Share

Chasing the Runaway
Chasing the Runaway
Author: akarayue

Prologue

MADILIM pa sa labas pero maingay na ang paligid. Nagising si Dorothea sa tunog ng humaharurot na mga sasakyan. Masakit pa ang ulo niya at hindi maimulat ang mga mata dahil doon. Mariin niyang naipikit lalo ang saradong mga mata nang subukang umupo. Wala sa sariling minasahe niya ang kanyang sintido.

“Sakit!” she moaned while massaging her temple.

Ano bang ginawa niya para sumakit ang ulo niya? Wala siyang matandaan. At isa pa, bakit ang lamig-lamig sa kwarto niya? It was usually not that cold in there kasi masyado nga siyang madaling lamigin. Sinubukan niyang imulat ang kanyang mga mata para hanapin ang kumot nang magulat siya sa kung ano.

“Hmm…”

Nanigas si Dorothea sa kinauupuan. Who…

Mabilis pa sa alas kwatro ang naging pagbaling ng dalaga sa kanyang tabi. Nanlaki ang kanyang mga mata nang matagpuan doon ang isang lalaking walang pang-itaas, nakatalikod sa kanya ngunit alam niyang hindi niya kilala. Malakas na kabog ang naghari sa dibdib ni Dorothea at hindi niya alam kung bakit, doon lang rumehistro sa kanya ang sariling itsura.

She was topless. The cold air from the air-conditioning was completely touching her naked body that was why she felt so cold. Himalang naglaho ang sakit ng kanyang ulo at napalitan ng pagtataka, sunod ay gulat, at huli ang pagsisisi.

“N-No…” Her tears were uncontrollable. “Oh my God. No…”

She didn’t know what to do. Nanginginig ang buo niyang pagkatao. How did this happen? How could she do this? Hindi niya alam kung paano siya napunta sa sitwasyong ito. Wala siyang matandaan! All she could remember was saying yes to her friends from the college to go to a bar for the first time. What happened after they arrived? In the middle of it? Why was she in some motel with a guy she doesn’t even know?

Nasaan sila? And why did they let this happen to her?

Punong-puno ng tanong si Dorothea pero wala namang sasagot ng mga iyon para sa kanya. And she knew better despite being in so much pain that nothing will happen kung magtatagal pa siya sa lugar na iyon kaya kahit masakit ang katawan, umalis siya sa kama at pilit na hinanap ang mga damit niya.

Pigil na pigil niya ang paghikbi nang matagpuan ang mga ito sa sahig. She wanted to clean herself first, umaasang maaalis ng tubig at sabon ang kasalanang nagawa niya pero hindi na siya nag-abala. Matapos masuot ang mga damit, she found her things on the bedside table. Naroon din ang cellphone niya na umiilaw dahil sa kapapasok lang na mensahe. Lalong nanikip ang dibdib niya nang pulutin iyon at mabasa ang mga mensahe sa screen.

From: Rence

Nakauwi na ako. Please tell me when you’re done. I’ll pick you up.

From: Rence

Are you done?

From: Rence

Baby?

From: Rence

I guess you’re having fun with your friends. Call me when you see this. Susunduin pa rin kita.

From: Rence

It’s 12. Are you sleeping over? You didn’t tell me.

From: Rence

Baby please answer your phone. I’m worried.

When she read that, she noticed almost 50 missed calls from the same person. Muntik nang mapaluhod si Dorothea sa panlulumo pero nilabanan niya ang sarili. She closed her phone and took off, never looking back at the motel, or at the man soundly sleeping on the bed.

“Saan po tayo, ma’am?” the driver asked matapos niyang pumasok sa pinarang taxi.

“Sa Lopez Tower—” she caught herself and swallowed hard, stopping another wave of tears. “Sta. Ana po.”

Tumango lamang ang driver na mukhang napansin ang pagpipigil niya ng luha. Dorothea looked outside the car, trying so hard to keep herself together kahit gustong-gusto niya nang madurog sa kinauupuan.

