Share

Chasing The Guy Who Saved Me
Chasing The Guy Who Saved Me
Author: iampurplelynxx

CHAPTER 1

Gabi na nang makauwi ako dahil sa nangyaring group project. My dad can't pick me up in my school because of a reason that they have a business meeting to attend with my mom.

Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagtayo ng mga balahibo ko sa batok dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Natatakot ako dahil kaliwa't kanan na ang balitang may nararape sa school namin lalo na't gabi na. Tuloy ay nagsisisi ako na tinakasan ko pa si Hugo kanina.

Nilakasan ko na lang ang aking loob saka dumaan sa alam kong shortcut pauwi sa bahay. Balak ko pa sanang lumingon sa likuran ko kung hindi lang may biglang humila sa akin. Tuluyang umalpas ang luhang pinipigilan ko kanina. Sinubukan kong manlaban sa pamamagitan ng pag-apak sa mga paa niya pero hindi naging sapat iyon para makawala ako sa mga bisig niya.

Ito na nga ba ang katapusan ko? Hanggang dito na nga lang ba talaga ang buhay ko? piping tanong ko sa aking sarili.

"Bibitawan lang kita kung mangangako kang hindi ka sisigaw."

Mabilis akong napailing at muling sinubukang magpumiglas. Alam kong sa mga oras na ito ay wala akong laban sa kanya kung sakali mang gawan niya ako ng masama.

"Don't worry, Miss. Hindi ako masamang tao."

Maya-maya pa ay kumalma na ang naghuhurementado kong puso. Sa hindi malamang kadahilanan ay tila may bumubulong sa akin na ligtas ako sa taong ito. Hanggang sa unti-unti ay tinanggal na niya ang kamay niya sa bibig ko kaya bigla ay napaharap ako sa kanya.

Napanganga ako nang sumalubong sa akin ang kulay berde niyang mga mata. Pati na rin ang makapal at salubong niyang kilay. Hindi ko lubusang maaninag ang buo niyang mukha dahil natatakpan ng mask ang bibig niya. Idagdag pa na nakasuot siya ng kulay itim na hood.

"Dito ka lang. Huwag kang aalis."

Wala sa sariling napatango lang ako. Hanggang sa naupo ako sa puwesto kung saan niya ako iniwan at napadasal na lang nang makipagbuno siya sa kung sino. Sana lang at walang mangyaring masama sa kanya kung hindi ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay. Ipinikit ang aking mga mata at tuluyang umusal ng panalangin. Naimulat ko lang ang aking mga mata nang may kamay na nagtayo sa akin mula sa aking pagkakaupo.

Sumalubong sa aking paningin ang kulay berde niyang mga mata. Tila nagsusumigaw iyon ng pag-aalala. Hanggang sa hindi ko napigilan pa ang sarili ko na tuluyan siyang yakapin. Mukhang nabigla pa siya sa ginawa ko, ngunit maya-maya lang din ay naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap pabalik.

Hindi ko matukoy kung para saan at kanino ang takot na kanina ay nararamdaman ko. Kung para ba ito sa kaligtasan ko o sa kaligtasan ng taong ito?

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking mga luha. Ngunit tila natigil iyon at nakaramdam ako ng ginhawa nang maamoy ko ang kanyang pabango. Hindi iyon masakit sa ilong. Tama lang para kumalma ako.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang maramdam ang paghalik niya sa buhok ko.

"Ihahatid na kita sa inyo."

Sunod-sunod akong napatango saka sinundan siyang sumakay sa kanyang motor.  Sa buong biyahe ay nakayakap lang ako sa kanya. Kinailangan ko pang magsinungaling patungkol sa village na tinitirahan ko. Siguro dahil may parte sa akin na sinasabing hindi ko pa rin siya kilala.

"Dito na lang ako," pagbulong ko sa kanyang tenga.

Naging mabilis ang reflexes niyang kinabig ang manibela at hininto ang kanyang motor. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng aking tuhod ngunit nakayanan ko namang bumaba mula rito.

Nang matanggal ang suot na helmet ay agad ko iyong iniabot sa kanya.

"M-maraming salamat."

Sa muling pagkakataon ay nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Ramdam ko ang simoy ng hangin, kasabay ng muling pagbilis ng tibok ng aking puso.

