Rewriting Us

Rewriting Us

last updateLast Updated : 2025-06-07
By:  AMCNOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Kila's world falls apart when she catches her boyfriend, Zane, in a moment of betrayal at a friend's wedding. Heartbroken and furious, she drives away in a haze of emotions, only to crash her car and wake up in the hospital with no memory of the man she once loved. As Kila tries to rebuild her life, Zane is determined to win her back. He proposes a contract marriage, promising to help Kila focus on her art while he escapes the pressure from his family to marry someone - a total lie and a desperate move for Zane to get Kila back.  However, as they settle into a new home, Kila feels a strange connection to Zane, whose caring gestures stir emotions she can’t explain. With each passing day, their bond deepens, but the truth about their past looms over them, threatening to tear them apart. Will Kila's heart awaken to the love they once shared, or will she remain lost in a fog of forgotten memories?

View More

Chapter 1

PROLOGO

MULA sa entrance ng venue ng Wedding Party, pumasok ang isang maputing babae na may kulot at kulay chestnut na buhok. Kapansin-pansin ang mahubog nitong katawan sa suot niyang white tank-top na pinaresan ng high-waist jeans at white shoes.

Tinanggal niya ang suot na cat eye sunglasses, bago tumingin sa hawak nitong smartphone at muling binasa ang palitan nila ng text ng kaniyang nobyo.

Message: Babe

Once your airplane lands in NAIA, head immediately to room number 21. I miss you so much, baby. See you soon.

*Received

Napangiti na lang si Kila sa text ng nobyo. Sabik na siyang makita muli ang nobyo pagkatapos ng isang buwan nilang pagtitiis na magkalayo. Kung hindi siguro kinailangan ng kaniyang kapatid na babae ng makakasama matapos nitong ma-CS ay baka natuloy na ang plano nila na mag-travel papunta sa Bali, Indonesia. Kung bakit ba naman kasi nagkataon pa na naka-duty ang militar nitong asawa.

“Sabi ko kasing huwag uminom nang marami,” bulong ni Kila sa sarili nang hindi sumagot sa kaniyang pangalawang tawag ang nobyo.

Napapailing na lang siya ngunit hindi rin naman niya maitago ang maliit na ngiti sa labi. Naiimahe niya na kasi ang malambing na bungad nito oras na magkita silang dalawa. Siguro ay natutulog na ito sa kalasingan kaya naman balak niya itong supresahin.

“Number 21…”

Ilang room na lang sana ang lalagpasan niya nang mapadaan siya sa room 19. Napangiwi siya nang marinig ang halinghingan na nanggagaling sa loob nito. Sa isip-isip niya, talagang inabutan pa ng tawag ng laman sa mismong wedding party.

Akmang hahakbang na siya palayo rito, ngunit napatigil siya nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki sa loob ng silid. Bumilis ang tibok ng puso niya nang mas malinaw na narinig ang mga boses mula rito.

“Uggh… baby.”

“Z-Zane. ”

Tila tumigil ang mundo ni Kila nang marinig ang pangalan ng nobyo. Ang kaninang mabilis lamang na tibok na puso ay napalitan ng matinding pagkirot sa kaniyang dibdib. Halos pigil hininga siyang humakbang sa pintuan at dahan-dahfromomom iyong binuksan.

Dito niya na nakumpirma ang pangyayaring ayaw sana niyang tanggapin. Nakapatong ang nobyo niya sa isang pamilyar na babae. Nakahawak pa ito sa leeg ni Zane habang gumagalaw ang lalaki sa ibabaw nito.

Her beloved man, who proposed to her and promised her the world… is naked and, worse, is with another woman she knows too well.

Bumagsak sa sahig ang hawak niyang bag dahil sa pagkabigla na siyang nakakuha ng atensyon ng dalawa.

“Kyahhhh!” tili ng babae at dali-daling tinulak si Zane palayo sa kaniya.

