Share

Chapter 2: Heartbreak

ELLIE

"Anong ginagawa mo rito?"

Kakarating ko lang sa bahay nang bigla kong makita si Vic na nakaupo sa sofa sa sala. Ang akala ko ay busy siya? Bakit nandito siya?

"Gusto kitang makita." Matapos niyang sabihin 'yon ay may munting ngiti na sumilay mula sa labi niya.

"Akala ko ay busy ka?" Tanong ko habang papalapit sa kaniya. Bago ko marating ang kinaroroonan niya ay agad na sumulpot si mama.

"Kanina pa siya nandito, hija." Sabi niya na may pilit na ngiti. Hay! Hindi ko siya pinansin at agad na umupo sa tabi ni Vic.

"Kamusta 'yong susuotin mo?" Malambing na tanong ko. Nang hindi ko naman pansinin si mama ay kaagad na rin siyang umalis. Humarap si Vic sa'kin habang nasa bibig pa rin niya ang munti niyang ngiti.

"Ayos lang naman. Bagay na bagay sa'kin, tingin ko." Wika niya.

"Mabuti 'yon kung gano'n. Teka, gumagabi na. Dito ka na lang kaya mag hapunan?" Agad na tanong ko matapos kong maalala na gumagabi na pala. Saka baka nagugutom na rin siya kakahintay sa'kin.

"Hindi na, ano ka ba. Gusto lang naman kitang makita ngayon, mi amor." Malambing na sagot niya. Napangiti naman ako at ayon na naman ang pakiramdam na parang hinahalukay ang tiyan ko.

"Ikaw talaga!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Ahm.. bukas.. pwede bang sunduin kita dito para sabay na tayo papuntang location ng event?"

"Oo naman!" Kaagad na sagot ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa dahil gusto ko rin naman.

Matagal siyang namalagi sa bahay. Maraming kwento ang narinig ko mula sa kaniya. Nakangiti naman ako habang nakikinig dahil sabik na sabik siyang ikwento 'yon sa'kin lahat. Hanggang sa oras na para umalis siya.

"I need to go home. Hintayin mo 'ko bukas ah?" Paalam niya habang hinahawakan ang mga kamay ko.

"Hmm.." tango ko pero hindi ko pa rin siya binibitawan. Napangiti naman siya.

"You want me to stay a bit?"

"Can you?"

"Of course, mi amor." Mabilis na sabi niya. Napangiti naman ako dahil do'n. Na-miss ko siya ng sobra dahil hindi manlang kami masyadong nagkasama ngayong linggong 'to.

"Can you sing?" Hiling ko.

Hindi pa siya nakakasagot pero agad kong narinig ang malamig niyang boses. Kumakanta na siya.

There are times

When I just want to look at your face

With the stars in the night

There are times

When I just want to feel your embrace

In the cold of the night

Bagay ang malamig niyang boses sa malamig na gabi. He pulled my hand and hugged me while he sing our theme song. Napatingin naman ako sa maitim na langit at sa nagkikislapang mga bituin.

I just can't believe that you are mine now

Habang kinakanta niya ang linyang 'yan ay hinarap niya ako at tinitigan sa mata. Hindi gaanong malapit ang mga mukha namin sa isa't-isa ngunit pansin ko kung gaano siya kagwapo.

His thick eyebrows and long lashes, his dark smoky eyes, his tall nose bridge, and his thin red lips. I love all of those. I love him.

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just cant compare you with

Anything in this world

You're all I need to be here with forevermore

Tinapos niya ang kanta sa pamamagitan ng paghalik sa noo ko. Matapos no'n ay may naalala ko.

Should I tell him right now?

"How was it?" Bumalik ako sa huwisyo nang mag tanong siya.

"Beautiful!" Kumento ko habang nakangiti.

"Hija, gumagabi na." Napairap na lang ako nang marinig ko ang boses ni mama. Panira.

Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa'kin at hinalikan muli ang noo ko.

"I'll see you tomorrow, mi amor,"

"Hmm.."

"Good night." Huling sabi niya tapos ay sumakay na sa kotse niya. Teka, bakit hindi ko 'yon napansin kanina? Nang umandar na ang sasakyan niya ay iwinagayway ko ang kamay hudyat ng pamamaalam.

Matapos 'yon ay agad din akong pumasok dahil ramdam ko na ang lamig ng gabi. Dumiretso na ako sa kwarto at nag pahinga. Mamaya na ako bababa dahil hindi pa naman ako nagugutom.

Hay! Isang napakagandang gabi.

*****

"How do I look, ma?" Tanong ko kay mama habang pareho naming pinagmamasdan ang sarili ko sa malaking salamin.

"You're like a goddess, Ellie." Saad niya nang may malaking ngiti sa labi.

"Mana sayo." Sabi ko. Pareho na lang kaming natawa.

Hindi nag tagal ay may narinig akong busina hudyat na nasa labas na ang sundo ko. Nasa labas na si Vic.

"I need to go, ma." Paalam ko.

"Take care, anak. Enjoy the night." Sabi niya tapos ay inihatid na ako sa labas.

Nang makita ako ni Vic ay agad siyang lumabas mula sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Humalik muna ako kay mama bago sumakay. Mabilis namang nagtungo si Vic sa kabilang side ng kotse at sumakay na rin.

"You're.. a.. goddess, mi amor," Kumento niya. Aw my man!

"Thanks, mi amor. You look good on your tuxedo, anyway."

Napangisi na lang siya sa sinabi ko at agad nang pinaandar ang makina ng kotse tsaka minaneho ito. Pareho kaming tahimik habang binabaybay ang daan papuntang location ng event. Itinuon ko na lang ang paningin sa labas matapos kong makita kung gaano kakinang ang mga bituin ngayon. Mas namangha ako nang mahagip ng mga mata ko ang buwan, ang ganda.

Hindi rin nag tagal ay nakarating na kami sa location ng event. Ipinarada niya muna ang sasakyan. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya ako para makalabas.

Mula rito sa labas ay rinig na rinig namin ang musikang nanggagaling sa loob ng venue. Nagsisimula na ring magsidatingan ang mga seniors na kagaya namin. Hawak kamay naming tinahak ang daan.

Nang makapasok kami ay namangha ako sa disenyo ng venue. White and gold ang theme ng party na 'to. Nagulat rin ako nang may biglang yumakap sa'kin. Sina Mia at Cherry lang pala.

"Oh my gosh, Ellie! You're so beautiful!" Sigaw ni Mia.

Isang plain black satin dress ang suot ko ngayon. Tinernohan ko ito ng itim na heels. Simple lang ang suot ko ngayon kumpara sa kanila.

Maganda rin siya sa suot niya. Bagay na bagay sa kaniya 'yong binili niyang gown. Ang suot niya ngayon ay isang champagne short sleeve dress. Maganda ang disenyo nito dahil maikli ang harapang parte at mahaba naman ang sa likuran. Tinernohan niya ng isang puting heels ang suot niya.

"Punta lang ako sa mga barkada ko." Bulong ni Vic kaya tumango na lang ako. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya papunta sa mga kaibigan niya. Bagay na bagay din sa kaniya 'yong suot niyang tuxedo, mas lalo siyang pumogi.

"Oo nga, Ellie! Ang ganda mo, sis!" Mas malakas na sigaw ni Cherry. Napatampal na lang ako sa noo dahil pinagtitinginan na naman kami ngayon.

Hindi rin nag patalo si Cherry. Ang ganda rin niya! Ang suot niya ngayon ay isang gray tea length gown. Bagay na bagay sa kaniya 'yong mahaba niyang suot dahil mataas siya. Tinernohan niya ang suot niyang 'yon ng isang silver heels.

