Share

Chapter 4. CAPTIVE

Author: J.Mades
last update publish date: 2026-06-20 00:17:57

Malakas na buhos ng ulan ang nagpagising kay Kesha. Habang ang hampas ng puting kurtina mula sa pinto ng balkonahe ng silid niya ang saksi sa malamig na hanging dumadampi sa kanya. Bahagya siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Suot niya ang manipis na asul na bistida na bumagay sa kanyang maputing balat.

Agad niyang hinawakan ang kanyang ulo nang maramdaman ang matinding kirot.

“A-ang sakit . . . nasaan ba ako? At kaninong silid ba ito?” sunod-sunod niyang tanong sa sarili habang dahan-dahang inaaninag ang mga mamahaling muwebles sa loob nito.

Hanggang sa mapansin niya ang pinto ng balkonaheng nagbibigay liwanag sa kanyang paligid. Kirot ang naramdaman niya sa kanyang mga paa, ngunit pilit niya itong iginalaw nang maramdaman ang malamig na sahig. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa nakabukas na sliding glass door nito. Dampi ng hangin ang agad na bumungad sa kanya, habang sa ʼdi kalayuan ay natatanaw niya ang malalakas na alon ng dagat na walang tigil sa paghampas sa dalampasigan.

“Nasaan ba talaga ako?” mahina niyang bulong.

Pilit niyang inaalala ang mga nangyari, pero pira-piraso lamang ang pumapasok sa kanyang isipan: Ang putok ng baril, ang kaguluhan sa simbahan at ang lalaking nag-abot ng kamay nito sa kanya. Ngunit bigla siyang natigilan.

“Oo. Tama ako . . . siya ʼyon.” Nang maalala niya ang binata.

Sa sandaling iyon, isang mahinang kaluskos ang kanyang narinig mula sa loob ng silid. Dahan-dahan siyang lumingon. At bumungad sa kanya ang matandang babaeng may hawak ng tray na mayroong pagkain.

“Señorita,” tawag ng matanda. “Mukhang gising ka na. Ito nga pala ang inihanda ko para sa ʼyo. Mas makakabuti itong bulanglang na gulay para magkaroon ka ng lakas.”

“Anong ginagawa ko rito?” kunot-noo niyang tanong sa matanda.

“Wala ka bang naaalala kahit isa? Halos wala kang malay noong dinala ka niya rito.”

“D-dinala?”

“Ito ang Isla de Gustavio. Ikaw pa lang ang babaeng dinala niya rito sa mansion,”nakangiting sambit ng matanda sa kanya.

Maingat namang inilapag ng matanda ang tray na may laman na pagkain sa bedside table niya. Ngunit bago ito umalis, isang salita ang pinakawalan nito sa kanya.

“Kung may kailangan ka pa, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin.”

Tahimik lang ang dalaga. Ngunit batid niya ang kabang nararamdaman, sa tuwing naiisip ang lalaking nagligtas sa kanya, sa bingit ng kamatayan. Sumagi sa isipan niya ang kanyang pamilya. Paano kung makita o mahanap siya? Tiyak na lahat ng iyon ay gagawin nila para magawa lang kung ano ang naisin ng mga ito sa kanya.

Aalis na sana ang matanda, nang patakbong pigilan niya ito palabas ng pinto.

“Sandali po. Sigurado po ba kayong malayo ito sa bayan?”

Salubong ang kilay na napatitig sa kanya ang mayordoma ng mansion.

“Kailangan mo pang sumakay ng bangka, bago ka makarating sa kabilang bayan nito. Tanging si Señorito Gustavio lamang ang maaaring magbigay sa ʼyo ng pahintulot na umalis ng mansion.”

“Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap,” pagpupumilit na sambit ni Kesha.

“Wala rito ngayon si Señorito Gustavio. Hindi ko alam kung kailan ulit siya babalik dito sa mansion.”

Agad niyang hinawakan ang mga kamay ng matanda.

“Nakikiusap po ako. K-kailangan ko lang siyang makita.”

“Kumain ka at magpalakas. Iyon ang mas kailangan mo. Sige na, marami pa akong dapat unahin sa kusina.”

Lalabas na sana siya ng silid nang bigla siyang pigilan ng mayordoma.

“Hindi ka maaaring lumabas. Iyon ang bilin ni Señorito.”

“At bakit hindi?” Napakunot-noo si Kesha.

Bahagyang yumuko ang mayordoma sa kanya.

“Paumanhin po, Señorita. Iyon kasi ang utos ni Señorito Gustavio.”

“Utos?” hindi makapaniwalang ulit ni Kesha. “Ano ako, bilanggo?”

Hindi agad nakasagot ang mayordoma at tanging pagyuko lamang ang isinagot nito sa dalaga. Bago niya isarado ang pinto.

