
Chasing What's Gone: Husband's Regrets
“Kael…please…make it fast. I want you.” ungol ko.
At ginawa nga ni Kael, mabilis siyang gumalaw sa ibabaw ko, at sa sobrang bilis niya gusto ko na siyang tumigil lalo na’t mabigat ang paghawak niya sa baywang ko habang binabayo ako.
“Kael…stop, ” Hindi natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tumigil.
Tumayo siya, mabigat ang bawat galaw. Nakatitig lang sa sahig.
“Kael?” mahina kong tanong.
Tahimik siya at saka dahan-dahan siyang tumingin sa akin. “Solene,” sabi niya, kalmado. “Let’s get a divorce.”
Parang may sumabog sa tenga ko.
“Ano?” halos hindi ko marinig ang boses ko. “Ano’ng sinabi mo?”
Tuwid ang tindig niyang sumagot. “I already talked to my lawyer.”
Huminga ako nang malalim, pilit na pinapaklam ang sarili ko. “Bakit?”
“She’s sick.” Tumigil siya sandali bago tumingin sa akin. “Si Natalyn… she only has six months left.”
Namilog ang mga mata ko. “So?”
“She wants to spend her last days as my wife.” Walang pagbabago sa tono niya. “After that… I’ll come back to you.”
Napangiti ako. Mapait. “Babalik ka?” bulong ko. “Para ka lang aalis sa bakasyon.”
“Please, Solene.” Mahina pero mariin. “She’s dying. Don’t make this harder.”
Natahimik ako. Ang hangin sa pagitan naming dalawa ay mabigat. Ang mga kamay kong kanina’y nakayakap sa kanya, ngayo’y nakalapat sa kama, nakakuyom.
Anong kahibangan ito? Hindi pa kami tapos sa ginagawa namin pero bigla nalang siyang titigil at isang nakakagulat na balita ang sasabihin sa akin?
Read
Chapter: 5SOLENE POV:Tahimik ang byahe nang sinimulan ni Valerie ang pagmamaneho. Gabi na ang daan kaya hindi rin traffic. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya kanina sa loob kung bakit siya bumalik, pero nawalan narin ako ng lakas para pigilan ang kaibigan ko. Nang makarating kami sa building ng condo niya, tahimik lang din akong sumunod sa kanya papasok sa elevator hanggang sa makarating kami sa mismong unit niya. Pagbukas ng pinto ng condo niya, hindi na ako nakagalaw. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil sa wakas, ligtas akong makakahinga, kahit saglit lang.“Sol,” tawag ni Valerie, inagaw ang isa kong maleta. “Doon sa guest room.”Tumango lang ako. Hindi ko kayang magsalita, dahil pakiramdam ko kapag binuksan ko ang bibig ko, iiyak ako nang walang tigil.Pagpasok ko sa guest room, ramdam ko na ang kaginahawaan pero ramdam ko rin na pinipigilan ng mata ko ang luha. “Umupo ka,” saad ni Valerie.Umupo ako sa gilid ng kama. Sumunod ako tulad ng isang batang nadapa at hindi alam kung ano a
Last Updated: 2025-11-25
Chapter: 4KAEL POV:Tahimik ang opisina ng doktor, pero mabigat ang bawat segundo, parang kumakapal ang hangin habang tumatagal. Ang ilaw sa kisame, puting-puti, tumatama sa stainless na mesa sa pagitan naming tatlo. Sa tabi ko si Natalyn, nakayuko, hinahaplos ang gilid ng diagnostic report na para bang tinitimbang kung gaano kabigat ang mga salitang nandoon.Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nanginginig. Nakaupo lang siya nang diretso, ramdam ko ang paghugot niya ng hininga sa bawat paggalaw ng dibdib niya.Huminga nang malalim ang doktor, parang kailangan muna niyang bilhin ang lakas bago magsalita. “Miss Salvador…” Pinadulas niya ang salamin sa mesa. “Late stage na ang cancer. We estimate… at best… six months.”Umusog ang upuan ko nang hindi ko sinasadya. Dumulas ang tunog sa sahig, pero hindi iyon nakaistorbo kay Natalyn. Tahimik lang siyang tumango na para bang tinanggap niya na ang sinabi ng doktor.“Six months,” bulong niya, halos hindi gumagalaw ang labi. “That’s enough time.”Pinisil
