Share

Kabanata 2

NAKANGUSO si Beverly ngayong biglaan ang pagdating ng pinsan niya sa bahay nila sa araw na iyon. Ni hindi man lang ito nagbigay ng palatandaan o kahit indikasyon na makikita niya si Cognac ngayong araw. But she was even horrified when he drop the bomb at kung bakit ora-oratang idiniposito nito ang sarili sa couch kahit hindi niya inalok. Hindi pa rin nawala ang pagkapikon ni Beverly sa pinsan niyang kalahi yata ni Lucifer.

"...eh bakit mo nga kasi ipinadala sa kanya ang mensaheng iyon? Ayan at magtatatlong araw ng hindi ko siya nakita sa school."

But her satanic cousin shrug na tila ba ay balewala lang dito ang pagda-drama niya.

"I am telling you to stop fantasizing him. May ibang gusto na iyong tao. Don't you feel pity for yourself, Bev?"

Heto na naman sila sa pagiging concern cousin nito. Pero binabahiran naman ng bad record ang pangalan niya kay Xander.

"Wala akong pakialam kung may gusto na siyang iba, okay?"

"Gusto mo bang malaman kung bakit ko ipinasa sa kanya ang mensahe mong iyon na naka-middle finger? It's because I want you to see his reaction for a woman who doesn't have dignity to send that kind of messages from a guy. Big turned off iyon. And as to Xander's case, hindi siya isang exception. Kaya tumigil ka na sa kahibangang iyan Beverly. Kita mo naman sa reply niya di'ba? Xander doesn't like those women na harap-harapang nagkakagusto sa isang lalaki. Ang gusto niyon ay ang mala-Maria Clara na klase ng babae. Hindi iyong determinadong makuha ang lalaki. And that was you," umismid pa ito.

"Nakakainis ka Cognac! Lumayas ka nga,"

"Ayaw ko. Gusto kong hilutin mo ako ngayon kagaya sa ginawa mo kay Xander noong araw—"

"Ayaw ko nga! Hindi ka naman si Xander eh."

"Aba! May favoritism ka nga yata. Kung kay Xander ay palong-palo pero pagdating sa'kin, ang laki-laki ng pagtanggi mo."

"Of course! Dinudungisan mo ang pangalan ko sa lalaking gustong-gusto ko kaya..."

Cognac then cross an arm. "Hindi rin kita isasama sa FVC ngayon. Sige ka!"

Tila naglaho bigla ang inis niya sa pinsan. "Ano ang sabi mo?"

"Hindi ko na uulitin. Bahala ka!"

Malambing na nilapitan niya si Cognac at dahan-dahang inangat ang paa nito para mahilot niya na. Siya na rin mismo ang nagtanggal sa medyas na suot nito bago sinimulang gawin ang trabaho. Cognac only stared at her like she's a demonic woman turned into a saint.

"I can't believe it!" Reklamo nito.

"Yes you do. Wala ng bawian ah! Isasama mo ako sa FVC." Paninigurado niya.

"Iyon ay kapag kuntento ako sa trabaho mo. Kaya ayusin mo."

Naman! Ngayong may kapalit pala ang pagiging good girl niya sa pinsan. Sinigurado ni Beverly na maayos ang paghilot niya sa mga paa nito. Baka kasi tutupakin itong si Cognac at biglang hindi na siya isasama. Aba'y magkakaroon talaga ng World War III sa pagitan nilang dalawa.

Papikit-pikit ang herodes na mukhang nasarapan sa ginawa niya. Komportable pa itong isinandal ang likuran kung kaya't lihim na nagbunyi si Bev dahil makakasilay na talaga siya sa gwapong si Xander Leeyung sa FVC na tatlong araw niya ng hindi nakita sa school.

"Oh, Cognac. Napadalaw ka yata?"

Agad nitong iminulat ang mga mata sa tanong na iyon ng mama niya. "Dinadalahuro ko itong si Beverly, Tita. Baka kasi magtanda na hindi siya ang gusto ng lalaking nagugustu—aww!" Galit na binalingan siya nang tingin ng binata nang sadyain niyang diinan ang paghilot sa parte ng paa nito na may history yata sa pagkatisod. "Dahan-dahan naman Bev!"

"Sorry naman. Ang daldal mo kasi eh,"

"May nagustuhan ka ng lalaki Beverly?"

From the looks of her mom. Mukhang hindi nito nagustuhan ang nalaman sa pinsan niya. Kaya umiling siya.

"Nakainom lang ng muriatic acid itong si Cognac 'ma kaya kung ano-ano ang pinagsasabi," hinila niya ang hintuturong bahagi ng paa nito dahilan kung bakit mas lalong napahiyaw sa sakit si Cognac. Pero hindi doon nagtatapos ang paghihigante niya. As long as she wanted to stop. Ang pagkapikon niya sa pinsan ang nanaig sa kanya sa mga oras na iyon.