***

Halos hindi naman magkaintindihan si Irish sa paghahanap niya sa kanyang nakababatang kapatid. Padabog niyang ibinaba ang telepono matapos muling makatanggap ng kabiguang ulat mula sa kanyang tauhan.

“Paano ba siya nawala na parang bula?” gigil niyang saad sa sarili.

Muli niyang dinampot ang telepono at tinawagan ang isa sa pinag-utusan niya.

“Hanapin ninyo siya,” malamig niyang utos, habang unti-unting sumilay ang isang mapanganib na ngiti sa kanyang mga labi.

Malaking pera ang sikretong inilabas ni Irish galing sa kanilang kompanya para lang sa kanyang kapatid. Batid niya na hindi ito malalaman ng kanyang ama. At kung makita man niya si Kesha ay siguradong kapahamakan ang ganti niya rito. Pero natigilan siya sa pag-iisip nang marinig niya ang malakas na sigaw ng kanyang ama.

“Irish!” malakas na sigaw ni Don Ramon sa loob ng mansion. “Nahanap mo na ba ang kapatid mo? Kailangan mong makita siya sa lalong madaling panahon!”

“Ginagawa ko naman ang lahat.”

“Dapat lang . . . kailangan niyang maikasal muli para sa kompanya natin. Matagal na ring panahon ang ginawa kong paghihirap sa kapatid mo. At ito lang ang tanging maitutulong niya sa atin.”

Isa si Don Ramon Matienzo ang nagmamay-ari ng Global Corporation na ngayon ay unti-unti nang nalulugi dahil sa pagkawala ng ilang investor sa kanya. At isa na roon ang pagkadawit niya sa pagkamatay ng isang babaeng nagngangalang Elizabeth Mondragon. Ang babaeng isa sa pinakamalaking investor sa kanilang kompanya. Tanging si Mr. Galio, sana ang makakasalba sa kanilang kompanya, kung naipakasal niya ito sa kanyang anak na si Kesha. Ngunit hindi nangyari dahil sa biglaang pagkamatay ng matanda.

“Eh, ano ngang gagawin ko, kung hindi ko siya makita?” sagot ni Irish sa kanyang ama.

“Mag-isip ka nga, Irish! Mas gusto mo bang ikaw ang ipakasal ko kay Mr. Buremeo?”

“Hindi ako katulad ni Kesha. Mas bagay siyang maging kabit ni Mr. Buremeo na iyan. Eewww! Kadiri ang matanda na ʼyon.”

“Huling baraha na natin ito, anak. Kaya gawin mo ang lahat para mahanap ang nagtatago mong kapatid!”

“What if, magpakasal ako kay Ninong Gustavio.”

“Hindi kita pipigilan kung iyon ang gusto mo. Mas maganda kung magiging bahagi siya ng ating pamilya. Dalaga ka na, at natitiyak kong magugustuhan ka niya.”

“Kaya nga, Papa. Tulungan niyo ako kay Ninong.”

“Tumigil ka nga . . . kung gusto mo siyang maging sa ʼyo—gawin mo!”

Tanging buntong-hininga ang pinakawalan ni Irish. Hanggang sa isang magkakasunod na mensahe ang natanggap niya mula sa kanyang napag-utusang lalaki.

“Sa isang Isla naroroon ang kapatid niyo. At napag-alaman namin na si Mr. Gustavio Sebastian ang tumulong sa kanya.”

Ni hindi napigilan ni Irish ang inis mula sa hawak niyang telepono. Nanginginig ang kanyang mga kamay at mabilis na inihagis ito.

“Bʼwisit!” galit niyang sambit. Saka siya bumaling ng tingin sa kanyang ama. “Papa, tawagan mo si Ninong Gustavio, na sa kanya si Kesha!”

“Ano?!”

“Malandi talaga ang babaeng iyan! Nakuha pa niyang humingi ng tulong kay Ninong!”

“Sigurado ka bang nasa kanya ang kapatid mo?!”

“Yes, Papa. Sa isang Isla raw siya nagtatago.”

Agad namang ipinag-utos ni Don Ramon na puntahan ang mansion ni Gustavio, sa pag-aakalang naroon ang kanyang anak.

“Siguraduhin mo lang na tama ang impormasyon mo, Irish!”

Napataas ang gilid ng labi ng kanyang anak.

“Never, naman akong nagkamali sa lahat . . .”

Mabilis na nag-sensyas ng kamay si Don Ramon sa kanyang mga tauhan. At agad silang sumakay ng kani-kanilang itim na sasakyan.

