Share

5

Penulis: UPSOUR
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-25 12:56:12

SOLENE POV:

Tahimik ang byahe nang sinimulan ni Valerie ang pagmamaneho. Gabi na ang daan kaya hindi rin traffic.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya kanina sa loob kung bakit siya bumalik, pero nawalan narin ako ng lakas para pigilan ang kaibigan ko. 

Nang makarating kami sa building ng condo niya, tahimik lang din akong sumunod sa kanya papasok sa elevator hanggang sa makarating kami sa mismong unit niya. 

Pagbukas ng pinto ng condo niya, hindi na ako nakagalaw. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil sa wakas, ligtas akong makakahinga, kahit saglit lang.

“Sol,” tawag ni Valerie, inagaw ang isa kong maleta. “Doon sa guest room.”

Tumango lang ako. Hindi ko kayang magsalita, dahil pakiramdam ko kapag binuksan ko ang bibig ko, iiyak ako nang walang tigil.

Pagpasok ko sa guest room, ramdam ko na ang kaginahawaan pero ramdam ko rin na pinipigilan ng mata ko ang luha. 

“Umupo ka,” saad ni Valerie.

Umupo ako sa gilid ng kama. Sumunod ako tulad ng isang batang nadapa at hindi alam kung ano ang dapat unahin.

Humugot si Valerie ng malalim bago nagsalita. “Solene… you know I love you, right?”

Tumango ako.

“At kailangan mo itong marinig kasi alam kong pinipigilan mong umiyak.”

Pinisil ko ang palad ko, pilit na pinatitigas ang sarili.

“Kael doesn’t deserve you. Hindi niya deserve kahit isang araw na kasal kayo.”

Kinagat ko ang labi ko. “Alam ko.”

“Hindi mo alam,” giit niya. “Kung alam mo, hindi mo hahayaan na magtagal ng pitong taon ang pagsasama ninyo, at hindi ka natatakot na sabihin sa kanya ang pagbubuntis mo.”

Napatingin ako sa sahig. Tama si Valerie, natatakot ako. Dahil kahit naman wala si Natalyn sa kwento, paano kung hindi niya matanggap na magkaka-anak kami. Anak ko lang ang masasaktan pagdating ng panahon. 

“Magpahinga ka na, kailangan mo iyon.”

***

Tatlong araw na akong nakatira sa condo ni Valerie. Tatlong araw na wala akong balita kay Kael, at pinili kong manatiling gano’n. No more looking back. No more hoping. Lalo na ngayong may dinadala akong buhay na kailangang protektahan.

Maaga akong nagpunta sa ospital para sa routine check-up. Tahimik, maaliwalas ang hallway, at sa sandaling iyon, gusto ko lang maging normal ang lahat.

Matapos ang tests, hawak ko ang folder ng second result ng pagbubuntis ko, habang papasok ako sa CR ng babae. Kailangan kong huminga. Kailangan kong mag-ipon ng lakas, lalo na’t nalaman ko na mahina ang kapit ng bata sa akin, na dapat akong mag-ingat. 

Ilang minuto pa akong nanatili sa loob ng cubicle hanggang sa may narinig akong boses.

“Of course wala namang totoong cancer,” natatawang sabi ng babae mula sa dulo ng cubicle area. “Six months to live? Ang galing ng doctor na binayaran ko, right? Naniwala si Kael.”

Napahinto ako. Nanlamig ang kamay ko sa hawak na folder. 

“Kael just needed a reason to stay,” patuloy niya. “And if it takes a fake diagnosis for him to realize na kailangan niya ako? Worth it. At least ngayon, malapit na siyang bumalik sa akin.”

Parang may sumabog na pader sa dibdib ko.

Hindi ako nakagalaw ng ilang segundo. Hindi makahinga. Lahat ng panghihina, pagkalito, at sakit ng huling linggo, biglang naging malinaw. Lahat ng sinabi niya, lahat ng iyak, lahat ng pinakita sa lahat ng tao na nanghihina siya… kasinungalingan.

Napakuyom ang mga kamao ko. Ginamit niya delikadong sakit para makuha si Kael? At si Kale naman, isang tanga at bobo, mabilis maniwala!

Hindi na ako nakatiis, lumabas ako ng cubicle at tinignan siya nang masama. 

“Natalyn.”

Parang sinabuyan siya ng yelo. Unti-unting umangat ang tingin niya mula sa cellphone.

