Share

Chapter 087: The Scar Near His Heart

Author: Alia Ema
last update publish date: 2026-03-23 14:17:37

Mabilis na inalis ni Bettina ang tingin niya. Sobrang init ng pisngi niya at hindi na niya magawang sumulyap pa kay Evander. Parang nabu-buhol ang dila niya sa kaba.

“Kuya… o-okay lang ako… may nakita lang akong malaking ipis, nagulat ako… tumakbo na siya. A-ano… may ginagawa pa ako dito, busy ako… mamaya na lang, ha. Bye…”

Hindi na niya hinintay pang sumagot si Leon kaya agad niyang binaba ang tawag.

Pagkatapos, humarap si Bettina kay Evander at halos pasigaw na sinabi, “Evander! B-bakit naghu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
delia homo
naku leon wag k ng kontrabida
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 098: Playing with Fire

    Biglang bumigat ang dibdib ni Bettina. Kitang-kita niya kung paano umiwas ng tingin ang lalaki, at may kutob siyang hindi ito nagsasabi ng totoo.Hindi ba’t akala niya mortal enemies ang dalawa? Pero kapag may mga tanong na kailangang sagutin, pareho silang umiiwas. Pareho silang may itinatago. Ano ba talaga ang pinagtatakpan nila? Ano ang ayaw nilang sabihin sa kanya?Napansin ni Evander na biglang natahimik si Bettina. Ngunit sa paraan ng pag-ikot ng mga mata nito at sa bahagyang pagkunot ng noo, halatang abalang-abala ang isip ng dalaga. Hindi ito naniwala. Sa halip na mainis, tila mas naaliw pa siya.May sumilay na munting ngiti sa gilid ng kanyang labi.Walang babala, iniabot niya ang kamay niya sa dalaga. Mainit ang dulo ng kanyang mga daliri nang marahan niyang hawakan ang baba ni Bettina at bahagyang itaas iyon para mapatingin sa kanya.“Ano ang iniisip mo?” malambing na tanong ni Evander.Dahan-dahang humaplos ang hinlalaki niya sa panga ni Bettina.Sa simpleng dampi na iyon,

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 097: Thank you, Misis ko

    “Evander Hudson?” gulat na sambit ni Leon. Biglang dumilim ang mukha niya. Kumunot ang noo at halatang nainis. “Anong ginagawa mo dito?”Kalmadong pumasok si Evander sa sala, may bahagyang ngiting hindi mo malaman kung nagbibiro ba ito o kung inaasar siya. “Pasensya na, President Imperial. Mukhang nadismaya kita.”Lalong kumunot ang noo ni Leon. Sa isang iglap, may pumasok na ideya sa isip niya—at biglang siyang namulta sa gulat. Itinuro niya si Evander, halos kinakagat ang mga salita. “Ikaw… si Felix Stewart… kayo…”Ngumiti lang si Evander, hindi siya tumango, hindi rin tumanggi. Pero sapat na ’yon para maintindihan ni Leon ang lahat.Kumilos nang mabilis ang dibdib ni Leon sa inis. Galit na tumindig siya. Lumabas na rin ang ugat sa sentido niya habang nakatitig kay Evander na parang gusto niyang lamunin nang buhay ito. Ilang segundo pa, saka niya sinabi, nanginginig sa inis ang boses habang nagkikiskisan ang mga ngipin: “Gano’n… ang galing mo. Ang lupit mo, Evander.”Pagkatapos, bi

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 096: Give me the reason!

    Gumalaw ang labi ni Leon, parang ilalabas na niya yung matagal niyang kinikimkim—pero napaatras siya sa huling segundo. Nilunok niya ulit.Hindi puwede. Hindi niya kayang sabihin ’yon.Dahil kapag sinabi niya… si Bettina ang masasaktan.Ilang sandali pa bago siya muling nakapagsalita. Mababa ang boses niya, halos parang nakikiusap.“Bettina… maniwala ka naman sa’kin. Kahit ngayon lang. Kahit isang beses lang. Please?”Napapikit si Bettina. Eto na naman. Ganyan lagi si Leon—may sikreto, may tinatago, tapos ang gasgas na linyang para daw sa ikabubuti niya.“Kuya, hindi na nga ako bata.”“Bettina—”Pero pinutol ng dalaga agad. Malamig na ang dibdib niya. “Kung ayaw mong sabihin, ako na lang ang maghahanap. Ako na lang ang mag-iimbestiga.”Pagkatapos, tumalikod si Bettina at dali-daling lumabas ng greenhouse. Malakas niyang sinara ang pinto.Naiwan si Leon sa loob. Napapikit siya, nilunok yung bigat sa lalamunan na may halo ng inis at frustrasyon, kasi wala siyang magawa.***Sumakay ng e

