Share

Chapter 074: Too Late to Deny

Author: Alia Ema
last update Last Updated: 2026-02-24 06:45:25

MAAGA ang flight ni Hera Imperial mula Davao papuntang Cebu. Nakatingin lang siya sa bintana ng eroplano habang unti-unting lumilinaw ang tanawin ng dagat at ang malaking tulay ng Cebu. Excited na siyang makababa para makita si Bettina.

May dala siyang food box na ang laman ay crab soup at dumplings na ipinagawa niya sa kasambahay nang madaling-araw. Mainit-init pa ito at may usok pa.

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, agad niyang binuksan ang cellphone at tinawagan si Leon.

“Hello, Mom?” sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 077: Stay Away From My Sister!

    Sa Cebu City, Prime Biotech Building—Opisina ng CEO.Katatapos lang ni Evander ng overseas video meeting kasama ang isang client. Halos maubos na ang pasensya niya sa sunod-sunod na negotiation, kaya kinusot niya ang noo, huminga nang malalim, at sumandal sandali sa leather chair.Isang segundo ng katahimikan lang ang hinabol niya—isang sandaling pahinga bago magpatawag ng kape at bumalik ulit sa trabaho.Pero bago pa niya mapindot ang intercom, may biglang ingay mula sa labas.Mabigat at may halong galit na parang may paparating na bagyo.BANG!Isang malakas na dagundong ang yumanig sa pinto ng opisina—sinipa ito mula sa labas at bumukas nang todo. Sumalpok ang pinto sa pader, kumalabog ang buong silid, at tila nag-echo ang tunog hanggang sa dibdib ni Evander.Pag-angat ng tingin niya, nakita niya ang hindi inaasahang bisita—si Leon Imperial. Hindi ito yung Leon na nakikita niya sa corporate events na kontrolado, kalmado at elegante. Ito yung Leon na handang manira. Handang manakit.

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 076: His Soon Brother-In-Law?

    SA Davao Airport, siksikan ang mga tao. Sina Lance at Leon ay magkatabing nakatayo sa labasan ng VIP passage. Matitikas ang tindig ng mag-ama at kapansin-pansin ang dating, kaya’t napapalingon ang mga dumaraan.Naka-dark business suit si Lance Imperial. Kahit hindi nagsasalita, may awtoridad ang presensya niya. Tahimik at matatag ang tingin niya sa direksyon ng labasan.Si Leon Imperial naman ay naka-gray na coat na maayos ang gupit. Kahapon lang din siya umuwi ng Davao para sa isang business meeting. Matikas din ang tindig, pero sa pagitan ng kilay niya’y may bahagyang iritasyon na halos hindi mapansin. Walang malay niyang hinihimas ang susi ng sasakyan sa mga daliri.“Lance! Leon!”Lumabas si Hera Imperial habang tinutulak ang maleta. Halatang-halata ang saya sa mukha niya; malayo pa lang ay kumakaway na siya sa kanila.Lumapit si Lance at kinuha ang maleta ng asawa. “Ikaw talaga. Hindi mo man lang sinabi sa amin. Ba’t bigla kang pumunta ng Cebu? Iniwan mo ako.”Agad na kumapit si H

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 075: The Unexpected Visitor at the Worst Time!

    PARANG nablanko si Bettina nang makita ang presensya ng kanyang ina. Umingay ang tenga niya, at pakiramdam niya’y tinamaan siya ng kidlat sa tuktok ng ulo. Saglit siyang hindi nakapagsalita—nakanganga lang, nakahawak pa sa doorknob, na parang hindi alam kung isasara ba niya ulit ang pinto o patutuluyin ang bisita.Sinipat siya ni Hera mula ulo hanggang paa at bahagyang kumunot ang noo. “Anak, bakit ang taranta mo? Saan ka pupunta at ganyan ka?”“Ah… M-Mom…” pilit na ngumiti si Bettina, pero parang nanginginig pati ngiti niya.Habang nagsasalita, natural na papasok na sana si Hera. Nakataas pa ang isang paa nito para tumapak sa loob, pero biglang nanikip ang dibdib ni Bettina at awtomatiko niyang hinarangan ang pintuan gamit ang katawan—parang pader na biglang tumubo.“Ah, Mom… bibili lang sana ako ng almusal sa baba,” mabilis niyang sabi, sabay pilit na tawa. “Sasama po ba kayo?”Sinubukan pa niyang hawakan ang braso ng nanay niya, para ilayo ito sa loob. Pero imbes na sumunod, tumigil

