Share

Chapter 2

Author: Luna Marie
last update Last Updated: 2024-06-12 18:53:18

Chapter 2

Nang sumunod na araw ay pinayagan ako nila mommy na lumabas. Magkikita kita kami ngayon nila Janine para maglunch.

Hindi ko rin iniimikan kanina si daddy, nagbabakasali akong mabago ko pa ang desisyon niya.

Nagsuot na lamang ako ng isang polo croptop na kulay light pink, kapares nito ang isang skirt na umaabot hanggang sa binti ko. Sa pampaa naman ay nagsuot na lamang ako ng heels na kakulay ng suot kong damit.

Naglalagay ako ng kaunting make up sa mukha ko ng biglang pumasok si mommy sa aking kwarto.

"Baby, here. Gamitin mo muna itong card ko. " Iniabot sa akin ni mommy ang isang itim na credit card. Naalala kong pati nga pala mga cards ko ay kinuha ni daddy kagabi, pati na rin ang susi ng mga kotse ko.

Napabuntong hininga na lamang ako at tinanggap ang ibinibigay na card sa akin ni mommy.

"Thanks , mom."

"You're welcome, baby. Bilhin mo ang mga gusto mong bilhin. Ako na ang bahala sa daddy mo. " Tumango na lamang ako at saka nagpaalam sa kanya.

Nang makarating ako sa mall ay nagtungo ako agad sa restaurant na napag usapan namin ng mga kaibigan ko.

"Dashi! " Rinig ko ang boses ni Janine kaya naman agad akong lumapit sa kanila.

"Damn, ang sexy mo talaga! " Puri sa akin ni Risha.

"Thanks, girl. Sorry, medyo na late ako. "

"Ang gloomy naman ng face mo. May nangyari ba? Kumusta pala kayo ni tito? " Nag order na kami ng pagkain habang nagkukwentuhan.

"I'm leaving." Diretsong sabi ko sa aking mga kaibigan. Pare pareho naman silang natigilan dahil sa sinabi ko.

"What? " Si Janine ang unang nakabawi at nagtanong.

"Yeah, you heard me. Ililipat ako nila daddy ng school sa probinsiya ni Lolo Isidro. Doon ko raw tatapusin ang Senior Highschool ko. Pumayag si mommy at aalis na ako sa isang araw."

"Oh my god! Seryoso ba talaga sila? God, nakapunta na kami one time sa Hacienda ng Lolo mo, it's good for vacation. Pero ang pag aaral? Girl! Hindi ka tatagal doon! " Ngiwi ni Cherry sa akin at sumang ayon rin doon si Risha.

"Tama si Cherry. Bakit naman iyon ang naisipan ni Tito Damon na doon ka papasukin? Yung mga kapatid mo nga sa abroad nag aaral, tapos ikaw papauwiin ka sa probinsiya. That's unfair! " Maktol pa ni Risha.

"Buo na ang desisyon ni Daddy. Well, isang school year lang naman. Kaya ko naman siguro iyon." Buntong hininga ko pa.

"Urgh! Paano yan? Wala na ang queen bee sa school. " Malungkot na sabi ni Risha.

" C'mon, hindi kawalan sa school kung hindi na ako papasok doon." Irap ko.

"Tsk, nakakainis naman! " Maktol din ni Cherry.

" Just call us kapag nagkaproblema ka, Dashi." Malumanay naman na sabi sa akin ni Janine.

"Bakit parang hindi ka naman malungkot na aalis na si Dashi, ha? " Masungit na tanong ni Cherry kay Janine. Sa kanilang tatlo ay si Janine talaga ang hindi gaanong nagpapakita ng malungkot na vibes pero siya talaga ang pinakaclose ko sa kanila.

" I'm sad, pero wala naman akong magagawa para pigilan ang desisyon ng daddy ni Dashi. " Malumanay na sabi ni Janine kay Cherry.

Nang dumating ang order namin ay kumain na rin kami.

"Daciana? " Patapos na kami ng biglang lumapit sa amin si Martin. Hinampas pa ako sa braso ni Risha ng batiin ako ng lalaki.

"Martin."

"Hi! " Ngiti sa kanya ni Martin.

"I'm with my parents. Mom, she's Daciana. Siya iyong naikwento ko sa inyo." Nagyayabang na sabi ni Martin sa kanyang magulang.

"Good afternoon po." Magalang na bati ko sa magulang ni Martin. Tumayo rin ako para magbigay galang.

"Hi, hija! Ikaw pala ang girlfriend ng anak ko. Palagi ka niyang ikinukwento sa akin." Hindi nakalampas sa paningin ko ang pagsuri ng mommy ni Martin sa kabuuan ko.

