LOGIN
“From now on! Magpapakasal ka sa lalaking ʼyon sa lalong madaling panahon,” galit na sambit ni Don Ramon sa kanyang anak.
Tila sakluban ng langit at lupa naman si Kesha sa bawat salitang narinig niya sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwala na ipagkakasundo siya sa lalaking ni minsan ay hindi man lang niya nakilala. “Papa!” sigaw niya kay Don Ramon. “Pakiusap. Ayokong magpakasal sa kanya. Hindi baʼt si Ate Irish ang gusto ninyong ipakasal sa lalaking ʼyon?” “Sino ba ang masusunod sa ating dalawa, ikaw ba o ako? Maraming kailangang gampanan ang ate mo para sa kompanya.” Malakas na paghagulhol ng dalaga ang tanging naririnig sa loob ng mansion. At walang pagdadalawang-isip si Kesha na lumuhod sa harapan ng kanyang ama. Ngunit, ang bawat paliwanag at pagmamakaawa niya ay tila hindi nakakaapekto kay Don Ramon. “Bukas na ang nalalapit mong kasal. Ayusin mo ang ʼyong sarili. Ayokong mapahiya ako sa kanya.” “Mas mahalaga pa rin talaga ang pera nʼyo kaysa sa sarili ninyong anak!” pangangatwiran ng dalaga. Malakas na sampal ang naramdamang kirot ni Kesha mula sa kanyang ama. Ni hindi siya makapaniwala na ganoon na lamang kadaling ipagkasundo siya sa isang lalaki. “Kesha . . . Sundin mo na lang ang ʼyong ama. Wala ka ring magagawa kung tatangihan mo ang gusto niya. Kalagayan mo lang din ang iniisip namin,” wika ng kanyang inang nakikiusap sa kanya. “Kalagayan ko? Dinaig ko pa ang isang hayop na basta nʼyo na lang ipagkanulo sa iba! Hindi ko naramdaman na naging anak nʼyo ako.” Galit na lumapit muli sa kanya si Don Ramon. At mahigpit siyang hinawakan sa braso. “Kapag hindi mo sinunod ang gusto ko, pagsisihan mong naging anak pa kita! Ito lang ang isa sa mga pabor nagagawin mo sa pamilyang ito. Kaya habang anak kita . . . ako pa rin ang mag-de-desisyon sa buhay mo.” Walang nagawa si Kesha at patakbo niyang tinungo ang kanyang silid. Halos doon niya ibinuhos ang bawat sakit na nararamdaman niya. Yakap-yakap ang unan na nagsisilbing pananggalang sa kanyang pag-iyak. Ilang oras nang nababalot ng katahimik ang silid niya. Buhat nang siya ay makatulog sa kama. Ngunit, isang malakas na alarm clock sa katabing bedside table niya ang kanyang narinig. Napabalikwas siya ng bangon. Subalit napansin niya ang pagpihit ng serradura ng pinto. Muli siyang nahiga at nagkunwaring natutulog. Ramdam niya ang bawat hakbang papalapit sa kanya. Hanggang sa mahinang bulong sa kanyang tainga ang nagsalita. “Kahit kailan ay mahina ka pa rin pagdating kay Papa. Palibhasa'y masyado kang mabait at sunod-sunuran sa kanya. Kung sabagay, deserve mo namang hindi maging masaya.” Lihim na pagkuyom ng kanyang kamay ang naging ganti niya sa kanyang kapatid. Noon pa man ay inggit at galit ang pinakikita nito sa kanya. Kasunod ng paglabas ni Irish ng silid, matapos sabihin ang mga salitang iyon. Tanging buntong-hininga ang pinakawalan ni Kesha. Kailangang makagawa siya ng paraan, upang hindi matuloy ang pagpapakasal niya sa binatang hindi niya man lang nakilala. Dahan-dahan siyang tumayo sa pagkakahiga. At nagsimulang kunin ang isang maletang nakatago sa kanyang kabinet. Lahat ng damit niya ay isa-isa niyang kinuha at