Share

Chapter 5

Alam kong masyado akong assuming kong sasabihin kong ako yun pero, parang ako nga iyon dahil gray rin ang jogger na suot ko at pula rin ang damit na suot ko!

“No, hindi ikaw yan walang nakalagay na tatak diba?” bulong ko sa sarili ko.

Inayos ko ang damit na iyon at agad na nakita ang maliit na sulat sa kanang gilid ng damit.

Troy

I was shocked, agad agad ko iyong tinago namumula na rin ang pisngi ko, grr, patay ka sakin bukas ng umaga Misha! Mas lalo pa nga lang namula noong magtinginan sakin ang ibang estudyante.

“Ate, kay kuya Troy po ba 'yang t-shirt?” mahinang bulong sa akin ng isang estudyante, mukhang 1st year palang' to ah.

“A-Ah, A-Ano, h-hindi kay M-Misha 'to! Oo kay Misha' to! haha.” parang tangang sabi ko habang namumula ang pisngi.

Nakakalokong ngumisi siya sakin bago umalis, niratrat kona nga ng text si Issabelle para lang magmadali siya at hindi naman ako nagkamali, agad rin naman siyang dumating.

“Tangina mo naman---O M G!” agad na sigaw niya at pinasadahan ng tingin ang suot ko.

Dali dali ko siyang hinatak papuntang kotse niya dahil nakakahiya! Ang daming nakatingin! Sa pagmamadali ko nga ay nakabangga pa ako!

“Sorry! Nagmamadali kami tabi!”

Ngunit hindi siya natinag at nagmatigas pa! Sino ba kasi ang putanginang lalaki to!

“Omg, bes itʼs Troy.” bulong sakin ni Issabelle.

Namula ng husto ang mukha ko at hindi na makatunghay dahil sa pagkapahiya! Tangina suot ko ang damit niya!

“Tara na,” mariing bulong ko.

“Why the two of you so fast?”

Hindi ko alam kung nagtatanong iyon ng nagtataka o nagtatanong iyon ng may pagka-asar, aba! Kasalanan ko bang wala akong dalang damit?!

Oo kasalanan ko! Oo na, pero kasalanan ko bang hindi ko alam kung kanino itong damit?! Tangina naman.

“May gagawin kasi kami sa bahay eh!” si Issa na ang sumagot para sakin.

Hinatak naman ako ni Issa ngunit hindi pa kami nakakalayo ng mahitak ni Troy ang braso ko kaya nabunggo ako sa dibdib niya.

“Amputcha!” sigaw ni Issa.

Buti nalang at malapit na kami sa parking kaya naman walang masyadong tao at walang estudyanteng pinagchichismisan kami.

“Bro, easy.” natatawang sabi ni Chad, his co-player said.

“You look at red, huh.” sabi niya ng may pangaasar.

Hindi ako makatunghay dahil alam kong kapag ginawa ko yun ay lalapit ang ilong ko sa baba niya, mas nakakahiya iyon kapag nagkataon!

“A-Ah, pinahiram ako ni Misha! Oo!” sabi ko habang nakatungo parin.

Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap niya ngunit madiin iyon, putangina naman eh, kung hindi ko lang suot ang t-shirt nito baka nasapak kona 'to eh! Kaso mas inuu ahan ako ng hiya!

“Go ahead, i will take care of her.”

Tumingin ako kay Issa na ngayon ay nakangisi sa akin, tinaasan ko siya ng kilay at nagsalita ng walang boses na huwag akong iwan pero ampota! Ngumisi at winagayway pa ang kamay!

“Go, i know your house where it is.”

Agad akong nangigil dahil sa pagtakbo bigla ni Issa patungong sasakyan, maya maya pa ay umalis na rin siya, mukhang hindi na hinintay ang iba pa naming kaibigan!

“Kailan nagkameron ng ganyang shirt yung kaibigan mo eh nagiisa lang naman ang ganyang shirt rito?” takang tanong naman ni Chad.