Napatingin naman ako kay Martin na ngayon ay napakamot sa ulo at mayroong malaking ngiti sa labi. Napangisi naman ako dahil doon, akala yata niya ay macocorner niya ako dahil nasa harapan kami ng magulang niya.

"Naku, hija. Aalagaan mong mabuti ang anak ko ha? Gustong gusto niya ang mga lutong bahay. Marunong ka bang magluto? "

Natawa naman ang mga kaibigan ko dahil sa tanong ng mommy ni Martin.

"Mom." Awat naman ni Martin sa kanyang ina.

"What? Totoo naman ang sinabi ko. Isa pa kailangan talaga sa mga babae na marunong magluto at dapat marunong silang magpakaasawa. Alam mo iyan, Martin. Kaya ikaw hija, dapat marunong ka kung paano kumilos sa bahay. Para magustuhan kita para sa anak ko."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa ako.

"What's wrong, hija? May problema ba sa sinabi ko? "

" Uh, excuse me lang po Ma'am. First of all, hindi po ako girlfriend ni Martin. Second, hindi po ako marunong magluto or ng kahit anong gawaing bahay. Third, don't boss me around, wala po akong balak na maging katulong ng anak niyo. Kung natututo man po ako ng gawaing bahay ay para po iyon sa akin at hindi para pagsilbihan ang kung sino pa man. Nandito po ako para makipag bonding sa mga kaibigan ko at hindi para makinig sa inyo." Seryosong sabi ko sa kanya. Natigilan naman ang mga ito dahil sa sinabi ko.

"Nawalan na ako ng gana, girls. Tara, magshopping na lang tayo." Nagsipagtayuan naman ang mga kaibigan ko.

"Napakabastos mo pa lang bata." Hindi makapaniwalang sabi ng mommy ni Martin sa akin.

"Mommy! " Awat naman ni Martin dito.

" Tigilan mo ako, Martin! Hindi ko akalaing sa ganyang babae ka nagkagusto! " Galit na sabi ng mommy nito sa kanya.

"Well, hinding hindi naman po ako magkakagusto sa anak niyo. So, don't worry po hindi kayo magkakaroon ng bastos na manugang. Excuse us." Lumabas na kaming magkakaibigan.

"Gosh, girl! Okay ka lang ba? "

"Yeah. Totally fine."

"Daciana? Wait! " Hinabol kami ni Martin kaya naman mas lalo akong nainis.

"Dash, sorry. Hindi ko alam na ganun ang sasabihin ni mommy." Hinawakan ako ni Martin sa braso kaya naman paglingon ko sa kanya ay malakas ko siyang sinampal.

"Oh my ..." Napatakip sa kanyang bibig si Cherry at kita ko rin ang gulat sa mukha ng dalawa ko pang kaibigan..

"Daciana..." Hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Martin.

"I'm Daciana Vittoria Orsini, Martin. Anong karapatan ninyong bastusin ako? Sino ka ba? You're just a Del Mundo guy. I heard that your father wants to be my dad's bussiness partner, " ngisi ko bago muling nagsalita.

"I can ruin you in a snap... Kung gusto mong manatili ang karangyaan sa buhay mo, I'm advicing you to stop messing with me. Mas lalong hindi magugustuhan ng mommy mo kapag mas lalong naging bastos ako. " Malamig na sabi ko bago siya tinalikuran.

"Let:'s go girls." Aya ko sa aking mga kaibigan.

Nang malayo na kami ay malakas na natawa ang tatlo.

"God, you scared him to death! You're really an evil, Daciana! " Hindi mkapaniwalang sabi sa akin ni Janine.

"He deserve it. Anong karapatan niyang ipakilala akong girlfriend sa magulang? Not just that! Gusto pa akong maging yaya ng nanay niya. Unbelievable." Inis na sabi ko.

"Yeah, it's his fault anyway." Kibit balikat na sabi ni Janine.

"Magshopping na nga lang tayo. " Sabi naman sa amin ni Risha.

Hinapon na rin kaming apat sa pagshoshopping kaya naman napagpasyahan na rin naming umuwi.

"Una na ako girls, naririyan na ang sundo ko. Dashi, message me okay? Mamimiss kita." Unang dumating ang sundo ni Risha.

"Yes, Risha. Thank you, ingat ka pag uwi. Okay? " Tumango naman sa akin si Risha at saka nakipagbeso sa akin.

"Bye." Nagpaalam muli siya bago sumakay sa kanyang sasakyan

Sumunod namn na dumating ang sundo ni Cherry kaya namaalam na ito sa amin.