isinilid sa loob. Saka niya itinago sa ilalim ng kanyang kama. Agad niyang tinawagan ang matalik niyang kaibigan na si Lorie. “Kesha?” sagot ni Lorie sa kabilang linya ng telepono. “Bukas ang araw ng kasal ko. Tulungan mo akong makatakas.” “A-anong sabi mo? I-ikakasal ka bukas. S-sino? Nakilala mo na ba sʼya?” sunod-sunod na tanong ng kanyang kaibigan. “H-hindi. Hindi ko alam kung sino sʼya? Bastaʼt sa Casa Fernando mansion tayo magkita. Gawin mo ang lahat Lorie para makapasok ka.” “Sige, ako na ang bahala. Magtiwala ka lang Kesha.” *** Tulalang pinagmamasdan ni Kesha ang salamin sa kanyang harapan. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot dahil ilang oras na lang ay nalalapit na ang kanyang kasal na kinatatakutan niya. Bahagya niyang pinunasan ang kanyang mga luha. At pilit na itinatago ang lungkot sa mga mata. “Kesha. Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Lorie. “Hindi tama ʼto. Ayokong magpakasal, Lorie,” naiiyak na sambit ni Kesha. Mahigpit na hinawakan ni Lorie ang kanyang mga kamay. “Paano kung mahuli tayo? Paano kung ipahanap ka ng Papa mo?” Muling ibinaling ni Kesha ang tingin sa salamin na tila saksi sa lahat ng kanyang pinagdaraanan. Mula sa labas ng kanyang silid ay naririnig niya ang masayang tugtog ng musika, habang ilang personal na tauhan ng kanyang ama ang mahigpit na nagbabantay sa kanya. “Tutulungan kita, Kesha. Pero kailangan nating mag-ingat. May alam akong daanan sa likod ng mansion na ito. Doon tayo maaaring makatakas.” “Lorie. Hindi tayo basta makalalabas sa silid na ʼto.” “Ako ang bahala. Bastaʼt dito ka lang. Kapag binigyan kita ng senyas, dumeretso ka na sa likod ng mansion. Bilisan mo lang dahil bawat segundo ay mahalaga.”Marahang tumayo si Kesha mula sa kanyang kinauupuan at unti-unting lumapit sa katabing pintuan ng silid. Dahan-dahang binuksan ni Lorie ang pinto. Bumungad sa harapan ni Lorie ang isa sa mga personal na assistant ni Don Ramon. Magsasalita na sana si Lorie, nang bigla siyang tanungin ng mga ito.
“May problema ba? Nasaan si Señorita Kesha?” “Si Don Ramon po kasi may problema raw sa mga bisita sa ibaba. H-huwag kayong mag-alala. Lalabas na rin si Señorita Kesha.” “P-problema?” tanong ng lalaking salubong ang kilay na nakatigtig sa kanya. “I-iyon ang sabi ni Don R-Ramon.” “Isa ka lang hamak na make-up artist—” Napahinto sa pagsasalita ang lalaki, nang biglang sumagot ang dalaga. “Ang seryoso mo naman, sir. Bilin kasi sa akin ni Señorita Kesha na sabihin sa inyo,” nakangiting sagot ni Lorie. Isang sensyas mula sa kamay ni Lorie ang naging dahilan sa paglabas ng silid ni Kesha. Suot ang kanyang wedding dress ay maingat na bumaba ang dalaga ng kabilang hagdan. Tanging malakas na kabog ng kanyang dibdib ang bawat minutong inilalaan niya palabas ng mansion. Saka patakbong sumunod ang kanyang matalik na kaibigan. “Sigurado ka ba na rito ang daan? Baka makita tayo ng ilang tauhan ni Papa.” “Bago pa man ako umakyat sa silid mo. Nagtanong na ako sa mga crew at staff na naririto sa Casa Fernando mansion. Ang sabi nila may exit na gate ito sa likod. Malapit sa simbahan kung saan ka ikakasal. Ang problema lang ay masyadong matataas ang