Share

CHAPTER 10

It's already 10pm when I checked my phone. Ngunit hindi ko pa rin magawang makatulog. Titig na titig pa rin ako sa number ni Josh. I'm contemplating if I'll message him or not. Bigla ay napaisip ako.

 

"Paano kaya kung loadan ko na lang siya?" tanong ko sa sarili saka napangiti. "Yeah right! Iyon na lang."

 

Saglit ko lang sinilip kung mahimbing na talaga ang tulog ni bebs. Mabuti na lang likod niya ang nakaharap sa akin at mukhang malalim na talaga ang paghinga niya. Para makasiguro ay sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya kung saan may kiliti siya. Ngunit ni hindi man lang siya gumalaw kahit bahagya.

 

When I make sure that I wouldn't wake up Jam, I turned my gaze back to my cellphone then dial * 143#. I followed the instructions on how to share my load through gcash kay crush. When I received a confimation text then without thinking twice, I immediately hit the send 'YES.'

 

Napangiti ako saka ibinaba na ang cellphone ko. I was about to sleep when I heard it vibrate. Nakakunot ang noong dinampot kong muli ang cellphone ko at halos malaglag ako sa kinahihigaan ko nang makatanggap ako ng text mula kay Josh.

 

Gising pa siya!

 

Honeybunch sweetypie: Who is this? Wrong send? If yes, I'll immediately send back your load.

 

I bit my lower lip. Why my honeybunch is so kind? The reason why I fell more inlove with him.

 

Me: No. That is really for you. Why are you still awake?

 

Sa tantiya ko ay mahigit thirty minutes na ata akong nakatitig sa phone ko. Sumasakit na ang mga mata ko pero hindi pa rin siya nagri-reply. Kaya napagpasyahan ko na lang na muling magtipa ng mensahe para sa kanya.

 

Me: This is me, your future wife. Euphrasia Lexus Avery-Gonzales. Good night, Mr. Gonzales.

 

Then I hit the send button. Napangiti na lang ako dahil sa huling mensahe ko para sa kanya. Ramdam ko ang saya dahil kahit papaano ay may naging palitan kami ng mensahe at dahil lang iyon sa pagpasa ko sa kanya ng load.

 

"Ang talino mo kasi talaga, Euphrasia Lexus! Maganda pa," bulong ko bilang papuri sa aking sarili.

 

Maya-maya pa ay may natanggap ulit akong text galing sa kanya.

 

Honeybunch sweetypie: Good night.

 

Kung ako lang siguro ang mag-isa sa kama ay baka nagpagulong-gulo na ako.

 

"Hindi ba ako nananginip lang? Nag-goodnight ba talaga siya sa akin? Nakakapagtaka na hindi niya yata ako sinusungitan tungkol sa sinabi ko?"

 

Para mapigilan ang kilig na nararamdaman ko ay kinuha ko ang isa kong unan saka iyon kinagat.

 

"What a way to end this day!"

 

Mukhang magkakaroon ako ng magandang tulog ngayon. Thanks to my honeybunch.

 

Umilaw ulit ang phone ko kaya kinuha ko iyon. Ang ngiti at kilig na nararamdaman ay napalitan  nang pagsimangot ko. Ang bumungad kasi sa akin ay ibinalik niya ang load na pinasa ko sa kanya.

 

"Hay nako, crush! Sa akin ka pa ba mahihiya?"

 

Ibinaba ko na lang ulit ang phone ko saka pumikit na. Sinubukan kong matulog pero mukhang pati ang diwa ko ay iniwan na ako. Hindi na ako inaantok dahil sa naging palitan namin ng text messages. Then an idea popped in my head.

 

Dahan-dahan akong umalis sa kama at naglakad papunta sa pinto. Binalingan ko lang saglit si bebs saka ko na napagpasyahang pihitin ang seradura at tuluyang lumabas ng kuwarto namin. Dumiretso kaagad ako sa salas saka nag-search. Nang ibigay sa akin ni Mr. G****e ang hinahanap ko ay nagsimula na akong mag-edit.

 

Nagising ako kinabukasan na wala na si bebs sa apartment. 7am kasi ang klase niya samantalang ako 10 pa. Ngunit maaga akong naghanda. Naligo at magluluto pa ng sariling pagkain. Nakakainis kasi si Jam, hindi ako tinirahan ng ulam. Aba't kanin lang ata ang balak niyang ipakain sa akin.

 

Nang makapagluto at makakain na ay hinahananp ko ang file na in-edit ko kagabi. Ang ganda talaga ng template. Balak ko itong ipa-print kila Kuya Al at soon.. ipapirma kay Josh.

 

Nang matapos sa lahat ng routine ko ay lumabas na ako ng bahay. Mukhang mabilis ang oras dahil 9:30 na pagtingin ko sa aking relong pambisig. 30 minutes na lang before ako ma-late. Mabuti na lang at medyo malapit lang ang apartment namin sa university. Iyon nga lang ay sa second floor pa ng CBA building ang room namin. Kaya naman nagmamadali na akong naglakad papuntang printing shop.

 

"Good morning, Sia!" pagbati sa akin ni Kuya Albert.