At nang makita niya ako, nanlaki ang mata niya. Nagdilim ang mukha niya sa takot… at pagkatapos, sa galit.

“A-anong… anong ginagawa mo dito?”

“Narinig ko,” mariin kong sabi, nanginginig ang boses ko. “Narinig ko lahat. Paano mo, paano mo nagawang magsinungaling ng gano’n? Paano mo nagawang—”

Hindi ko natapos.

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Bago ko pa mabawi ang balanse, itinulak niya ako, dahilan para bumagsak ako sa sahig, nanlumo ang tuhod ko, at kasabay ng pagbagsak ko, nalaglag ang folder.

Lumipad ang paper results sa pagitan naming dalawa.

Akmang susunggaban ko iyon, pero naunahan niya ako. Dinampot niya ang papeles.

“Give me that!” sigaw ko. Pilit na tumayo pero hindi ko kaya, masakit ang balakang ko. 

“Pregnant?” halos pabulong pero puno ng poot.

Nakita ko ang pag-angat ng dibdib niya, unang gulat, tapos mabilis na napalitan ng pagkasuklam. “Of course,” malamig niyang sabi. “Of course ikaw ang may anak niya.”

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung dahil sa takot ko sa kanya… O dahil sa biglang pagsakit ng puson ko.

Parang may humigpit. Parang pinupunit mula sa loob.

“Akin na…” halos hindi ko na marinig ang sariling boses. “A-aray…”

Umangat ang kamay ko, napahawak sa tiyan ko, at doon ko nakita ang dugo sa mga binti ko.

“No. No. No…” napaiyak ako agad, hindi ko mapigilan. “Please… call some help!” sigaw ko sa kanya.

Pero nang tignan ko siya, umawang lang ang labi niya, binagsak niya ang folder sa sahig at mabilis na tumakbo palabas. Iniwan niya akong mag-isa, nahihirapang tulongan ang sarili kong makatayo.

Hindi pwede…ayaw kong mawala ang anak ko. 

“Help…” tinangka kong sumigaw pero nanghihina ako.

Parang lumulubog ang katawan ko sa sahig, hindi ko kaya. Pinilit kong kumapit sa pader na tiles, hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. 

“Oh my god! Miss? Miss, are you okay? NURSE! DOCTOR!”

Dinig kong sigaw ng isang babae pero agad ding nawala ang ingay sa tenga ko. Parang lumulutang. Parang nahihila palayo sa katawan ko ang sarili kong boses.

Sunod-sunod ang yabag. Sunod-sunod ang tawag. May mga kamay na umalalay sa akin. At bago ako tuluyang mawalan ng malay, narinig ko ang boses ni Valerie, nanginginig, nangingibabaw sa pagitan ng kaba at lungkot.

“Prepare the ER. Now!”

At tuluyang nagdilim ang lahat.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   5

    SOLENE POV:Tahimik ang byahe nang sinimulan ni Valerie ang pagmamaneho. Gabi na ang daan kaya hindi rin traffic. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya kanina sa loob kung bakit siya bumalik, pero nawalan narin ako ng lakas para pigilan ang kaibigan ko. Nang makarating kami sa building ng condo niya, tahimik lang din akong sumunod sa kanya papasok sa elevator hanggang sa makarating kami sa mismong unit niya. Pagbukas ng pinto ng condo niya, hindi na ako nakagalaw. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil sa wakas, ligtas akong makakahinga, kahit saglit lang.“Sol,” tawag ni Valerie, inagaw ang isa kong maleta. “Doon sa guest room.”Tumango lang ako. Hindi ko kayang magsalita, dahil pakiramdam ko kapag binuksan ko ang bibig ko, iiyak ako nang walang tigil.Pagpasok ko sa guest room, ramdam ko na ang kaginahawaan pero ramdam ko rin na pinipigilan ng mata ko ang luha. “Umupo ka,” saad ni Valerie.Umupo ako sa gilid ng kama. Sumunod ako tulad ng isang batang nadapa at hindi alam kung ano a