“Ginagawa ko naman ang lahat.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Anong relasyon ni Gustavio Kay Elezabeth?
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Salamat sa update bhe ...️...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 25. IRISH Matienzo

    Dalawang linggo ang lumipas. Wala pa ring balita si Jake at Lorie sa kalagayan ng kanilang kaibigan na si Kesha. Batid niya na hindi ganoon kaligtas ang kalagayan ng dalaga dahil sa maselang pagbubuntis nito. Kahit ang ilang nagtatrabaho sa farm ay hindi rin inakala ang mga nangyari sa kanila.“I told you befero, Jake. Dapat kasi sinunod mo na ang sinabi ko.”“Hindi mo siya kilala. Gagawin niya ang lahat para lang makita si Kesha. Ngayon pa na mayroon siyang dahilan.”“Sabihin mo nga sa akin. Ano bang dahilan ni Gustavio at ganoon na lang ang galit niya sa kaibigan ko.”“Sa ngayon wala pa rin akong alam. Ngunit, ilang araw na ring hinahanap si Kesha ng kanyang pamilya.”“Si Don Ramon ba? Hindi ligtas si Kesha sa kanila. Ako pa nga ang tumulong para lang siya ay makatakas noon. Isa pa roon ay ang taksil niyang kapatid na si Irish. Hanggang ngayon ay pinipilit nilang ipakasal si Kesha sa matandang mayaman na ʼyon.”“Matandang mayaman?” seryosong tanong ni Jake kay Lorie. “Hindi mo alam

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 24 TETHERED

    Ito na siguro ang oras. Iyon ang nagdidikta sa isipan ni Kesha. Binuksan niya ang kabinet. Puno ito ng mga magagandang damit. Hindi niya batid na magkasama sila ngayon ni Gustavio, sa isang kʼwarto. Pumasok muli sa isip niya ang mga gabing nangyari sa kanilang dalawa. Bakit pakiramdam niya ay hindi lang iyon sa napilitang sandali? Kundi dala ng bawat emosyon sa pagitan nilang dalawa. Ang pagtitig sa kanya ni Gustavio, na parang hindi siya nito kayang saktan. May pag-iingat, may pagsusumamo sa kanya. Ngunit, hanggang panaginip lang at panandalian ang lahat ng iyon. Ayaw niyang maniwala sa pusong alam niyang bumabaliktad sa bagay na hindi naman dapat.Tahimik lang si Kesha na nakamasid sa bintana. Malakas ang hangin. Ramdam din niya ang lamig nito. Tanaw niya sa hindi kalayuan ang mga kumikinang na ilaw. Hudyat na malapit na ang pasko. Napangiti si Kesha. Hinawi niya ang manipis na kurtinang puti na sumasangga sa kanya. Ngunit sa pagtingin niya sa ibaba. Hindi niya inakalang pinagmamasd

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 23. KESHA MATIENZO

    Mag-alas dose na nang gabi ay wala pa rin si Gustavio sa mansyon. At hanggang ngayon inaalala pa rin ni Kesha ang kanyang mga kaibigan. Lumapit siya sa isang kasambahay. Ngunit walang kahit na anong salita ang lumabas sa mga bibig nito. Paulit-ulit man ang mga tanong ni Kesha, tungkol kay Gustavio. Tikom ang mga bibig nito para sa binata. Malalim ang pinakawalan niyang paghinga. Tila ba hindi niya gusto ang mga nangyayari. Kahit telepono ay kinuha rin sa kanya ni Gustavio. No calls or any contact sa lahat ng kanyang mga kaibigan.“Wala bang sinabi si Gustavio sa inyo, bago siya umalis?”“Ang tanging sinabi lang niya ay huwag kitang hahayaang umalis dito sa mansyon. Pero, kung tungkol sa mga kaibigan mo. Wala akong alam, hija.”“S-salamat po. P-pasensya na po kayo,” sagot ni Kesha sa matanda kahit mautal-utal pa siya.“Kilala ko na ang batang iyon mula pagkabata. Mabait naman siya at may sariling desisyon sa buhay. At alam kong mahal ka niya at may nararamdaman din siya para sa ʼyo. Min

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 22. Jake Angeles

    Bakas pa rin sa katawan ni Jake ang ilang natamo niyang sugat dahil sa mga tauhan ni Gustavio. Ilang beses ba naman silang lagyan ng lubid ang kanilang mga kamay. Nabaling ang tingin niya kay Lorie na pilit kumakawala sa kanyang pagkakatali. “Jusko! Paano na tayo makakawala sa lugar na ʼto?” nag-aalalang tanong ni Lorie habang nakatali pa rin ang mga paa nito. “Wala talagang utak ang lalaking ʼyon!” sagot naman ni Jake. “Bakit ba hindi mo pagsabihan ang kaibigan mo? Kaibigan mo ba talaga siya? Bakit niya ito ginagawa sa atin? Jusko! Ni minsan sa buhay ko, hindi ko pinangarap ang mamatay.”Hindi napigalan ni Jake ang ngumiti kay Lorie. “Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para mabuhay ka.”“Huwag kang baliw. Tulad ng kaibigan mong halimaw. Bakit kasi hindi mo agad sinabi ang totoo sa lalaking ʼyon? Eh, ʼdi sana hindi tayo humantong sa ganitong bagay.”Hindi na nagsalita si Jake. At pinagmasdan ang bawat pasilyo ng lumang bahay. Ngunit bumungad sa kanilang harapan si Gustavio