"Ano ba kayo! Magaganda rin naman kayo kaya tahimik na. Pinagtitinginan na nila tayo oh!" Saway ko. Sinamaan naman nila ako ng tingin.

"Anyways, salamat." Dagdag ko.

"Kuha na tayo ng drinks!" Sigaw ni Mia at agad kaming hinila ni Cherry papunta sa beverage corner. Maraming klase ng alak ang naroon. Mayroong light drinks, heavy drinks, at mayroon ding juice para sa mga hindi umiinom. Dahil nga hindi naman ako umiinom, isang glass ng apple juice na lang ang kinuha ko. Light drinks naman ang kinuha nilang dalawa.

Maya-maya pa ay nag salita na ang dean namin. Isang mahabang speech ang inihanda niya. Hindi ako gaanong nakinig dahil hinahanap ng mga mata ko si Vic.

Matapos ang speech ni dean ay agad na nangibabaw ang malakas na tunog. Napaindak kaming tatlo dahil sa maganda nitong beat. Nakitalon kami sa nagkukumpulang estudyante na ngayon ay tumatalon na rin kasabay ng beat.

"Woooooh!"

"Ga-graduate na tayoooo!"

Rinig kong sigaw nila habang tumatalon. Tawa lang ang ambag naming tatlo. Habang tumatalon ay sumisimsim pa rin sa kanikanilang inumin sina Mia at Cherry. Ang inumin ko naman ay hawak ko pa rin. Medyo natapon pa ito dahil sa pagtalon ko.

Nang mapagod ako ay umalis na muna ako sa kumpol ng mga estudyante at naupo sa lamesang para naman sa amin. Inilibot ko ang paningin para hanapin si Vic pero hindi ko siya makita. Maya-maya pa ay humihingal na naglakad palapit sa'kin sina Mia at Cherry at agad ding naupo.

"Ano, pagod na kayo?" Biro ko.

"Hindi pa naman, sis. Kung baga, break time na muna." si Mia.

Napa-'tss' na lang ako sa sinabi niya. Hindi na ako sumagot pa at patuloy pa ring inilibot ang paningin.

"Ellie!" Napahawak naman ako sa dibdib dahil ginulat ako ng isang lalaki. Sumulpot siya sa harap ko at nakita kong si Albert 'yon–malapit kong kaibigan.

"Bwiset ka!" Sigaw ko sabay sapok sa kaniya. Gusto niya ba akong patayin sa gulat?

"Stop it! May good news ako!" Masayang sigaw niya. Kailangan na nga naming sumigaw ngayon dahil hindi namin maririnig ang bawat isa kung normal na tunog ng boses ang gagamitin namin.

"What?"

"Kami na ni akdgsiags–" Hindi ko siya marinig.

"Ha?" Tanong ko kaya na-gets naman niyang hindi ko gaanong narinig. Lumapit siya sa'kin para bumulong.

"Kami na ni Stacey!" Napahawak naman ako sa tainga ko dahil ang lakas nang pagkakasigaw niya. Para namang hindi bulong 'yong ginawa niya! Nang ma-realize ko 'yong sinabi niya ay agad akong napayakap sa kaniya. Ramdam ko 'yong pag yakap niya pabalik.

"Congrats!" Masayang bati ko. Masaya ako para sa kaniya dahil matagal na niyang gusto si Stacey. Grabe pa siya kung panghinaan ng loob noon dahil akala niya ay wala siyang chance kay Stacey. Pero look at him now, ang saya na niya dahil sila na.

"Thanks, Ellie!" Masaya niyang sagot.

Humiwalay na ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. Tumayo naman kaagad siya at nagpaalam na pupuntahan niya muna si Stacey.

Ibinaling ko ulit ang tingin kina Cherry at Mia. Nagulat ako nang makitang kumakain na sila. Pizza ang kay Mia at carbonara naman ang kay Cherry.

