Matapos ang tila walang katapusang biyahe, dumating na rin ang ambulansya sa ospital. Maputla at walang malay si Zabrina sa mga oras na ito.
Pagdating nila, agad naman silang sinalubong ng mga nurse.
“Maraming dugo ang nawala sa dalaga. Sana ay may magagawa pa tayo,” sambit ng isa sa kanila at tila nagmamadali na.
“Kailangan natin gawin ang lahat. Ang bata pa niya. Hindi siya pwedeng mamatay nang ganito kaya kumapit ka, Iha. Gagawin namin ang lahat para iligtas ka!” sabi ng isa sa mga doktor na umasikaso kay Zabrina.
“Hindi ko maisip kung anong pumasok sa isip niya at piniling wakasan ang sariling buhay. Napakabata pa niya,” dagdag ng isa pang doktor.
Samantala, sa kanyang walang kamalayan, humaharap si Zabrina sa ibang reyalidad. Sa kanyang isipan, muli niyang nararanasan ang parehong bangungot noon.
Nakita niya ang sariling nakakulong sa isang mansyon, nag-iisa, at may malaking tiyan—halatang buntis siya. Malaki na ang kanyang tiyan. Umiiyak siya at nakiusap na palabasin siya doon, naguguluhan, at takot na takot.
Nasa tabi niya si Maricel, sinusubukang patahanin siya mula sa pag-iyak.
“Senyorita, maawa po kayo. Huwag niyong iparanas ito sa bata!” ani Maricel sa kanya.
“Maricel, gusto kong umalis, kaya pakiusap. Gusto kong lumayo na. Bakit ako ikinulong ni Jacob dito? Gusto ko na umalis! Niloko niya ako sa pagpunta rito. Siguro balak niyang agawin ang anak ko sa 'kin!” umiiyak na sabi ni Zabrina.
“Gusto lang po niyang masigurong ligtas kayo, senyorita. Baka saktan kayo ng asawa niya kaya kayo nandito. Ayaw po niya kayong masaktan. Kumalma po kayo, pakiusap,” sagot ni Maricel na pilit siyang pinapanatag.
“Hindi, Maricel. Gusto niyang kunin ang anak ko tapos itatapon niya na lang ako. Bakit ako nagpakatanga? Paano ko nagawang mahulog sa bitag niya?”
At tila biglang nagbago ang eksena, na parang isang pelikula. Napunta si Zabrina sa eksena kung saan ay ipinanganak na ang kanyang sanggol, at maingat itong buhat-buhat ito ni Jacob. Nakahiga si Zabrina, pagod na pagod at umiiyak.
“Pakiusap, Jacob. Hindi mo siya pwedeng kunin sa akin. Anak ko siya!”
“Anak ko rin siya at mas makakabuti sa kanya na lumaki sa isang magandang paaralan. Hindi ka na asawa ko. Anong klaseng buhay ang maibibigay mo sa kanya?” galit na sabi sa kanya ni Jacob.
“Wala ka nang pakialam pa! Hindi mo pwedeng kunin ang anak ko at isa pa, may anak kang lalaki!”
Hindi natinag si Jacob sa sakit na nararamdaman ni Zabrina at pagmamakaawa. Tinangka niyang kunin ang sanggol. Nang makita naman ni Zabrina na inilalapag ni Jacob ang sanggol sa kuna, tinipon ni Zabrina ang lahat ng lakas niya at binasag ang isang bote sa ulo ni Jacob, dahilan para mawalan ito ng malay.
Dali-dali niyang kinuha ang kanyang sanggol at tumakbo. Malamig ang panahon na 'yon, nakasuot lang siya ng coat, walang tsinelas, at ginamit niya ang pagkakataon para makatakas sa mansyon.
Muling naglaho ang tanawin na 'yon. Sa bawat paglipas ng eksena, parang may pumupunit sa kaluluwa ni Zabrina. Tila ramdam niya ang isang mainit na bagay sa kanyang dibdib.
Ngayon, nasa ilalim naman siya ng tulay, marumi at giniginaw, yakap-yakap ang kanyang sanggol habang sinusubukang pasusuhin ito.
Matagal na siyang palaboy, namamalimos sa lansangan. Gutom na gutom at nanghihina, at umiiyak ang kanyang sanggol. Sa sobrang pagod, nakatulog siya.
Biglang tumigil sa pag-iyak ang bata kaya nagising siya sa kaba at tiningnan ang anak na ngayon ay maputla ang mukha, habang namumutla ang mga labi.
Niyugyog ni Zabrina ang bata, pilit itong ginigising, ngunit wala itong reaksyon. Namatay na ito sa gutom at sa lamig ng panahon. Sumigaw siya nang ubod ng lakas, ngunit sa malamig na hapon ay walang tumulong sa kanya.
Wala siyang tigil sa pag-iyak, sinisisi ang sarili, at pinagsasampal ang kanyang mukha, umaasang isa lamang itong bangungot. Isang bangungot na ayaw niyang mangyari sa kanya kahit kailan.
“Anak, patawad. Patawarin mo ako kung hindi kita naalagaan nang maayos. Tignan mo ako—ni sarili ko hindi ko maalagaan kaya patawad!” sigaw ni Zabrina habang tumutulo ang kanyang mga luha.
Tinitigan niya ang eksena, nagmamakaawang sana'y panaginip lang iyon.
“Diyos ko, pakiusap, sana bangungot lang ang lahat nang ito! Pakiusap!” sambit niya.
At habang inuulit-ulit ang mga salitang iyon, muling naramdaman niya ang paghila sa kanyang katawan, at isang matinding init sa kanyang dibdib ang kanyang naramdaman. Bigla na lamang niyang nakita ang isang sinag ng liwanag.