"My pleasure," tugon niya matapos tanggalin ang suot na helmet.

Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kabuuan ng kanyang mukha nang ibaba niya ang suot na mask. Huminga ako nang malalim saka may kinuha mula sa aking bulsa. Mula roon ay inilabas ko ang isang kapiraso ng kisses chocolate.

"Wala akong maibibigay na kapalit kung hindi ito lang."

Bago pa siya makahuma ay kinuha ko na ang kanyang kamay saka inilagay mula roon ang chocolate. Nagbabalak na sana akong talikuran siya nang may maalalang gawin. Muli ay humarap ako sa kanya, humakbang ng isang beses saka tumingkayad. Naipikit ko ang aking mga mata nang lumapat sa kanyang pisngi ang aking labi.

Narinig ko ang paghugot niya nang malalim na hininga. Doon ko naimulat ang aking mga mata saka tuluyang lumayo mula sa kanya. May ngiti sa labi na tuluyan ko na siyang tinalikuran.

"Hugoooo!!!" pagtawag ko sa assistant ni dad.

"Bakit po, Ma'am?"

Uminom muna ako sa tasa ng kapeng gawa sa akin ni Inday bago siya sagutin. "You know how to sketch, right?"

Kahit naguguluhan siya sa sinabi ko ay napatango-tango na lamang siya. "Good. Magagamit natin ang skills mo."

Hinayaan ko na muna si Hugo sa loob ng opisina ko habang bumaba na ako patungo sa dining area upang sumabay ng kumain kasama ang parents ko.

I gave them both a kiss on their cheeks bago ako maupo sa harapan ni mommy. Hanggang ngayon ay may pag-aalala pa rin sa mga mata nila nang mabalitaan kung anong nangyari sa akin kahapon. Nalaman ko kasing ang isa sa mga ni-reject kong nanliligaw sa akin noon ang siya pa lang bumubuntot-buntot sa akin kagabi.

Walanghiyang hudas na iyon, balak pa akong gawan ng masama.

Hindi na ako nakatiis pang magsalita dahil ramdam ko pa rin ang titig nila sa aking dalawa. "Mom and dad, you don't have to worry about me. Wala namang masamang nangyari sa akin. Heto nga at ligtas akong nakauwi, hindi ba? And I'm thankful because someone saved my life."

Hinawakan naman ni mommy ang magkabila kong kamay. "Namukhaan mo ba siya, hija? Para makapagpasalamat naman tayo sa kanya."

Malapad akong napangiti saka inilabas ang ipinagawa kong sketch kay Hugo. Magaling siya kasi nakuha niya ang buong detalye na sinabi ko sa kanya. At ngayon nga ay nasa opisina ko siya para hanapin kahit saang social media sites ang nasa sketch.

"Opo. Hihilingin ko nga sana sa inyo ni dad na personal ko siyang hahanapin kung saan siya nag-aaral. Balak ko sanang doon lumipat para mas makilala pa siya nang maigi."

Nagkatinginan silang dalawa. Kitang-kita ang palitan nila nang makahulugan na tingin.

"I'll take care of it, sweetie," ani dad.

Napangiti naman ako saka itinuloy na ang pagkain.

Wait for me, my handsome fallen angel.

Ngunit lumipas ang araw, linggo, hanggang sa naging taon pero ni bakas ng anino niya ay hindi namin natagpuan. Desperada na akong mahanap siya. At sa tuwing nabibigo kami ay siya na lang ang ginagawa kong inspirasyon sa pag-aaral.

Hanggang ngayon undecided pa rin ako kung saang university ako magti-take ng exam. Alam ko naman kasing related sa business ang gusto ni Grandpa na kunin kong course. Balak niya pa ngang sa harvard ako mag-aral, pero tumanggi ako.

"Ano nang balak mo, couz?"

Napalingon ako sa pinsan ko na ngayon ay tutok na tutok ang mata sa panunuod sa flat screen TV. Naririto kaming dalawa sa loob ng kuwarto ko.

Napailing na lang ako nang pasadahan ko ng tingin ang suot niya. Nagmumukha siyang bad girl na rock star dahil sa black outfit niya – pati boots ay kulay black din. Kahit anong pigil sa kanya at paalala sa kanya nila tita at tito na maging feminine ay hindi naman sila sinusunod ng pinsan ko.

