ANMELDENGUSTAVIO POV
Tahimik na nakamasid sa kapirasong papel si Gustavio. Ilang dokumento na rin ang mga iniayos niya bago mabuo ang kanyang mga plano. Ang kompanyang sa matagal na panahon na niyang iniingatan. Nakayukong pumasok ang kanyang sekretarya na si Lucy, habang dala ang ilang mga papeles na kailangan niya. Hindi man lang siya tumingin. Kundi abala ang mga mata niya sa pangalang nakalimbag sa kontrata. “Mr. Sebastian. Heto na po ang mga dokumento.” “Leave it on the desk,” utos niya. Malamig at malumanay, pero may bigat na hindi kayang suwayin sa salitang pinakawalan niya. “At Huwag kang babalik hanggaʼt hindi kita tinatawag.” “M-masusunod po, Mr. Sebastian,” wika ng sekretarya niya, saka ito dali-daling lumabas. Halos hindi mawala sa isipan ni Gustavio ang dalagang magsisilbing daan sa mga balak niya. Bahagya niyang hinaplos ang pangalan ni Kesha sa papel. Parang dasal o sumpa ito sa kanya. Hindi niya alam. Ngunit, nakararamdam siya ng init sa kanyang katawan. “Twenty years,” bulong niya sa sarili. “Dalawampung taon kitang hinintay.” Bahagya siyang napasandal sa exclusive chair na kanyang kinauupuan. Tumayo siya. Kinuha ang kontrata at agad na lumabas ng kanyang opisina. Sa paglabas niya ng kompanya. Isang malakas na buhos ng ulan ang nagpahinto sa kanya. Bahagya siyang tumingin sa kalangitang unti-unting nagdidilim. Seryoso ang mukha. At naroon pa rin ang galit sa pusong hindi kailanman nawawala. Napakuyom ang kanyang kamao. At tanging buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Humakbang siya pababa ng hagdan. Walang payong. Walang pakialam sa ulang bumabalot sa kanya, habang basa ang mamahaling suit niya. Pero wala siyang maramdaman kundi ang apoy na gumagapang sa ugat niya. Dinukot niya sa bulsa ang car keys na kanina pa niyang dapat ginawa. Mabilis siyang sumakay at padabog na sinara ang pinto. Walang hinto ang bagsak ng ulan sa windshield, pero mas maingay ang puso niya. Ito na ang katuparan ng lahat na hinahangad niya. Hustisya na noon pa dapat niya isinakatuparan. “Your daughter is mine now,” he whispered. Nang maalala niya ang lalaking nagbigay kadiliman noon sa kanya. “You took everything from me,” gigil niyang sambit. “Now Iʼll take everything from you.” Sa isang madilim na lugar ng private marina, huminto ang kanyang sasakyan. Naroon ang yateng may pangalang Elizabeth. Bumaba siya. Huminto si Gustavio. At basa ang kontratang hawak niya sa kamay. Tinitigan niya ang pangalan ng yate. “Twenty years, Elizabeth,” bulong niya. “Twenty years I kept your name on this yacht.” Bahagya niya itong hinaplos. At dumaloy ang simpleng ngiti sa mga labi niya. Ngiting punong-puno ng lason. Binuhay niya ang makina. At nagsimulang nagliwanag ang paligid. Bawat alon na kaniyang binabangga ay parang puso niyang binabasag ng paulit-ulit. Nang marating niya ang Isla De Gustavio. Muli siyang natigilan. Tumingala siya sa mansion na kaniyang natatanaw. Sa pinakamataas na bintana, may ilaw. Alam niyang naroon ang babaeng kanina pa niya gustong makita. “S-Señorito!” tawag ni Aling Tasing, nang makita siya sa labas ng mansion. “Kanina pa po ba kayo riyan?” Seryoso ang mukha ni Gustavio. Saka ito nagsalita. “Where is