Hindi na siya pwedeng umuwi. Not after what she did. Hindi niya pa rin alam kung bakit nangyari ang lahat ng ito at kahit na alam niyang hindi niya ito ginusto, natatakot siyang harapin si Rence. Sa lahat ng bagay na ginawa nito para sa kanya, ito ba ang isusukli niya? The man did nothing but give her everything she needed, even the things she didn’t ask for. Paano niya haharapin ang lalaki pagkatapos ng nangyari? Wala na siyang mukhang ihaharap pa rito.

Dorothea could feel her phone vibrating pero hindi niya ito pinapansin. Alam niyang si Rence ang tumatawag. Gustong-gusto niya itong sagutin pero ano ang sasabihin niya? Saan siya nanggaling? Ano ang ginawa niya?

She couldn’t lie to him. Natatakot siyang kapag sinagot niya, agad-agad siyang aamin at masasaktan niya ang lalaki. Hindi man sa paraang iniisip niya, she was sure he would be so disappointed with her. The last thing she wanted to do was to disappoint him. And she was sure as hell she’ll do kung sasabihin niya ang totoo rito.

“Salamat po,” si Dorothea sa driver nang makababa mula sa taxi. Nang makaalis ito, napatitig ang dalaga sa pamilyar na saradong gate na nasa harap niya.

Ang totoo, hindi niya alam kung bakit siya nandito. Ni hindi siya sigurado kung tatanggapin ba siya rito. Pero wala naman siyang ibang mapupuntahan. In the past seven months, she’s been living with the man who saved her from the misery that was once her life. Ngunit nasaan siya ngayon? Heto at bumabalik sa lugar kung saan siya nito inalis.

Nanginginig ang kamay ni Dorothea habang kinakatok ang gate. Wala siyang lakas na magtanong kung meron bang tao. She just shook the gate and hoped someone from inside would hear it. Maya-maya, nakarinig na siya ng isang pamilyar na boses.

“Teka lang! Ano ba ‘yan? Sabing teka lang eh!” The voice was accompanied with heavy steps approaching. Malakas ang kabog ng dibdib ni Dorothea. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon nito kapag nakita siya. Dahil kahit siya naman, hindi niya rin inaasahang babalik pa siya rito pagkatapos ng lahat.

“Sino ba ‘yan? Ang aga-aga nambubulabog ka ng bahay nang may bahay—”

Natigilan ito sa sasabihin nang makita siya. Ilang segundo ang lumipas bago rumehistro sa mukha nito ang reaksyon sa presensya ni Dorothea. Nawalan ng emosyon ang mukha nito at tumalim ang tingin sa kanya.

“Anong ginagawa mo rito?”

“Ma—”

“Hindi kita anak. ‘Wag mo akong tawagin niyan.”

Napalunok si Dorothea. Inaasahan na niya ito pero hindi niya alam kung bakit naninikip pa rin ang dibdib niya. Maybe because after everything, she thought this woman would change. Akala niya pagkatapos niyang umalis, maiisip nito ang mga pagkakamali nito ngunit mukhang mali siya. Hindi ito nagbago. Katulad pa rin ng dati, wala itong pakialam.

“Anong ginagawa mo rito? Hindi ba’t matagal mo nang sinuka ang lugar na ‘to? Ang kapal naman din talaga ng mukha mong magpakita pa, ano? Bakit? Iniwan ka na ba sa wakas no’ng mayaman mong boyfriend? Nagsawa na ba siya sa ‘yo?”

“Tita—”

“At bakit ganyan ang itsura mo? Huwag mong sabihing…” sarkastiko itong ngumisi habang hinahagod ng tingin ang kabuuan niya. Punong-puno ng pang-iinsulto ang mga mata nito. “pinalayas ka niya, Dorothea?”

Hindi siya nakasagot kahit hindi naman iyon totoo. But then she thought maybe that’ll also be the case kung umuwi siya roon. Baka nga palalayasin din siya ni Rence kapag nagtapat siya. Kasi sino ba namang lalaki ang gugustuhin pang makasama ang babaeng tulad niya?

