Share

CHAPTER 2: WRONG DOOR

Author: Vaelentin
last update publish date: 2026-09-08 19:17:47

Ivy

Hawak ang manibela, hindi ko alam kung saan ako dinadala ng aking mga paa at ng patuloy na pag-andar ng kotse. Bawat ilaw ng poste na dumadaan sa aking bintana ay nag-iiwan ng malabong bakas dahil sa luhang muling nagbabadyang pumutok sa aking mga mata.

Boring. Banal. Ginagamit lang.

Ang mga salitang iyon ni Lance ay paulit-ulit na pumutok sa aking utak na parang lason. Sa buong buhay ko, pilit kong ginawa ang lahat nang tama. Naging mabuting anak, naging top student, naging perpektong girlfriend na hindi gumagawa ng anumang gulo. At ano ang nakuha ko? Naging katawa-tawa ako sa mata ng lalaking pinaglaanan ko ng tatlong taon ng buhay ko.

Nang maramdaman ko ang matinding sakit sa aking dibdib, itinabi ko ang kotse sa harap ng isang gusaling may kumukutitap na madilim na pulang ilaw: The Black Velvet.

Isang eksklusibong VIP lounge at underground club para sa mga mayayaman, pulitiko, at makapangyarihang tao sa lungsod. Alam ko ang reputasyon ng lugar na ito—puno ng mga taong may maitim na lihim. Dito hindi nag-e-exist ang batas ng korte.

Ito ang perpektong lugar para sa akin ngayong gabi. Dahil ayaw ko nang maging mabait. Ayaw ko nang maging legal. Gusto kong makalimot.

Pumasok ako sa loob. Salungat sa maingay at pader-pader na tugtugan sa mga karaniwang bar, ang The Black Velvet ay may mababang jazz music, amoy ng mamahaling tabako, at may malamig at misteryosong kapaligiran. Umupo ako sa isang bakanteng stool sa mismong bar counter.

"Isang bote ng pinakamatapang na tequila. No ice, no lemon," bungad ko sa bartender.

Nagtaas ng kilay ang bartender habang nakatitig sa akin—siguro dahil nakasuot pa rin ako ng pormal na black blazer at pencil skirt mula sa aking mock trial. Pero wala akong pakialam. Inihapag niya ang bote at ang shot glass sa harap ko.

Nilagok ko ang unang shot. Gumapang ang matinding init mula sa aking lalamunan patungo sa aking tiyan. Napapikit ako habang lumalabas ang matapang na amoy ng alak.

Kasunod ang ikalawa. Ikatlo. Ikaapat.

Sa bawat lagok, nararamdaman ko ang dahan-dahang pagluwag ng mahigpit na buhol sa aking dibdib. Ang kontrol, lohika, at disiplina na maingat kong itinayo bilang isang Law student sa loob ng maraming taon ay dahan-dahang nababasag at natutunaw.

Nang halos kalahati na ng bote ang aking naiinom, nagsimulang umikot ang buong paligid. Ang mga ilaw ay naging malabo at ang amoy ng alak ay nagpalutang sa aking isip. Ramdam ko ang matinding init sa aking mga pisngi at ang pagkabigat ng aking mga talukap.

Kailangan kong magbawas ng init at mag-ayos sa banyo.

Bumaba ako sa stool. Bahagyang sumuray ang aking mga hakbang habang nakahawak sa pader. Nilakad ko ang isang madilim na pasilyo sa likod ng bar. Sa dulo ng pasilyo, may nakita akong dalawang malalaking p***o na gawa sa maitim na mahogany wood. Dahil sa labis na kalasingan at kawalan ng malinaw na paningin, pumasok sa utak ko na ito na ang comfort room.

Pinihit ko ang brass na hawakan at tuloy-tuloy na pumasok nang walang katok.

"Gusto ko lang namang mag-ayos..." bulong ko sa aking sarili habang isinasara ang p***o sa aking likod.

Ngunit salungat sa inaasahan kong banyo, walang sink o salamin sa aking harap.