she?” “S-sheʼs in her room, Señorito. Hanggang ngayon ay hindi pa siya kumakain. Buong araw siyang nasa silid lang, tulad ng sabi niyo sa akin.” “Good. Broken toys are easier to ruin,” sagot ni Gustavio. Agad siyang umakyat ng silid, kung saan naroroon si Kesha. Gustavio opened the door. Walang puso. Kundi galit lang ang umiiral sa kanya. Nakita niya ang dalaga. Nakahiga sa malambot na kama. At nakasuot ng asul na bistida. Pagkagulat ang nagrehistro sa mukha ni Kesha. “S-sino ka?!” kinakabahan niyang tanong sa lalaking nasa kanyang harapan. Lumapit si Gustavio. Basang-basa. Hawak ang basang kontrata na tumutulo pa sa marmol na sahig. Tinitigan niya si Kesha. Mula ulo hanggang paa. At ngumisi siya. Ngiting hindi para sa kanya. “Sino ako?” ulit niya. “You donʼt remember me?” Inihagis ni Gustavio ang basang kontrata sa paanan ng kanyang kama. “Youʼre the payment.” Napaatras si Kesha sa kama. Kinakabahan. Takot sa ipinakikita sa kanya ng binata. “A-anong payment? Hindi kita kilala! Tulong!” Walang emosyon na ngiti ang iginawad sa kanya ni Gustavio. Hinawakan ni Gustavio ang baba niya. Mahigpit. Para mapilit siyang tumingin sa mga mata niya. “Let me introduce myself. My name is Gustavio Sebastian. Your godfather. Your owner. Your soon to be your husband . . . pick one. Or Iʼll pick for you.” Pero sa halip na umiyak. Dumura si Kesha sa mukha niya. “Oo. Iniligtas mo ako! Pero, hindi mo ako pag-aari! Wala akong pipiliin. Wala!” sigaw niya. Nanginginig pero may tapang sa kanyang mga mata. Pilit niyang tinanggal ang kamay ni Gustavio sa baba niya. “Pakawalan mo na ako. Alam ko namang mabait ka. Iniligtas mo nga ako ʼdi ba?”“Ito naman ang gusto mo. Ang lumayo sa iyong pamilya. Handa akong tulungan ka.”
“T-tulungan. Alin ang maging asawa mo? Ito ba ang kapalit sa tulong na ginawa mo sa akin?”
Dahan-dahan na pinunasan ni Gustavio ang dura sa mukha niya. Hinablot niya ang pulso ni Kesha. Mahigpit. Hangang sa mamutla ang balat nito. “Iniligtas kita?” Tinulak niya si Kesha pahiga sa kama. Malakas. Bumagsak ang likod niya sa malambot na kama. Habang pumaibabaw si Gustavio sa kanya. “Let me correct you,” bulong niya sa tenga ni Kesha. “I didnʼt save you. I claimed you.” “Now itʼs your turn.” Dinukot niya ang isang ballpen mula sa bulsa ng basang suit. At itinutok sa leeg ni Kesha. “Sign it. Or Iʼll sign it with your blood.” Nanginginig ang buong katawan ni Kesha. Ramdam niya ang malamig na dulo ng ballpen sa balat niya. At ang bigat ng katawan ni Gustavio sa ibabaw niya. Pero sa halip na umiyak. Tumawa siya. “Sige,” bulong niya. “Pipirma ako.” Natigilan si Gustavio hindi iyon ang inexpect niya. For the first time in twenty years, Gustavio didnʼt know what to do next. Ang ballpen sa kaniyang kamay ay nakatutok pa rin sa leeg ng dalaga. Pero, imbes na matakot ito. Ngiti ang nakita niya sa mga labi nito.“You think this is a game?” tanong ni Gustavio.
“Hindi,” sagot ni Kesha, habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng binata. Kasunod ng paghablot niya ng ballpen sa kamay nito. Naisip niya na ito rin ang tanging paraan upang makapagtago siya sa kanyang pamilya. Binuksan niya ang ballpen at kinuha ang basang papel. Saka niya ito pinirmahan.