 

Matanda sa amin ng tatlong taon si Kuya Albert. Sa pagkakaalam ko ay siya na ang namamahala netong printing shop na minana pa raw niya sa kanyang Lolo.

 

"Good morning, Kuya Al. Paprint." Sabay bigay ko sa kanya ng aking OTJ.

 

Tumingin-tingin pa ako sa mga taong naglalakad sa labas para libangin ang sarili ko habang hinihintay ko na matapos si Kuya Al.

 

"This is to certify that Euphrasia and Joshua Arcel were wed on the blank day of blank in the year blank by blank at blank."

 

Nanlaki naman ang mata ko saka naibaling kong muli ang tingin kay Kuya Al na ngayon ay may ngisi na sa labi. Narinig ko pang natawa si Kuya Jay – ang kasosyo ni Kuya Al sa printing shop na ito. Halos umusok naman ang tenga ko dahil sa hiya.

 

"Josh? Hmm.. Boyfriend?"

 

Mabilis kong hinaklit sa kamay ni Kuya Al ang marriage certificate saka na lang napalabi.

 

"Hindi pa."

 

"Hindi pa? Pero may marriage certificate na? Label muna bago ang kasal, Sia"

 

Napairap na lang ako nang magsimula na siyang tumawa.

 

"Kuya naman! Napaka-bully mo."

 

Tumigil naman siya sa pagtawa saka ginulo-gulo ang buhok ko. "Silly. Hindi ikaw ang dapat naghahabol sa lalaki, Sia. It must be him. Anyway, gusto mo bang ako na ang pumirma as a witness niyo? O gusto mong ako na ang magkasal sa inyong dalawa?"

Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar niya saka na naglabas ng pera sa pitaka ko. "Magkano ba, Kuya?"

 

"Libre na lang."

 

Napangiti naman ako. Isinilid ko na iyon sa bag ko at siniguro kong hindi malulukot saka na nagpaalam sa kanilang dalawa. Bago pa ako tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang huli niyang sinabi.

 

"I'll support you, Sia. If he is the reason why are you happy, then chase him."

 

Ang mga salitang binigkas ni kuya Al ay nagbigay ng ngiti sa labi ko.

 

Mabuti lang at hindi ako nahuli sa first period namin pagkadating ko sa room. Malalate daw kasi si Ma'am. Naabutan ko pang sobrang ingay na naman ng mga kaklase ko. Para talagang mga high school.

 

Naupo na ako sa pwesto ko na malapit sa bintana. Minsan kasi ay napapadaan dito ang mga architect student at nagbabakasakali akong mapadaan din dito si Josh.

 

Nakapangalumbaba ako habang pinapakinggan ang mga usapan ng mga kaklase ko. Mukhang nagtatanungan sila patungkol sa mga pangarap nila sa buhay.

 

Nabigla pa ako nang pagpihit ko ng tingin ay ang pagmumukha ni Jam ang bumungad sa akin. Sabay siyang naupo sa kaharap kong upuan.

 

"Bakit ka nandito?"

 

"Wala kaming next class. Makiki-seat-in ako."

 

"Bawal."

 

Pinagtaasan naman niya ako ng kilay. "Ikaw ba may-a*i netong room niyo, ha?"

 

Sinimangutan ko lang naman siya. Maya-maya pa ay mukhang sa akin nabaling ang atensiyon ng mga kaklase ko. Lalo na si Elissia na siyang nagtatanong sa kanila.

 

"Ikaw, Euphrasia? What is your dream?" pagtatanong niya sa akin.

 

Wala sana akong balak sumagot nang matanaw kong nakasandal si Josh sa may pinto ng classroom namin. May kausap siya, at dahil ngayong nakita ko na siya ay may naisip nanaman ako. Mukhang tumatalino ako kapag nandiyan siya ah.

 

"Rephrase your question, Elissia. It's not 'what'. It should be 'who'," nakangisi kong sagot.

 

Kahit mukhang naguguluhan siya ay sinunod niya pa rin ako. "Then.. who?"

 

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago sumagot. Sabi kasi nila kapag ka tinitigan mo ang isang tao ay tititigan ka rin nila pabalik. And that what you called instinct. Ramdam natin kung may nakatingin sa atin. Napangiti ako nang tuluyang bumaling sa gawi ko si Josh. Sinalubong ng mga mata ko ang magagandang pares ng kanyang mga mata.

 

"You're asking me about who is my dream. Then I will answer you.. it's him."

 

Isinigaw ko pa ang word na 'HIM' sabay turo kay Josh. Nagtilian naman ang mga kaklase ko, habang pinalo naman ako ni bebs sa braso. Pati ang kausap ni Josh ay tinukso-tukso na rin siya.

 

"Sabi ko naman kasi sayo crush, I'll now take my step to finally enter your heart. You're my dream, so I'll chase you until you finally let me enter your life," dagdag ko pa.

 

Ngunit binigyan niya lang ako ng isang malamig na tingin saka na sila tuluyang umalis.

 

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang tanawin na lang ang papalayo niyang bulto hanggang sa tuluyan na siyang naglaho.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status