Share

47

Author: Totoy
last update publish date: 2026-04-13 22:58:31

KATAHIMIKAN ANG nabuo sa pagitan ni Kiana at Leander habang pauwi sila para ihatid siya nito sa bahay niya. Gusto man niyang magtanong pero hindi rin niya alam kung paano sisimulan o kung dapat pa ba siyang magtanong. Pero paano niya patatahimikin ang mga tanong sa isip niya?

Pagkatapos nilang mamili sa shop, kumain sila sa restaurant na malapit sa shop at hindi na nila kasama si Lysandra. Siya ulit ang naging bida, nakita ulit siya ni Leander at lola Florencia, naging bahagi ulit siya ng mga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    48

    "ANONG GINAGAWA mo rito, Cita?" nagtatakang tanong ni Kiana nang pagbukas niya ng pinto, nandoon si Cita."May pinuntahan kasi ako diyan sa may malapit kaya naisipan ko na ring dumaan dito," anito at hindi pa man niya sinasabihan na pumasok pero nagkusa na itong pumasok. "Mainit kasi sa labas, Kiana kaya pumasok na ako," nakangiti pa nitong sabi. Sanay na rin naman siya rito."Welcome," aniya at napangiti na lang. "Kung gusto mo ng tubig, kumuha ka na lang sa kusina since feel at home ka naman lagi," aniya.Ngumiti ito. "Wala bang juice? Soft drinks?"Kumunot ang noo niya. "Wow! Dito ka pa talaga naghanap ng maiinom 'no? Tingin mo sa bahay ko tindahan?" pagbibiro niya. "Tubig lang ang available, hindi pa ako nakakapag-grocery." Naglakad siya papuntang kitchen.Inilapag ni Cita ang dala nitong bag sa sofa bago sumunod sa kaniya at kumuha ng tubig."By the way bakit parang wala rito ang stepmom at stepsister mo?" nagtatakang sabi nito habang tumitingin sa paligid, hawak ang basong may t

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    47

    KATAHIMIKAN ANG nabuo sa pagitan ni Kiana at Leander habang pauwi sila para ihatid siya nito sa bahay niya. Gusto man niyang magtanong pero hindi rin niya alam kung paano sisimulan o kung dapat pa ba siyang magtanong. Pero paano niya patatahimikin ang mga tanong sa isip niya? Pagkatapos nilang mamili sa shop, kumain sila sa restaurant na malapit sa shop at hindi na nila kasama si Lysandra. Siya ulit ang naging bida, nakita ulit siya ni Leander at lola Florencia, naging bahagi ulit siya ng mga eksena.Ramdam niyang mas matimbang si Lysandra at naiintindihan niya iyon.Humingi naman ng pasensiya si Lola Florencia dahil nabalewala siya. Paliwanag nito, ngayon lang daw kasi ulit nagkita ang dalawa at naiintindihan niya iyon."Why are you quiet, Kiana?" basag ni Leander sa katahimikan, saglit pa siya nitong nilingon. "I'm sorry," mahina pa nitong sabi.Tiningnan niya ito, seryoso ang mukha. "For what?""I know how you felt earlier in the shop," simpleng sagot nito."Bakit sa tingin mo ba

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    46

    "KAILAN KA PA bumalik? Why didn't you tell me?" masayang sabi ni lola Florencia pagkatapos nitong humiwalay sa yakap kay Lysandra. Hawak nito ang kamay ng dalaga."I'm sorry, lola hindi ko agad nasabi sa inyo na bumalik na ako," nakangiti pero bakas ang lungkot sa mukha ni Lysandra. "Balak ko sanang i-surprise kayo kaso nagkataon na nandito rin kayo.""It's been six years, Lysandra and I'm happy you're back. I miss you so much. Natutuwa ako na nagkita tayong muli sa paborito nating lugar na pinupuntahan. Ilang taon na ang lumipas pero hindi ka pa rin nagbabago. You still love old stuff like me. Well bukod doon, mas gumanda ka pa ngayon," puri pa ni lola Florencia."I miss you too, lola." Ramdam ang sincerity sa binitawan nitong salita. "Of course, I wouldn't change lola. Maraming nagbago pero ako bilang apo ninyo, hindi po iyon magbabago. I still love collecting old stuff like you at na-miss kong gawin iyon kasama ka," balik ni Lysandra.Habang si Kiana, nakatingin lang at nagmamasid.

