Home / Romance / Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival / Chapter 017: Goodbye, Manila… Goodbye, Elijah

Share

Chapter 017: Goodbye, Manila… Goodbye, Elijah

Author: Alia Ema
last update Last Updated: 2025-12-09 23:07:53
DAHIL sa lakas ng sigaw ni Agatha, napalingon ang halos lahat ng tao sa loob ng hotel lobby. May ibang nag bulungan, may ibang halatang naaliw sa gulo. Ngunit si Bettina, matapos ang limang taong pagtiis sa sakit at pangmamaliit sa kanya, ay hindi na ito natinag pa at nagpatuloy lang sa mga hakbang nito.

Hindi binigyan ni Bettina ng kahit anong atensyon ang boses ni Agatha, na ilang taon ding sumisira sa kanya. Hindi rin niya hinayaang manginig muli ang mga kamay niya kahit pa ramdam niya ang bigat ng ginawa nya rito.

Mas hinigpitan ni Bettina ang paghawak sa handle ng maleta habang patuloy ang paglalakad palabas ng entrance. Paglabas niya ay sumalubong sa kanya ang lamig ng hangin ng gabi, huminga siya nang malalim at itinaas ang kamay upang pumara ng taxi.

“Manong, sa NAIA Terminal 3 po,” mahinahon niyang sabi.

Tumango ang driver. Kaya binuksan ni Bettina ang pinto at nang maisara ito ay biglang naglaho ang ingay mula sa hotel.

Wala na siyang pakialam kung ano pa ang sasabi
Alia Ema

Grabe! Sobrang bigat, huhu.

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Alia Ema
baka nagulat kayo sa biglang palit ng family name ni Bettina. Pinalitan ko ng Walton to Imperial. Sana ma update kaagad :D
goodnovel comment avatar
NessaCastoldiGayla
gumawa ka na naman ng kwento Agatha the bi*ch.........
goodnovel comment avatar
NessaCastoldiGayla
thank you Miss A ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 027: When She Meets Him Again

    “BETTINA…” Maingat ang pagkakasabi ni Regina, ngunit ramdam na ramdam ang pilit na paghinahon niyang binabalot ng pagkairita.“Ikaw talagang bata ka. Bakit ka umalis nang hindi man lang nagpapaalam? Ni hindi mo ako binisita bago ka umalis. Kailan ka ba babalik? Miss na miss ka na ng soon-to-be mother-in-law mo…”Parang may malamig na kamay na humawak sa sikmura ni Bettina. Mother-in-law? Hindi na iyon kailanman mangyayari.Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone, halos mabasag sa bigat ng dibdib niya.Alam niya kung ano si Regina—hindi ito masuyo at hindi kailanman naging mabuti sa kanya. Suwerte na lang kay Bettina kung may araw na hindi siya sinisermonan nito o pinagsasalitaan ng masama. Kung narinig niya ang mga salitang ito noong una ay baka napaiyak pa siya sa tuwa. “Ayos lang po ako, Tita,” malumanay ngunit malayong sagot ni Bettina, halos walang buhay ang boses. “Salamat po sa pag-aalala. Ano po ba ang dahilan ng pagtawag ninyo?”Natigilan si Regina na para bang hindi siya h

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 026: Not His Childhood Sweetheart, Never Was

    HINDI sumuko si Agatha. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at muling tinawagan si Elijah, pilit binubura ang kahihiyan na kanina pa kumakain sa kanya.The number you dialed is not in service. Please try your call later.Isang matinis na sigaw ang lumabas sa kanya. “Ah!” Halos mabitawan niya ang dalang pagkain nang ibinagsak niya ito sa upuan.Naramdaman niyang kumuyom ang mga kamao niya, mahigpit, halos bumaon na ang mga kuko sa sariling palad.“Tsk! Si Bettina talaga! Kahit wala siya rito, ginugulo pa rin niya ang buhay namin!”Pero hindi siya papayag na matalo ng babae na iyon. Hindi ngayon. Hindi kailanman.Kailangan niyang makita si Elijah ngayon, at kailangan niyang manatili sa tabi nito. Kahit anong mangyari.“Bigyan mo nga ako ng kape,” utos niya sa receptionist habang naupo sa sofa na parang siya ang may-ari ng law firm. “Freshly ground. No sugar. No milk.”Sanay na ang mga staff sa ugali ni Agatha. Sanay na sila sa pagdating niya, sa pag-aasta niyang parang fiancée ni Elijah

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 025: Evander’s Hidden Jealousy