KESHA POVHindi maiwasang pagmasdan ni Kesha ang ma-muscle na katawan ng binata. Naroon pa rin ang sakit sa pagitan ng kanyang mga hita. Bahagya siyang napalunok, nang bumaling ng tingin si Gustavio sa kanya.“Donʼt fall in love with me, Kesha . . . kung ayaw mong masira ang buhay mo,” walang pusong sambit sa kanya ni Gustavio. Mahigpit namang niyakap ng dalaga ang kumot na bumabalot sa kanyang katawan. Ang punit na damit na inihagis sa kanya ng binata ay tila basahang nagmarka sa gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Hindi niya napigilan ang luhang pumatak sa kanyang mga kamay. Tahimik. Walang ingay. Hindi man takot, ngunit ayaw niyang ipakitang mahina siya. “Hindi mangyayari ʼyon!” matapang niyang sagot kay Gustavio. “At kailanman hindi ako iibig sa isang katulad mong hangal!” Napataas ang gilid ng labi ng binata. Humarap siya sa dalaga. At mahigpit niyang hinawakan ang ibabang mukha nito. “Hangal?” Humigpit ang hawak niya, napadaing ito sa sakit. “Last night, you were begging for m
(R-18)Ilang sandali lang ang nakalipas, ngunit bakas ang marka sa kanang leeg ni Kesha. Pinipigilan niya ang takot at panghihina na kanyang nararamdaman. Alam niya sa sarili na hindi dapat iyon nangyari. Parang puno ng sabik ang mga labing bahagya niyang kinagat. Nang maalala ang namagitan sa kanila ni Gustavio. Hanggang ngayon ay gising siyang binabangungot ng mga halik na iyon. “Your mine, Kesha . . .” salitang muling nag-uulit sa kanyang isipan. Sa katabing bahagi niya, naroon si Gustavio. Mahimbing na natutulog. Pero, bakit may kirot siyang naramdaman, nang titigan niya ang buong mukha nito. Ang malantik na pilik mata, matangos na ilong at magandang labi na kanyang nakikita. Subalit, napakunot-noo siya. Nang tawagin siya nito na inaanak, habang binabangungot. Paano nga ba mangyayari iyon, kung ni minsan sa kanyang pagkabata ay hindi man lang niya ito nakilala? Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakatabi nito. Hindi para tumakas, kundi para pag-isipan ang mga susunod niyang hakbang.
GUSTAVIO POVTahimik na nakamasid sa kapirasong papel si Gustavio. Ilang dokumento na rin ang mga iniayos niya bago mabuo ang kanyang mga plano. Ang kompanyang sa matagal na panahon na niyang iniingatan. Nakayukong pumasok ang kanyang sekretarya na si Lucy, habang dala ang ilang mga papeles na kailangan niya. Hindi man lang siya tumingin. Kundi abala ang mga mata niya sa pangalang nakalimbag sa kontrata. “Mr. Sebastian. Heto na po ang mga dokumento.” “Leave it on the desk,” utos niya. Malamig at malumanay, pero may bigat na hindi kayang suwayin sa salitang pinakawalan niya. “At Huwag kang babalik hanggaʼt hindi kita tinatawag.”“M-masusunod po, Mr. Sebastian,” wika ng sekretarya niya, saka ito dali-daling lumabas. Halos hindi mawala sa isipan ni Gustavio ang dalagang magsisilbing daan sa mga balak niya. Bahagya niyang hinaplos ang pangalan ni Kesha sa papel. Parang dasal o sumpa ito sa kanya. Hindi niya alam. Ngunit, nakararamdam siya ng init sa kanyang katawan. “Twenty years,” bu