Last Updated: 2025-11-25
Chapter: 3Hindi ko namalayan kung ilang oras na pala akong nakaupo sa opisina ni Valerie. Marami na kaming napagkwentuhan lalo na tungkol sa pasyente niya pero kahit na gano’n ay hindi parin mawala sa isipan ko ang tungkol sa amin ni Kael.Nang marinig ko ang biglang pagtaas ng boses ng anchor mula sa TV, halos sabay kaming napalingon ni Valerie.“Breaking news!”Lumabas sa screen ang mukha ni Natalyn Salvador, payat, naka-hospital gown, pero may pilit na ngiti. Nakahiga ito sa kama, halata sa mukha ang lungkot at panghihina.Habang sinasabi ng reporter ang diagnosis niya, sunod-sunod na gumalaw ang mga larawan. Hindi ko na kinailangan pakinggan ang buong detalye. Iyong pangalan ni Kael ang tumama sa tenga ko, kasunod ang statement ni Natalyn tungkol sa pagrespeto sa isang “marriage she will never interfere with.”Napakuyom nang bahagya ang daliri ko sa laylayan ng suot kong cardigan. Ramdam ko rin ang pagsulyap sa akin ni Valerie, ngunit hindi siya nagsalita. Mayamaya, pinatay niya ang TV sa
Last Updated: 2025-11-25
Chapter: 2Maaga pa nang magising ako. Tahimik ang buong bahay, tanging tunog lang ng orasan sa sala ang marahang tumitibok sa katahimikan. Alam ko na kagabi pa lang ay umalis na si Kael. Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi, o kung tulog ba talaga iyon. Mabigat ang mga mata ko, hindi dahil sa antok, kundi dahil parang naubos na ang kaya kong iyak.Nagbihis ako nang mabilis. Puting blouse, itim na slacks. Walang kolorete, walang pabango. Gusto ko lang matapos ang araw na ito. Nang tumingin ako sa salamin, halos hindi ko makilala ang babaeng nakatingin pabalik. Walang ningning ang mga mata, walang lambing ang mga labi. Para siyang estrangherang pinilit kong katawanin.Sa labas, malamig ang hangin. Nilamon ng hamog ang paligid, at bawat hakbang ko patungo sa kotse ay parang humihila ng bigat sa dibdib. Habang nagmamaneho papunta sa korte, pilit kong iniwasan ang alaala kagabi. Pero kahit anong pagtabi ko sa isip, bumabalik ang huling sandali namin ni Kael, ang malamig niyang h
Last Updated: 2025-11-25
Chapter: 1Napakapit ako sa likod ni Kael nang marahas niya akong hilahin palapit. Mainit ang hininga niya sa leeg ko. Walang paalam nang lumapit ako sa kama. Hinalikan niya ako kaagad, mabigat at mapusok. Nagulat man ay hinayaan ko nalang din siyang gawin ang nais niya.Napaingiti ako nang palihim. Sinabayan ko ang mga haplos niya sa katawan ko. Peor mayamaya, napaigik ako nang bahagya dahil ramdam ko ang tigas ng kamay niya sa balikat ko. Pinilit kong huminga nang maayos. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa paraan ng pagkilos niya.Saglit kong hinawakan ang ulo niya, pinilit siyang tignan. Ngunit malamig ang mga mata niya, bakas ang matalim na tingin na ibinigay sa akin. Tatanungin ko na sana siya kung may problema ba, pero bago pa ako makapagsalita, hinalikan na naman niya ako, mas marahas, at mas mabilis.Kinagat niya ang labi ko, dahilan para mapasinghap ako. Dumulas ang isang kamay niya sa ilalim ng suot kong nightdress. Mabilis. Walang alinlangan. Napaungol ako nang maramdaman ang haplo
Last Updated: 2025-11-25