. Kumatok muna siya at hinintay ang hudyat na pwede na siyang pumasok. "Come in," sabi ng lalaking nasa loob. Calmy but manly ang boses nito. Tipong siya iyong masarap kausap sa cellphone tuwing gabi. Pumikit siya ng mariin at bumuntong-hininga muna bago pinihit ang seradura ng pinto. Tumambad sa kaniya si Leandre Aguirre na abalang nakatingin sa mga papel. Katulad ng dati, wala itong pakialam sa paligid, ang gusto lang nito magtrabaho. "What do you need?" Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin sa kaniya. Napalunok siya at para bang nangatal sa kakaiba nitong tingin sa kaniya. "F*ck!" mura niya sa isip dahil sa mga mata nito na nakatingin lang sa kaniya. Dati naman ay wala siyang pakialam dito pero bakit ngayon napapansin na niya ang taglay nitong gandang lalaki o baka dahil lang iyon sa nangyari ng gabing iyon. Agad siyang umiwas ng tingin. "Miss Dimatibag, you're late." Umiwas na rin ito ng tingin sa kaniya at bumalik sa ginagawa. Lumunok siya. "I'm not here to work, Sir," seryosong sabi niya. Natigilan si Leander sa ginagawa at walang emosyong tiningnan siya. "W-what did you say, Miss Dimatibag?" Lumapit pa siya sa table nito. Hindi siya makatingin dahil napaka-intimidating ng mga mata nito. "I'm going to resign, Sir," direktang sabi nito. Nilapag niya ang envelope sa harap nito. Nanliit ang mata ni Leander. Sumandal ito sa swivel chair habang nakatingin lang sa kaniya. "You're going to resign?" Kinuha nito ang papel sa loob ng envelope at binasa ang resignation letter niya. "You want to resign because you're tired of working?" ulit nito sa sulat niya. Tumango siya. "I've been working for almost half of my life, Sir at pagod na rin akong magtrabaho. This time, I want to focus on myself at gawin kung ano talagang gusto ko. I want to pursue my dream job. To teach," paliwanag niya na nasa sulat din. Totoo iyon pero may iba pang dahilan kung bakit ayaw na niyang magtrabaho roon. She graduated elementary education dahil hilig niyang magturo sa mga bata pero dahil nabaon sa utang ang ama niya, kailangan niyang magtrabaho at kumita ng mas malaki kaya wala siyang choice kung 'di iwan ang propesyong gusto niya Natigilan siya ng ngumiti si Leander. "To pursue your dreams? Sabi mo pagod ka na and yet you want to do a job where you are more exhausted than your job here? Hindi ba't mas nakakapagod magturo?" "Pero I love teaching at alam kong 'yon ang gusto ko at magiging masaya ako sa job na iyon." "Iyon ba talaga ang dahilan, Miss Kiana Elowen Dimatibag? O may iba pa?" Natigilan siya. Nababasa ba nito ang nasa isip niya? "I-iyon po ang dahilan. I've been working with you for almost six years at gusto ko naman ng iba." Tumayo si Leander sa pagkakaupo at lumapit sa table. Pinatong nito ang palad roon at nilapit ang mukha sa kaniya. "What if hindi ako pumayag na mag-resign ka, Miss Dimatibag?" "I'm sorry, Sir pero hindi niyo na po ako mapipigilan." "I doubled your monthly salary." Umiling siya. "I'll give you more vacation leave, as many as you want." Napalunok siya. Totoo ba ang naririnig niya? Papaldo siya sa offer ng boss. "P-pasensiya na po, Sir pero buo na po ang desisyon ko." "I'll give you vacation abroad monthly with allowance?" patuloy nito sa offer. "Kahit pa pong gawin niyong triple ang sahod ko, hindi niyo na po ako mapipigilan." "I can make it five times higher than your current salary, Miss Dimatibag huwag ka lang mag-resign." Bakit pinipigilan siya nitong mag-resign? Wala nga itong pakialam sa kaniya noon, masungit at halos palitan na siya nito sa tuwing hindi niya nagagawa ng tama ang trabaho niya. Nagtataka man siya pero wala na itong magagawa. "Mas mabuti pong maghanap na lang kayo ng ibang secretary ninyo." "I don't want anyone but you, Miss Dimatibag. Matagal ka na sa trabaho mo at ayaw kong maghanap ng iba, ng bago. I used being with you at hindi ako sanay sa iba." Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa narinig nito. Parang nagtaasan mga balahibo niya dahil sa sinabi ni Leander. Nabagok ba ang ulo ito at biglang sinasabi nito ang mga bagay na iyon? "Iyon nga, Sir eh, matagal na akong nagtatrabaho sa inyo at gusto ko naman ng iba," giit niya. "It is because of what happened in that ship?" Natigilan siya. Anong ibig sabibihin ni Leander doon? Nakilala ba siya nito? "A-anong—" "Why you look surprised, Miss Kiana?" Humakbang ito palapit sa kaniya. "Iyon ba ang dahilan, Kiana Elowen kaya gusto mong mag-resign?" Napalunok siya. "A-ano pong sinasabi ninyo?" maang-maangan siya. "I know you know what I mean. Nang gabing iyon, Kiana. I know we both drunk pero alam kong alam mo rin ang nangyari ng gabing iyon. Is it the reason why you're resigning?" Humalukipkip ito at sumandal sa table. Nakangiti. "P-pero paano mo nalaman na ako—" "You know me, Kiana. Lahat kaya kong alamin. You think hindi ko malalaman na ikaw ang babaeng nakasiping ko ng gabing iyon?" Nakatingin lang ito sa kaniya na parang hindi nahihiya samantalang para na siyang matutunaw. Namumula na rin ang pisngi niya sa kahihiyan. Gusto na niyang mawala sa kinatatayuan niya. Hell no! Lumapit pa ito sa kaniya. Hindi pa rin siya makagalaw. Nilapit nito ang bibig sa tenga niya. "I have the CCTV footage outside the room where you mistakenly enter." "N-No, that was my room. Ikaw ang mali ng pasok," depensa agad niya. "Tandang tanda ko ang room number ng silid ko at hindi ako nagkamali. It was you!" Natawa si Leander. "You want proof? I have your red panty, Kiana," mahinang sabi nito and he chuckled."HERE'S the towel, go to the bathroom and wash yourself baka magkasakit ka pa," puno ng pag-aalalang sabi ni Ambrose kay Kiana nang makapasok siya sa bahay nito. Basang-basa, walang lakas at parang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi niya magawang magsalita, tulala lang siya habang binabalot siya ni Ambrose ng towel."Bakit basang-basa ka? Ano bang nangyari sa iyo at dala mo lahat ng gamit mo? Naglayas ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.Wala pa rin siyang imik. Gusto niyang humagulhol dahil sa bigat na nararamdaman niya."Hays! Kailangan mong magbanlaw at magpalit agad ng damit baka magkasakit ka sa ginagawa mo." Iginiya siya ng kaibigan papunta sa loob ng bathroom at saka nito sinara ang pinto. Bakas ang labis na pag-aalala sa mukha nito at pagtataka.Dahan-dahan niyang binuhay ang shower sa bathroom at hinayaang bumagsak ang malamig na tubig sa kaniyang katawan. Nanuot sa katawan niya ang lamig na kanina'y hindi niya nararamdaman.Kasabay ng pagbagsak ng luha sa kaniyang mga mata
"IKAW ANG dapat umalis sa bahay na ito, Kiana dahil hindi na ikaw ang may-ari nito."Umi-echo pa rin sa pandinig at isip ni Kiana ang sinabi ni Isadora bago siya tuluyang ipagtabuyan ng mga ito sa sarili niyang pamamahay.Ayon kay Lorcan, ito ang nagbayad ng malaking utang ng papa niya sa isang lending company kung saan ang bahay ang naging collateral niyon. At dahil si Lorcan ang nagbayad, may karapatan na silang angkinin ang bahay sa kaniya unless may kalahating milyon siyang pamabayad lay Lorcan. Saan naman siya kukuha ng ganoon kalaking pera? Ni wala nga siyang savings dahil binabayaran niya ang utang ng ama na akala niya'y magsasalba sa bahay na iyon pero matagal na pala siyang niloloku ng mag-ina, kasama si Lorcan."A-anong sinabi mo, Lorcan? I-ikaw ang nagbayad ng utang ng daddy sa lending company?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Nagtataka at puno ng tanong na tiningnan niya ang mag-ina. "H-hindi ba't ako ang nagbabayad ng utang niya sa lending company kaya paanong si Lorcan
