Home / Romance / Chasing The CEO's Unwanted Wife / Kabanata 21 Maligayang Pagdating!

Share

Kabanata 21 Maligayang Pagdating!

Author: Alut
Sa kanilang biyahe, mas naging panatag si Zabrina matapos ang kanyang pag-uusap kay Alfred.

Sa wakas, nakita na niya ang isang panig ni Michael na kakaunti lamang ang may alam. Ngayon, nauunawaan na niya kung bakit ganoon na lamang ang paghanga ng matandang babae sa binata, at kung bakit niya pinaniniwalaang mas mabuting manirahan si Zabrina kasama ito.

“Ano'ng tinitingnan mo?” tanong ni Michael habang kumakain ng pizza.

“Wala,” sagot ni Zabrina na tila nahuli sa akto.

“Meron ‘yan sigurado. Hindi ka naman tititig sa 'kin nang ganyan kung wala kang iniisip.”

“Oo na. Bakit ba kayo hindi magkasundo ni Jacob?”

“Ah, ‘yon pala,” sagot ni Michael sabay ngiti. “May narinig ka bang usapan?”

“Wala naman,” sagot ni Zabrina, litong-lito sa tinutukoy nito.

“Magkapatid kami ni Jacob, pero lumaki siyang may ideyang siya ang palaging magiging CEO ng grupo. Ako naman, palaging pangalawa sa lahat. Dahil doon, mas nagpursigi akong makuha ang atensyon ng aming mga magulang, pero hindi ko kailanman
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 50 Magkahalong Damdamin

    Sumulat si Kaizer kay Jacob matapos makita ang mga haka-haka sa social media. Nang makita ni Jacob ang balita, alam niyang narinig na ito ni Zabrina, at ang posibilidad ng pagkakabalikan ay tuluyang nawala.“Kaizer, gumawa ka nang maayos na kasunduan sa diborsyo at ipadala mo ito sa bahay ni Lola. Simulan mo na ang lahat ng kailangang ihanda para sa diborsyo. Kung maaari, mas mabuti kung hindi na kami magkita pa.”“Sir…” ani Kaizer na may pag-aalinlangan.“Ano’ng bahagi ng sinabi ko ang hindi mo naintindihan? Kailangang matapos na ang kasal namin ni Zabrina bago ang anibersaryo ng kumpanya.”“Sige po, sir,” tugon ni Kaizer na tila wala nang magawa.Sinimulan na ni Kaizer ang pag-draft ng kasunduan. Tungkol sa hatian ng ari-arian, isinama niya ang ilang milyong kabayaran at mga mansyon na maaaring ilipat sa magiging dating asawa. Tinapos niya ang dokumento at ipinadala ito kay Jacob para sa pag-apruba.Samantala, nasa apartment ni Celeste si Jacob. Hindi ito tumigil sa kakasabi tu

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 49 Isang Sanggol Sa Daan

    Sa Bicol...Nakaupo sina Jacob at Celeste sa harap ng gynecologist habang hinihintay ang resulta ng mga pagsusuri.“Miss Martin, Mister Guerrero, congratulations. May paparating na sanggol. Batay sa aking nakikita sa mga resulta, nasa siyam na linggong buntis na kayo.”“Love, congratulations! Magiging ama ka na!” masayang sabi ni Celeste.Si Jacob, na kailanma’y hindi inakalang darating siya sa ganitong sitwasyon, ay nagsalita nang may pag-aatubili, “Celeste, hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko…”Inakala ni Celeste na positibo ang reaksyon ni Jacob, na napipi lang ito dahil hindi niya inakalang dumating na ang sandaling ito nang pagkakaroon ng anak. Ang hindi niya alam, sa loob ng isipan ni Jacob ay puro kaguluhan at matagal na siyang nagpasya na tapusin ang relasyon nila ni Celeste at subukang ayusin ang kanyang kasal kay Zabrina.Ngayon, isang sanggol ang magpapagulo sa lahat ng desisyong iyon. Nang umalis siya sa silid ng kanyang asawa kaninang umaga, hindi niya inakalang m

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 48 Isang Bagong Pagkadismaya