Malakas na buhos ng ulan ang nagpagising kay Kesha. Habang ang hampas ng puting kurtina mula sa pinto ng balkonahe ng silid niya ang saksi sa malamig na hanging dumadampi sa kanya. Bahagya siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Suot niya ang manipis na asul na bistida na bumagay sa kanyang maputing balat.Agad niyang hinawakan ang kanyang ulo nang maramdaman ang matinding kirot. “A-ang sakit . . . nasaan ba ako? At kaninong silid ba ito?” sunod-sunod niyang tanong sa sarili habang dahan-dahang inaaninag ang mga mamahaling muwebles sa loob nito.Hanggang sa mapansin niya ang pinto ng balkonaheng nagbibigay liwanag sa kanyang paligid. Kirot ang naramdaman niya sa kanyang mga paa, ngunit pilit niya itong iginalaw nang maramdaman ang malamig na sahig. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa nakabukas na sliding glass door nito. Dampi ng hangin ang agad na bumungad sa kanya, habang sa ʼdi kalayuan ay natatanaw niya ang malalakas na alon ng dagat na walang tigil sa paghampas sa
Alas nuebe na ng gabi nang dumating sila sa mansion. Galit na galit si Don Ramon dahil wala siyang nagawa para malaman kung sino ang kumuha sa kanyang anak. He felt depeated. Iyon ang mas ikinagalit niya nang mamatay ang matandang lalaki. “Wala kayong utak! Hinayaan niyo lang silang makatakas.” Sabay hampas nito sa ibabaw ng lamesa. Bakas pa rin ang galos at ilang dugong nagmarka sa kanya. “Honey . . .” malambing na tawag ng kanyang asawa. “Ang mahalaga ay nakaligtas tayo sa mga taong ʼyon. Pʼwede pa naman tayong gumawa ng paraan para mahanap siya.”Mistulang sarado ang isip ni Don Ramon. Hindi siya makapapayag na basta na lang mawala ang kanyang anak. Mabilis niyang hinawi ang mga kamay ng kanyang asawa. “Pinahiya niya tayo, Papa. Lalo na ngayon patay na ang matandang ʼyon. Matapos ang lahat ng ginawa ninyo para sa kanya, ganito pa ang isinukli niya. Hindi dapat siya hinahayang makalayo.”Lalong nagdilim ang mukha ni Don Ramon sa mga narinig. Mabilis niyang dinampot ang baso ng al
“Bitawan niyo ako!” “Hanggang kailan ka ba magiging matigas ang ulo, Kesha?!” “Please, ayokong ikasal sa kanya. Lahat gagawin ko para sa inyo papa.”Malakas muling sampal ang natanggap ni Kesha sa kanyang ama. Habang nakatitig lang ang kanyang inang tila may ngiti sa mga mata nito. “Kesha. Kung marunong ka lang makinig. Hindi ka sana masasaktan ng ganyan. Dinamay mo pa ang salot mong kaibigan,” galit na sambit ni Irish. “Baliw ka na ba? Best friend ko sʼya. Wala siyang kasalanan dito.”“Pasalamat ka pa nga at buhay pa siya.”“Papa, please. Mahal niyo naman ako ʼdi ba?”“Ngunit, kailangan kong gawin ito para sa ʼyo. Sige na. Dalhin niyo na siya. At sumunod ka na lang para hindi ka nasasaktan.”Ipaglaban man ng dalaga ang sarili niya ay wala siyang magagawa. Sa tapat ng pinto ng simbahan ay unti-unti itong bumukas sa kanyang harapan. Ngunit, bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya, nang walang kahit na sinong lalaki sa dulo ng altar. Tanging mga nakaitim na tauhan at kanyang ama an
“From now on! Magpapakasal ka sa lalaking ʼyon sa lalong madaling panahon,” galit na sambit ni Don Ramon sa kanyang anak. Tila sakluban ng langit at lupa naman si Kesha sa bawat salitang narinig niya sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwala na ipagkakasundo siya sa lalaking ni minsan ay hindi man l