Kaya halos uugod-ugod na naglakad si Cognac palapit sa sasakyan nito na nakasunod sa kanya.

Panay ang pagmumura. At mukhang sinadya pa nito na marinig niya. Subalit wala siyang naging pakialam. Nilingon niya ito at nang-uuyam na nginitian. "Buhay ka pa ba riyan Cognac?"

"Huwag mo akong kausapin." Saka ito tumipas ng daan at talagang bumulanghit siya sa tawa nang muntikan pa itong masagi sa mga naglalarong mga bata sakay sa mga bisikleta nito kung kaya't sunod-sunod na napamura ang pobreng binatilyo.

"Sino ba kasi ang nag-utos sa'yo na riyan ka dumaan?"

Pero pinangatawanan na talaga nito na hindi siya pansinin. When she had a bright idea in mind.

"Iyong stepsister mo ba ay may boyfriend na Cognac?" Then he turned to see her. His face was a slaughter. "Tinatanong ko lang naman kung may—" bumalik na ito sa dinadaan kanina kasunod niya. Kaya natigil siya sa pagsasalita

"Stop that."

See? Shyra Evangelista was his smooth side. Hindi man nito sabihin. Mukhang katulad niya ay may lihim din itong pagtingin sa step sister nito. Ang kaibahan lang, hindi ito magka-match kumpara sa typical sided na love niya kay Xander na walang makakahadlang kundi ay ang babaeng iyon na masyadong pa-importante para hanap-hanapin ng love of her life niya.

"Oh, bakit mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa riyan?"

"Wala." Anito pero alam niya na kung bakit biglaan ang pagkawala ng pagkapikon niya rito.

She can feel his heart being in a taught situation dahil kailanman ay hindi talaga magkakatuluyan ang dalawang personalidad na pinag-isa dahil lang sa pag-iibigan ng mga magulang.

"Ahh, my dear cousin. Halika nga at pa hug na rin."

Madilim ang mukha ni Cognac na minata siya. "Anong nakain mo Beverly?"

"For a heart broken like you. You need to have a comfort dahil hindi si Shyra ang nababagay sa'yo..."

"Ano iyang pinagsasabi mo?" Patay-malisya pa ang loko.

"Halata ka masyado."

"Na ano?" Mas lalong gumatla ang pangungunot ng noo nito.

"May gusto ka sa stepsister mo. Oh, subukan mong mag-deny tatamaan ka sa'kin!"

"Tss," sabay iwas sa kanya nang tingin. "Wala ka na bang ibang mapagdidiskitahan na pati iyong si Shyra ay hindi pinapalagpas ng makasalanang bibig mo?"

Ipinuyos niya ang mga braso at nanghahamon na minata ang pinsan. "Eh bakit? Pustahan pa tayo Cognac. Kung sa sikreto ko ay ikaw lang ang nakakaalam. Quits na tayo ngayon dahil alam ko na rin ang sikreto mo."

"Hindi nga! Wala akong gusto kay Shyra!" Natawa na siya. Masyado pang maaga para paaminin ang pinsan niya.

"Bakit namumula ka? Ginahasa mo ba si Shyra?"

Galit na muli siyang binalingan nito kung kaya't napaatras siya nang makita ang alab sa mga mata nito. Sure he's gotten so mad. Ikaw naman kasi Beverly oo! Walang kapreno-preno iyang bibig mo.

"You're no fun Beverly. Alam mo na hindi ko 'yan gawain." And that hit her. His voice was cold. Kaya nang tumalikod si Cognac ay nakunsensya siya. Ni hindi man lang siya nito binalingan ulit para aluking sabayan ito sa paglalakad and that means one thing.

Galit nga ito sa kanya.

"Cognac naman eh," hinabol niya ang binata hanggang sa makarating na sila sa sasakyan nito. Bago pa man makasakay si Cognac sa driver's seat, itinapon na ni Beverly ang katawan sa likuran ng binata bilang sulsol niya sa kasalanang nagawa niya.

She was hugging him now. Isa sa naging side nilang magpinsan as a bond.

"Sorry na nga!"

"Bitaw Bev."

"Ayaw."

Humugot ito nang malalim na hininga. "Kapag hindi mo ako bibitiwan, hindi tayo matutuloy sa FVC."

"Sabihin mo muna na hindi ka galit."

"Hindi ka galit,"

"Ehh!"

Umikot ito para harapin siya. Umangat ang sulok ng labi nito bago ginulo ang buhok niya. This was his side, forgiving her. Para na kasing magkapatid ang turingan nilang dalawa. Bukod sa pareho silang nag-iisang anak, Cognac acted as her brother kahit noong mga kabataan pa nila. Kilalang-kilala na nila ang isa't-isa. Kaya nga ay noong nalaman nitong may gusto siya kay Xander, binakuran agad iyon ng binata sa pamamagitan ng pagiging personal assistant niya sa loob ng isang buwan.