Pumasok ako sa isang malawak at dimly lit na executive office suite. Amoy lumang leather, mamahaling bourbon, at may kakaibang amoy ng usok at pulbura.

Sa gitna ng silid ay may isang malaking mahogany desk. Sa ibabaw nito ay nakabukas ang dalawang kulay itim na briefcase—ang isa ay puno ng makakapal na bundle ng dolyar, habang ang isa naman ay naglalaman ng mga brick ng kulay puting pulbos. Katatapos lang ng isang napakalaking underground transaction.

At sa likod ng desk, nakatayo ang isang matipunong lalaki na kasalukuyang isinusuot ang kaniyang dark tailored suit jacket.

Napatigil ang lalaki sa kaniyang pag-aayos ng kaniyang cuffs. Dahan-dahan siyang humarap sa akin.

Nang maglapat ang aming mga mata, tila biglang tumigil ang ikot ng mundo.

May taglay siyang napakalakas, malamig, at nakatatakot na awra. Ang kaniyang mga balikat ay malapad, matipuno ang kaniyang built, at ang kaniyang mukha ay tila lilok ng matigas na marmol—may matatalim na panga at mga matang kulay abo na tila nakikita ang pinakamalalim mong lihim sa isang tingin lang.

May dalawang bodyguard sa gilid na mabilis na humawak sa kani-kanilang mga baril na nakatago sa ilalim ng kanilang coat nang makita ako, ngunit itinaas lamang ng lalaki ang kaniyang kamay—isang simpleng galaw upang patigilin sila.

"Lumabas kayo," malamig at baritonong utos ng lalaki.

Mabilis at tahimik na lumabas ang dalawang bodyguard, isinara ang p***o at naiwan kaming dalawa sa gitna ng nakalulunod na katahimikan.

Bahagya siyang naglakad palabas mula sa likod ng desk at sumandal doon, nakatitig sa akin habang nakatitlop ang kaniyang mga braso sa dibdib. Walang bahid ng pagnanasa sa kaniyang mukha—puro autoridad, pagninilay, at malamig na kalkulasyon.

"Mali ang pintong pumasukan mo, Miss," marahang pahayag ng lalaki. Ang boses niya ay mababa at malalim. "Hindi ito ang banyo."

Sumuray ako nang bahagya habang nakatitig sa kaniya. Dahil sa alak at sa matinding emosyong nagwawala sa aking dibdib, hindi ako nakaramdam ng takot. Sa halip, napalitan ito ng isang kakaibang tapang.

"Alam ko..." sagot ko habang pinipilit na tumayo nang straight.

Isang kilay ang dahan-dahang itinaas ng lalaki. "Lasing ka. Lumabas ka na bago ko pa tawagin ang mga tauhan ko para kaladkarin ka palabas."

Ang kaniyang pagiging kontrolado at pagiging pormal ay lalong nagpa-igting sa emosyong pumupuno sa akin. Lumapit ako sa kaniya—bawat hakbang ko ay mabigat at puno ng kalasingan, hanggang sa tumigil ako sa mismong harap niya.

Inangat ko ang aking mukha para tignan siya.

"Sa buong buhay ko, naging maayos ako. Naging perpekto. Pero ginawa lang akong tanga. Gusto ko lang makalimot... kahit ngayong gabi lang."

Pumatak ang aking mga luha matapos kong sabihin iyon. Lahat naman ginawa ko para sa aming dalawa ni Lance.

Nakita ko ang bahagyang pagbabago sa mga mata ng lalaki. Tinitigan niya ang luha sa aking pisngi, at dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang kamay. Gamit ang kaniyang hinlalaki, dahan-dahan niyang pinunasan ang aking luha.

"Gusto mong makalimot?" mahinang tanong niya, ang boses niya ay parang bulong ng isang gabi. "Sigurado ka ba na ako ang gusto mong gamitin para doon? Dahil kapag ako ang pumasok sa buhay mo… walang atrasan ‘to."

Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Inabot ko ang kaniyang suit jacket at dahan-dahan siyang hinila pabaon sa akin.

