Share

CHAPTER 7: VISIT

I BIT MY LIP while I’m occupied on damping a soft wet cloth to his hand while I’m sitting closely near his hospital bed. As usual, he wasn’t still awake, and there were apparatuses attached to him.

“Ang haba ng kaniyang mga daliri. Talagang makakarating ka sa langit n’yan, Ka-tol.” bulong ni Cindy na halatang kanina pa nakatitig sa estrangherong lalaki. 

I hissed. “P*nyeta ka talaga kahit kailan. Ang dami mong alam at pati ang walang kaalam-alam na nakaratay ay dinadamay mo pa sa kahalayan mo.”

She smirked. “Aba! Oo naman, marami talaga akong alam, Ka-tol. Gusto mo bang i-share ko sa iyo ang mga best sex position na talagang magpapabaliw sa iyo at pati na rin kay Hottie Stranger?”

Hindi ko na napigilang ibato sa kaniyang mukha ang hawak kong pamunas na agad naman niyang sinalo habang nakanguso.

“Tumahimik ka nga r’yan! Nakikita mong nag-co-concentrate ako rito tapos ang gulo-gulo mo. Huwag mo nga akong idamay sa kahalayan mo at malapit na talaga kitang kotongan sa ulo,” asik ko.

“Wow, ha? Mahalay ka rin, no? Ako lang daw. Paniguradong pinagpapantasiyahan mo si Hottie Stranger habang nakaratay dito,” kontra naman niya.

Naputol ang bangayan namin nang may kumatok sa pintuan at nakita namin ang isang nurse na may hawak na clipboard. 

“Magandang araw, Ma’am Trisha! Magtatanong lang po ako ng konting impormasyon tungkol sa pasyente. Pasensiya na po at hindi namin agad naitanong sa inyo kahapon,” sambit ng nurse.

“Ah, pasensiya na rin at nakalimutan ko rin kasi kahapon,” pagsisinungaling ko pero sa totoo lang ay parang nabangag na naman ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang aking isasagot lalo na’t hindi ko naman pati kilala ang estrangherong lalaking iniligtas ko.

Nakakaunawang ngumiti naman ang nurse habang inaabot sa akin ang clipboard at ballpen. “Ito po ang sasagutan niyo, Ma’am Trisha. Check ko rin po muna ang pasyente kung may pagbabago po sa kaniyang lagay.”

Nagdadalawang-isip akong tumango at saka kinuha na rin ang clipboard at ballpen sa nurse. “Ahm. . . Sige.” 

‘Name? Age? Birthday? At marami pang hinihinging impormasyon na hindi ko naman alam kung ano ang aking ilalagay sa bawat blangkong kahon na aking sasagutan.’

“Name? Hmm. . . Ilagay mo na lang kaya r’yan ay P**e Kho,” bulong niya sa aking tainga at kinurot ko ang kaniyang braso na kaniyang ikinaigik.

“P*nyeta ka talaga kahit kailan. Bakit ko naman ilalagay iyon? Ang bantot ng pangalan. Mag-isip ka pa ng iba,” kontra ko nang pabulong.

Napanguso naman siya at nag-isip. “Ahm. . . Dax Maybebeh na lang kaya? Kapag ayaw mo, King Khong, Daddy Machete o hindi kaya ay Rambo Ratatat.” 

I glared at her while gripping the pen tightly. 

“Sabi ko nga naman ay hindi puwede. Chill lang at mag-iisip lang ako ng iba, ha?” dagdag niya.

Napatingin naman ako sa nurse na may kinakalikot at sinisipat sa dextrose ng estrangherong lalaki. Mukhang hindi naman nito nalalaman na may aberya kami sa pagsagot ng impormasyon sa clipboard. 

‘P*nyeta! Pangalan pa lang problemadong-problemado na kaming dalawa sa pag-iisip at may sasagutan pa kaming iba. Daig pa tuloy namin ang sumasagot sa Final Exams.’

She exaggeratedly sighed. “Putek! Mag-isip ka na lang ng pangalan ng crush mo. Naiinis na ako. Pinagpapawisan na ang aking mga singit sa kakaisip.”

My brow arched. “P*nyeta, bakit naman pinagpapawisan ang mga singit mo? Nag-iisip ba ang kipay mo?”

She just stuck her tongue to annoy me which made me roll my eyes. I just sighed heavily, and without thinking twice, I wrote a name that suddenly popped into my mind, and also the other information too. They wouldn’t ask for more, especially that I would tell them that he was being robbed, and all of his important documents were gone.

“Ah, Ms. Nurse, wala pala akong maipapakitang Valid ID niya kasi ninakawan siya bukod sa pagkakaaksidente,” sambit ko at saka inabot na sa nurse ang clipboard at ballpen.