talahib ng damo. Feel ko mas nakakatakot ang tuklaw ng ahas, Kesha.” “Lorie . . . ang importante sa akin ay makatakas sa lugar na ʼto.” “Bilisan na natin, Kesha. Mas nakakatakot kapag nahuli tayo ng mga tauhan ng papa mo.” Sa paglabas nila sa likod ng gate ng mansion. Bumungad sa paningin nila ang ilang tauhan na nagkalat sa labas ng simbahan. Habang nakikita nila si Don Ramon na nakasandal sa itim na sasakyan. “Konti na lang Kesha. Makakalabas na tayo sa lugar na ito.” “Salamat, Lorie sa tulong mo.” “Mamaya ka na magpasalamat, kapag nakaalis na tayo rito.” Subalit isang magkasunod na putok ng baril ang kanilang narinig sa ʼdi kalayuan. “Subukan nʼyong tumakas. Kung ayaw mong iputok ko ang baril na ito Kesha sa ulo ng kaibigan mo!” malakas na sigaw ni Irish sa kanyang kapatid. Napalingon silang dalawa sa kanilang likuran. At mula sa malayong puwesto ng gate ng mansion. Isang 9mm na baril ang hawak ni Irish. “Shet! Paano na tayo ngayon, Kesha?” “Iligtas mo na ang sarili mo, Lorie. Ayokong mapahamak ka ng dahil sa ʼkin.” “P-pero, Kesha. Sabay tayong aalis sa lugar na ito!” “Makinig ka, Lorie . . . baka nga tadhana ko na ʼto. Umalis ka na habang may pagkakataon pa.” Matapang na itinaas ni Kesha ang kanyang dalawang kamay sa harap ng kanyang kapatid. “P-pumapayag na akong magpakasal. Huwag mo lang saktan ang kaibigan ko!” “Ibang klase ka talaga, Kesha. Nasaan ang tapang ng loob mo para tumakas?!” “Ibaba mo na ʼyan, Irish. Please, parang-awa mo na!” “Sige na. Kunin na ninyo ang babaeng ʼyan at dalhin sa loob ng simbahan. Bantayan siyang mabuti, kung ayaw niyong isa-isa kong ipuputok ang mga balang ito sa mga ulo ninyo.” “Kesha!” sigaw ni Lorie. “Manahimik ka!” Sabay hampas ng lalaki ng baril sa ulo ni Lorie dahilan upang mawalan ito ng malay. “Lorie!” sigaw at pagpupumiglas ni Kesha. Habang ang mga ngiti ng kanyang kapatid ay tila tagumpay para sa kanya. “Magbabayad ka, Irish!” “Ikaw ang kabayaran at hindi ako!” Kahit kailan ay hindi ni Kesha kayang pigilan ang naisin ng kanyang magulang. Ngunit sa dulo ng gilid ng simbahan isang misteryosong lalaki ang nakatitig sa kanya. “Nahanap din kita,” bulong niya sa hangin. Hawak ang isang lumang litratong kanyang pinakatitigan. “Panahon na para singilin ko ang utang ng ama mo, inaanak.”Dalawang linggo ang lumipas. Wala pa ring balita si Jake at Lorie sa kalagayan ng kanilang kaibigan na si Kesha. Batid niya na hindi ganoon kaligtas ang kalagayan ng dalaga dahil sa maselang pagbubuntis nito. Kahit ang ilang nagtatrabaho sa farm ay hindi rin inakala ang mga nangyari sa kanila.“I told you befero, Jake. Dapat kasi sinunod mo na ang sinabi ko.”“Hindi mo siya kilala. Gagawin niya ang lahat para lang makita si Kesha. Ngayon pa na mayroon siyang dahilan.”“Sabihin mo nga sa akin. Ano bang dahilan ni Gustavio at ganoon na lang ang galit niya sa kaibigan ko.”“Sa ngayon wala pa rin akong alam. Ngunit, ilang araw na ring hinahanap si Kesha ng kanyang pamilya.”“Si Don Ramon ba? Hindi ligtas si Kesha sa kanila. Ako pa nga ang tumulong para lang siya ay makatakas noon. Isa pa roon ay ang taksil niyang kapatid na si Irish. Hanggang ngayon ay pinipilit nilang ipakasal si Kesha sa matandang mayaman na ʼyon.”“Matandang mayaman?” seryosong tanong ni Jake kay Lorie. “Hindi mo alam
