Share

Chapter 3

“Anak, gising na, tanghali na!”

Naimulat ko ang mata dahil sa boses ni mama at pagkatok niya, tinignan ko ang orasan sa tabi ng kama ko at agad na nag-unat unat.

Itʼs already 7 pm.

9 pm pa naman ang pasok ko dahil first period namin ay P.E. Naghilamos muna ako bago bumaba upang mag-almusal.

“Wala ka bang pasok, Reign?” takang tanong ni Mama.

“Meron ho, Ma alas nwebe pa at P.E namin,” sabi ko habang kumukuha ng plato para sa amin.

“Good morning, Lola.” bati ko sabay halik sa pisngi niya.

Kumakain na kami ngayon ng maalala ko ang sinasabi ni Clyde sa akin, magpapaalam muna ako kay mama.

“Ma, nga pala, niyayakag ako ni Clyde, umuwi na raw si Tita Reese galing Japan, sa sabado daw ho.” pagpapaalam ko.

Ngumiti naman si mama kaya napangiti rin ako kaso sana nga ngiti nalang iyon wala nang iba pang kadugtong!

“Sabihin mo, bago na kayo magpakasal kapag parehas na kayong may trabaho ni Clyde!” tumawa si Mama.

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit humalakhak lamang siya at ginulo ang buhok ko, nagkwentuhan pa kami hanggang sa matapos, ako na rin ang naghugas ng plato dahil may trabaho pa si Mama.

“Lola, papabantayan ko nalang po ulit kayo mamaya kay tita Criselda ah? May pasok po kasi ako,” sabi ko habang nagaanlaw ng mga plato.

Tumango naman si lola at ngumiti kaya napangiti na rin ako, tinapos ko na ang ligpitan bago dalhin si lola sa sala dahil oras na ng teleseryeng lagi niyang pinapanood.

“La, maliligo lang po ako at magbibihis, dyan po muna kayo ah?”

Hindi na ako sinagot ni lola dahil tutok na tutok siya sa pinapanood niya, napangiti nalang ako bago umakyat sa taas, ganito na ang routine namin ni Mama at Lola, kapag parehas kaming may trabaho kay tita namin siya iiwanan sa mga magulang ni Issa.

“Apo, pwede bang suklayan kita?” tanong ni lola.

Ngumiti naman ako bago tumungo sa kaniya at nagpasuklay. Mahaba ang buhok ko abot ito hanggang bewang kaya pahirapan ako kapag nagsusuklay.

“Anak, magpagupit kana kaya hanggang balikat.” suggest niya.

Umiling ako, hindi ko ipapagupit ang buhok dahil sabi nila gumaganda raw ako kapag mahaba ang buhok ko, bagay raw sa akin pero hindi ko alam kung bagay sa akin ang maikli, try ko kapag nakapagtapos ako.

Pagkatapos namin doon ay kinuha ko ang pamuyod ko bago niyakag si Lolang lumabas ng bahay at tumungo kila Tita.

“La, tara na po.”

Nakarating kami sa gate nila tita at si Issa agad ang bumungad sa amin, nagtitirintas ng buhok.

“Oy, Lola! Pasok po kayo nasa loob si mommy.”

Tumango naman kami, naiwanan ko pa pala ang bag at id ko kaya kinakailangan ko pang bumalik sa bahay namin.

“Issa, kukunin ko lang ang bag at id ko, pabantay muna saglit kay Lola.” sabi ko.

Hindi kona siya inantay sumagot at agad na tumakbo sa bahay namin ngunit ampota muntikan pa akong mabangga ng putanginang mercedes na sasakyan! Napaupo pa nga sa sahig dahil roon.

“Ms! Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?!” bulyaw sa akin ng isang lalaki.

“Gago! Ikaw na nga ang bilis bilis magpatakbo tapos ikaw pa ang magagalit! Ano sa tingin mo?! Palibhasa mercedes at mamahalin yang putanginang kulay itim mong kotse pwede kanang mag mabilis?! Gago, ibili mo ng utak mo yang katawan mo!” naiinis na singhal ko habang nagaayos ng sarili

“W-Wait, are you Reign?” gulat at nauutal na turan niya.