Napatingin rin ang lalaki sa kaniyang gawi. Nanlalaki ang mata nito na para bang hindi makapaniwala sa nakikita. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa kasiping na babae at kay Kila na tuluyan nang bumagsak ang mga luha.

The pain of betrayal was written all over her face. It seemed like she was the one who was surprised instead of her fiancé.

“Fuck! What have I done?” tila natauhan si Zane sa kasalanang nagawa.

Bagama’t malabo pa rin ang paningin nito marahil dulot ng alak, sigurado siyang ang babaeng nakatayo sa pintuan ay ang kaniyang nobya!

Hindi na siya nagsalita pa at dali-daling iniwan ang babaeng nasa sofa para magsuot ng kaniyang damit. Ngunit hindi na rin niya naabutan ang nobyang mabilis na tumakbo palayo sa silid. Napamura na lang sa isip ang lalaki. At kahit hilong-hilo pa, pinilit niyang habulin ang nobyang kahit isang lingon sa bawat pagtawag niya sa pangalan nito ay hindi ginagawa.

“Kila! I said wait!” sigaw ni Zane nang mahakbang na nito ang distansya sa pagitan nila.

Hinawakan ng lalaki si Kila sa braso at marahas na hinarap sa kaniya. Ngunit nang makita ni Zane ang hindi matigil na pag-iyak at hikbi ni Kila, lumambot ang pagkakahawak niya sa braso ng babae. Kitang-kita pa rin ang hindi makapaniwalang ekspresyon ni Kila sa nasaksihang pagtataksil ng nobyo.

“Please, Kila, let me explain,” nanghihinang pagmamakaawa niya..

“L-let me go. I w-want to go home,” humihikbing sagot ni Kila habang pinipilit niyang tanggalin ang kamay ng nobyo, hindi pinapansin ang pagmamamakaawa nito.

Hindi na nakapalag pa si Zane nang makita sa mukha ng nobya ang labis na sakit. Dahan-dahan niyang binitawan si Kila, ngunit kinuha nito sa kamay ng babae ang susi na hawak. Tila naman napuno na si Kila sa pagmamatigas ng lalaki. Kaya imbis na hayaan si Zane, mabilis niyang hinigit sa tagiliran ng lalaki ang nakasabit na susi ng sasakyan nito.

Huli na para harangin ni Zane ang nobya dahil sa mabilis na pagpasok nito sa nakaparadang sasakyan niya sa harapan nila at pinaharurot iyon ng takbo.

“Fuck!” marahas na sambit ni Zane.

Samantala, gustuhin mang sumigaw ni Kila ay tila nabaraduhan ng sama ng loob ang kaniyang lalamunan. Nanlalabo na ang mga mata ng babae sa sobrang dami ng luhang bumabagsak galing sa kaniyang mata. Parang sirang plaka sa isip niya ang naabutang kataksilan ng nobyo. Hindi niya lubos akalain na magagawa ito ng kasintahang nangako sa kaniyang hindi siya sasaktan. Dahil dito, mas lalo lang bumilis ang pagmamaneho ni Kila sa sasakyan. Hanggang sa hindi niya na napansin ang patawid na truck sa kabilang bahagi ng kalsada.

Malakas na sumalpok ang truck sa sinasakyan ni Kila. Tila bumagal ang ikot ng mundo, nabasag ang salamin nito at may iilang bubog ang tumama sa kaniya. Kasabay nito ay pag-angat ng sasakyan sa ere, nakita na lamang niya ang sariling bumaliktad kasama ng sasakyan. Huli na nang makapreno pa ang driver ng truck. Nakataob na ang sinasakyan ng babae, nakaipit sa pagitan ng truck at ng malaking poste sa kahabaan ng highway.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nasaksihan pala ng dalawang mata ni Zane ang buong pangyayari. His heart beats so fast. Binabalot na siya ng matinding takot at pangamba para sa nobya. Ngunit ang tanging nagawa na lamang niya ay ang tumakbo sa direksyon nito…

“KILA!”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status