"Yes, claim me, Mister," sagot ko.

Doon na dahan-dahang nawala ang malamig na pader ng lalaki. Sa halip na maging agresibo, iniyakap niya ang kaniyang malaking braso sa aking baywang upang alalayan ako, bago niya dahan-dahang inangkin ang aking mga labi sa isang malalim, matimpi, ngunit puno ng pagnanasang halik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Claimed by My Ex's Billionaire Stepfather   CHAPTER 34

    IvyTahimik at napakamalamig sa loob ng armored Rolls-Royce habang binabagtas namin ang kalsada patungo sa napakalaking mansyon ni Vlad. Binalot kami ng napakabigat na katahimikan, ngunit ang tensyon sa loob ng sasakyan ay halos magpabigat sa aking paghinga at magpaatras sa aking lakas.Nakatabi ako kay Vlad sa malawak na leather seat habang nakabalot pa rin sa kaniyang mamahaling suit coat at sa makapal na comforter mula sa aking apartment. Nakatingin si Vlad sa labas ng bintana, ang kaniyang panga ay nakatagpo at nanginginig sa matinding galit na pilit niyang pinipigilan at kinokontrol. Ang kaniyang malalaking kamay na nakapatong sa kaniyang hita ay nakakuyom pa rin nang napakahigpit—ang kaniyang mga knuckles ay mayroon pa ring mga bakas ng tuyong dugo at pasa mula sa mukha ni Lance.Kitang-kita ko kung gaano pa rin kalaki ang galit na nag-aapoy at kumukulo sa loob ng kaniyang buong sistema.Huminga ako nang malalim, pilit na kinalma ang aking panginginig, at sinubukang buuin ang ak

  • Claimed by My Ex's Billionaire Stepfather   CHAPTER 33

    IvyNakahiga ako sa kama, pilit na ibinabalot ang aking mga nanginginig na braso sa aking punit-punit na blouse habang nanginginig nang husto ang buo kong katawan. Umiiyak ako nang marahas, halos hindi makahinga dahil sa matinding takot, hiya, at trauma na halos lumamon sa aking katinuan ilang segundo lang ang nakalipas. Naaamoy ko pa rin ang amoy ni Lance at naramdaman ko pa rin ang marumi niyang hawak sa aking balat.At doon ko siya nakita. Si Vlad.Mabilis siyang lumapit sa akin at lumuhod sa gilid ng aking kama. Ang kaniyang nakakatakot at nakakamamatay na mukha ay biglang lumambot nang tumingin siya sa aking mga mata. Mabilis niyang hinubad ang kaniyang mamahaling suit coat at mabilis na ibinalot ito sa aking nanginginig na mga balikat upang ikubli ang aking nakalantad na balat. Hindi pa siya nakuntento; inabot niya ang makapal na comforter mula sa gilid ng kama at ibinalot din ito sa akin, pilit akong ikinukubli at itinatago mula sa malamig na hangin at sa maruming alaala ng gin

  • Claimed by My Ex's Billionaire Stepfather   CHAPTER 32

    "Konting-konti na lang, Ivy... magiging akin ka na ulit. Babalik sa akin ang lahat," pabulong kong asik sa gitna ng aking mabigat at mabilis na paghinga.Nanginginig ang aking mga daliri habang marahas kong ibinababa ang zipper ng aking sariling pantalon. Ang utak ko ay wala na sa katinuan, nilalamon ng desperasyon at baluktot na pagnanasa. Sa bawat segundo na lumilipas, napakaraming nakakabaliw na kaisipan ang dumadaloy sa aking ulo. Naisip ko na kapag nakuha ko na ang katawan ni Ivy ngayon, wala nang magagawa si Dad. Kapag dumanak ang marka ko sa kaniya, magiging marumi na siya sa paningin ni Dad at hindi na siya tatanggapin nito bilang kabit o espesyal na babae. Mawawalan ng interes si Dad sa kaniya! At sa oras na mangyari iyon, mapipilitan si Dad na ibaling ulit ang pansin sa akin. Ako lang ang kaniyang legal na anak at tagapagmana. Babalik ang pera ko, ang reputasyon ko, at ang dating buhay na nawala sa akin sa loob lamang ng isang araw dahil sa babaeng ito."Akin ka lang, Ivy! A