“Oh ano ngayon?!” "singhal ko at tinignan siya ng masama!

Ngunit agad rin napalitan ng gulat ang galit kong kalooban noong makita kung sino ang putanginang sumira rin ng araw ko!

“Sino ka ba?!” singhal ko, nagkukunwaring hindi siya kilala!

“A-Ah, iʼm Troy and iʼm lost i was about go to Harvard University.” sabi niya at nagkamot sa batok.

“Pakealam ko, mayaman ka diba?! Gamitin mo yang Waze mo!” singhal ko.

Napakamot muli siya sa batok niya at nahihiyang ngumiti sa akin, anong hinihiya hiya niya sakin?!

“U-Uh, i donʼt know how to use that thing.” sabi niya.

Pinigilan ko ang pagtawa ko dahil baka isipin niyang magaan ang loob ko sa kaniya, tutulungan ko lamang siya.

“Give me your phone.” masungit na sabi ko.

Para naman siyang natarantang hinahanap ang cellphone niya, sa katawan at kotse niya pa hinanap!

“Baka nasa bag mo.”

“Oh, right!”

Pagkabigay niya sakin ay agad ko naman iyong iniayos, nasanay ako sa ganito dahil sa kotse ni Issa, lagi ko ba naman iyong hinihiram kapag trip kong gumala.

“Okay na,” sabi ko at iniabot sa kaniya ang cellphone niya.

“T-Thanks.” he said.

Hindi na ako sumagot at basta nalang siyang nilampasan para kuhanin ang mga kailangan ko sa bahay, agad ko rin naman iyong nakita dahil hindi naman ganon kalaki ang bahay namin.

May pangalawang palapag kami ngunit hindi kaganda katulad ng kila Issa, may ref kami, may dalawang kwarto, may sala at may kusina.

Ngumiti ako bago ilock muli ang bahay namin, bumalik na ulit ako sa bahay nina Issa.

“Reign! Tirintisan kita dali!” masayang sabi niya.

Ngumiti naman ako bago tumungo sa kaniya, nakita ko si lola na nanonood kasama si tita, ngumiti sakin si tita kaya ngumiti rin ako sa kaniya.

Tinirintasan ako ni Issa ng isahan na may buhok na naiwanan sa unahan, noong nakulot ang buhok ko ay umabot ito hanggang taas ng bewang kaya maganda.

“Bagay nga sayo! Tama ako!” tili niya sabay niyakap ako.

“Mom! Look at Reign ang ganda niya!” sabi niya sa mama niya.

Tumingin sa akin si tita kaya naman napangiti ako noong magandang labi niya ay umabot hanggang pisngi.

Pagkatapos noon ay tumungo na agad kami sa kotse niya para pumasok, huwag sana kaming ma-late at baka masapak ko ito si Issa.

Ilang minuto rin kaming bumyahe at pagkapasok namin ng campus ay wala na masyadong estudyante kaya tumakbo kaming dalawa patungo sa kanya kanya naming classroom.

Magkaiba kami ng course namin ni Issa, sheʼs architecture while me is teacher. Lahi nila ang architecture kaya naman halos lahat sila ay ganon.

“Hay! Buti wala pa si Mrs. De Guzman!” sabi ko at hingal na tumungo sa upuan ko.

Nagchikahan kami ni Misha ng ilang minuto ng biglang may pumasok sa room namin, absent si Heather, galit yun sa physical education eh.

“Good morning, class.” ani ng pamilyar na boses.

“OMG, siya ba ang teacher natin ngayon?!”

“Sana pinutok nalang ako sa kumot!”

“Kahit yata magalit siya ako pa magsosorry eh!”

Sigawan ng malalandi kong kaklase. Paano ba naman ay ang hindi inaasahang tao ang magtuturo sa amin ngayon.

“So, Mrs. De Guzman have a problem and she had her leave so for today i will be your student physical education teacher until our principal find a new teacher.”

“By the way, i am Troy John Mendoza, engineering student and also a leader of Harvard Powerful Basketbolista.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status