共有

Kabanata 3

作者: catalyst
last update 公開日: 2026-02-26 01:00:27

Hindi dinalaw ng antok si Celine nang gabing iyon.

Pagulog-gulong siya sa malambot na kama ng guest room, nakatitig sa kisame habang tumatagos ang mga ilaw ng Makati sa siwang ng kurtina. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang imahe ni Jaxson De Silva kanina, ang mga mata niyang nanlalamig, ang matalas na panga, at ang tingin na punong-puno ng poot.

​Bakit siya bumalik?

Bakit ngayon pa?

At bakit kailangan niyang maging abogado ko?

​Alas-tres na ng madaling araw nang makatulog siya, pero parang ilang kurap lang ang lumipas, tumunog na agad ang alarm niya.

​6:00 AM.

​Bangungot man ang gising, kailangan niyang bumangon. Wala siyang karapatang magmukmok dahil sa nakaraan. Kailangan nya muna maging isang ina, bago maging isang babaeng muling dinudurog ng pag-ibig.

​Kinaladkad ni Celine ang sarili papasok ng banyo. Sa harap ng salamin, napabuntong-hininga siya. Kahit sa malamlam na ilaw, nangingibabaw ang kulay ng mga pasa sa mukha niya. Ang lila sa pisngi niya ay nangingitim na, at ang hiwa sa labi ay namamaga pa rin.

​Gugugol siya ng kalahating oras para patungan ito ng makapal na concealer at foundation, pilit na binubura ang ebidensya ng impyernong kasal nila ni Rico. Pagkatapos, nagsuot siya ng oversized sunglasses at bucket hat.

​Mukha siyang katawa-tawa, parang artistang nagpipilit magtago, pero mas gugustuhin na niya ito kaysa makita ng anak niya ang katotohanan.

​Pumasok siya sa kwarto at dahan-dahang ginising ang bata.

​"Baby... wake up na. Time for school."

​Kinuskos ni Clara ang inaantok pang mga mata at humikab nang malaki. Pero pagkakita niya kay Celine, agad kumunot ang noo ng bata.

​"Mommy? Why are you wearing shades inside the house? And a hat?" takang tanong nito habang nakatagilid ang ulo. "Diba po pag sa labas lang 'yan?"

​Napalunok si Celine. Iba talaga ang talas ng mga bata.

​"Ah... kasi baby, nagpa-facial treatment si Mommy yesterday. Sabi ni Doctora, bawal daw maarawan at mahanginan ang face ko para gumaling agad. Kaya kailangan nakatakip."

​Isang marupok na kasinungalingan, pero dahil busilak ang puso ni Clara, naniwala ito agad.

​Thank God. Habang nagwawala si Rico kagabi, mahimbing na natutulog si Clara. Nangako si Celine sa sarili na proprotektahan niya ang kainosentehan ng anak, at all costs. Hinding-hindi nito malalaman kung gaano kademonyo ang tatay-tatayan nito.

​"Mommy, you don't need treatment naman eh," malambing na sabi ni Clara habang yumayakap sa leeg ni Celine. "You are already the prettiest Mommy in the world. Kahit walang cover 'yung face mo."

​Naramdaman ni Celine ang pagkirot ng puso niya, kasabay ng init na humaplos dito.

​Si Clara ang kanyang salbabida.

​Noong mga panahong gusto na niyang sumuko, noong mga panahong gusto na niyang tumalon mula sa terrace ng mansyon dahil sa pang-aabuso, si Clara ang nagpapanatili sa kanyang mga paa sa lupa. Ito lang ang nag-iisang magandang bagay na ibinunga ng magulo niyang nakaraan.

​"Thank you, baby," bulong ni Celine sabay halik sa tuktok ng ulo ng anak. "Ikaw din, you are the most beautiful girl for Mommy. O siya, bangon na. You don't want to be late for school, diba?"

​"Okay!"

​Mabilis silang nag-ayos. Matapos ang mabilisang almusal na inihanda ng katulong ni Sam, lumabas na sila ng unit para maghintay ng elevator.

​"Mommy, excited ako! Teacher said may star stamp daw today pag good girl!" daldal ni Clara habang nilalaro ang isang maliit na rainbow bouncy ball.

​"Talaga? Galingan mo ha- "

​Natigil si Celine sa pagsasalita.

​Bumukas ang pinto ng elevator.

​At sa loob nito, nakatayo ang isang pamilyar na pigura.

​Nanigas si Celine. Parang binuhusan siya ng sementong mabilis matuyo.

​Si Jax.

​Suot niya ang isang dark gray suit na sumisigaw ng karangyaan. Ang puting kwelyo ng polo niya ay lalong nagpatingkad sa moreno niyang balat. Nakatayo lang siya doon habang nakatingin sa phone, balot ng awtoridad na nagpasikip sa malawak na elevator.

​Anong ginagawa niya dito?

​Dito ba siya nakatira? Sa Rockwell?