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   4

    KAEL POV:Tahimik ang opisina ng doktor, pero mabigat ang bawat segundo, parang kumakapal ang hangin habang tumatagal. Ang ilaw sa kisame, puting-puti, tumatama sa stainless na mesa sa pagitan naming tatlo. Sa tabi ko si Natalyn, nakayuko, hinahaplos ang gilid ng diagnostic report na para bang tinitimbang kung gaano kabigat ang mga salitang nandoon.Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nanginginig. Nakaupo lang siya nang diretso, ramdam ko ang paghugot niya ng hininga sa bawat paggalaw ng dibdib niya.Huminga nang malalim ang doktor, parang kailangan muna niyang bilhin ang lakas bago magsalita. “Miss Salvador…” Pinadulas niya ang salamin sa mesa. “Late stage na ang cancer. We estimate… at best… six months.”Umusog ang upuan ko nang hindi ko sinasadya. Dumulas ang tunog sa sahig, pero hindi iyon nakaistorbo kay Natalyn. Tahimik lang siyang tumango na para bang tinanggap niya na ang sinabi ng doktor.“Six months,” bulong niya, halos hindi gumagalaw ang labi. “That’s enough time.”Pinisil

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   3

    Hindi ko namalayan kung ilang oras na pala akong nakaupo sa opisina ni Valerie. Marami na kaming napagkwentuhan lalo na tungkol sa pasyente niya pero kahit na gano’n ay hindi parin mawala sa isipan ko ang tungkol sa amin ni Kael.Nang marinig ko ang biglang pagtaas ng boses ng anchor mula sa TV, halos sabay kaming napalingon ni Valerie.“Breaking news!”Lumabas sa screen ang mukha ni Natalyn Salvador, payat, naka-hospital gown, pero may pilit na ngiti. Nakahiga ito sa kama, halata sa mukha ang lungkot at panghihina.Habang sinasabi ng reporter ang diagnosis niya, sunod-sunod na gumalaw ang mga larawan. Hindi ko na kinailangan pakinggan ang buong detalye. Iyong pangalan ni Kael ang tumama sa tenga ko, kasunod ang statement ni Natalyn tungkol sa pagrespeto sa isang “marriage she will never interfere with.”Napakuyom nang bahagya ang daliri ko sa laylayan ng suot kong cardigan. Ramdam ko rin ang pagsulyap sa akin ni Valerie, ngunit hindi siya nagsalita. Mayamaya, pinatay niya ang TV sa

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   2

    Maaga pa nang magising ako. Tahimik ang buong bahay, tanging tunog lang ng orasan sa sala ang marahang tumitibok sa katahimikan. Alam ko na kagabi pa lang ay umalis na si Kael. Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi, o kung tulog ba talaga iyon. Mabigat ang mga mata ko, hindi dahil sa antok, kundi dahil parang naubos na ang kaya kong iyak.Nagbihis ako nang mabilis. Puting blouse, itim na slacks. Walang kolorete, walang pabango. Gusto ko lang matapos ang araw na ito. Nang tumingin ako sa salamin, halos hindi ko makilala ang babaeng nakatingin pabalik. Walang ningning ang mga mata, walang lambing ang mga labi. Para siyang estrangherang pinilit kong katawanin.Sa labas, malamig ang hangin. Nilamon ng hamog ang paligid, at bawat hakbang ko patungo sa kotse ay parang humihila ng bigat sa dibdib. Habang nagmamaneho papunta sa korte, pilit kong iniwasan ang alaala kagabi. Pero kahit anong pagtabi ko sa isip, bumabalik ang huling sandali namin ni Kael, ang malamig niyang h

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   1

    Napakapit ako sa likod ni Kael nang marahas niya akong hilahin palapit. Mainit ang hininga niya sa leeg ko. Walang paalam nang lumapit ako sa kama. Hinalikan niya ako kaagad, mabigat at mapusok. Nagulat man ay hinayaan ko nalang din siyang gawin ang nais niya.Napaingiti ako nang palihim. Sinabayan ko ang mga haplos niya sa katawan ko. Peor mayamaya, napaigik ako nang bahagya dahil ramdam ko ang tigas ng kamay niya sa balikat ko. Pinilit kong huminga nang maayos. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa paraan ng pagkilos niya.Saglit kong hinawakan ang ulo niya, pinilit siyang tignan. Ngunit malamig ang mga mata niya, bakas ang matalim na tingin na ibinigay sa akin. Tatanungin ko na sana siya kung may problema ba, pero bago pa ako makapagsalita, hinalikan na naman niya ako, mas marahas, at mas mabilis.Kinagat niya ang labi ko, dahilan para mapasinghap ako. Dumulas ang isang kamay niya sa ilalim ng suot kong nightdress. Mabilis. Walang alinlangan. Napaungol ako nang maramdaman ang haplo

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status