Ito na siguro ang oras. Iyon ang nagdidikta sa isipan ni Kesha. Binuksan niya ang kabinet. Puno ito ng mga magagandang damit. Hindi niya batid na magkasama sila ngayon ni Gustavio, sa isang kʼwarto. Pumasok muli sa isip niya ang mga gabing nangyari sa kanilang dalawa. Bakit pakiramdam niya ay hindi lang iyon sa napilitang sandali? Kundi dala ng bawat emosyon sa pagitan nilang dalawa. Ang pagtitig sa kanya ni Gustavio, na parang hindi siya nito kayang saktan. May pag-iingat, may pagsusumamo sa kanya. Ngunit, hanggang panaginip lang at panandalian ang lahat ng iyon. Ayaw niyang maniwala sa pusong alam niyang bumabaliktad sa bagay na hindi naman dapat.Tahimik lang si Kesha na nakamasid sa bintana. Malakas ang hangin. Ramdam din niya ang lamig nito. Tanaw niya sa hindi kalayuan ang mga kumikinang na ilaw. Hudyat na malapit na ang pasko. Napangiti si Kesha. Hinawi niya ang manipis na kurtinang puti na sumasangga sa kanya. Ngunit sa pagtingin niya sa ibaba. Hindi niya inakalang pinagmamasd
Mag-alas dose na nang gabi ay wala pa rin si Gustavio sa mansyon. At hanggang ngayon inaalala pa rin ni Kesha ang kanyang mga kaibigan. Lumapit siya sa isang kasambahay. Ngunit walang kahit na anong salita ang lumabas sa mga bibig nito. Paulit-ulit man ang mga tanong ni Kesha, tungkol kay Gustavio. Tikom ang mga bibig nito para sa binata. Malalim ang pinakawalan niyang paghinga. Tila ba hindi niya gusto ang mga nangyayari. Kahit telepono ay kinuha rin sa kanya ni Gustavio. No calls or any contact sa lahat ng kanyang mga kaibigan.“Wala bang sinabi si Gustavio sa inyo, bago siya umalis?”“Ang tanging sinabi lang niya ay huwag kitang hahayaang umalis dito sa mansyon. Pero, kung tungkol sa mga kaibigan mo. Wala akong alam, hija.”“S-salamat po. P-pasensya na po kayo,” sagot ni Kesha sa matanda kahit mautal-utal pa siya.“Kilala ko na ang batang iyon mula pagkabata. Mabait naman siya at may sariling desisyon sa buhay. At alam kong mahal ka niya at may nararamdaman din siya para sa ʼyo. Min
Bakas pa rin sa katawan ni Jake ang ilang natamo niyang sugat dahil sa mga tauhan ni Gustavio. Ilang beses ba naman silang lagyan ng lubid ang kanilang mga kamay. Nabaling ang tingin niya kay Lorie na pilit kumakawala sa kanyang pagkakatali. “Jusko! Paano na tayo makakawala sa lugar na ʼto?” nag-aalalang tanong ni Lorie habang nakatali pa rin ang mga paa nito. “Wala talagang utak ang lalaking ʼyon!” sagot naman ni Jake. “Bakit ba hindi mo pagsabihan ang kaibigan mo? Kaibigan mo ba talaga siya? Bakit niya ito ginagawa sa atin? Jusko! Ni minsan sa buhay ko, hindi ko pinangarap ang mamatay.”Hindi napigalan ni Jake ang ngumiti kay Lorie. “Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para mabuhay ka.”“Huwag kang baliw. Tulad ng kaibigan mong halimaw. Bakit kasi hindi mo agad sinabi ang totoo sa lalaking ʼyon? Eh, ʼdi sana hindi tayo humantong sa ganitong bagay.”Hindi na nagsalita si Jake. At pinagmasdan ang bawat pasilyo ng lumang bahay. Ngunit bumungad sa kanilang harapan si Gustavio