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    45

    NGUMITI AGAD si Kiana nang bumaba siya ng kotse ni Leander at nakita niya si lola Florencia na masayang nakangiti ng makita siya nito. Nauna na ito sa shop na sinasabi ni Leander na gusto nitong puntahan. Sumunod na lang sila roon."I'm glad you came, Kiana," masayang salubong ni lola Florencia at agad bumeso sa kaniya at ganoon din siya. "Pagdating kasi sa ganitong mga lakad, hindi ko maaasahan si Leander. He's so boring." Natawa pa ito bago tiningnan ang apo."La, you know that I'm not into collecting old stuff like you," paliwanag ni Leander.Simple siyang natawa. "Ganoon po ba? Kaya po pala sinabi sa akin ni Lean na gusto niyo raw po akong kasama," sagot niya at saglit binalingan si Leander. "Pasensiya ka na sa abala, Kiana, huh? Dati kasi may palaging sumasama sa akin sa mga shop na pinupuntahan ko pero ngayon wala na kaya mabuti na lang at nandito ka para samahan ako," sabi ni lola Florencia, bakas ang lungkot sa una pero maging masaya rin sa huli.Napatingin si Leander sa lola

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    44

    KATULAD NG inaasahan ni Kiana, hindi siya tinigilan ni Jah, Kat at Cita sa kakatanong sa dahilan ng pakikipag-usap niya sa mommy ni Leander. Ano raw ang dahilan nito kung bakit siya kinausap ng personal? Gusto na nga lang niyang maglaho bigla o salpakan ng malaking earphones ang tenga niya dahil nabibingi na siya sa mga tanong na hindi rin niya alam kung paano sagutin. Hindi naman nila pwedeng malaman ang totoong dahilan."Ano ba talagang dahilan, Kiana? Bakit ka niya kinausap personally? Tungkol saan ang pinag-usapan ninyo. I saw it, seryoso si mam Marcia na para bang may seryosong sasabihin sa iyo," ulit na naman ni Jah sa kaniya na excited nang makasagap ng chismis."Oo nga, Kiana anong pinag-usapan ninyo? Dati naman ay pumupunta na rito si mam Marcia pero hindi ka naman niya kinausap personally pero ngayon bigla ka niyang kinausap privately," segunda naman ni Kat habang si Jared, nakahalukipkip lang at nakikinig sa kanila."Nakakapagtaka, Kiana bakit kailangan ka niyang kausapin?

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    43

    PAGBALIK NI Kiana sa opisina, saktong lunch break ng mga chismosa niyang katrabaho kaya nakahinga siya ng maluwang dahil panigurado siyang hindi siya titigilan ng mga ito sa kakatanong kung bakit pinuntahan siya ng mommy ni Leander. Hindi niya rin alam ang isasagot.Mayamaya'y nag-ring ang cellphone niya at napakunot ang noo niya ng makita ang pangalan ng mokong niyang boss. Sinagot niya iyon. Nakarating na ba rito ang nangyari?"I've heard mom was there? May ginawa ba siya sa iyo? Kinausap ka ba niya?" bungad nito na hindi niya alam kung nag-aalala ba ito sa kaniya o mas nag-aalala itong mabuking silang dalawa.Pumikit siya at sinapo ang noo. "Yeah, she was here pero umalis na rin," sagot niya."Wait for me at my office, Kiana." Saka binaba na nito ang tawag. Napabuntong hininga na lang siya bago pumasok sa opisina nito para hintayin ito roon.Well, ini-expect naman na niya iyon mula sa mommy ni Leander kaya hindi na rin siya nagulat pa sa mga sinabi at inalok nito. Maaring pwede niy

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    36

    HINDI MAGAWANG tumingin ni Kiana kay Rehan nang umupo ito sa bakanteng upuan sa tapat niya. Ramdam niya ang makahulugang mga tingin nito sa kaniya. Habang si Gracia naman ay nagtataka kung bakit nandoon siya.Nagsimula na silang kumain. "Why is your secretary here, Leander?" usisa ni Gracia na nak

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    34

    "KANINA KA pang tahimik, may nangyari ba?" marahan at malumanay na basag ni Leander sa katahimikan habang lulan silang dalawa ni Kiana sa kotse nito patungo sa mansyon ng mga Aguirre. Hindi iyon ang dahilan ng pananahimik niya kung 'di ang sulat na dinala ni Ambrose sa kaniya.Seryoso niyang tining

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    32

    "WHY ARE YOU quiet?" Napapitlag si Kiana ng marinig niya ang boses ni Leander. Hindi niya namalayang nasa harap na pala niya ito, nagtatakang nakatingin sa kaniya dahil marahil kanina pa siyang walang imik. Alangan siyang ngumiti. "M-may kailangan po ba kayo, sir?" tarantang sabi niya at hindi a

  • Chasing My Secretary After that One Lust Night    31

    "EVERYONE, I HAVE NEWS!" excited na sabi ni Jah nang pumasok ito sa office at lahat ay naagaw ang atensyon, maging si Kiana. Pumalibot kay Jah ang mga interesado sa sasabihin nito habang nakatingin lang siya at pasimpleng nakikinig."Anong nalaman mo?" hindi makapaghintay na tanong ni Cita. Pati si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status