Share

Chapter 21

Noella’s Point of View

Matapos kong punasan ang basa kong buong katawan ay inilapag ko na lang ang tuwalya na ginamit ko sa sahig saka hubad na humiga sa kama. Damang-dama ko ang pagnanasang nabitin kanina dahil sa hindi pagtuloy ni Diego na maabot ko ang sukdulan at alam kong sinadya niya iyon.

May plano siyang gawin at wala naman akong karapatang magreklamo dahil sa oras na tumanggi o magreklamo ako ay baka masaktan na naman ako. Kanina lang ay sinakal ako ni Diego at nawalan ako ng malay dahil doon. Nagalit kasi siya dahil sa pakikipag-usap ko sa kaibigan niya at naabutan niya kami sa hindi niya nagustuhang tagpo. Takot na takot ako kanina at inakala ko na iyon na ang kamatayan ko subalit nagising ako sa malakas na tunog ng baril mula sa labas ng kotse at nang lumabas ako ay nakita ko ang mga katawan na wala nang buhay dahil din kay Diego.

Hindi ko sila kilala subalit dumagdag iyon sa takot ko dahil napagtanto ko na talagang walang alinlangan si Diego kung pumatay. Kayang-kaya niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status