Agad na nangunot ang noo ko at dali dali siyang tinignan, nakita ko ang nakangisi niyang mukha at ganon rin ang dalawa pa nilang kasama.

“Si lead lang may ganyang damit!”

Ganon na ba ako katanga at hindi ko naisip na si Troy lang ang may ganito dahil leader siya?! O talagang wala lang akong pakealam sa mga basketball basketball na iyan?!

“Edi ibig sabihin s-sayo to kinuha ni Misha?!” tanong ko at itinuro si Troy!

“Right.” sabi niya at ngumisi.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na niratrat ng texts si Misha, tangina! Patay yun sakin hindi niya alam na parang lalagnatin na ako dahil sa pula ng pisngi ko at umiinit narin.

Misha:

Gago ka!

Misha:

Mapapatay talaga kita!

Misha:

Gago ka talaga! Argh

Misha:

Friendship over! :[

Ilan lamang iyan sa tinexts ko, umabot siguro iyon ng mahigit 20 at natigil lamang iyon ng kuhanin ni Troy ang cellphone ko.

“Stop texting her, you should be thankful to her.” seryosong sabi niya habang pinapatay ang cellphone ko.

“Thankful?! Gago kaba?!” sabi ko at inirapan siya.

Tumingin siya sakin ng may pagkamangha dahil sa barumbadong sagot ko, hindi naman talaga ako ganon eh, ewan ko ba at iba ang tingin ko rito kay Troy.

“Letʼs go.” he commanded and pull me.

Agad akong nagmatigas, nako hindi ako nagtitiwala rito ha! Baka mamaya saktan niya ako dahil i cussed him and baka gahasain niya ako with his friends! That was never be my fantasized, a gang bang!? No thanks!

“Hep, gago! Bata pa ako at marami pa akong pangarap sa buhay ko! And a gang bang wasnʼt my dream since i birth!” i defend myself.

“Of course, you canʼt dream in your baby days.” he said and laughed with his friends.

Dinaga ng malalakas na tibok ang puso ko dahil nagbibiro lamang naman ako tapos dadalihan niya ako ng ganon?! Putangina wag naman sana! Ayoko p---

“What do you think of us woman? A rapists?” he laughed more.

Tila nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig ko, mukha namang hindi tama yung nasa isip ko.

“Of course...”

Dinaga muli ng kaba ang puso ko, bakit of course?! Gago naman eh! I will never forgive him if he do that!

“Not.” they laughed.

Mga gago talaga! I will never be their friends! Never! Mas gugustuhin ko nalang magpatuka ng ahas kesa makasama at makausap si Troy at makipagkaibigan sa kaibigan niya!

“Letʼs go, i will drive you to your house.” he said amd pulled me again.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya baka kasi gabihin ako at tanungin ni Mama kung bakit gabing gabi na ako, naroroon na naman si Issa baka mapagchismisan rin ako sa compound namin.

“Sakay,” he said.

Sumakay na ako roon ng walang imik dahil baka kaladkarin pa niya ako papasok nako! Nakipag-usap pa siya sa mga kaibigan niya bago sumunod sa akin, mukhang nagpaalam.

Hindi ko alam kung anong oras na kaming nakarating dahil natulog ako, oo sinadya ko talaga dahil baka kausapin niya ako wala pa naman ako sa mood makipag-usap ngayon!

“Reign Ares, ah, goodnight,” he said.

Paalis na sana ako kaso bigla siyang nagsalita, tumango nalang ako bago tuluyang umalis ngunit hindi pa ako nakakapasok sa gate ng may maalala ako.

“Uh, sa lunes ko nalang ibabalik yung damit mo, sa biyernes ng hapon pa kasi kami maglalaba!” sabi ko.

Ngumiti siya bago ngumiti sa akin, napaiwas naman ako ng tingin roon, bakit parang nailang ako sa ngiti niyang iyon?!

“By the way, you look good wearing my red t-shirt.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status