"Hindi ko pa rin alam kung saang university ako papasok."

"Huwag mong sabihing patuloy mo pa ring hahanapin ang savior mo?"

"Sige. Hindi ko sasabihin."

Pigil ko ang tawa ko nang bumaling siya sa akin at masama na ang tingin. Hanggang sa sabay naming naibaling ang aming tingin sa kapapasok lang na lalaki sa kuwarto ko – si Hugo na ngayon ay may ngisi na sa labi.

Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya nang makitang masyado nang halata ang eyebags niya sa ilalim ng kanyang mga mata. Siya kasi itong palagi kong kinukulit patungkol sa tagapagligtas ko.

"I have a good news..."

Pati ako ay nahawa na rin sa kanyang ngiti. Madali siyang nagtungo sa kama ko kaya sinundan ko na rin siya. Habang pinatay naman na ng pinsan ko ang flat screen TV. Ramdam ko ang paglundag ng aking puso nang pindutin niya ang isang CCTV footage kung saan nakita ko ang isang pamilyar na lalaki.

Hindi ko lubusang makita ang buong mukha niya kagaya noong araw na iniligtas niya ako ngunit dahil sa hood na suot niya kaya ko siya nakilala. Pati na rin ang pamilyar na pagtibok ng puso ko ay tila kinukumpirma na siya na nga talaga ang nasa CCTV footage.

"According to the investigator that we hired, he took the exam at that university."

"Are you sure with that information, Hugo?"

"Y – "

Bago niya pa matapos ang balak sabihin ay napatakbo na ako palabas. Mabilis akong tumakbo papuntang opisina ni dad.

"Hija, mag-ingat ka at baka ikaw ay madapa," rinig ko pang sabi ni Manang Inday. "Susmaryosep na batang ito."

Kamuntikan pang matapon ang kapeng iniinom ni daddy dahil sa biglaan kong pagpasok.

"What happened, hija?"

"We already found him, Dad."

Kulang na lang ay maging puso na ang mga mata ko dahil sa sobrang excitement. Halos malaglag naman ang panga ni daddy dahil sa sinabi ko. Dahan-dahan niyang ibinaba ang iniinumang tasa kasabay noon ang pagpasok ni mommy.

"Hinahanap mo pa rin pala siya, hija?"

"Oo naman, dad. Utang ko pa rin ang pangalawa kong buhay sa kanya kaya talagang hindi ako titigil sa paghahanap ko sa kanya."

Napatango naman si daddy na tila nauunawan ang aking sinabi. Kapagkuwan ay sumilay na ang ngiti sa kanyang labi. Lumapit naman sa gawi ko si mommy saka hinaplos ang mahaba kong buhok. "Anong plano mo, hija?"

"Mag-aaral po ako sa university na papasukan niya," determinado kong pahayag.

Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang natakasan ko na sila Hugo. Napangiti pa ako nang mapuntahan muli ang lugar kung saan niya ako iniligtas.

Patuloy lamang akong naglakad hanggang sa hindi ko na namalayang dinala na ako ng aking paa sa isang waiting area para sa mga bus. Kahit hindi ko matukoy ang dahilan kung bakit ako napadpad sa lugar na ito ay naupo pa rin ako sa isa sa mga upuang gawa sa kahoy.

Hanggang sa lumipas ang isang oras buhat nang ako ay maupo rito. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko. Mukhang napag-alala ko na si Hugo. Tiyak ngayon ay ginigisa na siya ni daddy. I was about to stand when suddenly, a bus stopped in front of me. My heart seems like it stops beating. I feel like as if I could see nothing but him.

Sa pangatlong pagkakataon ay nakatitigan kong muli ang kulay berde niyang mga mata. Ramdam kong nanginig bigla ang aking labi nang pasadahan ko ang buo niyang mukha. Tulad noong una naming pagkikita, nakasuot ulit siya ng isang mask at hood. Halos umabot na rin ang kanyang bangs sa dalawang magagandang pares ng kanyang mga mata.

Hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko habang unti-unti nang umaandar ang bus. Napako lang ang tingin ko sa mga mata niya hanggang sa naglaho na siya nang tuluyan sa paningin ko. Naiwan ako kasama ang malakas na pagpintig ng puso ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status