“Let me go, Gustavio!” Iyon ang nararamdaman ni Kesha sa bawat mahigpit na hawak sa kanya ng binata. Sa pagbaba pa lamang niya ng sasakyan. Hindi niya napigilan ang makawala sa mga bisig nito. Daig pa niya ang isang manikang hindi makagalaw sa pagkakahila sa kanya. “Shut up! Kung ayaw mong magsisi sa huli!” “Magsisi? Buong buhay ko, pinagsisihan kong nakilala kita . . .”“Nagpapasalamat naman ako dahil ikaw ang nakilala ko . . .” seryosong sambit ni Gustavio. Hindi siya tigilan nito, hanggaʼt hindi nila nararating ang kanilang silid. Pagpasok pa lang nila ng mansyon. Parang nanumbalik ang lahat kay Kesha. Ang gabing nagkaroon ng pagitan sa kanilang dalawa. Ngunit hindi maaaring malaman ni Gustavio ang lihim niyang itinatago. Iyon ay ang kanyang pagbubuntis. Tiniis niya ang kirot na kanyang nararamdaman. Hanggang sa marating na nila ang silid ni Gustavio. Pagpasok pa lang niya sa loob. Amoy na niya ang pabangong halos dumikit na sa kanyang katawan. Ang halimuyak na tila may kung an
Maagang nagising si Kesha. Bahagya pa niyang kinusot ang kanyang mga mata. Pero ang katahimikan na kanina lang niya naramdaman ay napalitan ng ilang alingawngaw sa labas. Agad siyang bumangon. At mabilis na binuksan ang pintuan ng kanyang silid. Nagtungo siya sa kuwarto ni Jake. Subalit, wala ito roon. Hanggang sa magkakasunod na putok ng baril ang mas nagpakaba kay Kesha. Naalala niya ang kanyang kaibigan na si Lorie. “Lorie . . .” sambit niya sa pangalan ng kanyang kaibigan. Pagtungo niya sa kabilang silid. Nagkalat ang ilang mga papel. At sa palagay niya ay mga dokumento ni Lorie. Kahit ang bag nito ay hindi rin nakaayos. Napahawak siya sa kanyang dibdib. At napasandal siya sa wall mula sa katabing pinto nito. Kahit saan dumako ang tingin ni Kesha ay hindi niya makita ang kanyang kaibigan. “A-ray!” biglaan niyang sigaw at paghawak sa kanyang tiyan. Para siyang nakaramdam ng pananakit. Ngunit, nagpatuloy pa rin si Kesha sa paghahanap. Suot pa niya ang manipis na puting telang bum
“Bitawan niyo ako!” “Hanggang kailan ka ba magiging matigas ang ulo, Kesha?!” “Please, ayokong ikasal sa kanya. Lahat gagawin ko para sa inyo papa.”Malakas muling sampal ang natanggap ni Kesha sa kanyang ama. Habang nakatitig lang ang kanyang inang tila may ngiti sa mga mata nito. “Kesha. Kung
GUSTAVIO POVTahimik na nakamasid sa kapirasong papel si Gustavio. Ilang dokumento na rin ang mga iniayos niya bago mabuo ang kanyang mga plano. Ang kompanyang sa matagal na panahon na niyang iniingatan. Nakayukong pumasok ang kanyang sekretarya na si Lucy, habang dala ang ilang mga papeles na kail
Malakas na buhos ng ulan ang nagpagising kay Kesha. Habang ang hampas ng puting kurtina mula sa pinto ng balkonahe ng silid niya ang saksi sa malamig na hanging dumadampi sa kanya. Bahagya siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Suot niya ang manipis na asul na bistida na bumagay sa kanya
Alas nuebe na ng gabi nang dumating sila sa mansion. Galit na galit si Don Ramon dahil wala siyang nagawa para malaman kung sino ang kumuha sa kanyang anak. He felt depeated. Iyon ang mas ikinagalit niya nang mamatay ang matandang lalaki. “Wala kayong utak! Hinayaan niyo lang silang makatakas.” Sa