NAPABUNTONG HININGA na lang si Kiana nang makalabas siya ng L.A building bitbit ang pira-pirasong papel na pinunit ni Leander at hindi tinanggap, nangangahulugang hindi siya nito pinapayagang mag-resign. Laglag ang balikat niya at parang walang lakas sa paglakad."Desisyon yarn?" inis na sabi ng isip niya. Naiinis siya sa binata dahil ayaw siya nitong hayaang mag-resign. Umay na siya sa trabaho at sa ugali nito."You want proof? I have your red panty, Kiana.""Whaa!" sigaw niya at ginulo ang buhok. Paano na siya nito gayong kilala na siya ni Leander? Ano na lang ang iisipin nito gayong alam nitong nobyo niya ang Internal Manager ng kompanya. "Why, Kiana? Bakit ang lalaking 'yon pa ang nakakuha ng virginity mo? Ok lang sana kahit sinong lalaki, huwag lang ang antipatiko, mayabang at babaerong lalaking 'yon. Matatanggap ko pa kung si Jax, ang driver niya o kaya si Sir Kalbo, huwag lang ang—""Are you mocking me?""Ay kalbo!" gulat na sabi niya nang marinig niya ang boses ng boss niya na
NAGPAKAWALA muna ng malalim na hininga si Kiana nang makarating siya sa tapat ng opisina ng boss niyang si Lenadre Aguirre. Hawak niya ang isang envelope na naglalaman ng kaniyang resignation letter. Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa trabaho dahil sa nangyari sa party at sa kanila ni Lorcan.Hindi na niya kayang tumagal sa kompanyang iyon habang alam niyang araw-araw niyang makakasama ang kaniyang boss na nakasiping niya. Paano kapag nalaman nitong siya ang babae ng gabing iyon? Ayaw na niyang dumating sa puntong iyon. Isa pa, pakiramdam niya hindi pa niya kayang magtrabaho. She wants to find herself again after what happened to her and to Lorcan. Masyado pang masakit.Kumatok muna siya at hinintay ang hudyat na pwede na siyang pumasok. "Come in," sabi ng lalaking nasa loob. Calmy but manly ang boses nito. Tipong siya iyong masarap kausap sa cellphone tuwing gabi.Pumikit siya ng mariin at bumuntong-hininga muna bago pinihit ang seradura ng pinto. Tumambad sa kaniya si Leandre
Lumunok siya at sinarado ang kamao. Gusto niyang magalit at saktan ang nobyo at stepsister niyang magkatabi sa kama. Walang saplot at kapwa kumot ang nakatabing sa katawan. Nakahiga sa bisig ni Lorcan si Marigold habang magkayakap silang dalawa. Bahagya siyang kumiling at suminghap. Pinigilan niyang ang sariling magalit. Kanina lang ay nakokonsensiya siya sa nagawa niya pero katulad niya, sumiping din pala sa ibang ang nobyo niya at sa stepsister pa niya. Gusto niyang matawa. Binuksan ni Kiana ang hawak na cellphone at agad kinunan ng picture at video ang dalawang nasa kama. Gusto niyang maging kalmado pa rin kahit galit na galit siya at sasabog na. Tinapat niya ang camera sa mukha niya. Walang luha pero durog na durog siya. "Hi guys! Nakakatuwa naman dahil ngayong araw my boyfriend surprised me with my stepsister at sobrang na-surprise nila ako. Look at them and see how they surprised me. Ang galing, 'di ba? Super effective ng surprise." Mapakla siyang natawa, may sakit at kirot.
"WHERE HAVE you been ba talaga, Kiana huh? At bakit kailangan na nating umalis ng ship? Hindi ba't mamaya pang hapon ang alis natin?" nagtatakang usisa ni Ambrose Gaviola habang hawak niya ito palabas ng ship. Si Ambrose ang lalaking best friend ni Kiana simula pa high school at naging manliligaw din niya noon pero ni-reject niya ito dahil kaibigan lang talaga ang turing niya para sa binata."Ambo, I don't have time to answer all your questions, ok? Gusto ko ng umuwi at hindi pwedeng mag-stay pa ako rito," sagot niya."Wait!" Pinigilan siya nito sa paglakad habang nakatuon ang nagtataka nitong tingin sa kaniya. "Saglit nga, Kiana Elowen Dimatibag ano ba talaga nangyari at gusto mo ng umalis ng party? At saka, look at yourself, Kiana ano bang nangyari sa iyo? Kaninong sleeves 'yang suot mo?" Kumunot pa ang noo nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. She's wearing a red dress na gulo-gulo, a white long sleeves on top of it, pati buhok niya ay hindi na na rin niya naayos. Par