"Kumakain na kaagad kayo?"

"Nagutom kami kakatalon, sis." si Mia. Sinangayunan naman siya ni Cherry.

Bigla namang nagsigawan ang mga babae mula sa kalapit na lamesa namin dahil nag bago na ang musika. Forevermore na ang kasalukuyang kanta na pinapatugtog ngayon. Kanya-kanya namang hatak ng babae ang mga lalaki para maisayaw.

"Nasaan na kaya si Vic?" Bulong ko sa sarili. Gusto kong sumayaw. Theme song pa naman namin ang naka-play ngayon.

Patuloy lang akong naupo habang pinapakinggan ang musika at habang tinititigan sina Mia at Cherry na sarap na sarap sa kinakain. Nasa kalagitnaang parte na ang musika nang biglang maibuga ni Cherry ang iniinom na juice.

"Ano ba, sis!" Saway ko dahil natalsikan ako nito. Nangunot ang noo ko dahil maging si Mia ay nailuwa niya ang pizza na kinakain. Parehong namimilog ngayon ang mga mata nila habang nakatingin sa direksiyon ko.

"Bakit?"

Hindi pa rin sila sumasagot. Pinagmasdan ko silang mabuti. Hindi pala sila sa'kin nakatingin kundi sa likuran ko.

Lumingon na rin ako para tingnan kung ano 'yon. Sana pala, hindi ko na lang ginawa.

Nakita ko si Vic na isinasayaw si Stella sa himig ng paborito naming kanta. Nakahawak ang parehong kamay niya sa baywang ni Stella. Habang si Stella naman ay nakalagay ang pareho niyang kamay sa leeg ni Vic. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Nakuha niyang isayaw ang bestfriend niya, pero ang nobya niya ay hindi.

All those years I've longed to hold you in my arms

I've been dreaming of you

Every night

I've been watching all the stars that fall down

Wishing you would be mine

Habang patuloy sa pagtugtog ang paborito naming musika ay hindi ko mapigilang maikuyom ang dalawa kong kamay. Anong trip niya at ginawa niya 'yan?

"S-sis," tawag ni Mia.

I just can't believe that you were mine now

"What?" Irita kong sagot. Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o ano dahil lumingon ako.

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just cant compare you with

Anything in this world

You're all I need to be here with forevermore

"Oh my gosh!" Napahawak pa si Cherry sa bibig niya. Sabay-sabay ding napatili ang mga kababaihan na malapit sa kanila.

Hindi ko alam na sa muli kong paglingon sa kinaroroonan nilang dalawa ay mas masasaktan ako. Hindi ko napansin ang luhang kanina pa pala bumubuhos mula sa mga mata ko. Parang gusto kong dukutin ang mga mata ko ngayon sa kadahilanang,

magkahalikan sila.

I can't look at them without having both anger and grief in my heart. Ang sakit..

Agad akong tumakbo palabas ng venue. Hinabol pa ako nina Mia at Cherry pero hindi nila ako napigilan dahil mas mabilis ako kesa sa kanila.

Habang palabas ng venue ay bigla kong naalala 'yong offer sa'kin ng tita ko na mag-aral sa ibang bansa. Kahit na hingal na ako dahil sa pagtakbo at malabo na rin ang paningin dahil sa luhang nasa mga mata ko ay nagawa ko pa ring tawagan si mama.

"Hello?"

"Ma," Humahagulgol na tawag ko. Hindi ko kaya. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang layuan si Vic dahil sa ginawa niya. Ayaw ko na siyang makita kahit kailan.

"Are you crying?" Nag-aalalang tanong niya.

"Sa US na po ako mag-aaral."

I thought I'm his home, but I guess, I'm not. He feels like home to me. But tonight, I'm on grief 'cause I think I've lost him--I've lost my home. It hurts so much to the point I made a really hard decision. To leave them.

Music: Forevermore by Side A

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status