共有

Chapter 088: Leon Turns Dark

作者: Alia Ema
last update 公開日: 2026-03-23 14:18:15

Mabilis na lumunok si Leon. Parang may bumara sa lalamunan niya. Gusto niyang magsalita, pero biglang bumalik sa isip niya yung mga alaala na matagal na niyang tinatago—at parang sinasakal siya ng bigat nito. Mga alaalang marumi, nakakaduwal, at sapat para masunog ang natitira niyang katinuan.

Ano bang sasabihin niya sa ama? Na nagkukunwari lang si Evander? Na matagal na nitong tinitingnan si Bettina? Na may masama itong balak sa pamilyang Imperial? Na yung taong mukhang disente sa harap ng ib
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 094: Prime Biotech Fall?

    Alas-singko na ng hapon. Hindi na umuulan, pero basa pa rin ang kalsada sa labas. Kumikinang ang mga ilaw ng siyudad sa mga bahaging may tubig. Sa law firm, sobrang tahimik dahil nagsiuwian na ang mga empleyado. Nakauwi na si Fiona at yung receptionist, at walang tao sa open office area. Isang ilaw na lang ang nakasindi—yung sa opisina ni Bettina.Nag-aayos si Bettina ng mga case file sa mesa, pero halatang wala sa ayos ang isip niya. Malinaw na rinig yung lagaslas ng papel sa katahimikan. Paminsan-minsan, napapatingin siya sa cellphone niyang nakapatong sa tabi—tahimik, walang message ni walang tawag.Alas-singko y medya na ngunit hindi pa dumating si Evander. Wala ring paliwanag. Walang text. Walang tawag.Nagtataka si Bettina dahil napaka-unusual iyon. Si Evander kasi yung tipong taong kapag may sinabi, tutuparin. Kapag sinabing susunduin ka, susunduin ka. At kahit may aberya, magsasabi ito.Kaya imbes na gumaan ang loob ni Bettina dahil nga ayaw niyang makita ito, mas lalo siyang

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 093: The Counterstrike

    Buong araw at magdamag ang ulan sa Cebu. Pagbalik ni Bettina sa law firm niya, basa pa ang manggas ng blouse niya, at ramdam niya pa rin yung lamig ng hangin sa balat. Kakahubad pa lang niya ng coat nang biglang tumakbo si Fiona papunta sa kanya, hawak ang isang manipis na brown envelope, halatang kabado.“Attorney! Naku, may problema!”Napakunot-noo si Bettina at kinuha ang sobre. Magaan at manipis ito, isang papel lang ang laman. Pagbukas niya, nanigas ang kamay niya.SUBPOENAPlaintiff/Complainant: Agatha RamosNature of Case: Defamation (Civil Action for Damages)Napatitig si Bettina sa papel. Sa sobrang inis, napatawa siya na may halong lamig sa boses. “Ako? Idedemanda niya ako?”Namula sa galit si Fiona. “Ang kapal ng mukha! Siya na nga yung gumawa ng kaguluhan,tapos siya pa yung magdedemanda! Ang claim niya, sinira mo raw pangalan niya kasi sinabi mo sa public na ‘may kaso’ siya at ‘involved sa krimen’.”Dahan-dahang bumigat ang tingin ni Bettina habang nakatitig sa pirma ni Ag

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 092: There’s No Cure for Regret

    “Ha… ano’ng sinabi mo?” Paos na paos ang boses ni Elijah, parang basag ang lalamunan niya sa kaba. “Sinong… sinong mag-e-engage kay Bettina? Kanino?”Nagulat si Jiro sa reaksyon niya. Parang may bumagsak sa sikmura niya sa takot. “H-hindi… Elijah, hindi mo alam? Malapit na ang engagement nina Bettina at si Evander. Kumakalat na ’yon sa business circle… next month na raw ang kasal nila…”Nakita ni Jiro kung paano namutla si Elijah sa isang iglap, yung tipong parang naubos ang dugo sa mukha nito. Nanigas ang panga, nanginginig ang labi, at sa mata niya, may halong gulat at hindi ito matanggap.“That’s impossible!” biglang tumayo si Elijah. Sa sobrang bigla ng paggalaw niya kaya natumba ang ashtray sa mesa. Kumalat ang mga upos at abo sa sahig.“Ako ang gusto niya… paano siya makikipag-engage sa iba?!” sigaw ni Elijah, pero mas tunog desperado, parang siya mismo ang pinipilit maniwala sa sinasabi niya.Tama, si Bettina ang may gusto sa kanya pero limang taong nakalipas iyon. Limang taon

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 091: Who’s getting engaged? To Whom?!