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 095: Don’t Marry Him

    “Don’t worry, Bettina…”Nang makita ni Sebastian na mabigat pa rin ang loob ni Bettina, bahagya siyang natawa dahil sanay na siya sa ganitong gulo. “Nasa imbestigasyon lang siya ngayon. Hindi naman siya pinapahirapan ng FDA—maayos ang tulog at kain niya do’n. Ang wala lang sa kanya ngayon ay ang kalayaan.”Humigpit ang boses ng matanda. “Para na rin ’yang leksyon sa kanya. Masyado siyang naging kampante. Ang bilis kasing umangat ng negosyo niya, kaya akala niya kaya na niya mag-isa. Hindi niya nare-realize, maraming nakaabang para ibagsak siya. Sa dami ng nakaaway niya, hindi na dapat siya magtaka kung bakit may gustong gumanti at manira.”Napakuyom si Bettina. “Pero, Lo…” nanginginig nang bahagya ang boses niya, “paano kung… kung napagbintangan lang siya? Paano kung wala naman siyang kasalanan?”Tumingala si Sebastian. Yung mga mata niya at talagang sanay na sa ganitong klase ng usapan. “Kung ganon,” sabi niya, kalmado, “eh ’yon ang tadhana niya.”Tadhana?Isang salita lang, pero pa

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 094: Prime Biotech Fall?

    Alas-singko na ng hapon. Hindi na umuulan, pero basa pa rin ang kalsada sa labas. Kumikinang ang mga ilaw ng siyudad sa mga bahaging may tubig. Sa law firm, sobrang tahimik dahil nagsiuwian na ang mga empleyado. Nakauwi na si Fiona at yung receptionist, at walang tao sa open office area. Isang ilaw na lang ang nakasindi—yung sa opisina ni Bettina.Nag-aayos si Bettina ng mga case file sa mesa, pero halatang wala sa ayos ang isip niya. Malinaw na rinig yung lagaslas ng papel sa katahimikan. Paminsan-minsan, napapatingin siya sa cellphone niyang nakapatong sa tabi—tahimik, walang message ni walang tawag.Alas-singko y medya na ngunit hindi pa dumating si Evander. Wala ring paliwanag. Walang text. Walang tawag.Nagtataka si Bettina dahil napaka-unusual iyon. Si Evander kasi yung tipong taong kapag may sinabi, tutuparin. Kapag sinabing susunduin ka, susunduin ka. At kahit may aberya, magsasabi ito.Kaya imbes na gumaan ang loob ni Bettina dahil nga ayaw niyang makita ito, mas lalo siyang n

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 093: The Counterstrike

    Buong araw at magdamag ang ulan sa Cebu. Pagbalik ni Bettina sa law firm niya, basa pa ang manggas ng blouse niya, at ramdam niya pa rin yung lamig ng hangin sa balat. Kakahubad pa lang niya ng coat nang biglang tumakbo si Fiona papunta sa kanya, hawak ang isang manipis na brown envelope, halatang kabado.“Attorney! Naku, may problema!”Napakunot-noo si Bettina at kinuha ang sobre. Magaan at manipis ito, isang papel lang ang laman. Pagbukas niya, nanigas ang kamay niya.SUBPOENAPlaintiff/Complainant: Agatha RamosNature of Case: Defamation (Civil Action for Damages)Napatitig si Bettina sa papel. Sa sobrang inis, napatawa siya na may halong lamig sa boses. “Ako? Idedemanda niya ako?”Namula sa galit si Fiona. “Ang kapal ng mukha! Siya na nga yung gumawa ng kaguluhan,tapos siya pa yung magdedemanda! Ang claim niya, sinira mo raw pangalan niya kasi sinabi mo sa public na ‘may kaso’ siya at ‘involved sa krimen’.”Dahan-dahang bumigat ang tingin ni Bettina habang nakatitig sa pirma ni Ag

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 064: The Real Reason Why Leon Doesn't Like Evander

    GAYA ng inaasahan ni Bettina, hindi simpleng hapunan ang nagaganap sa gabing iyon. Habang magkakasalo sila sa mesa, malinaw na malinaw na sinusubukan siyang itugma ng pamilya kay Stephen Laurent.Maayos magsalita si Stephen—matalino, kalmado, at marunong makipag-usap sa mga nakatatanda nang hindi ma

    last updateLast Updated : 2026-03-31
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 061: Let’s go home, Bettina

    “KUYA…” mahina niyang sabi, halos hindi marinig. “Gutom na ako. Hindi pa kasi ako kumakain simula kanina…” Hindi naman nagsisinungaling si Bettina. Totoong gutom siya—pero aminado rin siya sa sarili niya na ginamit niya ’yon para kumalma ang kuya niya. Kasi kung makikipagmatigasan siya kay Leon, al

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 057: Leon can’t beat me

    Tahimik na nakasunod sina Fiona at Bettina habang naglalakad sila ni Evander Hudson papunta sa VIP lane. Hindi masyadong nagsasalita si Bettina. Sa totoo lang, hindi niya rin alam kung anong dapat sabihin dahil iniisip niya si Elijah. “Let’s go. Boarding na,” mahinahong sabi ni Evander.Tumango si

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 063: A News He Couldn’t Ignore

    MAS malaki at mas marangya ang mansyon ng pamilyang Hudson kumpara sa pag-aari ng pamilyang Imperial. Malawak ang bakuran nito, maayos ang pagkakagupit ng damuhan, at ang mansyon mismo ay halatang sagisag ng yaman at kapangyarihang naipon ng pamilya sa paglipas ng mga taon.Isang itim na Rolls-Royce

    last updateLast Updated : 2026-03-31
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status