Se connecterTo everyone reading this: I hope you're doing okay today. Thanks for spending time with my story.🌼❤
KESHA POVHindi maiwasang pagmasdan ni Kesha ang ma-muscle na katawan ng binata. Naroon pa rin ang sakit sa pagitan ng kanyang mga hita. Bahagya siyang napalunok, nang bumaling ng tingin si Gustavio sa kanya.“Donʼt fall in love with me, Kesha . . . kung ayaw mong masira ang buhay mo,” walang pusong sambit sa kanya ni Gustavio. Mahigpit namang niyakap ng dalaga ang kumot na bumabalot sa kanyang katawan. Ang punit na damit na inihagis sa kanya ng binata ay tila basahang nagmarka sa gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Hindi niya napigilan ang luhang pumatak sa kanyang mga kamay. Tahimik. Walang ingay. Hindi man takot, ngunit ayaw niyang ipakitang mahina siya. “Hindi mangyayari ʼyon!” matapang niyang sagot kay Gustavio. “At kailanman hindi ako iibig sa isang katulad mong hangal!” Napataas ang gilid ng labi ng binata. Humarap siya sa dalaga. At mahigpit niyang hinawakan ang ibabang mukha nito. “Hangal?” Humigpit ang hawak niya, napadaing ito sa sakit. “Last night, you were begging for
(R-18)Ilang sandali lang ang nakalipas, ngunit bakas ang marka sa kanang leeg ni Kesha. Pinipigilan niya ang takot at panghihina na kanyang nararamdaman. Alam niya sa sarili na hindi dapat iyon nangyari. Parang puno ng sabik ang mga labing bahagya niyang kinagat. Nang maalala ang namagitan sa kanila ni Gustavio. Hanggang ngayon ay gising siyang binabangungot ng mga halik na iyon. “Your mine, Kesha . . .” salitang muling nag-uulit sa kanyang isipan. Sa katabing bahagi niya, naroon si Gustavio. Mahimbing na natutulog. Pero, bakit may kirot siyang naramdaman, nang titigan niya ang buong mukha nito. Ang malantik na pilik mata, matangos na ilong at magandang labi na kanyang nakikita. Subalit, napakunot-noo siya. Nang tawagin siya nito na inaanak, habang binabangungot. Paano nga ba mangyayari iyon, kung ni minsan sa kanyang pagkabata ay hindi man lang niya ito nakilala? Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakatabi nito. Hindi para tumakas, kundi para pag-isipan ang mga susunod niyang hakbang.
GUSTAVIO POVTahimik na nakamasid sa kapirasong papel si Gustavio. Ilang dokumento na rin ang mga iniayos niya bago mabuo ang kanyang mga plano. Ang kompanyang sa matagal na panahon na niyang iniingatan. Nakayukong pumasok ang kanyang sekretarya na si Lucy, habang dala ang ilang mga papeles na kailangan niya. Hindi man lang siya tumingin. Kundi abala ang mga mata niya sa pangalang nakalimbag sa kontrata. “Mr. Sebastian. Heto na po ang mga dokumento.” “Leave it on the desk,” utos niya. Malamig at malumanay, pero may bigat na hindi kayang suwayin sa salitang pinakawalan niya. “At Huwag kang babalik hanggaʼt hindi kita tinatawag.”“M-masusunod po, Mr. Sebastian,” wika ng sekretarya niya, saka ito dali-daling lumabas. Halos hindi mawala sa isipan ni Gustavio ang dalagang magsisilbing daan sa mga balak niya. Bahagya niyang hinaplos ang pangalan ni Kesha sa papel. Parang dasal o sumpa ito sa kanya. Hindi niya alam. Ngunit, nakararamdam siya ng init sa kanyang katawan. “Twenty years,” bu