    Pagsapit ng umaga, nagising si Zabrina na giniginaw. Wala ang mainit na yakap ni Jacob. Inisip niyang baka bumangon ang kanyang asawa upang ipaghanda siya ng almusal. Bagaman may bumabagabag sa kanyang dibdib, nagbihis siya at lumabas upang maglakad sa hardin. Dumaan siya sa kusina, ngunit wala roon si Jacob. Walang bakas man lang ng kanyang asawa. Bumalik siya sa kwarto at kusa niyang hinanap ang kanyang maleta, ngunit wala na ito.Sandaling naupo siya sa gilid ng kama, hindi makaisip nang maayos. Ang nangyari kagabi ay espesyal para sa kanya. Ayaw niyang tanggapin ang malinaw na katotohanan. Sa isa namang pagkakataon, naloko na naman siya ng lalaking ito at bumagsak siyang muli gaya ng dati.Sinubukan niyang iwasang mag-isip ng masama, ngunit sa paglipas ng oras at hindi pa rin siya dumarating, kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ito. Tumunog ang tawag, pero hindi sinagot.Alas-diyes na ng umaga, at nagpasya siyang tumawag sa mansyon, kalahating nag-aalala, kalahating ga

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 47 Ang Buhay Kasama Siya

    Sa pagbabalik nila sa Consolacion, isang linggo nang nananatili si Jacob sa bahay ng kanyang lola, masigasig na inaalagaan ang kanyang asawa. Isang araw, naglakas-loob pa siyang ipagluto ito ng almusal at dalhin sa kama.“Jacob, ang sarap nito. Hindi ko akalaing marunong kang magluto!” sabi niya.“Marami pa tayong ‘di alam tungkol sa isa’t-isa, pero tiyak na ‘di ako mamamatay sa gutom,” sagot niya.“Gano’n ba? Ang sarap talaga. Gusto mo?” tanong niya, iniaabot ang tinidor na may piraso ng French toast.Masaya niya itong tinanggap. Unti-unti nang ibinababa ni Zabrina ang kanyang depensa, at ikinatuwa iyon ni Jacob.Buong linggo na silang magkasama sa iisang kama. Nakakatuwa dahil mula sa unang araw, laging nasa dulo ng kama si Zabrina, pero sa paggising niya, lagi siyang nasa mga bisig ni Jacob, mainit at matatag. Noong unang araw, tumanggi siya at sinabing huwag na sana iyong maulit. Pero, sa totoo lang, hindi si Jacob ang lumalapit sa kanya dahil kusa itong gumagalaw papalapit sa

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 46 Positibong Pagsusuri

    Sa Bicol, ilang daang kilometro ang layo mula sa Cebu, isang pangyayari ang nagsimulang mabuo. Isang pangyayaring magbabago sa takbo ng lahat.Nagbitiw na si Celeste sa trabaho at nanatiling kalmado, umaasa pa ring dadalawin siya ni Jacob. Sigurado siyang may magandang paliwanag ito sa nangyari.Ngunit habang lumilipas ang mga araw at hindi ito dumarating, unti-unting lumilitaw sa kanyang dibdib ang isang kakaibang pakiramdam. Isang kutob na hindi maganda. Hindi ito ang normal na asal ng minamahal niya.Isang karaniwang umaga, nagising siyang may paghilo at pagduduwal. Mabilis siyang tumakbo sa banyo. Hindi iyon ang unang beses na naramdaman niya ito nitong mga nagdaang araw, kaya’t lalo siyang nabahala.Kinuha niya ang kanyang telepono at binuksan ang isang app na tumutunton sa kanyang buwanang dalaw—dalawang linggo na siyang delayed.“Hindi, Hindi! Hindi ito pwedeng mangyari ngayon! Hindi pwede!” bulong niya, sabay suot ng coat at nagmamadaling lumabas papuntang botika.Lumabas

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 45 Ang Unang Gabi

    Maghapon na nanatili si Jacob sa mansyon, kasama si Zabrina at tinutulungan siyang inumin ang kanyang mga gamot. Si Michael naman, hindi kinaya ang desisyon at sa huli ay umalis, halatang masama ang loob.Pagsapit ng gabi, hindi pinalampas ni Katherine ang pagkakataong subukang muling paglapitin ang dalawa. Pinili niyang maghapunan nang mas maaga at agad pumasok na sa kanyang silid bago pa sila matapos.Habang naghahapunan, dalawang plato lamang ang inilatag ni James, bagay na ikinagulat ni Zabrina.“James, nasaan si Lola?” tanong niya.“Namamahinga ang ginang dahil medyo napagod siya at mas piniling matulog na,” sagot nito.“Ah, gano'n ba.”“Sa tingin ko kayo lang po ni Sir Jacob ang magkasalo sa hapunan ngayon,” dagdag ni James.Napasinghap bigla si Zabrina.Nakaramdam siya nang bahagyang kaba sa dibdib. Bagaman nanatili siyang kalmado sa presensya ni Jacob, hindi ibig sabihin ay komportable siya. Pinilit niyang magmukhang payapa sa kabila ng kabaitan ng asawa, pero kabisado

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status