​Wait, hindi. Kahit high-end ang The Proscenium, medyo luma na ang building na ito kumpara sa mga bagong properties sa BGC. Sa estado ni Jax bilang Managing Partner ng isang international firm, sigurado siyang may penthouse ito sa mas bago at mas eksklusibong skyscraper. Baka may binisita lang siya?

Umangat ang tingin si Jax.

​Nagtagpo ang mga mata nila. O mas tamang sabihin, ang malamig na tingin ni Jax ay tumama sa madilim na salamin ni Celine.

​Wala siyang reaksyon. Tiningnan lang niya si Celine saglit, tapos ay ibinalik ang tingin sa harap, para bang hangin lang ang nakita niya.

​"Mommy?" hinila ni Clara ang laylayan ng damit niya. "Are we going in?"

​Nagising si Celine sa katotohanan. Gusto niyang tumakbo pabalik sa unit ni Sam, pero nag sasarado na ang pinto.

​"Pasok... pasok tayo."

​Hila-hila si Clara, pumasok si Celine sa loob.

​Ang lawak ng elevator, pero siksik na siksik si Celine sa pinaka-dulong sulok, sa likod ni Jax. Sinadya niyang ipwesto ang sarili para harangan si Clara mula sa paningin nito. Ginawa niyang pananggalang ang sarili niyang katawan.

​Ding.

​Nagsara ang pinto.

​Nakakabingi ang katahimikan. Ang tanging naririnig niya ay ang ugong ng makina at ang dagundong ng kaba sa dibdib niya.

​Nakatitig siya sa likod ni Jax. Kahit nakatalikod, nakakatakot pa rin ang presensya nito. Malapad ang balikat. Tuwid ang tindig. Amoy na amoy niya ang pabango nito, Santal 33 na may halong mint, na pumuno sa kulob na espasyo. Ito rin ang amoy niya kahapon. Nakakahilo.

​Bumababa ang elevator.

​35... 34... 33...

​Ang bagal. Sobrang bagal.

​Pinipigilan ni Celine ang paghinga niya. Takot na takot siyang lumingon si Jax. Takot na takot siyang makita nito si Clara.

​Si Clara na carbon copy nito. Ang mga mata, ang ilong, pati ang hugis ng mukha. Kung makikita ito ni Jax, hindi pwedeng hindi siya maghinala. At kapag nalaman niya... kapag nalaman niyang itinago ni Celine ang anak niya...

​Hindi niya kayang isipin ang pwedeng mangyari.

​Pero mukhang walang pakialam si Jax. Hindi ito gumagalaw. Para itong estatwa na walang pakialam sa paligid.

​Syempre. Galit siya kay Celine. Bakit nga naman niya papansinin ang anak nito sa ibang lalaki? (O 'yun ang akala niya).

​Nakakahinga na sana nang maluwag si Celine nang biglang...

​Boogsh.

​Nabitawan ni Clara ang hawak niyang rainbow bouncy ball.

​Tumalbog ito sa sahig. Boing. Boing. Boing.

​At gumulong ito papunta sa paanan ni Jax.

​Huminto ang mundo ni Celine.

​"Mommy! My rainbow ball!" sigaw ni Clara.

​Patay.

​"Hala, wait lang baby- " akmang dadamputin ni Celine, pero huli na ang lahat.

​Sumilip si Clara mula sa likod ni Celine. Iniunat nito ang maliit na kamay, pilit na inaabot ang bola malapit sa makintab at mamahaling sapatos ni Jax.

​Yumuko si Jax.

​Nakita niya ang bola. Nakita niya ang maliit na kamay na pilit inaabot ito.

​Dahan-dahan, dinampot ni Jax ang bola gamit ang malaki niyang palad.

​Pinanood ni Celine ang eksena na parang naka-slow motion.

​Inabot ni Jax ang bola pabalik. Inabot naman ni Clara ang kamay niya para kunin ito.

​Nagdikit ang mga daliri nila.

​Isang malaking kamay, at isang maliit na kamay.

​Halos himatayin si Celine.

​Ang hugis ng mga daliri... ang istruktura ng palad... parehong-pareho. Pati ang korte ng mga kuko nila ay magkatulad. Parang nananalamin, magkaiba lang ng laki.

​Please, Jax. Don't look at her face. Please.

​"Thank you po, Tito," Clara said with her sweetest, most charming smile, ang parehong ngiti na meron si Jax bago siya wasakin ni Celine noon.

​Tinitigan ni Jax ang bata.

​Sa isang iglap, nakita ni Celine ang pagdaan ng emosyon sa mga mata nito. Pagkalito? Pagkilala?

​Pero mabilis itong nawala. Bumalik ang malamig niyang maskara. Tumango lang siya, moisang tipid at walang emosyon na tango.

​"Welcome," bulong niya, halos hindi marinig.

​Magsasalita pa sana si Clara, pero mabilis na hinila ni Celine ang anak pabalik sa likuran niya. Bahagya niyang tinakpan ang bibig nito.

