Share

Chapter 1 (Father Part 1)

Chapter 1

Father

“UY. Kakauwi mo lang?”

Napalingon si Dorothea sa babaeng nakaupo sa kusina. Umiinom ito ng kape habang nakatingin sa kanya na kakapasok lang.

“Oo. Late nagsara si Adriano. Dami kasing tao,” sagot niya saka ibinaba sa maliit na dining table ang maliit niyang bag. “Kumain ka na ba?”

“Kanina pa. Pinakain ko na rin ‘yung alaga mo. Napadaan ako kanina sa Kampo. Nakita kong marami ngang tao kaya sabi ko baka late ka na uuwi kaya sumabay na siya sa ‘kin.”

Tumango si Dorothea na kumukuha ng pagkain. Hindi pa siya kumakain dahil nga kauuwi lang. Inalok siya ni Adriano sa Kampo kanina pero tinanggihan niya dahil masyadong maraming tao at wala ng oras para kumain.

“Salamat, Rita. Sa susunod na sahod ko bibigyan na lang kita—”

“’Yan ka na naman. Sinabi ko nang hindi, ‘di ba?”

Naupo ang dalaga sa harap ng kaibigan. “Pero nakakahiya na. Tuwing pumapasok ako, ikaw ang nag-aalaga sa kanya. Tama lang naman na abutan kita para kahit papaano hindi nasasayang ang oras mo.”

“Hindi naman nasasayang ang oras ko, Thea. Apat na taon na tayong magkasama ganyan pa rin ang iniisip mo. Napamahal na rin naman siya sa ‘kin kaya ayos lang talaga. Magsasabi naman ako sa ‘yo kung kailangan pero sa ngayon hindi kaya ‘wag ka nang mag-alala.”

Ngumiti si Dorothea sa kaibigan. “Salamat talaga, Rita.”

“Hay naku. Hindi ka na talaga nagbago. Mula noong dumating ka rito hanggang ngayon, ganyan ka pa rin.”

Dorothea’s lips stretched into a small smile nang muli na namang balikan ng kaibigan ang pagdating niya rito.

Matapos siyang paalisin ng kanyang tita, hindi niya alam kung saan pupunta. She felt so hopeless but she knew she couldn’t just stop finding solutions dahil kung hindi ay sa kalye talaga siya pupulutin. She had her friends from the college pero dahil iniisip niya pa rin kung paano siya hinayaan ng mga itong mapunta sa isang motel kasama ang hindi niya kilalang lalaki, she didn’t try calling any of them.

With the money she had, she travelled away from the metro. Hindi niya rin alam kung bakit pakiramdam niya kailangan niyang lumayo sa lugar kung saan pwede niyang makasalamuha si Rence.

Hindi nito alam kung nasaan siya and she had her phone shut dead para hindi na pumasok ang mga tawag nito. She thought maybe it was impossible na hahanapin pa siya nito using the man’s connection dahil kahit na gaano pa ito kaimpluwensya, hindi naman siguro ito dadating sa puntong gagamit ng kapangyarihan para mahanap siya. But still, she went away to the south and found a small café with a waitress hiring sa Laguna kaya roon na rin siya humanap ng maliit ngunit disenteng apartment.

It was only a week after her move that she proved her thoughts wrong. Akala niya noong una guni-guni niya lang ang lahat but everything became suspicious when a co-waitress pointed out what was bugging her.

“Napapansin mo ba ‘yung lalaking laging pumupunta mula noong pumasok ka dito?” tanong ng kasamahan sa kanya.

“Huh?”

“’Yung laging umo-order ng Americano tapos umuupo sa dulo pero nakikita kong nakatingin sa ‘yo. Akala ko nga noong una masamang tao siya kasi tahimik lang tapos parang pinapanood ka. Sabi ko baka manyak at may balak sa ‘yo kaya sinabi ko kay Orly na kausapin niya tapos tanong-tanungin. Nalaman niya na ex-military pala. T’saka may hinahanap daw. Hindi naman sinabi sa kanya kung sino at bakit. Hindi mo ba kilala ‘yon?”

Her heart already felt like someone was hammering inside it. “H-Hindi...”

“Ah. Akala ko kilala mo kasi lagi ka ngang tinitingnan. Pero baka naman type ka? Uy!”