  • Claimed by My Ex's Billionaire Stepfather   CHAPTER 31

    VladimirNakatayo ako sa gilid ng aking armored Rolls-Royce Phantom, nakatingala at nakatitig sa bintana ng ikalawang palapag ng lumang apartment building kung saan nakatira si Ivy.May mga pambihira at importanteng papeles ng aming mga negosyo sa abroad na kailangang-kailangan kong pirmahan sa headquarters, at may mga pagpupulong din ako sa mga matataas na opisyal ng gobyerno na naghihintay sa akin ngayong hapon. Ngunit hindi ko magawang pumasok sa sasakyan at umalis. May isang kakaiba, mabigat, at hindi maipaliwanag na pakiramdam na patuloy na gumugulo sa aking sistema habang nakatayo ako sa malamig na kalsada. Isang matinding pagnanasa na makita ang kaniyang mukha, na maamoy ang kaniyang pamilyar at nakakahumaling na amoy ng vanilla, at masiguradong ligtas ang aking maliit na ibon sa loob ng kaniyang pugad."Don Vladimir," mahinang bati ni Asher habang nakatayo sa aking tabi, hawak ang kaniyang tablet at may earpiece sa kaniyang tainga. "The security detail stationed nearby reporte

  • Claimed by My Ex's Billionaire Stepfather   CHAPTER 30

    Ivy"IVY!"Isang marahas at nakakabinging sigaw ang umalingawngaw sa buong silid kasabay ng mabilis at galit na paglabas ni Lance mula sa ilalim ng kama.Napasigaw ako sa matinding gulat at mabilis na tumalikod para tumakbo patungo sa pintuan ng apartment, ngunit mas mabilis at mas malaki ang kaniyang mga hakbang. Bago ko pa man maihakbang ang aking mga paa palabas ng aking bedroom, naramdaman ko ang isang malakas at matigas na kamay na sumunggab sa aking buhok at brutal akong hinila pabalik sa loob ng silid."Aahh! Lance, bitawan mo ako! Tulong!" sigaw ko sa gitna ng matinding sakit habang pilit na kumakawag at sinusubukang isaksak ang hawak kong matulis na ballpen sa kaniyang braso.Ngunit parang nababaliw na si Lance at wala nang nararamdamang sakit. Pinalo niya nang malakas ang aking wrist dahilan upang mabitawan ko ang ballpen at tumalsik ito sa malayo sa ilalim ng cabinet. Isang marahas na tulak ang ginawa niya sa akin patungo sa kama. Humampas ang likod ko sa matigas na kutson

  • Claimed by My Ex's Billionaire Stepfather   CHAPTER 29

    IvyNakahinga ako nang maluwag nang tuluyan akong makababa mula sa sasakyan at makapasok sa tahimik na hallway ng aking apartment building. Pagkatapos ng napakahaba at nakakapagod na araw sa unibersidad, pati na rin ang nakakasakal at nakakatakot na eksena kay Lance kanina sa harap ng maraming tao, ang tanging gusto ko na lang ay ang magpahinga, uminom ng mainit na tsaa, at mag-aral ng aking mga leksyon sa Criminal Law.Inilabas ko ang aking mga susi mula sa loob ng aking handbag habang dahan-dahang naglalakad sa dimly lit na pasilyo patungo sa aking pinto. Ngunit bago ko pa man maipasok ang susi sa keyhole, biglang napahinto ang aking mga paa.Bahagyang nakasara ang pinto, ngunit hindi ito nakalock nang maayos—may manipis na siwang sa pagitan ng pinto at ng frame. Ang maliit na potted plant sa tabi ng pinto, kung saan ko palihim na itinatago ang aking ekstrang susi para sa mga emergency, ay bahagyang nausog mula sa orihinal nitong pwesto at may kaunting lupang natapon sa semento.Kum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status