“Grabe! Kawawa talaga ang boyfriend mo, Ka-tol! Walang kiss at lambing dahil nakaratay na parang zombie,” singit niya na halatang nagpaparinig pa sa nurse.

Kitang-kita ko ang awa sa mukha ng nurse. “Gano’n po ba? Sige po, sasabihin ko na lang sa Head Nurse ang tungkol dito at alam naman po namin na mapagkakatiwalaan kayo lalo na’t anak po kayo ni Mayor Tristan. Sana po’y gumaling na siya para hindi na po kayo maging malungkot lalo na’t mukhang mahal na mahal ninyo pong dalawa ang isa’t-isa.”

Napanganga naman ako sa ipinagsasabi ng nurse. Hanggang sa nakalabas na ang nurse ay nakatulala ako. Naputol lang iyon dahil sa malakas na halakhak ng aking kaibigan na halatang tuwang-tuwa sa nangyayari sa akin.

“Grabe! Dapat pala kinuhaan kita ng picture sa camera ng cellphone ko. Putek! Napaka-elib ng reaksyon mo sa sinabi ng nurse! Sabi ko na nga ba’t hindi lang ako nakakapansin na perfect match kayo ni Hottie Stranger,” bulalas niya.

I raised my middle finger, and just went beside the stranger that I saved that I named, Alas Totso. I stared at him intently.

‘Sana sa susunod ay maglagay ka ng nameplate para hindi ako manghuhula ng pangalan mo kung sino ka ba? Teka nga, bakit parang nag-lo-look forward ako na magkita ulit tayong dalawa?’

Inayos ko na lang ang kumot ng estrangherong lalaki at nakita kong medyo balunbon sa ibaba. Ngunit sa hindi inaasahan ay biglang napunta na ang mukha ko sa gitnang bahagi dahil may tumulak sa akin mula sa likuran. Mumurahin ko na sana si Cindy nang narinig ko ang pagkabukas ng pintuan at nakarinig ako nang singhapan.

Unti-unti kong inangat ang aking mukha at nanlaki ang aking mga mata dahil nando’n sina Tatay, Manang Estrella at ibang staffs ni Tatay ngunit hindi ko inaasahan na kasama rin nila si Carl na halatang nagulat sa nasaksihan.

“Anak, ano ang ginagawa mo r’yan? Aba’y nasa hospital ka at wala pa siyang malay kaya’t maghunusdili ka,” walang habas na turan ng aking ama.

Alam kong sobrang namumula ngayon ang aking mukha kung kaya’t dali-dali akong umayos ng tayo. Nanggigil naman akong bumaling kay Cindy na nakangisi sa akin. Alam ng aking kaibigan na hindi ko siya magagantihan lalo na’t nandito si Tatay at paniguradong pagagalitan ako kapag nagsimula ako ng away.

Umupo na lang ako sa silya sa tabi ng hospital bed at hinayaan ang mga bisita na lumapit para sipatin ang estrangherong lalaking iniligtas ko na walang kamalay-malay na nagpapanggap na pala siyang bago kong boyfriend. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ng aking ama pati na rin sa iba pang naroro’n maliban na lang sa isang hindi ko inaasahang bisita.

“Maryosep! Mukhang sobrang nangungulila si Ishang ngayon sa nangyari sa kaniyang nobyo. Hayaan na lang natin siya lalo na’t nasa wastong gulang na sila para gumawa ng milagro pero sana’y huwag naman sa maraming tao,” bulalas ni Manang Estrella.

“Naku! Nag-che-check lang po siya kung maayos pa ba ang lagay ng alaga ng kaniyang boyfriend lalo na’t kailangan pa niyang magparami para makapaghasik ng lagim, Manang.” segunda naman ni Cindy.

Natawa naman si Tatay na tinulungan na umupo ng kaniyang staff sa silya sa kabilang tabi ng hospital bed. “Maloko talaga kayong dalawang magkaibigan. Natural naman na mag-alala ang aking anak dahil mahal na mahal niya ang kaniyang nobyo at gano’n din naman ang kaniyang nobyo na naglakbay pa mula sa malayo para lang makarating dito sa Isla Fiji ngunit sa kasamaang palad ay napahamak siya. Mas lalo kong paiigtingin ang kaligtasan ng lahat lalong-lalo na sa mga bibisita rito. Ipagpapanalangin ko ang kaniyang kaligtasan, Anak. Gusto ko pa naman siyang makilala pa.”

Hindi na ako nakapagsalita at tanging nagawa ko na lang ay titigan ang estrangherong lalaki na nakahiga sa hospital bed at may mga nakakabit na mga aparato sa katawan na pinaliligiran namin.

