Se connecterNang matapos si Solene sa ospital, dumiretso naman siya sa isang building na malapit lang din sa ospital nila Valerie. Pagkapasok niya palang sa elevator ay mabilis na napatigil ang iilang staff, tila nakakita ng multo. Mga gulat, hindi inasahan ang pagdating niya. Tinignan niya ang iilang malapit sa kanya at tinanguan niya lang ang mga iyon, kita rin ang iilan ng malayo sa kanya. Sa simpleng tango niya na iyon ay mabilis namang umayos ng tayo ang mga tao, bumalik sa kani-kanilang gawain. Dahil do’n, nagpatuloy si Solene sa paglalakad. Nang makapasok siya sa elevator, pinindot niya ang pinaka-taas na floor. Ang P floor. Nang dumating ito, hindi na huminto ang mga dumaraan na staff pero alam nilang naroon si Solene. Alam din ni Solene na na-abisuhan na ito sa baba pa lang. Mayamaya, sa gitna ng floor, may lumapit sa kanyang babae na si Janelle, ang pinsan niya. “Wow, it’s been a year nang bumalik ka rito. Did you really have an annulment with him?” Tumango lang si Solene at nagpatul
Iyon ang unang ginawa nila noong araw na iyon, sinamahan ni Valerie si Solene sa Toyota Shop para bumili ng kotse. Tama lang para sa katawan nilang dalawa, lalo na’t mag-isa lang din si Solene kaya gusto niya iyong maliit na kotse pero quality. “Ano bang kulay gusto mo?” tanong ni Valerie habang naglilibot sa loob ng shop. “White,” simpleng sagot ni Solene. “Ma’am, ito po ang mga white color namin.” Lumapit naman sa kanya ang sales agent at pinakita ang brochure. “Itong Camry nalang. Cash,” sagot ni Solene. Nagulat naman ang sales agent. Kaya agad niyang inassit si Solene. “Sigurado ka bang iyan lang bibilhin mo? We can buy the Land Cruiser.” Tinuro niya ang puting Land Cruiser. Ngunit umiling si Solene. “Masyadong malaki ang Land Cruiser para sa akin at agaw pansin. Okay na itong Cambly, tama lang.”Dalawang milyon ang presyo ng Cambly at limang milyon naman ang Land Cruiser, alam ni Valerie na kayang bilhin ni Solene ang Land Cruiser pero mas pinili parin nito ang mas mababa
Nang makauwi si Valerie sa condo unit niya, nadatnan niya si Solene na naka-upo sa couch, mas lalong nanlumo si Valerie sa nakita niya. Huminga siya nang malalim. “Hey, I bought something. Let’s eat and drink,” lumapit siya at pinakita ang dala niya. “Dumaan ako sa 7/11 para bumili lang ng gin. Gosh, doctor ako pero ito ako ngayon sasamahan ka para uminom. Bumili rin ako ng streetfood. Sige na, magiging unhealthy muna ako para sa’yo.” Nilapag niya ang plastik sa lamesa habang palihim na nakatingin kay Solene. Hindi manlang ito tumugon o gumalaw. Pumikit nang mariin si Valerie. “Maliligo at magbibihis lang ako, ako na ang maghahanda nito. Okay? Dito ka lang,” saad nito at pumasok sa kwarto niya. Nang maiwan si Solene na mag-isa, doon na bumuhos ang luha niya. Naalala niya ang nangyari, ang anak niya na nawala. Puno ng hinanakit at galit sa puso niya. Mayamaya lang natapos na si Valerie pati narin ang paghahanda ng pagkain at inumin. Pareho silang nasa sala, naka-upo sa carpet. “Ano
SOLENE POV:Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang magising ako mula sa hindi malaman na pangyayari. Alam kong panaginip lang iyon lalo na't sa panahinip na iyon ay kasama ko si Kael at ang aming anak na sobrang saya. Nang maramdaman kong may mali sa eksena, napaisip ako na marahil ay panaginip kaya pinilit kong magising. Kahit sa panaginip, alam kong mali na lalo na't hindi pa naman iyon nangyari. Nang tuloyan kong naaninag ang paligid, puro puti ang napansin ko. Nasa ospital ako. Pilit kong inaalala ang nangyari kanina. Ang pagkatulak sa akin ni Natalyn sa banyo, ang pagbagsak ko sa sahig at ang…dugo. Agad akong bumangon nang maalala ang lahat, pero may pumigil sa akin. Tumingin ako sa humawak sa akin. Si Valerie. “Hindi ka pa maayos. Magpahinga ka muna, kakagising mo lang from the operation.”Operation? Tumingin ako sa tyan ko, hinawakan iyon at bumaling muli kay Val. “Ang anak ko? Ayos ba siya? Nandito parin ba siya?” sunod-sunod kong tanong, ramdam ko na ang luha
SOLENE POV:Tahimik ang byahe nang sinimulan ni Valerie ang pagmamaneho. Gabi na ang daan kaya hindi rin traffic. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya kanina sa loob kung bakit siya bumalik, pero nawalan narin ako ng lakas para pigilan ang kaibigan ko. Nang makarating kami sa building ng condo niya, tahimik lang din akong sumunod sa kanya papasok sa elevator hanggang sa makarating kami sa mismong unit niya. Pagbukas ng pinto ng condo niya, hindi na ako nakagalaw. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil sa wakas, ligtas akong makakahinga, kahit saglit lang.“Sol,” tawag ni Valerie, inagaw ang isa kong maleta. “Doon sa guest room.”Tumango lang ako. Hindi ko kayang magsalita, dahil pakiramdam ko kapag binuksan ko ang bibig ko, iiyak ako nang walang tigil.Pagpasok ko sa guest room, ramdam ko na ang kaginahawaan pero ramdam ko rin na pinipigilan ng mata ko ang luha. “Umupo ka,” saad ni Valerie.Umupo ako sa gilid ng kama. Sumunod ako tulad ng isang batang nadapa at hindi alam kung ano a
KAEL POV:Tahimik ang opisina ng doktor, pero mabigat ang bawat segundo, parang kumakapal ang hangin habang tumatagal. Ang ilaw sa kisame, puting-puti, tumatama sa stainless na mesa sa pagitan naming tatlo. Sa tabi ko si Natalyn, nakayuko, hinahaplos ang gilid ng diagnostic report na para bang tinitimbang kung gaano kabigat ang mga salitang nandoon.Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nanginginig. Nakaupo lang siya nang diretso, ramdam ko ang paghugot niya ng hininga sa bawat paggalaw ng dibdib niya.Huminga nang malalim ang doktor, parang kailangan muna niyang bilhin ang lakas bago magsalita. “Miss Salvador…” Pinadulas niya ang salamin sa mesa. “Late stage na ang cancer. We estimate… at best… six months.”Umusog ang upuan ko nang hindi ko sinasadya. Dumulas ang tunog sa sahig, pero hindi iyon nakaistorbo kay Natalyn. Tahimik lang siyang tumango na para bang tinanggap niya na ang sinabi ng doktor.“Six months,” bulong niya, halos hindi gumagalaw ang labi. “That’s enough time.”Pinisil