Malakas na buhos ng ulan ang nagpagising kay Kesha. Habang ang hampas ng puting kurtina mula sa pinto ng balkonahe ng silid niya ang saksi sa malamig na hanging dumadampi sa kanya. Bahagya siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Suot niya ang manipis na asul na bistida na bumagay sa kanyang maputing balat.Agad niyang hinawakan ang kanyang ulo nang maramdaman ang matinding kirot. “A-ang sakit . . . nasaan ba ako? At kaninong silid ba ito?” sunod-sunod niyang tanong sa sarili habang dahan-dahang inaaninag ang mga mamahaling muwebles sa loob nito.Hanggang sa mapansin niya ang pinto ng balkonaheng nagbibigay liwanag sa kanyang paligid. Kirot ang naramdaman niya sa kanyang mga paa, ngunit pilit niya itong iginalaw nang maramdaman ang malamig na sahig. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa nakabukas na sliding glass door nito. Dampi ng hangin ang agad na bumungad sa kanya, habang sa ʼdi kalayuan ay natatanaw niya ang malalakas na alon ng dagat na walang tigil sa paghampas sa
Alas nuebe na ng gabi nang dumating sila sa mansion. Galit na galit si Don Ramon dahil wala siyang nagawa para malaman kung sino ang kumuha sa kanyang anak. He felt depeated. Iyon ang mas ikinagalit niya nang mamatay ang matandang lalaki. “Wala kayong utak! Hinayaan niyo lang silang makatakas.” Sabay hampas nito sa ibabaw ng lamesa. Bakas pa rin ang galos at ilang dugong nagmarka sa kanya. “Honey . . .” malambing na tawag ng kanyang asawa. “Ang mahalaga ay nakaligtas tayo sa mga taong ʼyon. Pʼwede pa naman tayong gumawa ng paraan para mahanap siya.”Mistulang sarado ang isip ni Don Ramon. Hindi siya makapapayag na basta na lang mawala ang kanyang anak. Mabilis niyang hinawi ang mga kamay ng kanyang asawa. “Pinahiya niya tayo, Papa. Lalo na ngayon patay na ang matandang ʼyon. Matapos ang lahat ng ginawa ninyo para sa kanya, ganito pa ang isinukli niya. Hindi dapat siya hinahayang makalayo.”Lalong nagdilim ang mukha ni Don Ramon sa mga narinig. Mabilis niyang dinampot ang baso ng al
“Bitawan niyo ako!” “Hanggang kailan ka ba magiging matigas ang ulo, Kesha?!” “Please, ayokong ikasal sa kanya. Lahat gagawin ko para sa inyo papa.”Malakas muling sampal ang natanggap ni Kesha sa kanyang ama. Habang nakatitig lang ang kanyang inang tila may ngiti sa mga mata nito. “Kesha. Kung marunong ka lang makinig. Hindi ka sana masasaktan ng ganyan. Dinamay mo pa ang salot mong kaibigan,” galit na sambit ni Irish. “Baliw ka na ba? Best friend ko sʼya. Wala siyang kasalanan dito.”“Pasalamat ka pa nga at buhay pa siya.”“Papa, please. Mahal niyo naman ako ʼdi ba?”“Ngunit, kailangan kong gawin ito para sa ʼyo. Sige na. Dalhin niyo na siya. At sumunod ka na lang para hindi ka nasasaktan.”Ipaglaban man ng dalaga ang sarili niya ay wala siyang magagawa. Sa tapat ng pinto ng simbahan ay unti-unti itong bumukas sa kanyang harapan. Ngunit, bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya, nang walang kahit na sinong lalaki sa dulo ng altar. Tanging mga nakaitim na tauhan at kanyang ama an
“From now on! Magpapakasal ka sa lalaking ʼyon sa lalong madaling panahon,” galit na sambit ni Don Ramon sa kanyang anak. Tila sakluban ng langit at lupa naman si Kesha sa bawat salitang narinig niya sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwala na ipagkakasundo siya sa lalaking ni minsan ay hindi man l