"Okay ka lang? " Malumanay na tanong sa akin ni Janine.

"Sa totoo lang ay hindi, Jane. Tsk, ayokong umuwi kay Lolo pero wala rin akong magawa. Si mommy ay wala na ring magawa sa desisyon ni Daddy." Problemadong sabi ko.

" Isang taon lang naman iyon. Katulad nga ng sabi mo ay hindi na mababali ang desisyon ni Tito. Ikaw naman kasi, palagi kang oo ng oo doon sa dalawa." Natatawang sabi sa akin ni Janine.

" Kilalang kilala mo naman silang dalawa, Ja."

"Yeah. So, paano? Pupuntahan ka na lang namin nila Risha sa hacienda ng Lolo mo kapag bakasyon."

"Yep, see you." Yumakap ako kay Janine. Dumating na rin ang sundo niya kaya naman namaalam na rin ito.

"Don't forget to update me, okay?" Sabi nito sa akin.

"Yeah, bye. Ingat ka, Ja."

Hindi rin nagtagal at dumating na rin ang sundo ko.

"Sorry po ma'am Daciana. Nalate po ako, medyo traffic po kasi." Hinnging paumanhin sa akin ni Kuya Jake.

"Okay lang po. Let's go." Iniabot ko na sa kanya ang mga pinamili ko at saka sumakay sa sasakyan.

Madilim na rin ng makauwi kami at naunang dumating sa bahay si Daddy.

"Wala ka talagang kadala dala, Daciana Vittoria. Ginamit mo pa talaga ang card ng mommy mo para makapagshopping ka." Malamig na sabi sa akin ni Daddy na ngayon ay naghihintay sa sala.

"Sorry, dad. Namaalam lang ako sa mga kaibigan ko. Isa pa, kusa pong ibinigay sa akin ni mommy ang card niya." Malumanay na sabi ko kaya naman napabuntong hininga na lamang si daddy.

"Pinasundan kita, Daciana. Boyfriend mo ba iyong anak ng mga Del Mundo." Natigilan naman ako sa sinabi ni daddy.

"No. He's not. " Umiiling na sabi ko.

"Based on what I heard..." Hindi ko na pinatapos si daddy dahil sa inis.

"Based on what really happened, dad... Nakita kami ni Martin sa restaurant na kinakainan namin kanina. Ipinakilala niya ako sa magulang niya bilang girlfriend, dad. Ni hindi ko nga siya pinapansin sa school. Oo na, dad. Pasaway ako pero hindi ko para patulan ang lalaking iyon. " Seryosong sabi ko.

" Binastos mo raw ang mga magulang niya. Tumawag sa akin ang Mommy niya at isinumbong ang ginawa mo." Tumayo si Daddy para lapitan ako.

"She deserves it! " Inis na sabi ko.

"Daciana Vittoria! "

"What? Totoo naman! Ni hindi nga ako girlfriend ng anak niya pero sinabihan niya ako na dapat marunong ako sa mga gawaing bahay para sa anak niya. Sino ba siya? Gusto pa niyang maging katulong ako ng anak niyang pagbabasketball lang ang alam! Mas nauna niya akong binastos dad! " Napuno na ako kaya naman mabilis akong nagsalita para sagutin siya.

"What? Anong sinabi niya sayo? " Nakakunot noong tanong sa akin ni daddy.

"Dapat daw ay marunong akong magluto at dapat marunong daw ako sa nga gawaing bahay para magustuhan niya ako para sa anak niya. Bakit? Sino ba ang anak niya? He's nothing. Ang sabi ko lang naman sa kanya ay kung matututo man ako ng mga ganung bagay ay para sa sarili ko at hindi para sa ibang tao. Maybe, nabastusan siya dahil sa paraan ng pagkakasabi ko. Nakakairita kasi dad! Si mommy nga hindi mo pinipilit na magluto o kung ano pa man." Maktol ko kay daddy.

"Your mom is a natural." Naiiling na sabi ni daddy.

"Yeah! And you should be thankful for that." Diretsang sabi ko kaya naman natawa na lang si daddy.

"Okay, baby. I'll fix this one because you just protect yourself."

"No need, dad. Nasampal ko na si Martin dahil sa pagiging jerk niya. No need to do anything about this."

"Good girl, he's an asshole. He deserves that , pero walang karapatan ang mommy niya na sabihin iyon sa iyo. "

Oh, good bye Martin. Good bye sa walang kwenta niyong negosyo.

Ngisi ko sa aking sarili.

"Thanks, dad." Yumakap ako kay daddy.

