Share

Chapter 3: Surprise

CASSANDRA

I don't really understand my friends. All I know is that they are hiding something from me about that Billboard. When they talked to me, they had a link given to me for registration. I didn't complain, or refuse since it was a good opportunity.

This is Perfect Muse model agency. I haven't been a part of a modeling agency for a long time after my last one and every company I applied to, ay mga puno na. Well, dito lang naman kasi sa Baguio at noon naman iyon bago ako sumuko.

Madalas akong hindi tinatanggap dahil sa nakikita ang sobrang pagkastress ko sa utang at nawalan pa ng ina at isa pa talagang tumaba ako sa kabila ng problema. That's why, I can't blame those who refused. Iyon nga lang, naging matumal ako sa sidelines.

Kaya mas tumataas pa ang tubo sa mga utang ko kaysa sa bawas dahil sa na-pending ako ng mga isang taon. Ngayon na naman ako naging handa ulit dahil nga ito talaga ang goal namin. Luckily, my body has returned to its former beauty, kaya sa ngayon, medyo napadali-dali na rin ang paghahanap ko ng trabaho.

Hindi na ako namilit pang alamin ang tungkol sa Billboard na sinasabi nila. Kung ayaw nilang sabihin, bahala sila. Napasaya naman ako ng bagong opportunity na binigay nila sa akin. Mga tatlong araw rin ang lumipas at ngayon na ang schedule ng pagkikita namin ng magiging manager ko.

And now, inside the taxi, Maple's voice suddenly dominated, "Kuya, patabi na lang po." Tinuro niya ang bungad ng hotel na tinutukoy niya. Sa paghinto nito kinalabit niya si Painch na nasa harapan. "Bayaran mo muna, Pighati. Call ko lang muna si Madame." Painch didn't respond whilst Maple held her phone directly to her ear. She also opened the door and went out.

Binaliwala ko ang kilos ni Painch na nagbigay ng bayad sa Taxi driver. Sumunod ako kay Maple. Running my thumb on the strap of my sling bag, tiningala ko ang taas ng hotel. I just closed my eyes when the sunlight hit it which immediately created luminosity. After a moment of blinking, I closed the door and Painch did the same.

"Tara." Maple stepped ahead. Painch just touched me by the elbow enough to make me feel that I have them by my side. I'm used to applying for jobs even before, but since my target is Perfect Muse modeling agency, I can't help but be apprehensive. I hope I don't get rejected. But Maple stopped and spun around facing us clenching her fist out of tense and say to me, "Galingan mo ha. Baka kasi parampahin ka."

Knowing that the company I will be applying to is not a random one, it makes me uneasy. I nodded and breathed out. "Hindi naman ako mataba na 'di ba?"

Tumabi si Painch sa kaniya na hinarap ako at pinasadahan ng tingin taas-baba. "Mas maganda ka ngayon kaisa dati na kasama pa natin si Treshy. Jeje ka noon, aesthetic ka ngayon." Sinayaw-sayaw niya ang daliri na nakaturo sa akin, referring my form. "That will pass."

I'm just in Classic attire; puti ang panloob ko, which I just covered with a black coat that was a bit close to my body just enough to show my curves and I paired it with black slacks and comfortable black shoes.

Planstado lang ang itim na buhok ko at simpleng make-up lang din ang ni-apply sa akin ni Maple para hindi magmukhang daya ang mukha ko.

Mas confident ako sa mukha ko na walang make-up, na kahit bali-baliktarin man ang mundo maganda pa rin ako.

"Umakyat na tayo, baka ayaw niya ng hindi punctual at mauwi tayo sa rejection," paalala ni Maple. Sumunod lang kami sa kaniya. Huminto lang sandali at kinausap ang agent sa front desk. "Hello, we have an appointment with Miss Miles Dallarosa."

Hinintay namin ang confirmation mula sa front desk hanggang sa sumagot siya pero si Maple lang nakaintindi. Tumango siya at bumalik sa amin. "Tara, nasa suite na siya."

"Late na ba tayo?" nag-aalalang tanong ni Painch.

Huminga nang malalim si Maple na kabado. "I hope na hindi siya masungit."

We expect this manager to be grumpy, but when we entered the suite provided as a meeting place, I didn't expect his voice to hit every corner of the place, "Sumobra ka yata sa standard ko!"

My eyes widened, unable to believe what he said. The three of us looked at each other, both surprised as we let out sweet giggles. Naramdaman ko ang pagkapa ng bakla sa waistline ko.

Paulit-ulit na pinupuri ang katawan ko na parang ngayon lang siya nakakita ng sexy sa buong buhay niya. "Which company did you apply to and were always rejected? Mga bulag ba ang mga iyon?"