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 074: Too Late to Deny

    MAAGA ang flight ni Hera Imperial mula Davao papuntang Cebu. Nakatingin lang siya sa bintana ng eroplano habang unti-unting lumilinaw ang tanawin ng dagat at ang malaking tulay ng Cebu. Excited na siyang makababa para makita si Bettina.May dala siyang food box na ang laman ay crab soup at dumplings na ipinagawa niya sa kasambahay nang madaling-araw. Mainit-init pa ito at may usok pa.Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, agad niyang binuksan ang cellphone at tinawagan si Leon.“Hello, Mom?” sagot ni Leon. Mukhang nasa meeting siya dahil seryoso ang boses.“Anak, nasa Cebu na ako! I-send mo nga sa’kin, dali, ‘yung address ni Bettina. Pupuntahan ko siya ngayon. Gusto ko siyang makita.”Masigla ang tono ni Hera, may halong kilig at excitement—gusto niyang sorpresahin ang anak niya.Sandaling natahimik si Leon, tila nag-aalangan. Pero alam niyang hindi niya mapipigilan ang ina.“Mom, bakit bigla kayong pumunta rito? Ba’t hindi niyo na lang sinabi sa amin?”“Kailangan pa bang gawin ‘yon?

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 073: Caught in the Morning

    MAG-AALAS-SAIS na ng umaga nang magising si Bettina dahil sa matinding sakit ng ulo. Mabigat pa rin ang talukap ng mga mata niya. Napaungol siya at pilit na idinilat ang mga iyon. Napansin niyang nasa loob na pala siya ng kuwarto. Hindi niya matandaan kung paano siya napunta roon; ang tanging naalala niya, uminom lang siya ng isang bote ng beer at saka nalasing.Matigas siyang dahan-dahang lumingon.Nakita niya sa tabi ang natutulog na mukha ni Evander!Napakurap siya nang ilang beses, saka napasinghap. Napagtanto niyang hindi pala panaginip ang lahat. Naagaw ang atensyon niya nang mapansin ang mapulang marka sa leeg nito.Wala siyang maalala—blangko ang lahat. Ngunit ilang sandali pa, pira-pirasong alaala ng kagabi ang biglang rumagasa sa isip niya.No’ng kumain sila at uminom ng beer kasama ang dalawa niyang assistant…No’ng biglang dumating si Evander at kinarga siya na parang prinsesa para sunduin—at kung paano siya nangulit dito habang nasa biyahe sila…No’ng kinulong siya ng dala

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 072: The Second Time Was Wilder

    Warning: SPG!NAKAHIGA lang si Bettina saka tiningnan niya nang maigi si Evander at pagkatapos ay ngumiti.“Hindi ko alam kung totoo ba ‘tong nararamdaman ko. Pero… nagugustuhan na kita. Ehe.”Nanlaki ang mata ni Evander nang marinig ‘yon. Napalunok siya at dahan-dahang nilapit ang mukha niya kay Bettina hanggang sa dumapo ang mga labi niya dito.“Mm…”Sa una, dampi lang—parang sinusukat niya kung hanggang saan ito papayag. Pero unti-unti, lumalim at umiinit ang halik ni Evander, mas nagiging determinado, mas nagiging mapang-akit. Napasinghap si Bettina, at kusang napahawak sa damit nito.Natigilan si Evander, gusto sana niyang ihinto ang nararamdaman niya dahil lasing si Bettina. Pero bigla na lang kumilos si Bettina at bumaligtad, at ito naman ang nasa ibabaw. “Huwag kang umalis…” bulong niya.Napalunok at mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi nagtagal, si Bettina na mismo ang humalik kay Evander, pababa hanggang kinagat niya nang kaunti ang leeg nito. Napasinghap si Ev

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status