“Gumising ka na! Hindi ka pwedeng mamatay!” paulit-ulit na sigaw ng doktor habang ginagamitan siya ng isang defibrillator.
Sa wakas, lumitaw na ang tibok ng puso ni Zabria sa monitor.
“Dok, may pulso na ulit ang pasyente! Nabuhay siya!” sigaw ng isang nurse na halos maiyak sa tuwa.
“Bilisan natin at kailangang gamutin ang mga sugat niya. Hindi pa tapos ang laban!” sabi ng doktor.
Napansin naman ni Doctor Villegas, ang pangunahing doktor sa pagligtas kay Zabrina ang isang patak ng luha mula sa mata niya.
Naguluhan siya habang nakatitig rito.
‘Bakit pipiliin ng isang napakabatang babae na ito na wakasan ang sariling buhay?’ ani ng doktor sa isip at hindi niya maisip na may sapat na dahilan para sa ganoong desisyon.
Sa labas ng emergency room, naroon naman sina Maricel at Mrs. Katherine na naghihintay ng balita.
“Maricel, matagal ka nang nagtatrabaho sa pamilya namin kaya ako nagdesisyong ipaubaya si Jacob sa 'yo noong nag-asawa siya. Alam kong aalagaan mo siya at si Zabrina. Ano ang nangyari?” tanong ni Katherine na halatang balisa pa rin.
“Hindi ko rin po alam talaga alam, Mrs. Katherine. Kahapon, umalis si Senyorita Zabrina dala ang isang folder ng mga dokumento at sabi niya ay ihahatid niya ito kay Sir Jacob dahil nakalimutan daw niya iyon,” sambit niya saka nagpatuloy, “Bumalik po siya kasama si Kaizer at nagkulong sa kwarto. Kinagabihan dumating si sir at bigla na lang akong pinaalis. Naiwan silang dalawa sa bahay, at mula noon, wala na po akong nalaman.”
Huminga muna nang malalim si Maricel saka nagpatuloy.
“Kanina, nagkaroon sila ng malaking alitan. Nagpalitan ng sigawan at humingi ang senyorita ng diborsyo kay sir.”
“Ano!?” gulat na gulat na tugon ni Ginang Katherine sa kanya at nagpatuloy, “May ginawa na naman ang batang ‘yon para umabot si Zabrina sa ganito!”
Ilang sandali lang, dumating naman si Jacob na ngayon ay nagmumukhang matikas sa suot nito.
“Jacob! Lintik kang bata ka! Hindi ka ganyan pinalaki ng mga magulang mo! Anong ginawa mo kay Zabrina?” galit na usal ni Katherine nang makita niya ang apo.
“Hindi ito ang tamang panahon, La,” naiiriting sagot ni Jacob sa kanya.
“Wala kang modo! Ako ang may kasalanan kung bakit kita pinalaki nang ganyan. Pagkagising ni Zabrina, sa akin na siya titira. Tapos na ang usapan!”
Habang pinapagalitan si Jacob ni Katherine, may lumabas na doktor at isang nurse mula sa silid kung saan naroon si Zabrina.
“Nasaan ang pamilya ni Miss Zabrina?” tanong ng doktor.
“Asawa po niya ako,” sagot ni Jacob sa seryosong tono.
“Maraming dugo ang nawala sa inyong asawa. Kinailangan naming bigyan siya ng transfusion. Bihira ang klase ng dugo niya pero nagawa namin siyang iligtas. Nasa ICU pa rin siya ngayon. Ang isa sa mga sugat na ginawa niya ang siyang nagdulot nang halos ikamatay niya. Kung ilang minuto pa ang lumipas, baka hindi na siya umabot,” paliwanag ng doktor na halatang tensyonado.
Namutla si Jacob, halatang naguluhan at nabigla. Kaninang umaga, alam niyang masama ang loob ni Zabrina pero hindi niya inakalang ganito kalala ang gagawin niya.
Bigla na lamang siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib at iyon ay konsensya. Naalala niya ang nakita ni Zabrina sa kanyang opisina. Marahil, masyado nang marami ang tiniis nito at hindi niya naisip kung gaano kalalim ang pagmamahal nito sa kanya. Alam ni Jacob kung gaano siya kamahal ng babae dahil palagi nitong sinasabi sa kanya.
“Kahit na nakaligtas siya, kailangan pa rin siyang bantayan. Hindi siya nagtagumpay ngayon, pero hindi ibig sabihin na hindi na niya ito susubukang muli,” seryosong sabi ng doktor kay Jacob.
“Anong ibig mong sabihin?” seryoso na tanong ni Jacob.
“Kailangan mong alamin kung anong nagtulak sa kanya na gawin ito. Hindi mo pwedeng balewalain. Nailigtas siya ngayon pero ang mga taong dumaan sa sunud-sunod na trauma ay kadalasang paulit-ulit na sumusubok, hanggang sa magtagumpay sila,” ani ng doktor na siyang nagpatulala kay Jacob.
‘Paano ito nagawa ni Zabrina? Ang sama ko na ba sa kanya? Lumampas na ba ako sa limitasyon?’ tanong niya sa isipan.
Hindi alam ni Jacob kung ano ang kanyang mararamdaman sa mga oras na ito dahil sa nasaksihan.
“Walang-hiya kang bata ka! Nakakahiya kang maging apo ko! Sabihin mo sa akin—paano mo naitulak si Zabrina sa ganitong kalagayan? Sinasabi ko na sa ‘yo na paglabas niya rito, sa akin na siya titira. At kung gusto ka niyang iwan, hinding-hindi ko siya pipigilan!”