Natawa ako sa tanong niya. Malaking tao siya, matangkad na bakla, pero ang ugali niya ay hindi dominant. Sumagot na lang ako, "Mataba kasi ako dati, ngayon lang talaga naging ganito ulit ang katawan ko."

He nodded softly, looking at me. "Kaya pala, but can I take a peek? I mean maganda ka, sexy, check ko lang kung ano..." He gestured with his hand from my head to toe and stomped his feet. "Alam mo na siguro iyon."

I know what he means, whether he is male or gay, he has to check if I have a scar or not. Inalis ko ang mga suot ko, Painch and Maple just stayed watching, hoping that I'll pass.

All I had left was my suit bra and panties. I turned slowly in front of him as he praised me constantly. Pati kuyukot ko pinakita ko, mapatunayan lang na makinis ako. "This is perfect porcelain doll!" Tumayo ako ng tuwid sa harap niya at ngumiti. Tinuro niya ako ng bahagya. "Kukunin kita ha."

I looked at Maple and Painch wearing wide smiles. I want to jump for joy. My heartbeat is really celebrating. "Which company were you before?" he asked and extended his hand to my things in the couch, hudyat na pwede na akong magbihis.

Sumagot ako, "Dati akong sa Elbero, nagsara nga lang ito kaya nawalan rin ako ng trabaho."

He nodded obviously not interested in my information and was busy looking at my papers. I just put on my clothes and stood in front of him. When he felt that I was done, he looked at me and said, "Perfect Muse has many sexy ladies, but what we are looking for is that girl who will fit in the modeling contest. Model ka ba in general?"

Model in general? Unang pumasok sa isipan ko, baka maghubad ako as in walang saplot talaga pero buti nilinaw niya. "I mean, naghahanap talaga kami ng contestant na ilalaban namin sa White Kiss modeling contest."

My breathing hitched. He's talking about one of the famous lingerie brands. "Malaking kompanya ito at sikat, siguro naman may idea ka about dito right?" I nodded pero sa isipan ko, nagdadalawang isip ako. Mas malalakas ang mga model na makakasagupa ko doon, kaya ko kaya?

"Pasok ka sa akin, but it depends if the agency chooses you to be Perfect Muse participant. I mean, gusto mo ba? Maganda naman ang benifits nila eh."

Napangiwi ako, ngumuso naman siya nang mapansin ang pagdadalawang isip ko as I asked, "Kaya ko ba?" Tumingin ako kay Maple at Painch, pareho silang naka-thumbs up sa akin. Ngunit sa sitwasyon na ito, once magbigay ako ng sagot na oo o hindi wala nang atrasan.

"Pogi ang CEO," malokong bulong ni Maple na may kaakibat na hagikhik pero rinig naman ng lahat. Siniko naman siya ni Painch at natawa naman si Madame Miles. Bagay sa kaniya ang pangalan niya lalo na't mabait siya. First time ko yata magkaroon ng mabait na manager.

"True," he agreed. "So you know Third Zachary Deluco?"

Walang sumagot sa dalawa kong kaibigan at si Painch naman ay kinausap ako, "Pumayag ka na para makapunta na tayo sa Manila."

I mentally said, 'mainit doon' pero kung opportunity lang naman ang pag-uusapan...huminga ako nang malalim at sumagot ng, "Yes!" Pinagsalikop ko ang nga palad ko at dinala ito sa dibdib ko, mentally praying for guidance.

Pero pagkatapos kong pumayag, I was haunted by anxiety for hours. Overthinking that I might be insulted, that I might not really be fit for that event.

Pero ayon kay Madame Miles, dalawang milyon ang makukuha ng manalo plus maging permanent model ng White Kiss and there is a chance to have many commercials.

I have never experienced that in my entire life. At ang kagandahan sa benifits ay ang gagawing commercial for contest ay babayaran rin ng kompaniya, kaya manalo man o matalo may pera lahat ng participants.

Kinabukasan, nag-impake kaming tatlo para sa biyahe papuntang Manila. Iiwan namin ang bahay dito sa Baguio at talagang mamimiss ko ang lamig unless aircon ang aming matutuluyan.

Sasakyan ni Madame Miles ang sinakyan namin. Nakaupo siya katabi ng driver habang kaming tatlo ay nasa likuran nila. Marami siyang tanong sa akin about sa mga past experience ko. Nakwento namin lahat maliban kay Tres.

I don't want to expose the worst part that he did before to protect his image even though they don't know him. His secret will only remain with us at buti na lang hindi mahirap kausap ang mga kaibigan ko.