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 21. SURRENDER

    “Let me go, Gustavio!” Iyon ang nararamdaman ni Kesha sa bawat mahigpit na hawak sa kanya ng binata. Sa pagbaba pa lamang niya ng sasakyan. Hindi niya napigilan ang makawala sa mga bisig nito. Daig pa niya ang isang manikang hindi makagalaw sa pagkakahila sa kanya. “Shut up! Kung ayaw mong magsisi sa huli!” “Magsisi? Buong buhay ko, pinagsisihan kong nakilala kita . . .”“Nagpapasalamat naman ako dahil ikaw ang nakilala ko . . .” seryosong sambit ni Gustavio. Hindi siya tigilan nito, hanggaʼt hindi nila nararating ang kanilang silid. Pagpasok pa lang nila ng mansyon. Parang nanumbalik ang lahat kay Kesha. Ang gabing nagkaroon ng pagitan sa kanilang dalawa. Ngunit hindi maaaring malaman ni Gustavio ang lihim niyang itinatago. Iyon ay ang kanyang pagbubuntis. Tiniis niya ang kirot na kanyang nararamdaman. Hanggang sa marating na nila ang silid ni Gustavio. Pagpasok pa lang niya sa loob. Amoy na niya ang pabangong halos dumikit na sa kanyang katawan. Ang halimuyak na tila may kung an

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 20. NO ESCAPE

    Maagang nagising si Kesha. Bahagya pa niyang kinusot ang kanyang mga mata. Pero ang katahimikan na kanina lang niya naramdaman ay napalitan ng ilang alingawngaw sa labas. Agad siyang bumangon. At mabilis na binuksan ang pintuan ng kanyang silid. Nagtungo siya sa kuwarto ni Jake. Subalit, wala ito roon. Hanggang sa magkakasunod na putok ng baril ang mas nagpakaba kay Kesha. Naalala niya ang kanyang kaibigan na si Lorie. “Lorie . . .” sambit niya sa pangalan ng kanyang kaibigan. Pagtungo niya sa kabilang silid. Nagkalat ang ilang mga papel. At sa palagay niya ay mga dokumento ni Lorie. Kahit ang bag nito ay hindi rin nakaayos. Napahawak siya sa kanyang dibdib. At napasandal siya sa wall mula sa katabing pinto nito. Kahit saan dumako ang tingin ni Kesha ay hindi niya makita ang kanyang kaibigan. “A-ray!” biglaan niyang sigaw at paghawak sa kanyang tiyan. Para siyang nakaramdam ng pananakit. Ngunit, nagpatuloy pa rin si Kesha sa paghahanap. Suot pa niya ang manipis na puting telang bum

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 5. OWNED

    GUSTAVIO POVTahimik na nakamasid sa kapirasong papel si Gustavio. Ilang dokumento na rin ang mga iniayos niya bago mabuo ang kanyang mga plano. Ang kompanyang sa matagal na panahon na niyang iniingatan. Nakayukong pumasok ang kanyang sekretarya na si Lucy, habang dala ang ilang mga papeles na kail

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 3. HUNTED

    Alas nuebe na ng gabi nang dumating sila sa mansion. Galit na galit si Don Ramon dahil wala siyang nagawa para malaman kung sino ang kumuha sa kanyang anak. He felt depeated. Iyon ang mas ikinagalit niya nang mamatay ang matandang lalaki. “Wala kayong utak! Hinayaan niyo lang silang makatakas.” Sa

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 2. UNEXPECTED

    “Bitawan niyo ako!” “Hanggang kailan ka ba magiging matigas ang ulo, Kesha?!” “Please, ayokong ikasal sa kanya. Lahat gagawin ko para sa inyo papa.”Malakas muling sampal ang natanggap ni Kesha sa kanyang ama. Habang nakatitig lang ang kanyang inang tila may ngiti sa mga mata nito. “Kesha. Kung

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 1. ESCAPE

    “From now on! Magpapakasal ka sa lalaking ʼyon sa lalong madaling panahon,” galit na sambit ni Don Ramon sa kanyang anak. Tila sakluban ng langit at lupa naman si Kesha sa bawat salitang narinig niya sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwala na ipagkakasundo siya sa lalaking ni minsan ay hindi man l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status