“Aba! Napakakisig naman ng iyong nobyo, Ishang. Kahit na may mga nakakabit na mga aparato sa kaniya ay hindi maitatago ng mga ito ang kaniyang gandang lalaki. Paniguradong magkakaro’n kayong dalawa ng mga magagandang mga supling,” papuri ni Manang Estrella.

“Magaling pumili ang aking anak. Kamukhang-kamukha ko ang nobyo niya no’ng aking kabataan,” segunda naman ng aking ama na may malawak na ngiti sa labi.

“Grabe naman po, buhat na buhat na niyo ang silya sa papuri niyo sa inyong sarili, Tito Tristan. Parang napuwing po ako dahil do’n,” patutsada ni Cindy.

Humalakhak naman sina Tatay, Manag Estrella pati na rin ang mga staffs ni Tatay.

“Tingnan niyo po ang inyong anak at tulalang-tulala na sa kaniyang pinakamamahal na boyfriend at gusto na yatang makapaglabing-labing,” patutsada ni Cindy na halatang hindi magpapatalo sa usapan.

Nakangiting nailing lang si Tatay at saka bumaling sa akin. “Paniguradong magiging mabuti ang kalagayan niya lalo na’t mahuhusay ang mga doktor at nars sa Borram Hospital. Magpakatatag ka at malalampasan mo rin itong hamon na ito.”

Tumango ako. “Ahm. . . Opo, Tatay. Malalampasan po naming dalawa ito ni Alas.”

‘Sana nga ay malampasan ko ang hamon na ito. Hindi ko naman kasi aakalain na dahil sa pagligtas ko sa estrangherong lalaki na ito ay magiging ganito na ang mangyayari sa buhay ko.’

Cindy gasped exaggeratedly which made me look at her bewilderedly. 

“Hala! Hindi ko napansin na may kasama po pala kayo Tito Tristan. Masyado kasing napasarap ang kuwentuhan natin tungkol kay Alas na bagong pag-ibig ng aking kaibigan na alam kong pang-endgame na,” bulalas ni Cindy.

I didn’t mind looking at my ex-boyfriend, and instead gave my whole attention to the stranger I saved that I named Alas. 

“Teka nga, bakit ka pala nandito, Carl? Mabuti at hindi ka pinagalitan ni Horice?” tanong ni Cindy.

“Pasensiya na’t nandito ako. Gusto ko lang naman makita ang bagong nobyo ni Trisha na ipinamalita ni Mayor Tristan sa buong munisipyo. Wala naman akong masyadong ginagawa at saka pinayagan din naman ako na bumisita rito,” sambit ni Carl.

“Kung gano’n ay puwede ka nang umalis dahil hindi naman kailangan ng boyfriend ko na bisitahin mo,” pambabara ko at saka binalingan ko si Carl gamit ang aking malamig na tingin.

“Anak. . .” usal ng aking ama.

Umiling naman ako. “Nakita na rin po niya si Alas. Wala naman pong ibang rason para magtagal pa siya rito dahil wala po siyang obligasyon sa aking nobyo. Mas pagtuunan na lang po niya ng oras si Horice dahil iyon ang tama at hindi ang magpakalat-kalat dito kung nasaan po ako, Tatay.”

Pinaglaruan ko ang mga daliri ng estrangherong lalaki. “Salamat na lang sa pagbisita kay Alas pero sana’y huwag ka nang bumalik.”

“Ahm. . . Sige. . .” usal ni Carl.

Tumango naman ako habang hindi pa rin nakatingin kay Carl. “Magaling. Isarado mo rin ang pintuan bago ka umalis.”

“Mauuna na po ako, Mayor Tristan.” paalam nito.

“Ah, sige. Mag-iingat ka,” sambit ng aking ama.

I heard his footsteps heading out of the room, and then the door closed. With that, I sighed in relief, because he was now gone. 

‘Naiintindihan naman ng aking ama pati na rin ng iba kung bakit ko ginawa iyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin kami nagkakaayos ni Carl at hindi na rin mangyayari iyon. Kotang-kota na ako at ayaw ko na rin balikan ang bangungot.’

“Puwede na ba akong huminga?” tanong ni Cindy.

Nilingon ko ang aking kaibigan habang nakataas ang aking kilay. “Oh, bakit buhay ka pa rin hanggang ngayon?”

Napanguso naman siya. “Ang sama mo talaga sa akin. Masyado kasi akong napatanga at medyo nakalimutan kong huminga dahil nakita ko ang love triangle ng Isla Fiji.”

Everyone chuckled teasingly which made my face flushed, but my brows furrowed when I suddenly saw that the fingers of the stranger that I saved suddenly moved. I didn’t know if it was real or not, so I just shrugged it off, and continued to listen to their tittle-tattle.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status