    Nakakagulat kung gaano kabilis umusad ang paghahanda sa engagement nina Bettina at Evander. Parang isang iglap lang, meron na agad design ng invitation card, may tumitingin na ng venue, may gumagawa na ng menu para sa reception, at halos lahat ng kailangan, parang naka-line up na. Nakatitig si Bettina sa makapal na folder na dala ng mommy niyang si Hera Imperial na puno ng schedule at listahan ng mga kailangan para sa engagement, at doon na siya tuluyang hindi nakatiis. Sinubukan niyang lumaban sa huling pagkakataon.“Mom,” maingat niyang simula, bahagyang kunot-noo, “parang… ang bilis yata? Kami ni Evander… we actually…”“Actually what?” tinaas ng mommy niya ang tingin, halatang nagtataka.Huminga nang malalim si Bettina.“Actually, hindi ko naman siya gano’n kagusto, Mom. Puwede bang… pag-isipan pa natin ’to? Baka puwede pang ipagpaliban ang engagement?”Natigilan si Hera sandali, tapos napatingin siya sa anak na parang hindi makapaniwala. Ilang segundo lang, saka siya napairap at t

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 090: Let’s Ruin the Engagement

    Nasa loob ng Maybach si Leon at halos madurog na niya ang manibela sa higpit ng hawak. Litaw ang ugat sa kamay niya, at ramdam sa panga niya ang pagpipigil—yung tipong isang maling salita lang, sasabog na siya. Habang binabaybay niya ang tahimik na kalsada, bumibigat lalo ang dibdib niya. Sa isip niya, paulit-ulit ang pangalan ni Bettina, at sa bawat ulit, kasabay ang mukha ni Evander—yung lalaking ayaw niyang mapalapit sa kapatid niya kahit kailan. Ilang sandali, bigla niyang binagalan ang takbo. Kumayod ang gulong sa kalsada at tumili ang tunog bago tuluyang huminto sa harap ng isang exclusive villa—isang lugar na iilan lang ang nakakaalam at bihirang puntahan ng kahit sino.Maliwanag ang ilaw sa loob ng villa, pero may lamig sa aura nito—parang may katahimikang may itinatago. Kumatok si Leon. Hindi nagtagal, may kasambahay na lumabas at magalang siyang pinapasok.“Good evening po, Sir Leon,” bati ng maid.Tumango lang si Leon at dumiretso sa loob. Pagpasok niya, bumungad ang malak

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 089: Her first real kiss!

    Sa loob ng greenhouse, napaatras si Bettina sa flower rack, at wala na siyang mapupuntahan. Nasa harap niya si Evander, nakatitig sa kanya.“Why are you hiding?” tanong ni Evander. Dahan-dahang hinawi ni Evander ang nagkakalat na buhok ni Bettina sa mukha. Pero yung simpleng kilos na iyon ay sapat na kay Bettina para manginig at kabahan.Biglang namula ang mga pisngi ni Bettina. Sinubukan niyang ilayo ang tingin kay Evander ngunit hinawakan ng lalaki ang baba niya. “Evander…”Nagulat si Bettina sa ginagawa ni Evander, kaya mas lalong kumabog nang mabilis ang puso niya. “Kakaalis lang ng lolo mo, h’wag kang magulo.”“Magulo?” ulit ni Evander, may bahagyang ngiti. Lumapit pa siya nang kaunti—sakto lang para maramdaman ni Bettina yung init ng hininga niya. “Paano mo nasabing magulo?”Yumuko si Evander, inilapit ang mukha. Dumampi ang mainit niyang hininga sa sensitibong gilid ng tenga at leeg ni Bettina, at para bang sinadya niyang bagalan ang bawat segundo. “Bettina,” bulong niya, mab

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 031: Her Unexpected Savior

    ABALA pa rin si Bettina sa paghahanap ng ebidensya mula sa iba’t ibang sulok ng nightclub. Ngunit dahil sa kapansin-pansin niyang kagandahan, mabilis niyang nakuha ang atensyon ng mga lalaking lasing sa paligid.Nagkatinginan ang grupo ng mga kalalakihan at maya-maya’y pinalibutan nila si Fiona. Is

    last update最終更新日 : 2026-03-23
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 030: Phantom Nightclub

    Aleria Legal GroupKAHIT na masakit pa rin ang pinagdaraanan ni Bettina, kailangan pa rin niyang kumayod para mapalago ang law firm.Sa ngayon, may bagong kaso silang hinaharap. Isang maliit na local fashion design company ang inakusahan ng plagiarism ng isang malaking kompanya. Habang nire-review

    last update最終更新日 : 2026-03-22
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 027: When She Meets Him Again

    “BETTINA…” Maingat ang pagkakasabi ni Regina, ngunit ramdam na ramdam ang pilit na paghinahon niyang binabalot ng pagkairita.“Ikaw talagang bata ka. Bakit ka umalis nang hindi man lang nagpapaalam? Ni hindi mo ako binisita bago ka umalis. Kailan ka ba babalik? Miss na miss ka na ng soon-to-be mothe

    last update最終更新日 : 2026-03-22
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 034: An Invitation She Couldn’t Refuse

    KINABUKASAN, bandang alas-tres ng hapon, ay nakatanggap ng email si Bettina mula kay Ashwin. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang CCTV footage na may kasamang audio recording—malinaw na ebidensyang magpapatunay na kagagawan ng Silver Couture ang pag-frame up sa kanyang kliyente. Matibay at s

    last update最終更新日 : 2026-03-23
続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status