Dorothea couldn’t ride the joke but she still forced a smile then. Her head was full of thoughts and no matter how hard she tried to deny them, alam niyang hindi niya pwedeng balewalain ang mga iyon.

She didn’t know everything about Clarence Eissen Palma but she knew how powerful his family was back from their hometown. They owned massive fruit and vegetable plantations not only there but also in the different parts of the region aside from having their own conglomerate including some of the well-known companies in the country. He’s the heir of the Salvatore Palma Industries, and who’s one of the most powerful and sought-after bachelor of his time. Kung mayroon man itong gustong ipahanap, Clarence would probably hire an expert. For example, an ex-military.

Hindi alam ni Dorothea kung bakit gagawin pa ito ni Rence para sa kanya. Hindi kailanman niya naisip na ganoon siya kahalaga sa lalaki. Yes, they were together but she thought she was just a childhood friend from his hometown who he met again in the metro and wanted to help escape her abusive stepmother in exchange of her being his pretend girlfriend whenever his family asks why he’s not yet getting married.

May mga pagkakataon mang nadala sila ng sitwasyon, Dorothea was sure Rence was never serious about her. Kaya akala niya, hindi na ito mag-aabala pang ipahanap siya kung sakali mang mawala siya. Kasi sino ba naman siya? She’s just an insignificant existence compared to Rence who has everything the world could offer. Pagbali-baliktarin man ang mundo, she’s just a dot in his vast universe.

Hindi na kinailangan ni Dorothea ng mahabang pag-iisip kung ano ang sunod niyang gagawin lalo na nang bumulaga sa kanya ang isang balitang lalong nagpadurog sa kanya. She found out she was pregnant kaya mas lalo lang umigting ang paninindigan niyang lumayo. If Rence finds out she was pregnant of someone else’s child, he’ll feel betrayed. Ano na lang ang iisipin nito sa kanya? Of course he wouldn’t want to be with someone like her anymore. Baka pa ito na mismo ang magtaboy sa kanya palayo.

She decided to move faraway. Hindi na sapat ang layo niya so she thought she’ll find a place na hindi sakop ng impluwensya nito. It was an exhausting journey for her and her growing child. Marami rin siyang lugar na tinigilan but everything felt like there was someone after her. Hanggang sa makarating siya sa Ormoc at makilala si Rita, the woman who was a runaway like her, who chose to rebel against her family and choose her passion over anything else.

“Naalala ko ang payat mo pa no’n tapos hindi ko alam na buntis ka. Ang ganda-ganda mo pa rin naman kahit payat ka, in fairness. Tapos iniisip ko kung tama ka ba ng lugar na napuntahan kasi never pa ‘ko nakakita ng may mukhang ganyan dito.”

Natawa ang dalaga. “Tumigil ka na nga. Baka magising si Raisen sa ‘yo.”

“Totoo naman ang sinasabi ko. Noong inalok kita na maghati na lang tayo sa renta nitong bahay, akala ko hindi ka papayag. Mukha kasing ayaw mo akong kasama.”

“Hindi naman. Nahihiya lang ako kasi magkakaanak ako tapos pareho lang tayo ng babayaran.”

“Kita mo na. Ganyang-ganyan ka pa rin mula no’n. Mabuti na lang napapayag ka ni tita na dito ka na kasi mabait naman ako.”

Dorothea shook her head while smiling. Ang tita ni Rita ang may-ari ng bahay na inuupahan nila rito sa Alta Vista. Tulad ng sinabi ng kaibigan, hati nga sila sa renta and they’ve been living together for four years. Ito na rin ang naging kasama niya habang nagbubuntis sa anak niyang si Raisen.

Rita was the only person who was with her when she gave birth to her child. Naroon ito noong mga panahong hindi niya pa kayang magtrabaho matapos manganak kaya ito ang sumuporta sa ibang kailangan nila ng anak niya.

When she started working again and decided to finish her college, ito ang sumasama kay Raisen sa bahay maliban sa tita nitong si Aling Belinda na minsa’y bumibisita kapag wala siya roon para sa kolehiyo at sa trabaho. Nang makatapos siya, of course tuwang-tuwa ang mga ito para sa kanya. Kaya laking pasasalamat niya talaga na tama ang naging desisyon niya noon na pumayag dito at sa pamangkin nito. Because she found not only true friends with Rita and her Tita Belinda, but also a family she could count on, a happy and unconditional one that she once was deprived of.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status