Habang binabagtas ng sasakyan ang mahabang high way papasok city, panay naman ang silip ko sa bintana. Gusto kong makita ang Billboard na sinasabi nila. May nahagip ang mga mata kong isa sa dulo, ngunit hindi ko masyadong naklaro dahil tinakpan ni Maple ang mga mata ko, since siya ang nasa tabi ko, "Hola! Pikit ka muna!"

Tumulong pa si Painch na nakaupo sa kabila niya at talagang nilagyan nila ako ng piring sa mata kahit anong pigil ko sa mga kamay nila. Sinikap kong huwag magpumiglas, dahil baka magmukhang unprofessional ang kinalabasan namin dito sa loob ng sasakyan. "Sino ba iyong nasa Billboard?" tanong ko.

Hagikhik lang ang sagot nila sa akin at parang naririnig ko pa ang pag-mouthed nila sa isa't-isa—malakas lang talaga akong makiramdam. Luckily, nagsalita si Madame Miles, "Aling Billboard ba? Puro Deluco Titans naman ang mga nadadaanan natin ah. Isa ba sa kanila?"

Deluco Titans? Sumagot si Maple, "Crush niya iyong isa sa kanila."

"Crush?!" bulalas ko. "Anong crush ba iyang pinagsasabi mo? Anong Deluco Titans?"

Ninudnod niya talaga ang mukha ko sa kandungan niya na may suporta pa ni Painch. "Relax ka lang kasi muna, surprise nga eh."

"Naku, mga judge ang mga iyan sa White Kiss modeling contest. Makikita niya rin ang mga iyan kapag pumasa siya. Alin ba sa kanila, Cassandra? Si Sir Uno, Sir Dos, Sir Third, Sir Fourth, Sir Fifth or Sir Sais?"

"Ang weird naman, puro number, tagalog English," puna ni Maple.

Oo nga puro number. Magkakapatid ba ang mga iyon? Ang hirap ng clueless hindi ko maingat ang ulo ko para tingnan ang mga iyon. Binitawan lang talaga nila ako ng wala na akong makitang Billboard na related sa Deluco Titans na iyon.

Wala akong idea, company ba ito o grupo lang ng mga lalaki? Artista? Masarap talaga magtampo sa mga kaibigan ko pero hindi ito ang tamang lugar para roon.

And finally, nakarating na kami sa pupuntahan namin. Sa isang malaking building kami dinala, sinasabi na ito ang teritoryo ng Perfect Muse. May mga nag-asikaso sa amin papunta sa aming quarters. Luckily, kasama pa rin namin si Madame Miles.

Ginugol lang namin ang oras ng pahinga, ngunit bago sumapit ang gabi, nagsimula na rin kaming mag-ayos. Sabi pa nga ni Madame Miles, package raw ang nakuha niya, mayroon kasi akong si Maple na make-up artist and assistant na si Painch.

Satisfied naman siya sa abilidad ni Maple lalo na't kabisado niya ang mukha ko. Si Painch na rin ang nag-provide ng isusuot ko na pang-professional attire.

When everything was all set, Madame Miles led me to the director for my casting interview. Hindi mawawala ang kaba ko hanggang sa nakaharap ko na ito. Naging mabilis ang process ng interview since walang issue na makikita sa documents ko, and pasado rin agad ako.

Naramdaman ko rin na pasok ako sa standard nila. Ang sarap talaga maging maganda. Habang inaasikaso ng agent na naka-assign sa akin ang papers ko, dinala ako ni Madame Miles sa studio.

Makikita kaliwa't kanan, na dinadaanan namin ang Logo ng perfect Muse. Logo ng kaseksihan ng babae na parang masasabi na rin na women impowerment. Black and pink ang kulay, pick ang katawan ng babae at itim naman ang pangalan na Perfect Muse. Hindi ko akalain na maging parte ako ng modeling agency na ito.

Hinawakan na ni Madame Miles ang handle ng crystal door na halatang mabigat. Halata sa kaniyang pagtulak at agad na ring pumasok. Sumunod ako at nakasunod rin ang dalawa sa likod ko.

Ngunit pagpasok ko sa loob, bago pa tumingin ang mga mata ko sa mga taong dapat kong makilala mas nakuha ang attention ko sa isang malaking poster na nakatayo sa kaliwang bahagi ng studio.

Six men in business attire with the name Deluco Titans below. And one of them, from left to right, the third man, I know I didn't miss. I still remember his face, it's still clear in my head, si Tres Talaga siya.

Sa pagbang ng tibok ng puso ko sa loob ng dibdib ko, tumingin ako kay Maple, tumikhim siya, tumingin ako kay Painch at siya ang kumausap sa akin pero sa pabulong na paraan, "Hindi ka rin ba makapaniwala?"

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status