Unti-unting namuong muli ang luha sa mga mata ni Dorothea sa mga iniisip. At kahit anong pagpipigil niya, kusang tumulo ang mga ito.

Narinig niya ang nanunuyang tawa ng babae sa kanyang harapan. “Ha. Putang ina. Akalain mong totoo nga ang karma?”

Naninikip ang dibdib niya sa sobrang sakit. Kailanman hindi niya naisip na gagawin niya ang bagay na ito pero sinubukan niyang hawakan ang kamay ng babae na agad naman nitong binawi. Halos nandidiri.

“’Wag mo akong hawakan.”

“P-Please, Tita. Wala na akong pupuntahan…” Napayuko na siya. Halos mapaluhod na rin. Hindi na siya makahinga. “Please. K-Kahit isang gabi lang…”

“Wala akong pakialam.”

“A-Aalis din ako agad—”

“Hindi ka ba nakakaintindi? Wala akong pakialam, Dorothea!” Tinulak siya nito saka lumabas sa gate ng bahay at dinuro siya. “Ang kapal ng mukha mong bumalik dito pagkatapos mong umalis! Hindi ba’t mas pinili mong sumama sa boyfriend mo noon dahil ano? Mayaman siya? Ipinagyayabang mong mabuti? Tapos ngayong pinagsawaan ka na bigla kang babalik dito at makikiusap? Ha! At akala mo talaga maaawa ako sa ‘yo? Kahit lumuha ka ng dugo, hinding-hindi ka na makakapasok sa pamamahay ko!”

“Hindi mo naman bahay ‘to!” Hindi na napigilang sumigaw ni Dorothea. Sobra-sobra na ang sama ng loob niya. “Hindi mo ‘to bahay dahil kay Papa ’to! Umalis ako rito dahil sinasaktan mo ako! Wala kang karapatang sisihin ako sa pag-alis ko rito dahil kung hindi mo binabaling sa akin ang galit mo sa mundo, hindi ako aalis sa nag-iisang bagay na iniwan ni Papa sa amin! Kung merong dapat umalis dito, ikaw ‘yon kasi kahit kailan, hindi ka naman naging parte ng pamilya namin—”

Isang malakas na sampal ang natanggap niya.

“Ang kapal ng mukha mong sabihin ‘yan pagkatapos ko kayong palamunin! Pasalamat ka nga’t pinakain at pinatira ko kayo rito kahit hindi ko naman kayo kaanu-ano!”

Tanging hikbi na lamang ang naisagot ni Dorothea.

“Umalis ka na! ‘Wag mong isisi sa ‘kin ang mga desisyon mo dahil nagkusa kang umalis dito! Ngayong wala kang mapuntahan, wala akong pakialam kung tumira ka sa lansangan! Magpalaboy-laboy ka, magpakaputa—wala akong pakialam! Umalis ka na!” Tinulak siya nito. “Umalis ka na, Dorothea!”

“Tita? Ate?”

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses ng kapatid niyang naroon na sa gate at nakatingin sa kanilang dalawa ng kanyang tita.

“Pumasok ka sa loob, Dahlia,” matigas na utos ng babae sa kapatid niya.

“Dahlia—”

“Hindi mo ba ako narinig? Pumasok ka, Dahlia!”

“P-Pero—”

“Aalis na siya. Hindi siya bumalik para sa ‘yo. Sinabi ko na sa ‘yo, ‘di ba? Sinungaling ang ate mo.”

“Hindi totoo ‘yon, Dahlia—”

“Umalis ka na!” Isang malakas na tulak at nabuwal si Dorothea sa kalsada. Narinig niya ang malakas na iyak ng kapatid niya. Umakma itong tatakbo papunta sa kanya pero pinigilan ito ng kanilang tita at pilit na inilayo. “’Wag na ‘wag ka ng magpapakita rito!”

“Ate!”

“Dahlia!”

“Umalis ka na, Dorothea!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status