​Ding.

​Ground Floor.

​Tunog ng langit para kay Celine.

​Bumukas ang pinto.

​Nakatayo pa rin si Jax sa harap. Hindi siya gumalaw. Sa Basement Parking pa ang punta niya.

​Hindi na nag-aksaya ng panahon si Celine. Mahigpit niyang hinawakan si Clara at halos kaladkarin na ito palabas.

​"Excuse me," kapos-hiningang bulong niya, dumampig pa ang braso niya sa braso ni Jax nang dumaan siya. Kahit ang dampi na 'yun ay naghatid ng kilabot sa buong katawan niya.

​Tumakbo sila palabas ng lobby na parang may sunog.

​Nang makalabas na sila ng building at makasakay sa nag-aabang na Grab car, doon lang nakahinga si Celine.

​Sumandal siya sa upuan, nanginginig ang mga tuhod. Basang-basa ng pawis ang palad niya.

​"Mommy?"

​Tumingala si Clara, ang mga inosenteng mata ay puno ng pagtataka.

​"Yes, baby?"

​"Is that Tito a bad person?"

​Natigilan si Celine. "Bakit mo naman natanong 'yan, anak?"

​"Kasi po... you were blocking me inside the elevator. Tapos sobrang sweaty ng hands mo oh," tinuro ni Clara ang kamay ng ina. "You only sweat like that when you're scared."

​Napapikit si Celine. Masyadong matalino ang anak niya. Masyadong nakakaramdam.

​"No, baby," pilit na ngiti ni Celine, kahit na gusto na niyang umiyak. "Hindi siya bad person. Pero stranger siya. Diba sabi ni Mommy, we have to keep distance from strangers?"

​"Opo... pero stranger lang naman siya. Why were you shaking?"

​Niyakap ni Celine nang mahigpit ang anak, ibinaon ang mukha sa mabangong buhok nito para kumalma.

​"Kasi... kasi ayokong ma-late ka. Traffic pa naman sa Edsa. Hurry, baka wala tayong star stamp niyan."

​Doon lang nakuha ang atensyon ni Clara.

​"Ayoko ma-late! I want my star!"

​Habang busy ang anak sa pagtingin sa bintana, napatingin si Celine sa rearview mirror.

​Nakita niya ang sariling repleksyon. Takot. Nanginginig.

Ang lapit ni Jax. Sobrang lapit

​At kung akala niya na ang annulment lang ang poproblemahin niya, nagkakamali siya. Dahil sa pagkikita nila sa elevator kanina, alam ni Celine na nagsisimula pa lang ang tunay na gulo.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 318

    Hindi agad nakasagot si Jax sa katanungan ng babaeng nasa harapan niya. May bahagyang kahinaan at katapatan sa mukha ni Celine na hindi niya kayang balewalain. Hindi ito tulad ng confident at proud na babae sa stage kanina. Wala na rin ang matigas na depensang ginagamit nito kapag nagkakasagutan si

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 317

    Paglabas ni Jax mula sa malaking banyo ng suite, nanatiling tuwid at matigas ang linya ng kaniyang likod. Pilit niyang kinokontrol maging ang simpleng paghinga. Tila ba sapat na ang isang malalim na buntong-hininga upang tuluyang gumuho ang natitira niyang pagpipigil sa sarili.Hindi siya agad luma

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 316

    “Rented ’to…” bulong pa nito sa sarili na parang isang batang nagpapaliwanag. “Hindi ko 'to pwedeng basain o marumihan.”At sa eksaktong pagkakataong iyon –BANG!Malakas na bumangga ang noo ni Celine sa nakasarang glass door sa banyo ng hotel!Nanlaki ang mga mata ni Jax sa gulat. “Damn it!”“Ay!”

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 315

    Pagdating nila sa ikawalong palapag ng hotel kung saan matatagpuan ang Presidential Suite, agad silang sinalubong ni Cyril na kanina pa balisang nakabantay sa labas ng pasilyo.Nang makita ng assistant na buhat-buhat ni Jax si Celine sa kaniyang mga bisig, nanlaki ang mga mata nito at halatang napak

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 314

    Sa pamamagitan ng kaniyang malalaking kamay, kinuha nito ang magkabilang dulo ng silver shawl at maingat na ibinalot iyon muli sa mga balikat ni Celine. Maayos niya itong isinara upang matakpan ang anumang bahagi ng kaniyang balat na puwedeng makita ng iba. Bago pa makapagtanong si Celine, inabot n

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 313

    Tila huminto ang tibok ng puso ni Celine nang marinig ang boses ng kaniyang anak.Sa isang iglap, ang nakakatakot at madilim na aura na bumabalot kay Jax ay biglang naputol. Binitiwan ni Jax ang kwelyo ng music creator, dahilan upang tuluyang bumagsak ang lalaki sa sahig habang hawak ang pumutok ni

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status