    MARAHANG inilapag ni Nelson ang cellphone sa conference table bago siya bumaling sa kanyang mga kasamahan sa legal department upang ipaliwanag ang follow-up details ng settlement agreement.Sa isip niya, desperado lang si Elijah kaya ito nag-reply at nagtanong tungkol kay Bettina. Mas mahalaga pa rin sa kanya ngayon ang problema sa settlement case ng Luxe Sciences — masyado kasing mababa ang hinihingi ng Aleria Legal Group, halos borderline loss na para sa kanila. At higit sa lahat, hindi niya kayang lubos na intindihin kung bakit tinanggap iyon ni Evander nang walang pag-aalinlangan.Habang patuloy siyang nagpapaliwanag, biglang umilaw muli ang cellphone.A new message from Elijah.[Papunta na ako d’yan sa Cebu City!]Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita iyon ni Evander na nakaupo lamang sa tabi ni Nelson. Sa sandaling mabasa niya ang mensahe, parang may kumislot na iritasyon sa mga mata niya. Lalong lumalim ang tingin niya, matalim, mabigat, tila nagbabanta.Dahan-dahang inang

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 024: The Viral Ex-Fiancée

    HINDI agad maigalaw ni Bettina ang katawan niya habang nakatigtig lang siya sa screen ng cellphone ni Fiona. Parang unti-unting lumalabo ang paligid habang binabasa niya ang mga komento sa Facegram post ni Elijah.@isay21: Parang kilala ko ’yan si Bettina no’ng nag-aaral pa ako sa UST!@plxers: Ang alam ko co-founder ’yon ng Castillo Law Firm.@iamjuana: Siya yung babaeng dapat pakakasalan ni Atty. Elijah pero hindi natuloy.@crushkita01: Bakit hinahanap si Bettina? May utang ba ’to kaya tumakas? Hahaha!@j.j.cruz: Grabe naman ang judgemental niyo. Si Atty. Bettina defended me once sa kaso ko at sobrang bait niya.Naramdaman ni Bettina ang unti-unting pag-init ng mukha niya habang binabasa ang mga komento. Nagngingitngit ang panga niya, at hindi niya namalayang nagdidikit na ang mga ngipin niya sa sobrang inis. Gustuhin man niyang murahin si Elijah sa isip dahil sa galit, mukhang wala na siyang lakas para gawin iyon. “Kung makapag-comment sila, para bang kilalang-kilala nila ako,” bu

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 023: The Price of Finding Her

    PAGKATAPOS ma-revise ni Nelson ang settlement agreement ay marahan nang pumirma si Bettina sa huling bahagi ng dokumento. Hinipan pa niya nang mahina ang ibabaw ng papel bago isinara ang folder at binigay sa assistant ni Evander para pirmahan naman ito. Ramdam niya ang unti-unting pagluwag ng dibdib niya, kahit papaano ay may nagawa siyang tama ngayong araw.Si Nelson naman ay napaupo nang bahagya, hinihingal na parang siya ang nakipagdebate kay Evander. “A-Ayos na… sa wakas,” mahina niyang sabi habang inaayos ang laptop at mga papel.Tahimik ang conference room, na tila ba nagbalik ang tunog sa loob matapos lumabas saglit si Evander dahil may kausap ito sa phone. Si Fiona ay abala sa paglalagay ng notes sa binder. Si Bettina naman ay inaabot na sana ang bag niya, handa nang lumabas nang biglang nag-ring ang cellphone ni Nelson sa mesa.Napaangat ang tingin nilang tatlo sa cellphone ni Nelson na nakapatong sa mesa. Umilaw ang screen at dahan-dahan itong umiikot dahil sa vibration.Napa

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 022: The Imperial Ace

    HINDI maigalaw ni Bettina ang sarili niya. Para siyang napako sa kinatatayuan niya nang magtama ang mga mata nila ni Evander Hudson. Ramdam niya ang dahan-dahang pag-akyat ng kaba mula sa sikmura niya hanggang sa dibdib, na para bang ang ingay ng tibok ng puso niya ang tangi niyang naririnig sa buong conference room.Bahagyang tumaas ang dalawang kilay ni Evander, na waring pinagmamasdan siya nang may halong pagsusuri. Nakatingin lamang ito sa kanya, para bang sinasadya nitong hayaan siyang malunod sa tensyon.Napalunok na lamang si Bettina. “O-Opo. Ako nga po si Atty. Bettina Imperial.”Isang mababa at marahang tawa ang lumabas mula kay Evander, iyon ay isang tunog na nakapagpatayo ng balahibo niya.“Hmm. Ikaw nga pala talaga si Atty. Imperial… yung tinatawag nilang ‘Imperial Ace’.”Halos sabay-sabay na napalingon ang lahat kay Bettina saka kumakabog ang pulso sa sentido ng dalaga.Imperial Ace?Hindi niya alam na gano’n pala ang tawag sa kanya sa industriya. Kadalasan kasi, pinepers

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status