But now that she knows his top secret, like her. Beverly won't get her revenge. Para kasing sa kanilang dalawa ay ito ang may mas mabigat na dinadala. At hindi siya tanga para yakapin ang kahinaan nito para sa kanyang sariling interes.

"Tayo na," ininguso pa nito ang passenger seat.

"Hindi ka na galit?"

"Why would I? Kagaya nga nang sinabi mo. Quits na tayo. And yes, I liked my stepsister. Pero hanggang like lang iyon. Alam ko ang batas at alam ko na hindi pwede. Pero ang hindi ko lang nagustuhan ay ang sinabi mong ginahasa ko siy—"

"Oo na nga! I concede."

"Good 'yan. Pero sumuko ka na rin sa pagmamahal mo kay Xander dahil hindi ka kailanman magugustuhan niyon."

Tinaasan niya lang ng kilay si Cognac. "That?" Saka siya umiling-iling. "I will never. Wala sa angkan natin ang mabilis sumuko. Because when it comes to love, dapat tapat!"

"Adik ka lang."

Iningusan niya lang ang binatilyo bago lumulan sa sasakyan. At dahil malayo ang FVC sa syudad. Kailangan nilang iwanan ang sasakyan sa NAIA II para doon mag-convulse ng private chopper and blessing in disguise talaga ang kayamanan ng pinsan niya. Well, lahat naman ng miyembro ng FVC ay may kanya-kanyang private chopper. Matinik lang talaga itong pinsan niya pagdating sa mga gamit dahil gustong ito palagi ang magmamaneho kahit kapalit niyon ay ang buhay niya.

"Marunong ka na?"

"Naman. Magaling na Trainor iyong si Xander," and because he mentioned his name again. Mas lalong lumala ang pagkagusto niya sa lalaki.

"Nagde-daydream na naman ang loka-loka. Hay!"

Sabik na sabik siyang iapak ang mga paa sa nakakahalinang lugar ng FVC. Kaya nang nasa helipad palang, tinalon na ni Beverly ang hindi ganoon kalalim sa pagitan ng lupa at ng chopper. Dahilan kung bakit mag-asawang speech na naman ang nakuha niya mula kay Cognac.

"Nagpapakamatay ka ba?"

"Hindi."

"Cognac, boy!"

"Xander!" Tumama ang tingin ni Cognac sa kanya na parang tinitingnan kung ano ang reaskyon niya. "Umayos ka ha? Hindi ka gusto niyan," bulong nito kaya'y lihim niyang inirapan ang pinsan.

"Akala ko ba ay bukas-makalawa ka na pupunta dito?"

"Pwede ba 'yon? Ito kasing pinsan ko nagpupumilit na makita k—este, gustong makita ang magandang ambiance nitong lugar."

Bumaling sa kanya si Xander ngunit saglit lang iyon. Dahil inakbayan nito si Cognac at balewala lang ang ganda niya.

Ano ang nangyari sa moment nilang dalawa doon sa infirmary? Bakit naglaho bigla? Xander's stare at her was cold as ice. Nahanap na kaya nito ang babaeng naka-one night stand? At...magkapiling na ang mga ito ngayon?

"No! Hindi pwede!"

Distorted na binalingan siya ng dalawa. Si Cognac lang ang sinaway siya. "Napano ka riyan?"

But Xander looks at her like... she's nothing. Kaya doon niya napatunayan na wala nga talagang silbi ang ganda niya kung may ibang babae na ang kumakatok sa puso nito.

"Nakita mo na ba siya Massachusetts?"

"Beverly, ano iyang ginagawa mo?" Nakahawak na kasi siya sa braso niyong huli. Cognac was there to stopped her, pero hindi siya nagpatinag.

"Cognac. I really don't like your cousin."

Nabitiwan niya ang braso nito. Then Xander look at her. "I don't like you,"

"M-Massachusetts..."

"That's not my name. Stop calling me that. Cognac, boy, sa lounge na lang tayo magkita." Saka ito naglakad palayo na parang ayaw mapalapit sa kanya.

One thing was for sure. Beverly is now having a broken heart. Umiiyak ang puso niyang nakatingin sa likuran ng binatilyong laman ng magagandang panaginip niya sa loob ng isang kastilyo.

Pero ngayon...

"Ayan. Nagbigay na ako sa'yo ng warning, Bev. Hindi ka talaga magugustuhan no'n. Hinanap niya ang babaeng nagpabaliw sa kanya ng gabing iyon. Tigilan mo na ang kahibangang 'yan...Tara na!"

"Ayoko. Mauna ka nalang."

"Saan ka naman pupunta?"

"Mamasyal lang. Ipag-reserved mo nalang ako ng food."

"Okay. Huwag kang tatalon sa bangin."

Iyon na nga ang plano niya. Kaya ngumiti nalang siya bilang assurance dito na walang mangyayaring masama sa kanya.

Kung hindi ko makukuha ang puso mo. Xander my love, mabuti nalang sigurong mawawala na ako sa mundong ito. Bye love!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status