"I just want to protect you. Bati na tayo ngayon pero hindi ibig sabihin noon ay binabawi ko na ang sinabi kong sa probinsiya ka na mag aaral." Napabitaw naman ako kay daddy at napasimangot.

"Dad naman..."

"You need to learn your lesson, Daciana. Here, take this." Iniabot sa akin ni daddy ang isang may kalakihang kahon. Agad ko naman iyong binuksan.

"Oh my god! My car keys! " Napatiling sabi ko.

"Thanks dad, pero bakit may isang susi dito na hindi akin. " Kinuha ko iyon at pinakita kay daddy.

"Ah, that's the key of your new car. Papayagan kitang iuwi ang mga kotse mo sa bahay ng Lolo Isidro mo. Pati na rin ang mga big bikes mo." Natatawang sabi ni daddy sa akin.

Nagdiwang naman ang loob ko dahil sa sinabi niya.

"Oh my god! Thank you so much daddy! I love you, the best talaga kayo ni mommy." Masaya akong yumakap kay daddy. Titiisin ko na lang ang isang school year sa probinsiya nila mommy. Mabilis lamang iyon at kayang kaya ko naman iyon.

"So, bati na kayong mag ama? " Bigla namang pumasok sa sala si Mommy at naiiling na tumawa sa amin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Claimed By The Haciendero   EPILOGUE

    EPILOGUE 3 years later... "Sorry, ngayon lang ulit ako nakadalaw." Matiim akong tumitig sa pangalang nasa lapida. "I know he understands you, Vitto." Marahan akong hinawakan ni Letizia sa aking balikat. Inilapag din niya ang isang pumpon ng bulaklak na dala niya. "Yeah. " Muli akong napatingin sa puntod. Nangilid ang aking luha habang taimtim na nagdasal. "I hope you're happy na... " Sinserong sabi ko. "Vitto, anong sabi ng doctor? Don't stress yourself too much." Paalala sa akin ni Letizia. "I just miss him, Leti. Siya kaya lagi ang kakampi ko kapag inaaway ako ni Kuya Ryker." Natatawang sabi ko habang tumutulo ang luha ko. "Duh! We all miss him, Vitto. Ikaw yata talaga ang favorite niyang apo at hindi si Kuya Ryker." Iling ni Letizia habang natatawa rin. Isidro Collazo. My loving and supportive Lolo... He died last year because of a heart attack. It hurts but wala naman na kaming magagawa. Sabi niya sa akin noon na he's ready naman na. Gusto na rin daw niyang makas

  • Claimed By The Haciendero   Chapter 93

    Chapter 93THIRD PERSON'S POV"Ano pa bang balak mo sa kanya babaeng iyon, Kane? Pwede bang ako na lang ang bahala sa kanya? " Malambing na sabi ni Katalina kay Kane habang papunta sila sa isang silid. "Huwag mo na munang isipin iyon, Katalina. Teka, nasaan na iyong mga tauhan mo? " Napataas naman ang kilay ng dalaga dahil doon. "Baka nasa sala sila. Bakit mo sila hinahanap? " May pagdududang sabi ni Katalina sa binata. Tumigil naman sa paglalakad si Kane kaya natigilan din ang dalaga. Magkaharap sila ngayon na nag uusap."I want to thank them, babe. It's a job well done. Pinadali ninyo ang mga plano ko. Syempre, I want to give them a reward. Ikaw? Ayaw mo ba ng reward? " Masuyong sabi ni Kane sa dalaga at saka sinakop ang bewang nito. " Ka...ne. " halos pa ungol na sabi ng dalaga. Napabuntong hininga na lamamg si Kane dahil doon. " Halika na, bigyan mo muna sila ng pang inom. Hindi ba at nasa iyo ang wallet ko? Hayaan mo na sa iyo iyan, tutal naman kapag mag asawa na tayo ay ib

  • Claimed By The Haciendero   Chapter 92

    Chapter 92"Sigurado ka bang hindi ka magsasampa ng kaso laban kay Katalina? " Tanong sa akin ni Kuya Ryker ng sumunod na umaga. "No, kuya. Mukha anmang hindi na siya hahayaan ng tatay niya na makapanakit ng ibang tao. " Malumanay na sabi ko. "May lakad ka ba ngayon? " "Yeah. May usapan kami ni Kane." Napailing naman sa akin si Kuya. "Okay. Isama mo pa rin si Reiner. Tawagan ninyo ako agad kapag nagkaproblema." Seryosong sabi ni Kuya. "Yes, kuya. Salamat po." Ngiti ko sa kanya."Good morning, Ma'am. Sana po tayo ngayon? " Magalang na tanong sa akin ni Reiner. " Ah, Reiner. May sundo ako ngayon, pwede bang sumunod ka na lang sa amin? "" Oo naman, Ma'am. " Nakangiting sabi sa akin ni Reiner. Maya maya pa ay natanaw ko na rin ang sasakyan ni Kane. Dadalawin namin ngayon si Lolo Domeng at sila Mamà. Napag usapan namin kagabi ang pagbisita sa kanila. " Mukhang okay na po ulit kayo ni Kane, Ma'am. " Nakangiting sabi sa akin ni Reiner. " Yeah, nag usap kami kagabi. Sa tingin mo ba

  • Claimed By The Haciendero   Chapter 91

    Chapter 91Dinala ako nila Mariz sa guest room nila sa second floor. "My god, Kris! I told you not to invite her." Inis na sabi ni Mariz sa kanyang asawa. "I didn't invite her, Babe. Nagulat din ako ng makita ko siya kanina." Napabuntong hiningang sabi ni Kristoff. "Are you okay, Vitto? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital? " Malumanay na tanong naman sa akin ni Kane. "I'm fine, Kane. Maliit na sugat lang ito." "Gosh, mabuti na lang at sumunod kami agad ng mapansin naming ang tagal mong wala." Nag aalalang sabi naman ni Oliver. "Nasaan si Reiner? " Bigla ko namang naitanong. Nakita ko naman ang pagsimangot ni Kane na siyang ikinakunot ng noo ko. "Nasa labas siya, kumukuha ng first aid kit.." Seryoso lang na sagot niya. Napailing na lamang si Mariz. "Are you sure? Ayaw mong magpapadala sa ospital?" Tanong niya sa akin. "No. Okay lang ako." Iling ko. "Tsk, may mga kalmot ka pa. " Hinawakan ni Mariz ang braso ko. "Okay na ako dito. Sige na, baka hinahanap na kayo sa baba." Ma

  • Claimed By The Haciendero   Chapter 90

    Chapter 90Hindi na umalis ang batang si X sa tabi ko. He's name is Xarion, pamangkin siya ni Kristoff sa kanyang mother side. "X, bakit ba hindi ka na umalis sa tabi ng Tita Daciana mo? " Natatawang sabi ni Kris sa bata. Magkakasama kami ngayon sa table at kasama rin namin si Kane. Katabi niya si Kristoff ngayon. "She's my girlfriend, Tito." Proud na sabi ni X, apat na taon na ito. Wala raw ang parents nito kaya ang Tiyahin ni Kris ang nag aalaga sa bata. "Baby Xarion, you're too young to have a girlfriend. Paunahin na muna natin iyong mga malalaki na, baka tumandang binata. " Pabulong na sabi pa ni Mariz sa bata at saka nakangising tumingin sa akin at pagkatapos ay kay Kane." Stop it, Marz. " Banta ko sa kanya. "Lagi ka na lang galit, Daciana. Epekto ba iyan ng patandang dalaga?" Mas lalo pa niya akong inasar. " Talaga ba, Marz? " Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya naman natigilan siya. " Oopsie, tatahimik na nga po." Kunwaring izinipper ni Mariz ang bibig niya. Tuwang tuwa na

  • Claimed By The Haciendero   Chapter 89

    Chapter 89Kinabukasan ay maaga rin akong umalis sa bahay ni Lolo Isidro para sa birthday party ni Timothea. "Alis na po ako." Paalam ko kila Lolo. "Oh! Mag iingat ka, apo. Nasa labas na si Reiner, siya raw ang makakasama mo, sabi ng Kuya Ryker mo. " Ngiti sa akin ni Lolo Isidro. " Okay po, Lolo. Salamat. " Malaki akong ngumiti sa kanya at yumakap. " Inom ka ng meds mo, Lolo. Don't forget, okay? " Paalala ko pa sa kanya na ikinatawa naman niya. " Don't worry, apo. Hindi ko nakakalimutan. " Ngiti niya sa akin. Matapos kong magpaalam ay umalis na rin ako. " Good morning, Ma'am. " Sabi ng isang baritong tinig. " Good morning, too. I'm Daciana. " I smiled. " Aalis na ba tayo? " Seryosong tanong niya. He reminds me of Kane. Tsk, erase! Erase! " Let's go. " Tahimik lamamg kaming nagbyaheng dalawa ng biglang tumunog ang cellphone niya. " Tsk. " Napailing na lamang siya ng ilang beses pang tumunog ang cellphone niya. " Ah, you can answer it muna. Baka importante. " Malumanay na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status